Magpapakagat ka ba?
Eto isa pang nakabaon sa baul. Wala ng social relevance pero kalkalin ko na rin para mabawasan ang drafts ko davah?! October 30 pa ata tong premiere night na to hehehe... Wag na umangal, gusto ko mag-movie review eh hihihi... This will just be a prelude to another blog I'm working on... Ang buhay pag-ibig, sa perspective ng Aswang sa buhay ni Biem. Exciting!
Heniwei, sa pelikula muna tayo. As a lilet, fan na fan akez ng movies. From Okay Ka Fairy Ko, hanggang Tyanak, anak ni Janice, Magic Temple, Shake, Rattle and Roll, Takbo, Talon, Tili, pati na Halimaw sa Banga, at Pik-pak-boom. Betinolla ko rin pala yung "Bampira" starring Mama Maricel, at Papa Christopher. Winner kaya si Jayvee Gayoso bilang kuya ni Cara. Plus the legendary Nida Blanca. I'm sure napanood mo yun bakla. Two movies in particular na talagang kinalukahan ko dati, coincidentally eh pareho ang eksema: Aswang.
Una yung sa Shake, Rattlle and Roll 3 na third episode sa movie. Yun yung namiyesta ang lola Manilyn kila Ana Roces sa probinsya, tapos yung tricycle driver na naghatid sa kanya -- si Richard Gomez na di pa ganong sikat that time -- eh sinabihan sha na gumo-home na kasi bayan ng Aswang ang napadparan nya. Extra pa lang din si Malou de Guzman dun, sayaw-Sisa pa ang peg ng role ng lola mo. At si Ana Roces ay ka-level pa ni Anna Dizon sa kasikatan. Sa movie, pinagpalit ni Manilyn ang tsaa na may pampa-borlogs kaya si Ana Roces ang nakainom. Pero bago sha nakatulog eh ikinuda muna nya na dededlakin na nila si Mane para gawing virgin oil at ipampahid sa mga tyanenat para maging full-blown monster. Pinagpalit ni Mane ang sleeping arrangement at saka nagtalukbong. Ayun, dinurog ng pambayo ng bigas si Ana. Nung nagkabistuhan eh nakatakbo naman ang bida at nakarating sa site ng lumang simbahan. Sa movie eh nakaligtas si Mane at Aljon gamit ang mahiwagang rosary na ibinala sa tirador. At umapoy-apoy na nga ang Rex Cortez na gumanap bilang TL ng group aswang.
Bali-balita eh totoong pangyayari daw ito sa isang bayan sa Ilo-ilo. Dun daw sa pinagdausan ng camp namin last Holy Week. Impernes, nun camp namin, nasa kumbento naman pero pagsapit ng takipsilim, gora na talaga ang isang jeep na pulis, with matching armalite, at mega bantay sa aming mga youth campers. Ayon din sa mga bali-balita, trulabelles ang eksena na nakawala sina Mane at Aljon, pero after a few days daw eh na-dedlak din dahil sa sakit yung pinagbasehan ng character ni ate, at nailibing daw nila, pero nung hukayin uli yung bangkay, waley na dun at naging katawan na ng saging yung pumalit. Di ko rin Beyonce KNOWles bakit hinukay uli. Basta ang creepy lang davah?!
Yung isa pang Aswang movie, andun pa rin si Manilyn sa isang epic role: yaya. Yun ata ang expertise ni Manay Mane hehehe. Eto naman yung movie nila ni Aiza at Alma Moreno. Na-masaker ang family ni Aiza, at tumakas sila from the killers. Kasama si Berting Labra, napadpad sila sa isang liblib na bayan na -- surprise surprise! -- sinasalanta pala ng Aswang. Of course, present ditey si Madam Lilia Cuntapay, sya yung matandang aswang sa movie. Pinaka-creepy moment sa kin yung naglalakad si Alma tapos nagiging hayup sha, then matanda, then Alma na naka-tangga, then matanda uli, then hayup uli, habang napapaligiran sha ng mga puno at nag-aagaw na ang liwanag sa dilim. Eto eh mejo traditional na approach sa aswang, kasi shapeshifter sha, lumafang din sha ng jontis na beybi ni Janice, at nagpapahid sha ng langis sa bagang hihihi!
Impernes, ilang gabi kong binangungutan itey, kasi ang haggard lang. Tumatakbo sila sa mga mamamatay-tao at ang sasalubong sa kanila eh nangangain naman ng tao. Loss kahit san mapunta davah?! Naaalala ko pa, shogo si Aiza sa cabinet na may wooden blinds, at sho-es lang ang na-sightsung nya. Significant yung buckle sa sho-es ni kuya killer kasi yun ang naging palatandaan nya kung sinetch ang mga murderer. Favorite ko ring eksena dun yung nagpalit ng anyo ang lola Alma, at mega copycat sa Mane, kaya confused naman daw ang Aiza (o di vah bata pa lang potensyal na sa identity crisis?!) Moral lesson, wag magtiwala sa mga bait-baitan. Wag maniwala kay Prinsepe Adolfo na may mukhang nakangiti ngunit ahas pala. Wag manalig sa Aswang na maamo kasi may itinatagong kasamaan. Mas bet ko pa yung mga umpisa palang eh maldita na pero nasa lugar, di ka mangangapa ng kung pano kikilos kasi alam mong hindi ka pinaplastik. Ang ending, shempre natalo nila si Ness kasi walang effect ang tangga nya sa asin ni Aiza.
Naloka ka sa intro ko davah? Intro pa lang yan, Mam! Eh kasi nga, last October nagkukudaan kami sa twitter at out of pang-aasar lang (swear!) sa frendship kong si Jamie Kate eh nagpadala akez ng piktyurakka ketch na ganda-gandahan sa muk-ap at wigaloo. Me pakontes kasi si Papa Paulo Avelino para sa movie remake nila ng Aswang, kaya sumubok na rin si bakla. Kung ma-loss eh di keri lang nang-aasar lang naman. Kung winner eh di mas bet! Kakagat ako kay Paulo ng may laway-laway at may kamandag pa! Eh kakampi ko ata si Mareng Karmi last weekend kasi bongga talaga lahat ng eksena ko. Boom! Winner si bakla, sabi pa eh "Pretty!" daw akeiwa. Napa-ipit tuloy akez ng aking imaginary heriret sa tenga. Ang resulta, kakagatin ako ni Paolo, with matching photoshoot at tickets sa premiere night.
That day, star-studded ang arrive ko. Fresh from my drag queen night nung nagdaang gabi sa Malate, borlogs lang saglit then gora naman sa Peter Pan the Musical sa Meralco theater (na until now eh di ko pa bayad ang ticket -- three months na!) Sam Concepcion, hay, ako man si Tinkerbell ipaglalaban din kita ng patayan. Ubusang fairy! Ay wait, juswang nga pala, wit enkantadia...
Hayun nga, gorabellespalsy na akeiwa sa premiere night. Dinala kami sa backstage at nagpakagat kay Paolo. Naloka ko kasi may nakita akong aswang sa likod bwahahahaha. Yung "handler" aka "ultimate fan" nina Kerbie at Mart, andun din mam, kabungguang-siko ang lolo Paulo Avelino. Oh ikaw na talaga ang friends to the stars wahehehe... Basta kami me piktyurakka.
About the movie naman... Hmmm... Anu ba to, remake, re-imagination, re-kembular?! May mga elements dun sa orig na andun pa rin, pero mas maaming binao na nagpachaka dun sa movie hehehe. Lagyan ba kasi ng love story?! At si Jilian Ward, may gas! Ang ingay! Anu ba yung bibig ng batang yun?! M-16 ata ampupu... Tapos si Albie Casiño pa, na may kayabangan talaga impernes kahit sa personal, puro yabang may gulay. Sa aktingan naman, nilamon sha nung mga ekstrang aswang.
Ang nakakatakot dun, mejo gora ala-Saw ang effect eh. Hindi nakakatakot yung story, nakakakilabot lang yung mga patayan. Joem impernes pasok sa banga na kontrbidang aswang. Si Marc Abaya rin pala, kairita ang peg kaya bet ko. Si Lovi Poe, bilang sha ang bida ditey... Aswang na mahinhin ang peg?! Eh malandi pa si Jilian Ward neng! Shepre bilang aswang ka, dapat kahitpano me konting angas ka naman. Sha pa naman daw ang tinaguriang sugo kasi keri nya ang convert-to-aswang process na rare sa lahi nila.
Betinna kez yung tumFACT na ginawa nilang community ang mga aswang, at hindi lang isang tao. Nilagyan ng mythology ang pinagmulan ng mga lola mo. At may pahaging din sa paka-corrupt ng mga ungas na politiko ha, impernes. Kasi yung means of transportation ng mga aswang, parang tanga lang. Mega gapang sila sa ilalim ng lupa, sabay bublaga na lang bigla sa harap mo. Kaso, di nila keri gumapang sa.... Semento! Nyahaha. Kaya ang panakot ni politicians eh ipapa-semento ang buong bayan pag hindi nagbigay ng suhol. Kaloka noh?!
Hemingway, kung bet mo yung mga tipong madugo at nakakadiring muvi, gora na at bilhin ang orig na dibidi. Kung an peg mo lang ay tsumismis kung tama ba ang mga pinagsasasabi ko ditey, sige settle for less na, buy da pirata version kung meron pa. Basta ako, Alma-Aiza-Manilyn pa rin ang choice ko. May tatak kasi sa isip, kahit ikwento ko sa mga apo ko, siguradong matatakot pa rin sila.
Bat ba ko kuda ng kuda ditey?! Wala naman na yung nyelikula. Wiz na rin makakatulong sa promotion bilang archive na nga itechiwa ng Regal. I guess kuda ako ng kuda ditembang simply because I miss the old movies na ginagawa nila dati. Yung mga klase ng pelikula na lelevel ke Kumander Bawang at Bala at Lipstik. Me and Ninja Liit at sa She-man. Pati na sa daan-daan na atang pelikula ni Lilia Cuntapay bilang Aswang or napagkamalang Aswang.
Or baka biased lang ako kaya hindi ko nagustuhan yung movie. After all... Alam naman ng lahat ng nagbabasa ditey.
Ayoko sa Aswang. He-he-he.
ay teh, witembang ma-sightsuna ang mga piktyur mo..na-SOPA ata...^^,
ReplyDeletewaley picture bm..
ReplyDeletebet ko din ung alma-aiza-manilyn promise...
ReplyDeletewa ang foto..
ateh witchels ang pikturaka ..... saan na gusto ko panaman ma sight maam...
ReplyDeleteay maam witchels yung mga pikturaka maam san na bet na bet ko pa naman ma sight maam tsaka pareho tayo maam mas winner yung mga movies dati...
ReplyDeleteAyan meron na pong piktyurakka... Sensha spa naman!
ReplyDeleteseriously, where was I all these years? just found out about your blog today and practically read all entries that I can for tonight. sobra kang mahusay na magsulat. nakakatawa. very engaging at napaka-kulay. i'm now a fan. :)
ReplyDeletebaks:)) whats your twitter account?? ill follow you guys:)) im enjoying your company?? ;))
ReplyDelete