With lawmakers like ours, who needs terrorists?!
Itim muna, bilang protesta sa kalokohan ng Senado. gusto ko mang ma-rape gabi-gabi, ayoko naman ma-rape sa selda noh! I want to be able to write and say anything that I want, dahil di naman ako iresponsableng blogger. How dare them take that away from me?!
Bekilandia, stand up for your right! Wititit na itey about sa otoliz, wiz na itechi dahil sa landi, at witchikels lang mga beki ang affected.
Lahat tayey.
Blogger ako noon, kriminal ako ngayon.
Ganun ba dapat ang peg?! Nasaan naman ang flamboyance at pagka-fab jan?! Anu outfit, orange jumpsuit?! Di ba pwedeng pink sa akin?! Susko naman, di pa ba sapat ang mga eksenang kinekembot natin sa araw-araw bilang beki ng bayan?! Inequality, injustice at discrimination nga davah?! Ngayunchi, pati fb at twitter?! At ang mas nakakaloka, may kulong pang kasama! Anong peg, flowerpuff girl ng city jail?!
Anyareh, Inang Bayan kong mahal?! Pano na ang reputasyon mo?! Emphasis on 'puta' na naman ba?! Sino ba kasing mga shungaers ang nagsiboto sa cybercrime law na itey?!
It's not so much about just the law. More on why it was passed, and who actually benefits it.
Pano ba ipinasa yun?! Ano yun, di nagbasa mga senador?! Nung nag-react na ang taong-bayan, saka lang nagsipag-statement?! Weh julie vega na mam! Napirmahan na, pasado na, effective na nga bukas! Kalurkey! Anu yun, nabasa lang nila na pag me sinabi against them eh kulong kulong agad ang emote, pirma agad?! Pero kapag nangopya sa internet keri lang?! Sumo-Sotto ganun?!
Anu to, power tripping to the highest level?! "Nangopya si Sotto. Bumili ng pirated DVD si Estrada. Nangabayo si Lapid." Boog! Mutya ng mga kakosa agad ang kalalabasan mo. Di lang nagustuhan ang comment, at ni-like lang ng friendship, pak na, cellmates na kayo sa Presinto Otso.
Whatever happened to the good old blocking button?! Ganun na ba kagrabe ang insecurities mo at di mo na kinayanan na ipagtanggol ang sarili mo sa mga cyber bullies?! At di ka lang nagsumbong ke Mommy ha, ke Atorni agad. Para san pa ang Face to face ni Tiyang Amy kung di na uso ang baranggayan?!
Sa Iskwater, di ganung affected sa Cyber Law. Duh, yung 15 pesos na ibinayad mo sa pagrenta ng isang oras sa computer at internet, uubusin mo pa ba sa paghahanap kung sinong ididimanda mo?! Wit na di ba?! Upload ka na lang ng songs para sa MP4 or MP5 player mo, mag-post ng profile pictures, at magbasa sa blog ni Baklang Maton. Kaso, dahil sa cybercrime law na yan, pati yung ginamit ni Kokey at ni Orak na computer sa pagla-like at pag-comment sa status ni Aljur-rog na inaasar nya si Jericho (aka Jerry Kuba) pwedeng ma-sequester kapag nagkademandahan. Damay na rin lahat ng nag-like.
Kung gento inaatupag ng mga kumag na tagagawa ng batas, weh anu pang silbi ng computers?! Bawal mag-download, bawal mag-blog ng
offensive, bawal mag-like, bawal mag-comment, bawal mag-share. Abetting na daw yun. Mga websites, pwedeng ipa-close. Mga torrent at songs, di na pwede makuha online. Ang mga kalandian, di na pwedeng i-blog!
Nakakaloka.
Pinas,
anyareh?!
Bilib talaga ko sa tagline ni
Professional Heckler. The problem with political jokes is they get elected. Naku, baka ikakulong ko pa to. Buti sana kung hindi applicable sa magaganda ang batas. Eh kaso, mukhang applicable sa
lahat, except sa mga sumusunod sa Golden Rule -- if you have gold, you make the rules.
Sa US nga, di umubra ang SOPA at PIPA. Sa Pinas, napa-tumbling ako. Di ko talaga kinaya ang power ni Sotto! Anu nang nangyari sa RH Bill?! Ex-Japan na agad, years bago magkaron ng desisyon, PARA LANG SA BUDGET PAMBILI NG CONDOM?! Bawal ba bumili ng condom?! Samantalang si Cybercrime Law ha, palos ang arrive, walang nakaramdam, biglang boog! Pirmado agad! Kayo na! Kayo na talaga! #repostlangtowalaakongkinalamansapinagsasasabikowagnyokongikulongPLEASE
Wala na, Bekilandia. Pag in effect na ang kalokohang ito, magsama-sama na lang tayo sa selda.
Nakakadismaya ka, Pinas.
Pag pumayag ka sa gento, tama nga lang ba na iniwan na kita?
Uuwi pa ko dyan...
Wag ka namang magpaka-
puta.