7.24.2010

Runaway Gay

Baka pag nabasa toh ni Bibiana eh sabunutan nya ang sarili nya at isipin nyang isa shang pabayang Mother Goose. Di naman! Mashado lang talagang rebellious ang BM kaya kung anik anik na tumbling ang ginagawa. Actually hindi nya alam ang mga bagay na toh.. Uhmm, shempre pala alam nya kasi naloka sha kakahanap sa kin. Pero yung buong story eh di nya alam kasi usually naman di ko kinukwento kung anu exactly ang nangyari sa kin. Basta umuwi ako, end of story. Ang gulo ng intro ko no?

I'm talking about the times I ran away from home. Oh go na bakla, basahin mo uli yung intro, I'm sure it makes sense this time... Keri na? Now, on with the story...

Nung grade five ako ang first istokwa ko. Ni hindi pa ko pinamumukulan ng suso! Ang naaalala ko, pinapalo ni Maderrakka si Lil Sis at umaawat ako. Kasi ba naman kung makapalo siya parang kulang na lang eh downy at para na talagang ni-laundry shop yung utol kong baluga (Peace sis!) Eh kakaawat ko, bigla akong sinampal ng magaling kong Mother Hen. Ay, mega talikod ako habang hawak ang aking pisnging nagkulay rosas! Sabay punas ng luha na pumatak sa mula sa kaliwang mata, at saka tumakbong palayo.

Litong lito ang lilet (baklang maliit) na hindi alam kung saan susuling. Napagpasyahan kong gumora dun sa stepsis kong taga-Santolan. So imagine mo yun, mega takbo-talon-tili ako sa kahabaan ng Aurora Blvd. Walang kaperahan maski singkong naka-brace. Ang suot ko eh yung mickey mouse sando ko na sobrang laki ng butas sa gilid. At take note, nakatapak lang ako. Sumabit ako sa Love Bus hanggang Santolan, and from there eh alay-lakad na lang hanggang sa tapat ng Rizal High. 1-2-3 lang ako dun sa bus neng! Pero ang press release ko sa madlang pipol, at sa lahat ng handang makinig eh nilakad ko from Anonas to Santolan. Eh di nangapal naman ang kalyo ko nun!

Kinabukasan, ang mahadera kong stepsis na tomboy, ipinagkanulo na ko sa taong bayan. Sumugod ang lahat na may dalang sulo at balak akong sunugin sa plaza. Este ibang flashback pala yun. Ipinagkanulo nya ko ke Bibiana at maya maya eh dumating na at sinusundo ako. Aparrently hinanap pala nila ako sa buong Project 2 3 4, Cubao, at mga karatig na baryo. Malay ba naman nila na wit ko bet matulog sa kalye noh. Ayun, nag-kiss and make up kami ni Mudra at umuwi akong may sampal na naman sa kabilang pisngi. Hihihi.

Matapos ang ilang kalendaryo na pinupunit sa dingding, bakasyon naman going to 3rd year. Same eksena sa haus, pero si Stepdading naman ang kumekyeme sa baluga kong Lil Sis at binu-boogie wonderland na naman sha. Bugbog galore talaga ito! Kaya umawat na naman ang bakla. Iniharang ko ang katawan ko para sa kin lumapat ang hagupit ng kanyang sinturon. Bigla akong piningot at pinalabas ng bahay. Ang epal ko daw kasi, hehehe.

Dahil feeling outsider na naman ang baklang lagalag, umikot ako dun sa kabilang side ng bahay, dun sa may gawaan ng mga hollow blocks. May bintana kami dun. Sinitsitan ko yung boy namin na mukhang ewoks. Etong si Boy Ewoks eh napulot lang ni Step-pudra sa lansangan. Mano ba namang magpalitan kami at ako naman ang tumira sa lansangan. Pinaabot ko kay Boy Ewoks ang bagelya at mga damit ko, pati yung pokpokahontas kong shirt na green.

And I followed the yellow brick road named Aurora Blvd again -- this time hindi na ko umabot ng Santolan. Destination: Katipunan. As in sa ilalim ng flyover!

Dun sa ilalim ng c5 katipunan ko natagpuan ang aking bagong pamilya. Mga batang lansangan ang nakatambay dun. Tinuruan nila ko kung pano tumawid sa hiway ng walang tingin-tingin sa kaliwa at kanan, keber din sa traffic lights at sa busina. Run like the wind ka dapat. Pag nahagip ka ng sasakyan, eh di sorry. Umiwas kayo, tumatawid ako. Dapat ganun daw ang attitude.

Sa katips din ako natuto na umorder sa karinderya ng rice toppings. As in oorder ka ng kanin, at papalagyan mo ng toppings ng ulam para may lasa. At dalawang pisong coke -- bake limang takal dun sa takip ng bote. Winner na ang hapag kainan nun!

Me kumopkop sa kin na sampaguita vendor. Pero winner ang bahay ng lola mo sa Marikina. Pano, pusher pala si ate. Pero bet ko pa ring tumira sa haus nila kasi ang gwapo ng anak ng lola mo! At lagi pang nagpapakita ng motibo si Kuya. Since tabi kami matulog, aba ang kamay ko laging kinukuha at pinapasok sa loob ng shorts nya! Eh dalaginding pa ko nun, hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin at tawag ng laman. In short, tanga pa ko nung bata.

Si ate din pala ang nagbigay sa kin ng opportunity na kumita ng sarili kong pera. Binigyan nya ko ng pang-puhunan: tatlong basahan na bilog. Para may pampunas daw ako sa mga sasakyan. Ang teknik daw eh wag nang magtatanong, basta punasan na lang ang windshield, saka isahod ang kamay pagkatapos. Kung abutan ka, eh di swak sa banga. Kung di ka naman abutan, eh di duraan mo yung windshield sabay takbo. In fairness sa business na to, mabilis ang return of investment. Taray me ROI pa kong nalalaman!

Eventually eh umuwi rin ako, hinatid ako ni ate sampaguita sa bahay. Iniwan ko ang shirt kong pokpokahontas dun sa nagturo sa kin pano kumain ng rice toppings. At iniwan ko sa anak ni ate yung kalabaw ko sa boy scout. Para doon na lang nya isuot si Junior pag nami-miss nya ko. Cue background music -- kung maibabalik ko lang! Ang dating ikot ng mundo! Ang gusto ko kamay ko'y lagi ang nasa pututoy mooohh!

Yung sumunod na rampa ko eh mejo tumagal na. As in may kasama na itung pag-eenroll sa ibang iskul, at paghahakot ng mga gamit. Kasama na rin dito ang pagiging boy at PA ng isang artista. Gento yun...

Naaalala nyo ba yung magic temple at magic kingdom? Yung tatlong bata na may kapangyarihan: sina Juval, Omar at Sambag. Si Juval si Jason Salcedo, sha yung pinakalider, nakakakita ng totoong anyo ng mga creatures of the dark at may parang tawas sa noo. Si Omar si Marc Solis, pinakamakulet at ang powers naman nya eh pag kumain sha ng buto ng prutas, nagiging parang bala ng baril yun pag idinura nya sa kalaban. At si Sambag naman si Junnel Hernando, sha yung iyakin na pag tumulo ang luha sa lupa eh may tumutubong halaman at bulaklak. Kasama nila sa Part 1 si Anna Larucea, at sa Part 2 naman si Anne Curtis.

Bale magpo-fourth year HS na ko nito. Sa sobrang kabaliwan ko lang ke Sambag, pag pinapagalitan ako ni Bibiana eh tatapat ako sa halaman at iiyak. Kunwari tumubo yung halaman dahil sa luha ko. That would cheer me up! After ko mag-pretend na magical ang luha ng bakla, keribambam na uli. Nirekord ko pa sa casette yung audio ng movie, at gabi gabi kong pinakikinggan bago matulog.

One time eh nakita ko ang address ni Junnel sa magasin. Sa murphy pa sila nun nakatira. Ang bakla, walang pag-aalinlangan na sumugod at kumatok.

"Anjan po ba si Junnel?" tanong ko.

May ale na sumilip sa pinto. "Ay wala eh, nasa workshp sa Davao kasama si Peque Gallaga."

"Sayang naman po." Umeemote na napaupo ako sa tapat ng bahay nila.

"Bakit?" tanong ng ale.

Ewan anong pumasok sa kukote ko. Biglang naging lola basyang ang bakla. "Naglayas po kasi ako eh..." Sabay hikbi na parang pinagtulungan ni Snow White at ng Seven Dwarfs.

Di ko na maalala pano ko pinatuloy ni ATe Lita who turned out to be Junnel's mom. Basta kinupkop nya ko, at nagpaka-boy ako ng bonggang bongga! Pag kinakapos na sa kwento at kasinungalingan, takbo sa suking tindahang hardware, at maghakot pa uli ng talong sakong gravel and sand! Sige, magtahi ka ng tubig at maglubid ka ng buhangin baklang sinungaling! Me kasama pa akong tatlong tomboy na lilipad papuntang Saudi para mag-OFW.

In fairness to Mommy Lita mabait na tao talaga. Pag-aaralin ako ng lola mo. Ita-transfer na ko dapat sa Crame HS. Ako ang pinaka-PA ni Junnel sa mga taping, sa concerts, sa shooting, sa interview at sa guestings. Oh di ba feel na feel ko maging julalay! Tapos pag naliligo ako talagang todo pantasya kay Junnel. Shempre nakikita ko sha ng naka-briefs, naka-boxers, at nakatapis ng tuwalya. Minsan nga yung manipis na tuwalya ang inaabot ko eh para masilayan ko naman ang alindog ni Sambag.

I made the mistake of calling my family. Una, si Nanay Tess sa Iskwater, kapatid ni Ambo. Ngumangawa ang tiyahin ko at pinapauwi ako. Pano ilang linggo na kong di umuuwi. Tapos tumawag ako kay Sha-me, barkada ko ng hayskul. Ewan ko kung natatandaan pa nya, basta nag-iyakan kami na akala mo eh hindi na magkikita. Ayun, 10 years after magkasama pa rin kami.

And the most heartbreaking was nung tumawag ako ke Inay sa Pandacan. Si Dominga, ang lola ko at ina ni Bibiana. Nung humahagulhol na si Inay sa phone at pinapauwi ako, I had to go home. Goodbye Junnel! Goodbye showbiz! Goodbye career!

During college naman, yung last and probably the most stupid, nang dahil sa pag-ibig. Yun lang talaga ang maisip kong dahilan para sa ineksena ko. Ang dahilan: si Aveňo.

Dahil super labs na labs ko talaga ang lolo mo, imbis na sa Pandacan ako umuwi, araw araw eh sumasabay ako sa kanya hanggang Anonas kasi press release ng bakla eh dun na ko sa mga pinsan ko sa iskwater nakatira. Pero pagsakay na pagsakay nya ng jeepelya pauwi sa bulubundukin ng Cogeo, sakay na uli ang bakla ng patok na jeepangga pauwi sa Pandacan.

Ang pinakatodong kalukaretan ko na lang talaga eh nung bakasyon na. Maloka-loka na ko kakaisip kasi maghihiwalay na kami, so ang lola mo nakaisip ng paraan.

Alas onse ng gabi, kumatok ako sa bahay ni Aveňo sa Cogeo at naupo sa lupa. Paglabas ng tatay nya, ang ispluk ko lang eh ganitembang:

"Si Noel po?" sabay patak ng luha sa kaliwang mata.

"Ay tulog na. Gabing gabi na ah. Bakit? Anong nangyari?" q&a ni paderakka.

"Si Noel po?" paulit ulit lang na ispluk ng bakla.

Maya-maya eh pupungas pungas na lumabas ang otoko. "Oh mahal, bakit?" Kala ko lang ata mahal ang tawag nya. Hihihi.

Tulala pa rin ang bakla. Naalala nyang tingnan ang text ko kasi on my way eh may naitext na ko sa lolo mo. Ang script ko sa text: Aveňo! Nag-away kami ng stepfather ko. Tinutukan nya ko ng baril! Buburahin daw nya ko sa mundo. Buti na lang umakyat si Mommy kaya nakaalis ako. Pwede bang makitulog jan ngayon?

Parang biglang nagising na napahawak sa kin ang gwapo. "Ok ka lang? Nabasa ko na to kanina pero di ko naintindihan kasi natutulog na ko. Anong nangyari? Tinamaan ka ba? Gago yun ah! Ok ka lang ba? Sumagot ka mahal!" tunog mahal uli yung pangalan ko...

Pinanindigan na ng bakla ang pagiging pipi. Basta di ako sumasagot, di ako tumitingin sa kanya, at di ako kumukurap. Tulala. Shocked. Traumatized. Napipi. Yun ang character ko, kailangang i-internalize. Basta dire-direcho lang ang tulo ng luha ko, at di ako nagsasalita. Todo project! Best actress!

Ilang araw akong tulala at pipi kila Aveňo. Nasa tapat lang ako lagi ng bahay, nakaupo sa tambayan nila, nanonood pag nagwo-work out si Boy Masel, at ine-enjoy ang atensyong buong puso at buong araw nyang binibigay. Since sapatos ang dala ko pagpunta sa kanila, hati kami sa tsinelas. Kanya yung kaliwa, akin yung kanan. Asikaso galore ang lolo mo sa kin, laging nagjo-joke kahit corny, inaaliw ako sa paraang alam nya, at tinutugtugan ako ng gitara.

After 4 days ng pagiging tulala, at kahit pamilya nya eh nagwo-worry na, nasa kwarto kami at tinutugtugan uli ako ng lolo mo ng gitara. Aveňo has a great voice. Pwedeng pang-ASAP ang timbre kasi lalaking-lalaki, pero me kulot. Kinakausap ako ng lolo mo, pinipilit akong mag-snap out sa aking pagkatulala.

"I was down and out and feeling so low. You took my hand and eased my mind. I was afraid, you showed me the way. You taught me how to be strong. You made me live again."

Tulo na ng tulo ang luha ko, kasi I know he doesn't deserve this. Yung mahirapan ng todo dahil sa kagagahan ko. At habang kumakanta sya, umiiyak na rin ang lolo mo.

"Tol, magsalita ka naman. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Magsalita ka na pls. Andito naman ako eh di kita papabayaan. Magsalita ka na pls. Magsalita ka na." Niyakap nya ko sa likod, at saka sha umiyak ng umiyak. Yung iyak nya, unti unting lumakas hanggang sa humahagulhol na si Aveňo.

"I was lost in the dark. With my lonely broken heart. But then you came along you took me home and made me your own. You made me live again..." tinapos ko yung kanta. Kahit sinisinok-sinok at sumisinghot-singhot ako, after four days, yun ang una kong salita. Hinarap ko si Aveo, niyakap, at saka umiyak sa balikat nya.

Umuwi na rin ako nung araw na yun. Hinatid nya ko sa Pandacan at dun pa sha natulog that night. We became really close, me mga away at tampuhan, pero we managed to keep the friendship. Sa ngayon, nasa Mindanao ang lolo mo at tinupad ang pangarap nyang maging sundalo. Pag naaalala ko kung gano ko ka-abnoy dahil sa pagmamahal ko sa kanya, natatawa na lang ako.

I have always been a wild child. Feeling ko hanggang ngayon, there's a part of me pa rin na pag mashado nang maingay ang mundo, gusto kong maglayas at tumakas. Di ko na nga lang magawa ngayon. Pag naglayas ako, ako rin ang kailangang humanap sa sarili ko. Kumusta naman?! Kung ang tsinelas nga pag nawawala, hinahanap. Stilletos ko pa kaya?!

On Monday, I'll be going to Hong Kong ALONE. Yung mga supposedly eh kasama ko, parehong nag-back out. Gogora pa rin ang bakla. I promised this trip to myself, kasi gusto kong kumawala sa normal na buhay ko ngayon. Time for myself, time to introspect, time to reflect... Oras na para maglayas ulit.

Kahit anong tumbling, kahit anong layas, kahit anong istokwa, kahit anong ronda, uuwi at uuwi rin ang bakla. Ako at ang stilletos ko.

19 comments:

  1. grabeh madrama pala kwento mo teh! buti na lang nalagpasan mo lahat yun. have a safe trip to hong kong!
    gay16

    ReplyDelete
  2. grabe naman alay lakad mo. anlayo at masakit sa paa. madrama ang kwento pero ubod ng enjoy basahin. :D

    ReplyDelete
  3. hanep ka talaga magsulat. may drama, may katatawanan. may lalim. :)

    ReplyDelete
  4. sarap basahin ng mga entry mo.. talagang gagana ang imagination ko. wahihihihi.. ingat sa byahe papuntang hongkong.. pasalubungan mo kami.. ng kwento.. wahihii..

    ReplyDelete
  5. hhaaayyy, nkakagaan ng loob BM. salamat:)

    ReplyDelete
  6. i always like how you end your posts.

    ReplyDelete
  7. kpatid mu ba c dora ang lakwatserang negra? hahaha



    khaycee

    ReplyDelete
  8. mare hindi mo ata naikwento yung naikwento mo before na may manong na nagpaubaya sau... yung colored pa yung long hair mo?

    hindi ka naman nag-aaya. sana sinabi mo sa akin na pupunta kang hk. sama sana ako. gusto ko ring gumora sa malayong lugar. mas malayo sa bundok na pinupuntahan ko dati para takasan ang maynila.

    ReplyDelete
  9. galing naman..:) hehe.. pareho tayo.. layas ng layas..balik din ng balik....

    ReplyDelete
  10. naloka ko. ako din naglayas eh. pero sa kapitbahay lang ako napunta kaya natuntun din ako kagad.

    goodluck and enjoy sa HK trip!!

    ReplyDelete
  11. punyeta ako ba ung baluga na un?! malandi ka jhozah chinismis mo pa na baluga ako! lol cnungaling ka gurl!

    ReplyDelete
  12. love your blog.... magkahalong comedy, drama, adventure...etc.

    ReplyDelete
  13. hahaha ang haba ng post mo.
    pero hindi boring at tawa ko ng tawa
    perst tym ko dito sa bahay.
    katawa babalik balikan ko to.
    basta wag ka ng lalayas sa ulirat ko.
    hahaha. :)
    ingat sa hongkong. kita tayo don minsan.

    ReplyDelete
  14. PAnalo!!!! (clap!clap!clap!) Wow! standing ovation akes! ^_^

    ReplyDelete
  15. Hi, if you are wondering what happend to Sambag. . . here he is http://www.youtube.com/watch?v=Yo2fnUMxFCw

    enjoy Hong Kong! =)

    -jayaureus

    ReplyDelete
  16. drama at comedy ito...
    winnah..

    ReplyDelete
  17. Ang galeng talaga. Iba kse ang may pinaghuhugutan. Ikaw na ang best actress sa iyong sparkling stilletos! Enjoy sa Hong Kong trip mo!

    ReplyDelete
  18. hahaha. you remind me of my younger brother. the few times i tried to run away from home, i never made it past my room.

    ficklecattle.blogspot.com

    ReplyDelete
  19. Etong si Boy Ewoks eh napulot lang ni Step-pudra sa lansangan. Mano ba namang magpalitan kami at ako naman ang tumira sa lansangan. Pinaabot ko kay Boy Ewoks ang bagelya at mga damit ko, pati yung pokpokahontas kong shirt na green..TUMAWA AKO NG PALIHIM KAC PO NASA OFIS AKO, BAKA SABIHIN NILA BUANG NA AKO..TANX PINATAWA MO AKO

    AFFECTIONATELY YOURS,
    THE CURE

    ReplyDelete