Kawawa Ka Ba, Bakla?
Sabi ni Sweet, kawawa ka daw bakla. Sabi ko naman, di ah! Winner ka kaya!
Me barkada akeiwa na magandang badet. Badet na mukhang babae yun pero di operada. Me asawang mashala na student. Madalas nasa haus lang sha at nagpapaganda, si bowa ang nagtatrabaho. Niligawan sha ni jusawa-to-be, ibinahay, at sinuportahan ang buo nyang pamilya. Ilang beses na shang pinadalhan ng dolyar nung ex nya na nakilala lang nya sa elevator, nag-hi sa kanya, at sinagot nya ng "I'm blessed!" Ayun, nahumaling na si Kuya. Madalas me sundo yan, naka-expedition, explorer, at kung anu-ano pang Ex. At pag kinakati ang tinggil ko, gora ako sa pad nyan. Rarampa sha ng mga 10 minutes. Pagbalik, me kasama ng pulutan, tig-isa kami. Kawawa ba sha? Winner ka, badet!
Yung isang bekbek sa min sa iskwater, si Malou. Naging jusawa nya si Amboro. "Amboro" tawag sa lulurki kasi yun ang tawag nya sa marlboro kahit 20+ yrs old na sha. Nagsama rin sila sa isang bubong at tumagal ng 8yrs ang pagsasama. Nung isang buwan lang naghiwalay sila kasi nakabuntis pala si Amboro. Nag-attempt ng suicide si Malou. Gamit ang kawad ng kuryente, nagbigti sa 3rd floor ng bahay nila. Kaso dahil mababa ang kisame ng 3rd floor, pag tumayo sha ng tuwid eh mauuntog na sha. Kaya nung nagbigti sha, paluhod para maisabit nya yung leeg nya.
Dahil di nya malaman kung papano pupuwesto sa tali, sa tagal ng eksena eh nakita sha ng mga kasama nya sa bahay, inawat at pinakalma. After a few cartwheels, umuwi na lang sha ng Davao. Ilang linggo lang at nakakita na sha agad ng bagong asawa. Andaling naka-move on! Happy na sha sa pamimitas ng suha. Kawawa ba sha? Bongga ka, bekbek!
Dun sa labas ng iskwater, me isang parlorista dun na tarush. Yung me-ari, si Eric, me kinakasamang binatang ama, si Hansen. 7yrs old na yung anak nya, kaya 7yrs na rin silang nagsasama. Nung minsan, habang kinukulot nya ang shoulder length kong bigote at one-sided kong balbas eh tinanong ako ni Eric.
"BM, me alam ka bang penile enlarger?" Nawindang ako. Sabi ko wala.
"Bakit kelangan mo pa ng pampalaki ng kembot, eh biggie naman si Hansen?"
"Hindi para sa kanya. Para sa kin." Mas nawindang ako. Tumbling di ba?!
Sa katagalan pala ng relasyon nila eh me na-develop ke Hansen. Nung una daw ay lie-la-dee (naka-lie lang sa kama) si Kuya. After ng ilang years eh sinubukan nya na ring bodahin si Eric. Yes kumukuda na si straight kuya. At eto pa, kumapit ka. Pag nagkekembutan daw sila eh madalas "nasasaling" ng nota ni Eric ang puwetina ni Hansen. Napapansin daw nya na parang napapapikit ang lolo mio, kaya minsan daw eh sinubukan nyang uringin ang Hansen. Pumayag daw, at ngayon nga eh nasasarapan na sa uringan nilang magbowa. Shocking Asia! Best of both worlds ang drama. Kawawa ba sha? Ang sabi ko na lang ke Erik: Birador kang parlorista ka! Nakakaloka!
Madalas akong makabasa ng mga nahoholdap sa kalye na beki. Meron namang iba, pinasakan ng kung anu-ano sa kipay habang nasa mot-mot. Yung iba eh ninakawan naman habang bumu-booking. And worse, pinatay na badet sa sarili nilang apartment. Eto, walang argumento, kawawa talaga ang mga biktimang bakla. Pero di ako naniniwala na biktima lagi ang bakla.
Kasi nung bata akeiwa eh lagi akong karay-karay ni Bibiana sa city jail kasi dun nagwo-workaloo si Stepdad. Ning andaming beki dun na nakaka-orkot ang arrive! Me holdaper, snatcher, pusher, akyat-bahay, jailwalker, estapador. Yung ibang beki dun eh "asawa" ng mga mayor, yung makikinis eh walang gawain kundi paligayahin ang ibang preso. Di ko sinasabing porke madalas na biktima ang beki eh dapat matuto shang gumanti. Pero tingin ko, kawawa man ang ibang beki, marami pa ring beki na palaban at di nagpapaapi. Ang taray mo, beki! Fight lang ng fight!
Ang common notion pag nakipag-bongkangan ang lulurki sa bayot, pera ang habol. Kung libre naman, bayot sa bayot ang labanan. Bibihira yung straight talaga na papayag makipag-bongkangan ng walang kapalit. Kahit pa dalawang boteng redhorse lang yan, kapalit pa rin. Sige andun na ko, di ko na kokontrahin yun. Pero on the colorful side of the rainbow, aba winnie cordero ang bayot kasi meron shang something na pwedeng ibigay.
Sabi ko nga, habang me poverty, me bayot na masaya. Ang bayot marunong dumiskarte, kaya nagkakapera. Ang bayot marunong kumayod, maraming kaututang-dila, maraming koneksyon, maraming datung, maraming kalakal. Kaya sha ang pinupuntahan ng majijirap na nilalang. Di lang naman sa lalaki napupunta ang yaman ni beki ah. Maraming bayot na breadwinner. Plenty ang bayot na sandalan ng pamilya pag tuition time na ng shupatid at shumangkin. Havs ng mga bayot na utangan ng bayan kasi blooming ang raket. Sige, gurl, magsumikap ka. Para masabi mo sa mga jologs na tsismosa, Yaya! I'm such a winner!
Pag naghalikan daw ang dalawang kuya, nandidiri ang mga babaylan. Pag dalawang babaylan naman ang nag-lipchukchakan eh natu-turn on ang mga kalulurkihan. Try nga natin na dalawang borboli ang maglaplapan. Yung dalawang hiphop na borboli, mega baggy sweat pants at XXXL na shirt, me cap pa na baliktad at bling-bling na kwintas. Tapos silang dalawa eh magpapalitan ng gums at tonsils. Choosy ka pa! Di ba di mo rin keri? Sa dalawang macho na lang ako. Try mo manood ng plentiful na indie films, masasanay ka rin. Pag nasanay ka na, eh di kiss and make up na. Kawawa ba sila habang nagsu-swap sila ng ngala ngala? Ang shala kaya! Winona ka bakla!
Nung isang beses, pasakay ako sa LRT, me nakatayo sa pintuan na baklang marungis. Tapos nung lumakad sha, nakaluhod yung isang paa, kasi yung left leg nya, hanggang tuhod lang. Kaya pag naglalakad sha, laging nakaluhod yung isa. Lumapit sha sa mga kasamahan nyang bakla na marurungis din. Pero wag ka, nung nag-usap na ang tropa, nosebleed english talaga ito. Fluent sila, as in, at me accent pa kamo. Nagte-train pala sila sa city hall para maging call center. O davah, ang mga beking walang langit, me pangarap rin! Maligo ka lang beki, mahalia fuentes ka na! Shower na!
Nakakita ka na ba ng rambol ng mga bakla? Ay dumayo ka dito sa iskwater, normal na kaganapan lang yan. Isang beses nga, me kapitbahay kaming hinoldap habang naglalakad pauwi. Di kasi sha mukhang taga-iskwater, closet badet kasi lolo mo. Pasimple lang yung lakad nila, di mo mahahalata na me nakatutok na palang balisong ke bakla. Eh napadaan sila sa tropa ng mga beki. Akala nung holdaper hindi pipiyok ang lola mo, biglang umupo sa tumpukan at tinuro si holdaper. Ning, kinuyog ng mga beki si holdaper, me pumalo pa ng bote sa ulo di nga lang nabasag. Rumesponde yung mga tanod nung nakita nila na gutay-gutay na ang outfit ni kuya holdaper. Ang ending, nag-come out on the rain na si kuya closet. Goodbye Narnia party itu! Welcome, beki!
Maraming babaeng stand-up comedian pero siguro sa isang babae, sampung badet ang katumbas. At never pa kong nakakita ng tiboli na stand-up comedian ha. Lalo na sa mga comedy bars, patok na patok talaga ang patawa ng mga badet. Kahit sa normal na kwentuhan, mas masaya talaga pag me kasamang badet. At sobrang riot na pag higit pa sa tatlo ang badet na kasama mo. Ganun kasi ang mga badet, dapat masayahin, dapat malakas mangokray, dapat impaktita kung mag-react, at dapat lahat ng bone sa shutawan eh funny bone. Kawawa ba? Katuwa kaya! Patawa ka, bakla!
Sa mundo ng fashion, namamayagpag ang mga fashionistang baklita. Sa mundo ng showbiz, lalo na sa mga indie films, sandamukal ang mga baklitang reporter, direktor, writer, at producer. Sa mga skul na lang, pag me program, baklita ang incharge sa decor at arts. In short, intune ang mga baklita sa kanilang anima. Sa kanilang feminine side. Sa kanilang pagka-mapiling ina. Matres na lang ang kulang, ika nga. Pero wag ka, patalbugan pa yang mga yan sila sila na nga lang. Pero ganyan talaga. Baklita man, me masculine side pa rin sa ilalim yan. Kaya competitive at palaban pa rin. Kawawa ba sila? Winerva ka, baklita!
Maraming ambag sa mundo ang lahi ko. Ang ikatlong lahi ang nagsisilbing kislap ng kulay sa mundong madilim at puno ng anino. Habang naglalaban ang liwanag at dilim, nananatiling nasa gitna ang mga bakla, kumikinang ang setro at korona.
Ang point ko? Oo nga me kanya-kanya tayey na MMK moments sa layfsung. Me iba-ibang eksena tayes, me sari-saring kulay ang mga bahaghari natin. Pero at the end of the day, kawawa ka kung hahayaan mong maging kawawa ka sa mata ng iba. Totoong mailap ang kaligayahan, pero mas mailap naman ang kakuntentuhan. Pero pag yun ang nahuli mo, pasok ka na sa banga.
Pag mas marami na ang hindi normal sa mundo, magsisimula na ring magmukhang normal ang mga ito.
Nice post.
ReplyDeleteMabuhay! ♥
Galing naman ni BM! Baaarrraaavvooooowwww!!!!!
ReplyDeletenapa comment ako ah..matagal na ko nagbabasa d2 sa blog mo ....nasundan ko na ata lahat ng kembot mo....ung tears..ung joys....basta ang galing mo sumulat...
ReplyDeleteTotoong mailap ang kaligayahan, pero mas mailap naman ang kakuntentuhan. Pero pag yun ang nahuli mo, pasok ka na sa banga.
ReplyDeletenasapul mo friend... Winona Ryder ka!!!!
I have to say that this is one of the best Philippine gay writing I have read in a long time. I'll be linking your blog on my facebook so that my friends, from the entire spectrum of the rainbow, can feel good about themselves through this writing. Kudos!
ReplyDeletehahaha.. tama! mabuhay kau! :)
ReplyDeleteShet, more hanashi more fun, parang hugot na hugot lang teh...
ReplyDeleteAND SUPER BET KO ANG MGA PRESS RELEASE MO!
Grabe, go gay power! Lavet!
mga beki, salamat!
ReplyDelete@berto salamat dahil napa-comment ka ng wala sa oras..
@YJ, winona ba? kaw rin balita ko winerva ang bowa mo!
@anonymous... cge po link mo para tumodo na ang ligaya sa dulo ng bahaghari...
hindi ka naman nangangabog niyan no? ahahahae
ReplyDeletetaray mo neng. isang kang writer. bat di ka magpublish ng book? parang si wanda lang...
ahehehe! lufet. kumakafet.
baka bet mo namang dalawin ang blog ko no. at mag-iwan ng coment na pasweet! hehehe!
i love it. tnx. :)
ReplyDeleteCouldn't agree more!
ReplyDeletePakiss!
Kampai!
Galing... Itaguyod..............
ReplyDeleteLove this post......
Kudos................
??† CeEjHaY †??
Ampness!!! clap clap clap! =)
ReplyDeletei so love it sis..
ReplyDeleteAng galing mo BM, ganda mag basa ng blog mo hehehe
ReplyDeletewinner ka gurl...
ReplyDeletemabuhay ang mga bakla.....
ReplyDeleteMare! Panalo ka! Winner! :)
ReplyDeleteMahusay kang maglahad bagama't hindi ko masyadong naiintindihan lahat pero nauunawaan ko naman ang nais mong iparating.
ReplyDeleteNasa tao na kung papaano niya ipakikilala ang sarili niya sa ating lipunan, kung gusto niyang magpakababoy o magpakaDiyos or magpakdesente o isaksak ang sarili sa sulok..siya na yon.
Lalake o babae ka man, lagi tayong naghahanap ng respeto, wala itong sinusukat na kinang ng kayamanan o kung ano man ang posisyon mo sa buhay.
Panalo ka kung sa bawat taong nakilala mo ay ibinibigay ng kusa ang respeto.
Maiba naman, basta mahusay ka.
galing mo bakla!!!
ReplyDeleteayos!ang galing mo!
ReplyDeleteHi teh! napa comment ako. U know what,, nkaka wala ng depression ung blog mo. specially nagwowork me now sa Cruise ship... eto pinupunthan ko pag sad ako. k relate ako sa ibang stories mo nga pla isa akong pa gurl n badet na ang alam dito e gurl ang lola mo.hehe Godbless!
ReplyDeletemaganda ang storya mo kafatid lalo na kung may kasamang pics to illustrate, Sayang ganda ng experiences mong kinuwento dito. First time to read your blog.
ReplyDeleteisa ito sa mga dabest blogs mo!!! haha. isang napaka-talinong pagpapahayag sa buhay ng mga butterflies na gold!!! mabuhay! ^^
ReplyDelete