11.20.2009

Another Shirt

Siguro kung pwedeng ilagay sa garapon ang kilig, at ibenta sa mga pusong nalulumbay, ang rica-rica ko na. Kasi naman, siksik-liglig at umaapaw ang kilig sa kipay ng bakla. Ahihihi...

Saburdey ang regular naming pagkikita ni Budwire, kasi un ang araw ng school ko.. Last week, pagpunta ko, nagpahintay ng shugality ang lolo mo, kasi andami pa nya ginawa tapos wala na sha kasama. Yesterday, bonggal na si friendship nya mag-isa na lang sha dun. Susmio 6pm na kami nakaalis ng iskulilet, shopos eh biglang may-i-text si byenang hilaw ketch at pinapauwi sha sa Infanta-mania. Loss ang badeth. Family first.

Nangako ang lolo mo, pupunta raw sha sa min kinabukasan ng Linggo. Hmmp, maniwala ako sayo. Di ako gano nag-expect buti na lang. Kasi di sha dumating. Pokiams na un, ininjan ang beauty kez.

So nung sumunod na Saburdey, habang naglalakad akeiwa eh naisip ko na. Ampfufu na un, magpapalusot na naman for sureness. Kaya di na ko nag-expect. Pagdating ko sa stall nya...

"Oh, mamaya, sasama ako sayo."

Antaray, prisintado. E di kilig naman ako. Kasi pala hapon na sha nakauwi nung Linggo at me work pa ng Lunes kaya kiber na sa promises.

E di ayun na nga, gora ang ombre sa bahay na pink later. Pagal na pagal na ang mura kong katawan nung taym na yun, kasi wai pa kong borlogs or idlipany man lang. Kaya sabi kez, "Juwetiks muna ketch, borlogs sa balur. Kita tayey mamaya ng 7pm sa LRT Recto." and agree naman ang gwapo.

So gora home ang beki, para ipahinga ang gutay gutay kong kaluluwa. Pero mababaw lang yung idlip kez, as in maya't maya eh napapa-jump and grab ang bakla sa phonelilet kasi baka nagtext na sha at nasa recto na. Ay nining, agaw-diwa ang bakla pero walang text.

7pm... 730.. 8pm.. 830.. 9pm.. ay loss na naman akez. Tinanggap ko na, walang darating na umaga sa buhay ko ng araw na yun. Gabi ng lagim na naman ang eksena ko.

Yung araw na yun eh reunion namin ng hayskul batch ko. Dinedma ko ito, kasi inuna ko ang budwire ko. Kaya para winner ang weekend kez, naligo na lang akez ng shugal ever at nagbabad sa pabango.

Paglabas ko sa banyo ng mga 10 oclock, windang kasi 4 missed calls at 6 messages! Galing lahat sa lolo mo! 915 pa lang pala nagtext na sha na papunta na, naipit lang sa bahay. Kahit tumutulo pa ko eh mega tawag na sa kanya kasi baka umuwi ang lolo mo. Naabutan ko pa naman sha, so sabi ko sakay na lang sha papunta sa casa de bouganvilla at dun na lang kami magkita.

Nun magkasama na kami, halos matulala ako habang naglalakad. Kasi para shang naglalakad na himala. Pag nakikita ko si Arjel, gusto ko ng maniwala sa greek mythology. Para shang greek god na bumaba sa lupa at nakihalubilo sa mga mortal. Anong meron sa kin para pag-aksayahan nya ko ng panahon, eh pinkantada lang naman ako?

Kung yun pa lang eh shocked na ko, mas lalo akong tumambling sa sinabi nya. "Nakakatakot sa recto, andaming snatcher. Buti na lang kabisado ko number mo. 0908**3814*.. Kahit mahablot phone ko, mate-txt kita."

Natulala ako, and at the same time eh napangiti. Kasya talaga hanger sa ngiti ko! He managed to flatter me in a way that no one ever did. Nanay ko nga, di kabisado number ko eh. Mga barkada ko, wala. I felt special. I felt treasured. I felt important.

Ewan ko ba, siguro rin kahit gano ko kawalangya, feeling ko jaded na rin ako kasi nga yung mga bowa ko, kundi nagpapakasal at kukunin akong ninang, eh di ko nagiging bowa kasi ayaw nila sa beki. I have my share of insecurities, and in his own little way, nasabi nya na I'm worth his time and attention.

That time, I asked God na bawiin na nya sa kin si Arjel. Sa mismong oras na yon. Kasi pag di nya binawi si Arjel sa kin, malamang mahulog na naman ako ng todo-todo, tapos baka bawiin Nya kung kelan di ko na kayang lumayo. Baka di ko kayanin. Kaya habang keri pa ng puso't puday ko, I was ready to give him up, para masaktan na ko ngayon habang kaya ko pa, kesa later kung kelan di ko na kaya eh saka sha mawala.

Buti na lang di ako sinunod uli ni Lord. Nagbibiro lang naman po! Shempre, kelan naman nangyari na pinangunahan ko ang Dyos at sinunod Nya ko? Me sariling timetable na nakaplano para sa kin, kaya sa ngayon eh ie-enjoy ko na lang ang mga labi ng Budwire ko.

As usual, andun yung mga usual bloopers ng lolo mo, na in fairness eh di ko napapansin pag nagkukwentuhan kami. Naalala ko na lang pag umuwi na sha at mag-isa ko ng binabalikan ang mga nangyari.

Nung bumibili kami ng alak:
Baklang Maton: Ano iinumin natin?
Budwire: GSM Blue na lang tsaka cubra. Baka kasi dumating si Anne Cortez. Gagawin kong syuta.

BW: Gusto kong magpalipat ng brans, nakakapagod dun sa pwesto ko eh.
BM: Bakit ilan bang branch meron kayo?
BW: Isa lang.

Habang umiinom, musical score namin yung mga kanta sa youtube.
BW: Research mo nga yung "The Sickness".
BM: Teka search ko sa youtube. Sinong kumanta?
BW: Yung dis-tur-bed. Tsaka yung ekshushuner research mo rin.

Bago matulog:
BM: Teka toothbrush lang ako.
BW: Ay ako din, me spare brush ka ba jan?
Habang nagtu-toothbrush.
BW: Di ka ba nahihirapan jan sa ngipin mo?
BM: Ok naman sanay na rin.
BW: Ako nga rin, magpapalagay ako ng grills sa ngipin para pantay.
BM: Ah, kala ko mag-iihaw ka eh. Hehehe.

Pero habang nagaganap ang mga yan, wala talaga ko napapansin.. Sa sobrang kaadikan ko lang sa kanya, naaalala ko lahat pag wala na sha. Hehehe...

Habang inuman, nagtext ang barkada ko ng hayskul, kahit daw dumaan lang ako, at umalis agad. So I asked him kung ok lang sa kanya na umalis kami. Game naman ang lolo mo. Pareho kaming naka-shorts at shirt na rumampa sa Makati. Pareho rin kaming naglagay ng pabango. Pareho rin kaming lasing.

Nung kasama na namin ang barkada ko, sobrang cheesy!! Basta sobrang cheesy talaga. First time kong magsama ng potential bowa sa lakad ng barkada, kaya di ko alam pano sha iha-handle. What he did, ako lang kinausap nya. Bulong ng bulong, ngiti ng ngiti, halik ng halik, hawak ng hawak. We even ate on one plate! Ganun kami ka-cheesy.

My friends were asking me kung "Siya na ba?" and all I can do was smile. Ewan ko pa. All I know is, when we were home, parang shang permanent figure sa bahay na pink. Parang matagal na shang parte ng bahay ko. Parang masarap umuwi kung sha ang kasama ko. The house suddenly felt... home.

When we drifted off to sleep, humuhuni sha ng isang kanta na familiar sa kin. Yun daw ang kanta nya for me. "Hanggang ngayon" daw yung title. Nung kinanta na nya "Laging Ikaw" pala ang nasa isip nya. Hehe.. Tutulog na lang me pahabol pa.

That time, him wearing my shirt while I was wearing his, as he was slowly drifting off to sleep, humming his song, softly turning to an even pace of inhales and exhales, bloopers and all, I slept in his embrace at last.

11 comments:

  1. aww..nakakakilig naman to mare..sobrang cheesy..^__^ im soo happy for you..sana nga siya na..

    ReplyDelete
  2. hello po! ako po ay bago dito sa blogosperyo at ambition ko po na lumibot sa buong pilipinas. ako po si laboyboy, ang batang gala, hehe. mabuhay po kayo. sana po bisitahin nyo rin ang bahay ko. salamat po.

    ReplyDelete
  3. something's good with the universe lately... ang daming masaya.... isa na ako dun hahaahah

    go gurl.... basta may chance maging masaya GRAB!

    ReplyDelete
  4. Didn't you just get lucky? Just on time for the season!
    Let's keep our fingers crossed but you have to cross the bridge when you get there. My first attempt to be humourous.

    ReplyDelete
  5. in fairness, beyond the bloopers na ka-turn off, ang sweet.. nakakakilig. nakakahawa pala ang kilig noh? di na kailangan ilagay sa garapon. hahaha... its nice to hear success gay stories.. :)

    ReplyDelete
  6. Im so hooked on ds blog! heheheh I wanna see d pink house soon!-Deviated Soul

    ReplyDelete
  7. funny and sweet post.. gay power baby!!! well in my case "bisexual power!!" LOL

    firs time to read something like this. it was haaaard to understand the "lingo", but well worth the read!

    ReplyDelete
  8. hi.i just saw your blog while blog hopping. buti naintindihan ko nman sya.natatwa lang ako sa kwento mo! nakaktuwa lang!!! oh gudluck! ganun b tlga mgsalita si budweiser? funny ung script mo e!

    ReplyDelete
  9. ayos na ayos neng. ayaw mo talagang pakabog wahahahaha!... sobrang cheessssyyyy teaga. sana maging masaya ka na for the rest of your life.

    ReplyDelete