11.29.2009

Paumanhin (next level)

I'm gonna be back soon, ta-travel lang ang kipay ketch sa makasaysayang lupain ng Pansolita at maglulunoy sa kamunduhan, este sa hotspring pala...

Salamat sa mga nag-subscribe... Nakakatambok kayo ng pechay... Pati sa mga mega-react at mega-comment.. Nakakabuhay kayey ng tinggil... Thanksnezz!

Pwamis sa mamaya, I'll look into it, I'll get back to you, I'll give you an update.














Paumanhin:

(binura ko po yun pix churi... me eksena eh explain ko sa next post.... *sigh* 69th post ko pa naman toh.... what a waste...)

11.20.2009

Another Shirt

Siguro kung pwedeng ilagay sa garapon ang kilig, at ibenta sa mga pusong nalulumbay, ang rica-rica ko na. Kasi naman, siksik-liglig at umaapaw ang kilig sa kipay ng bakla. Ahihihi...

Saburdey ang regular naming pagkikita ni Budwire, kasi un ang araw ng school ko.. Last week, pagpunta ko, nagpahintay ng shugality ang lolo mo, kasi andami pa nya ginawa tapos wala na sha kasama. Yesterday, bonggal na si friendship nya mag-isa na lang sha dun. Susmio 6pm na kami nakaalis ng iskulilet, shopos eh biglang may-i-text si byenang hilaw ketch at pinapauwi sha sa Infanta-mania. Loss ang badeth. Family first.

Nangako ang lolo mo, pupunta raw sha sa min kinabukasan ng Linggo. Hmmp, maniwala ako sayo. Di ako gano nag-expect buti na lang. Kasi di sha dumating. Pokiams na un, ininjan ang beauty kez.

So nung sumunod na Saburdey, habang naglalakad akeiwa eh naisip ko na. Ampfufu na un, magpapalusot na naman for sureness. Kaya di na ko nag-expect. Pagdating ko sa stall nya...

"Oh, mamaya, sasama ako sayo."

Antaray, prisintado. E di kilig naman ako. Kasi pala hapon na sha nakauwi nung Linggo at me work pa ng Lunes kaya kiber na sa promises.

E di ayun na nga, gora ang ombre sa bahay na pink later. Pagal na pagal na ang mura kong katawan nung taym na yun, kasi wai pa kong borlogs or idlipany man lang. Kaya sabi kez, "Juwetiks muna ketch, borlogs sa balur. Kita tayey mamaya ng 7pm sa LRT Recto." and agree naman ang gwapo.

So gora home ang beki, para ipahinga ang gutay gutay kong kaluluwa. Pero mababaw lang yung idlip kez, as in maya't maya eh napapa-jump and grab ang bakla sa phonelilet kasi baka nagtext na sha at nasa recto na. Ay nining, agaw-diwa ang bakla pero walang text.

7pm... 730.. 8pm.. 830.. 9pm.. ay loss na naman akez. Tinanggap ko na, walang darating na umaga sa buhay ko ng araw na yun. Gabi ng lagim na naman ang eksena ko.

Yung araw na yun eh reunion namin ng hayskul batch ko. Dinedma ko ito, kasi inuna ko ang budwire ko. Kaya para winner ang weekend kez, naligo na lang akez ng shugal ever at nagbabad sa pabango.

Paglabas ko sa banyo ng mga 10 oclock, windang kasi 4 missed calls at 6 messages! Galing lahat sa lolo mo! 915 pa lang pala nagtext na sha na papunta na, naipit lang sa bahay. Kahit tumutulo pa ko eh mega tawag na sa kanya kasi baka umuwi ang lolo mo. Naabutan ko pa naman sha, so sabi ko sakay na lang sha papunta sa casa de bouganvilla at dun na lang kami magkita.

Nun magkasama na kami, halos matulala ako habang naglalakad. Kasi para shang naglalakad na himala. Pag nakikita ko si Arjel, gusto ko ng maniwala sa greek mythology. Para shang greek god na bumaba sa lupa at nakihalubilo sa mga mortal. Anong meron sa kin para pag-aksayahan nya ko ng panahon, eh pinkantada lang naman ako?

Kung yun pa lang eh shocked na ko, mas lalo akong tumambling sa sinabi nya. "Nakakatakot sa recto, andaming snatcher. Buti na lang kabisado ko number mo. 0908**3814*.. Kahit mahablot phone ko, mate-txt kita."

Natulala ako, and at the same time eh napangiti. Kasya talaga hanger sa ngiti ko! He managed to flatter me in a way that no one ever did. Nanay ko nga, di kabisado number ko eh. Mga barkada ko, wala. I felt special. I felt treasured. I felt important.

Ewan ko ba, siguro rin kahit gano ko kawalangya, feeling ko jaded na rin ako kasi nga yung mga bowa ko, kundi nagpapakasal at kukunin akong ninang, eh di ko nagiging bowa kasi ayaw nila sa beki. I have my share of insecurities, and in his own little way, nasabi nya na I'm worth his time and attention.

That time, I asked God na bawiin na nya sa kin si Arjel. Sa mismong oras na yon. Kasi pag di nya binawi si Arjel sa kin, malamang mahulog na naman ako ng todo-todo, tapos baka bawiin Nya kung kelan di ko na kayang lumayo. Baka di ko kayanin. Kaya habang keri pa ng puso't puday ko, I was ready to give him up, para masaktan na ko ngayon habang kaya ko pa, kesa later kung kelan di ko na kaya eh saka sha mawala.

Buti na lang di ako sinunod uli ni Lord. Nagbibiro lang naman po! Shempre, kelan naman nangyari na pinangunahan ko ang Dyos at sinunod Nya ko? Me sariling timetable na nakaplano para sa kin, kaya sa ngayon eh ie-enjoy ko na lang ang mga labi ng Budwire ko.

As usual, andun yung mga usual bloopers ng lolo mo, na in fairness eh di ko napapansin pag nagkukwentuhan kami. Naalala ko na lang pag umuwi na sha at mag-isa ko ng binabalikan ang mga nangyari.

Nung bumibili kami ng alak:
Baklang Maton: Ano iinumin natin?
Budwire: GSM Blue na lang tsaka cubra. Baka kasi dumating si Anne Cortez. Gagawin kong syuta.

BW: Gusto kong magpalipat ng brans, nakakapagod dun sa pwesto ko eh.
BM: Bakit ilan bang branch meron kayo?
BW: Isa lang.

Habang umiinom, musical score namin yung mga kanta sa youtube.
BW: Research mo nga yung "The Sickness".
BM: Teka search ko sa youtube. Sinong kumanta?
BW: Yung dis-tur-bed. Tsaka yung ekshushuner research mo rin.

Bago matulog:
BM: Teka toothbrush lang ako.
BW: Ay ako din, me spare brush ka ba jan?
Habang nagtu-toothbrush.
BW: Di ka ba nahihirapan jan sa ngipin mo?
BM: Ok naman sanay na rin.
BW: Ako nga rin, magpapalagay ako ng grills sa ngipin para pantay.
BM: Ah, kala ko mag-iihaw ka eh. Hehehe.

Pero habang nagaganap ang mga yan, wala talaga ko napapansin.. Sa sobrang kaadikan ko lang sa kanya, naaalala ko lahat pag wala na sha. Hehehe...

Habang inuman, nagtext ang barkada ko ng hayskul, kahit daw dumaan lang ako, at umalis agad. So I asked him kung ok lang sa kanya na umalis kami. Game naman ang lolo mo. Pareho kaming naka-shorts at shirt na rumampa sa Makati. Pareho rin kaming naglagay ng pabango. Pareho rin kaming lasing.

Nung kasama na namin ang barkada ko, sobrang cheesy!! Basta sobrang cheesy talaga. First time kong magsama ng potential bowa sa lakad ng barkada, kaya di ko alam pano sha iha-handle. What he did, ako lang kinausap nya. Bulong ng bulong, ngiti ng ngiti, halik ng halik, hawak ng hawak. We even ate on one plate! Ganun kami ka-cheesy.

My friends were asking me kung "Siya na ba?" and all I can do was smile. Ewan ko pa. All I know is, when we were home, parang shang permanent figure sa bahay na pink. Parang matagal na shang parte ng bahay ko. Parang masarap umuwi kung sha ang kasama ko. The house suddenly felt... home.

When we drifted off to sleep, humuhuni sha ng isang kanta na familiar sa kin. Yun daw ang kanta nya for me. "Hanggang ngayon" daw yung title. Nung kinanta na nya "Laging Ikaw" pala ang nasa isip nya. Hehe.. Tutulog na lang me pahabol pa.

That time, him wearing my shirt while I was wearing his, as he was slowly drifting off to sleep, humming his song, softly turning to an even pace of inhales and exhales, bloopers and all, I slept in his embrace at last.

11.10.2009

Panalo ka Bakla!

Kawawa Ka Ba, Bakla?

Sabi ni Sweet, kawawa ka daw bakla. Sabi ko naman, di ah! Winner ka kaya!

Me barkada akeiwa na magandang badet. Badet na mukhang babae yun pero di operada. Me asawang mashala na student. Madalas nasa haus lang sha at nagpapaganda, si bowa ang nagtatrabaho. Niligawan sha ni jusawa-to-be, ibinahay, at sinuportahan ang buo nyang pamilya. Ilang beses na shang pinadalhan ng dolyar nung ex nya na nakilala lang nya sa elevator, nag-hi sa kanya, at sinagot nya ng "I'm blessed!" Ayun, nahumaling na si Kuya. Madalas me sundo yan, naka-expedition, explorer, at kung anu-ano pang Ex. At pag kinakati ang tinggil ko, gora ako sa pad nyan. Rarampa sha ng mga 10 minutes. Pagbalik, me kasama ng pulutan, tig-isa kami. Kawawa ba sha? Winner ka, badet!

Yung isang bekbek sa min sa iskwater, si Malou. Naging jusawa nya si Amboro. "Amboro" tawag sa lulurki kasi yun ang tawag nya sa marlboro kahit 20+ yrs old na sha. Nagsama rin sila sa isang bubong at tumagal ng 8yrs ang pagsasama. Nung isang buwan lang naghiwalay sila kasi nakabuntis pala si Amboro. Nag-attempt ng suicide si Malou. Gamit ang kawad ng kuryente, nagbigti sa 3rd floor ng bahay nila. Kaso dahil mababa ang kisame ng 3rd floor, pag tumayo sha ng tuwid eh mauuntog na sha. Kaya nung nagbigti sha, paluhod para maisabit nya yung leeg nya.
Dahil di nya malaman kung papano pupuwesto sa tali, sa tagal ng eksena eh nakita sha ng mga kasama nya sa bahay, inawat at pinakalma. After a few cartwheels, umuwi na lang sha ng Davao. Ilang linggo lang at nakakita na sha agad ng bagong asawa. Andaling naka-move on! Happy na sha sa pamimitas ng suha. Kawawa ba sha? Bongga ka, bekbek!

Dun sa labas ng iskwater, me isang parlorista dun na tarush. Yung me-ari, si Eric, me kinakasamang binatang ama, si Hansen. 7yrs old na yung anak nya, kaya 7yrs na rin silang nagsasama. Nung minsan, habang kinukulot nya ang shoulder length kong bigote at one-sided kong balbas eh tinanong ako ni Eric.

"BM, me alam ka bang penile enlarger?" Nawindang ako. Sabi ko wala.
"Bakit kelangan mo pa ng pampalaki ng kembot, eh biggie naman si Hansen?"
"Hindi para sa kanya. Para sa kin." Mas nawindang ako. Tumbling di ba?!

Sa katagalan pala ng relasyon nila eh me na-develop ke Hansen. Nung una daw ay lie-la-dee (naka-lie lang sa kama) si Kuya. After ng ilang years eh sinubukan nya na ring bodahin si Eric. Yes kumukuda na si straight kuya. At eto pa, kumapit ka. Pag nagkekembutan daw sila eh madalas "nasasaling" ng nota ni Eric ang puwetina ni Hansen. Napapansin daw nya na parang napapapikit ang lolo mio, kaya minsan daw eh sinubukan nyang uringin ang Hansen. Pumayag daw, at ngayon nga eh nasasarapan na sa uringan nilang magbowa. Shocking Asia! Best of both worlds ang drama. Kawawa ba sha? Ang sabi ko na lang ke Erik: Birador kang parlorista ka! Nakakaloka!

Madalas akong makabasa ng mga nahoholdap sa kalye na beki. Meron namang iba, pinasakan ng kung anu-ano sa kipay habang nasa mot-mot. Yung iba eh ninakawan naman habang bumu-booking. And worse, pinatay na badet sa sarili nilang apartment. Eto, walang argumento, kawawa talaga ang mga biktimang bakla. Pero di ako naniniwala na biktima lagi ang bakla.

Kasi nung bata akeiwa eh lagi akong karay-karay ni Bibiana sa city jail kasi dun nagwo-workaloo si Stepdad. Ning andaming beki dun na nakaka-orkot ang arrive! Me holdaper, snatcher, pusher, akyat-bahay, jailwalker, estapador. Yung ibang beki dun eh "asawa" ng mga mayor, yung makikinis eh walang gawain kundi paligayahin ang ibang preso. Di ko sinasabing porke madalas na biktima ang beki eh dapat matuto shang gumanti. Pero tingin ko, kawawa man ang ibang beki, marami pa ring beki na palaban at di nagpapaapi. Ang taray mo, beki! Fight lang ng fight!

Ang common notion pag nakipag-bongkangan ang lulurki sa bayot, pera ang habol. Kung libre naman, bayot sa bayot ang labanan. Bibihira yung straight talaga na papayag makipag-bongkangan ng walang kapalit. Kahit pa dalawang boteng redhorse lang yan, kapalit pa rin. Sige andun na ko, di ko na kokontrahin yun. Pero on the colorful side of the rainbow, aba winnie cordero ang bayot kasi meron shang something na pwedeng ibigay.

Sabi ko nga, habang me poverty, me bayot na masaya. Ang bayot marunong dumiskarte, kaya nagkakapera. Ang bayot marunong kumayod, maraming kaututang-dila, maraming koneksyon, maraming datung, maraming kalakal. Kaya sha ang pinupuntahan ng majijirap na nilalang. Di lang naman sa lalaki napupunta ang yaman ni beki ah. Maraming bayot na breadwinner. Plenty ang bayot na sandalan ng pamilya pag tuition time na ng shupatid at shumangkin. Havs ng mga bayot na utangan ng bayan kasi blooming ang raket. Sige, gurl, magsumikap ka. Para masabi mo sa mga jologs na tsismosa, Yaya! I'm such a winner!

Pag naghalikan daw ang dalawang kuya, nandidiri ang mga babaylan. Pag dalawang babaylan naman ang nag-lipchukchakan eh natu-turn on ang mga kalulurkihan. Try nga natin na dalawang borboli ang maglaplapan. Yung dalawang hiphop na borboli, mega baggy sweat pants at XXXL na shirt, me cap pa na baliktad at bling-bling na kwintas. Tapos silang dalawa eh magpapalitan ng gums at tonsils. Choosy ka pa! Di ba di mo rin keri? Sa dalawang macho na lang ako. Try mo manood ng plentiful na indie films, masasanay ka rin. Pag nasanay ka na, eh di kiss and make up na. Kawawa ba sila habang nagsu-swap sila ng ngala ngala? Ang shala kaya! Winona ka bakla!

Nung isang beses, pasakay ako sa LRT, me nakatayo sa pintuan na baklang marungis. Tapos nung lumakad sha, nakaluhod yung isang paa, kasi yung left leg nya, hanggang tuhod lang. Kaya pag naglalakad sha, laging nakaluhod yung isa. Lumapit sha sa mga kasamahan nyang bakla na marurungis din. Pero wag ka, nung nag-usap na ang tropa, nosebleed english talaga ito. Fluent sila, as in, at me accent pa kamo. Nagte-train pala sila sa city hall para maging call center. O davah, ang mga beking walang langit, me pangarap rin! Maligo ka lang beki, mahalia fuentes ka na! Shower na!

Nakakita ka na ba ng rambol ng mga bakla? Ay dumayo ka dito sa iskwater, normal na kaganapan lang yan. Isang beses nga, me kapitbahay kaming hinoldap habang naglalakad pauwi. Di kasi sha mukhang taga-iskwater, closet badet kasi lolo mo. Pasimple lang yung lakad nila, di mo mahahalata na me nakatutok na palang balisong ke bakla. Eh napadaan sila sa tropa ng mga beki. Akala nung holdaper hindi pipiyok ang lola mo, biglang umupo sa tumpukan at tinuro si holdaper. Ning, kinuyog ng mga beki si holdaper, me pumalo pa ng bote sa ulo di nga lang nabasag. Rumesponde yung mga tanod nung nakita nila na gutay-gutay na ang outfit ni kuya holdaper. Ang ending, nag-come out on the rain na si kuya closet. Goodbye Narnia party itu! Welcome, beki!

Maraming babaeng stand-up comedian pero siguro sa isang babae, sampung badet ang katumbas. At never pa kong nakakita ng tiboli na stand-up comedian ha. Lalo na sa mga comedy bars, patok na patok talaga ang patawa ng mga badet. Kahit sa normal na kwentuhan, mas masaya talaga pag me kasamang badet. At sobrang riot na pag higit pa sa tatlo ang badet na kasama mo. Ganun kasi ang mga badet, dapat masayahin, dapat malakas mangokray, dapat impaktita kung mag-react, at dapat lahat ng bone sa shutawan eh funny bone. Kawawa ba? Katuwa kaya! Patawa ka, bakla!

Sa mundo ng fashion, namamayagpag ang mga fashionistang baklita. Sa mundo ng showbiz, lalo na sa mga indie films, sandamukal ang mga baklitang reporter, direktor, writer, at producer. Sa mga skul na lang, pag me program, baklita ang incharge sa decor at arts. In short, intune ang mga baklita sa kanilang anima. Sa kanilang feminine side. Sa kanilang pagka-mapiling ina. Matres na lang ang kulang, ika nga. Pero wag ka, patalbugan pa yang mga yan sila sila na nga lang. Pero ganyan talaga. Baklita man, me masculine side pa rin sa ilalim yan. Kaya competitive at palaban pa rin. Kawawa ba sila? Winerva ka, baklita!

Maraming ambag sa mundo ang lahi ko. Ang ikatlong lahi ang nagsisilbing kislap ng kulay sa mundong madilim at puno ng anino. Habang naglalaban ang liwanag at dilim, nananatiling nasa gitna ang mga bakla, kumikinang ang setro at korona.

Ang point ko? Oo nga me kanya-kanya tayey na MMK moments sa layfsung. Me iba-ibang eksena tayes, me sari-saring kulay ang mga bahaghari natin. Pero at the end of the day, kawawa ka kung hahayaan mong maging kawawa ka sa mata ng iba. Totoong mailap ang kaligayahan, pero mas mailap naman ang kakuntentuhan. Pero pag yun ang nahuli mo, pasok ka na sa banga.

Pag mas marami na ang hindi normal sa mundo, magsisimula na ring magmukhang normal ang mga ito.

11.04.2009

Ang Mga Iba

Nung malapit nang mag-end ang semester, ngarag na ngarag ako sa requirements. Sa dami ng hinabol kong school work at project na kelangang ipasa, nag-overstay ako sa office. Dun pa ko sa korean kong amo nagwo-work nun.

Bale sa 9th floor kami umuupa. Gus2 nga nung amo ko sa 8th floor kasi daw swerte ang number 8. Kaso di pa pwede sa 8th floor, under construction at wala pang mga tenants.

Around 3am, sa wakas natapos na ko. Mega print ang bakla ng lahat ng dapat i-print. Samantalahin habang wala pa ang amo para tipid sa gastos. Colored kung colored si bakla! Pati kokomban supply ng office ang tinira ko. Ultimo clearbook na pink dun nanggaling.

Matapos ang lahat ng eksena, ni-lock ko na ang office at gumora sa elevator. Mag-isa lang akong naglalakad sa hallway ng biglang...

"Tok-tok-tok!"

Bigla akong me narinig na tunog ng sapatos na naglalakad. Tumigil ako sa paglalakad. Tumigil din yung tunog. Naglakad ako uli.

"Tok-tok-tok!"

Tumunog uli yung sapatos. Parang sumusunod sa kin. Tumigil ako uli, at nawala na naman yung tunog. Lumingon ako sa likod at muntik ng mapasigaw.

Me nakatayong gwardya sa likod ko.

"Sir, sapatos nyo po yung tumutunog. Wag po kayong matakot." natatawang sabi ni Gardong Guard.

Oo nga pala, me wooden takong ang shoes kong mamahalin. Lintik na guard yun, kanina pa pala ko pinapanood.

So direcho na ang bakla, pinindot ang elevator at naghintay. Natatawa na rin ako sa kagagahan ko. Bumukas yung pinto ng elevator at sumakay na ko pababa sa ground floor. Pagdating sa 8th floor eh me sumakay na pretty petite na empleyada. Todo porma si Ate, at talaga namang kakainggit ever ang bag na winner!

Pakiramdaman galore kaming dalawa. Pagdating ng 7th floor, bumukas ang elevator. Naghintay kami ng konti pero walang sumakay. Sinara ni Ate yung pinto. Nasa may pindutan kasi sha, ako naman nasa may likod, nakasandal. Biglang me naisip na kalokohan ang bakla.
"Ate, naniniwala ka ba sa multo?" ispluk ko.

"Naramdaman mo rin ba yun?! Sa 7th floor! Nung bumukas yung pinto, parang me pumasok na malamig na hangin!" Halatang ninenerbyos si Ate pero relieved kasi me kakampi na sha. Takutin ko nga.

"Ate, wag kang mabibigla. Patay na ko. Nagmumulto ako dito sa elevator. Pinatay ako dito." binabaan ko pa ang boses ko para convincing.

Napatuwid ng tayo si Ate. "Ano ka ba? Wag ka ngang manakot jan! Kainis to! Mejo tumawa si Ate, tawang natatakot kasi ayaw nyang lumingon sa akin. Tinodo ko pa.

"Tingnan mo ko... mawawala na ko..." sabi kong pabulong.

Saktong bumukas ang elevator sa ground floor. Bigla akong tumawa sabay sabing "Joke lang Ate! Mashado kang nerbyosa." sabay hampas sa bag ni Ate na panalo talaga. Natawa na rin sha at sabay kaming naglakad. Shempre feeling close na kaya nagkakwentuhan kami.

"My gosh, alam mo ba kanina pa ko natatakot!" kwento ni Ate. "Kasi kanina sa taas, tumutunog yung takong ko akala ko me sumusunod sa kin. Patigil-tigil pa ko, nakikiramdam ako sa floor. Tapos natawa yung guard, sabi nya 'Maam sapatos nyo po yon!' Natakot pa ko sa sarili ko.. Kala ko naman wala lang, tapos naalala ko, isa nga lang pala guard on duty ngayong gabi kasi Undas, nasa entrance lagi. Ayun nagtatakbo na ko sa elevator." tumatawang sabi ni Ate.

"Ay! Shit! Pano ba toh?! Me naiwan ako sa 8th floor!! Sige balik muna ko... Ingat!" At nagmamadali ng bumalik si Ate sa elevator paakyat sa 8th floor.

Natigilan ako. Natulala. Nanlaki ang mata. Nagtayuan ang balahibo. At nagtitili.




******************************************




Sa tingin nyo, sino ang multo sa aming tatlo?

11.02.2009

I'll See You Soon

Pumatak na naman ang luha ng baklang maton.

A few weeks ago, I posted a shoutout on my Facebook account asking for blood donations for a friend who has cancer. Kailangan nya ng blood platelets, RBC at WBC kasi bumababa ang supply nya ng dugo. She needed 5 sessions ng chemotherapy, isang session pa lang bumaba na agad blood count nya. To sustain her life, maraming kaibigan ang pumila sa PGH at nag-donate ng dugo. I was able to get two blood cards from redcross. Pero siguro ang mas naibigay ko sa kanya, napatawa ko sha ng bonggang bongga nung dinalaw ko sha sa hospital, at sa tuwing magkakasama kaming tropa.

Last night, I attended her funeral.

Ayla Fabregas-Ferdiz, June 29, 1983-October 29, 2009. 26 years old. A wife, a mother, a daughter, a friend. Karaniwan sa mga eulogies sa ganito magsisimula. Bakit kaming magkakatropa pag nagkukwentuhan, walang flow, walang structure, walang intro at ending. We simply remember. We remember Ayla.

Nung 2nd year college, iba-iba pa kami ng tropa. I was with Noel, Bebang and Ilet. Ayla was with Arnold. Wala shang tropa kundi ang boyfriend nya. Eventually sumama na rin sha sa grupo nina Chris, Ann, Divine at Dhei. Nadagdagan pa nina Leeann at Jane. Sumama na rin ang mga nomads na sina TJ at Jhong. Hanggang sa wala ng distinction kung sino ba ang barkada nino. Kung sino ba ang tropa nino. Basta magkakatropa kami. Hindi kami barkada.

Tropa.

Pero hindi kami close. We didn't have a particular friendship, na kaming dalawa eh magkikita at mamamasyal. Feeling ko nga nung una ayaw nya sa kin kasi super opposite kami ni Ayla. Kung gano ko kagaslaw, ganun naman sha ka-prim and proper. I remember our PE class kasi sha yung dance partner ko. Hinahagis-hagis ko pa sha habang sumasayaw. Kung pwede lang na makipagpalit sha ng partner, malamang ginawa nya.

And then, Anikka came into our lives.

Ayla got pregnant. Aba, diyata't me similarity din pala kami ng lola mo. Nope, di ako teenage mom. Pero given an ovary, malamang dati pa kong inahin. When we found out na jontis na si Ayla, andami ng nagbago. She gave birth nung birthday ni bowa -- si Arnold. Shempre sa binyag lahat kami ninang. Ay, yung isang borboli pala, si Madam, ninong. I guess yun ang naging start ng pagiging magkaibigan talaga namin ni Ayla, and shempre ng bowa-turned-husband na si Arnold.

She had to skip a year para alagaan si Anikka. Nauna kami makatapos ng college pero yung bonding ng tropa tuloy pa rin. Everytime we gather, usually sa bahay nina Ann sa Alfonso, Cavite, bitbit na ata nina Ayla at Arnold ang bahay nila. Before Dhei went to Dubai, nag-swimming pa kaming tropa (except one makating sister na nasa Boracay). Di ko kinaya, kasi me dala silang lutuan, kawali, syanse and everything! Swimming pa lang yun ha. Sobrang saya ng swimming na yun. Sobrang lungkot din ng kasunod.

We found out about her illness. Yung pananakit ng tuhod, cancer na pala. Syet na cancer yan. She underwent treatment, chemotherapy, and endless consultations. Her right leg was amputated to stop the cancer cells from spreading. She lost weight, she lost her hair, but she never lost her faith. All the while that she was enduring the sickness, her strength came from God.

Ironic. Sa tropa namin, sa kanya kami kumukuha ng lakas. Arnold was with her every painful step of the way. Kaming mga walang sakit, kami ang mas mahina. Ayla was her usual self -- masayahin, bungisngis, kind-hearted, prayerful, strong. "Laban lang," she usually said and she did. Lumaban talaga sha and she won. Or we thought she won.

For almost a year, she was doing good. After the treatment, they declared her cancer-free and we couldn't be happier for her. She went back to work, nakasama na uli namin sha sa Alfonso, ganun pa rin siya, parang walang pinagdaanan na mabigat na sakit.

Last March, nag-swimming kami uli and that night was the most unforgetable night for us. Sa gitna ng matador at potato chips, napag-usapan namin ang sakit ni Ayla. Siguro it was too much for Arnold, kasi that was the first time that he broke down in tears. Yung lahat ng sakit na naramdaman nya for his wife, yung lahat ng takot nya sa pwedeng mangyari, yung lahat ng pagmamahal na nasa puso nya for Ayla, sinabi nya that night.

We all cried. Ngumalngal talaga ko ng todo todo. I hugged Ayla, saying sorry for not being strong enough. Tuwing magdadrama kami, Ayla just says "Tama na yan, ano ka ba, ok lang ako. Wag ka ng umiyak, naiiyak rin tuloy ako." And she would give me her trademark smile.

August 2009, she was scheduled for her prostethics. Nasa PGH sha having her therapy para sa artificial leg na ikakabit, and they learned the shocking and painful truth. The cancer cells were back, and this time kalat na sa katawan nya. Nag-stay sha sa hospital for another set of chemotherapy.

Dinalaw ko sha sa PGH nung October 11. Di pa nga oras ng dalaw yun eh, nagpalusot lang ako sa guard kaya ako nakapasok. As usual, Ayla made it look like she was doing okay. Di namin alam, even yung paglapat ng kumot sa katawan nya masakit. She was in pain. Pero nung niyakap ko sha before ako umuwi, I can never forget what she said.

"I love you friend."

Umiiyak na sha nun, pero I told her not to cry kasi mahihirapan lang sha. Dinaan ko sa biro at patawa. After I left her room, dun bumuhos ng husto ang luha ko sa chapel. For someone so sweet, kind and caring, bakit si Ayla pa? Cliche, pero andaming masamang tao sa mundo, bakit hindi sila? Bakit hindi ako? I don't understand why, and perhaps I never will.

After more than a week, she went home. And last Thursday, binawi na sa min si Ayla. The day she died, di raw sha mapakali. She said "Bakit ganun, wala akong makita. Tanggalin nyo na tong unan sa likod ko." She closed her eyes, and she breathed her last.

The night I saw her in her wedding dress, she was as beautiful as she was nung college. There was a hint of her trademark smile on her face. And she's at peace. She's gone now, but still she is our pillar of strength. She prepared us well.

Sa susunod na lakad ng tropa, sana kumpleto kami uli. Sa swimming, sa Alfonso, sa inuman, sa mga get-together, sa SM Bacoor, sa Molino, sa bahay nila Jhong at Ann, sa Hardin ng Postema, sa Cavite. I'm sure kasama namin si Ayla, natatawa sa mga kalokohan, umiiling sa mga kagaguhan, umaawat sa mga todong inuman (lalo na kay Ann), gumagabay san man ang venue ng susunod na lakad ng tropa.

Nauna man si Ayla, she will be with us until we, too, breathe our last.