7.24.2010

Runaway Gay

Baka pag nabasa toh ni Bibiana eh sabunutan nya ang sarili nya at isipin nyang isa shang pabayang Mother Goose. Di naman! Mashado lang talagang rebellious ang BM kaya kung anik anik na tumbling ang ginagawa. Actually hindi nya alam ang mga bagay na toh.. Uhmm, shempre pala alam nya kasi naloka sha kakahanap sa kin. Pero yung buong story eh di nya alam kasi usually naman di ko kinukwento kung anu exactly ang nangyari sa kin. Basta umuwi ako, end of story. Ang gulo ng intro ko no?

I'm talking about the times I ran away from home. Oh go na bakla, basahin mo uli yung intro, I'm sure it makes sense this time... Keri na? Now, on with the story...

Nung grade five ako ang first istokwa ko. Ni hindi pa ko pinamumukulan ng suso! Ang naaalala ko, pinapalo ni Maderrakka si Lil Sis at umaawat ako. Kasi ba naman kung makapalo siya parang kulang na lang eh downy at para na talagang ni-laundry shop yung utol kong baluga (Peace sis!) Eh kakaawat ko, bigla akong sinampal ng magaling kong Mother Hen. Ay, mega talikod ako habang hawak ang aking pisnging nagkulay rosas! Sabay punas ng luha na pumatak sa mula sa kaliwang mata, at saka tumakbong palayo.

Litong lito ang lilet (baklang maliit) na hindi alam kung saan susuling. Napagpasyahan kong gumora dun sa stepsis kong taga-Santolan. So imagine mo yun, mega takbo-talon-tili ako sa kahabaan ng Aurora Blvd. Walang kaperahan maski singkong naka-brace. Ang suot ko eh yung mickey mouse sando ko na sobrang laki ng butas sa gilid. At take note, nakatapak lang ako. Sumabit ako sa Love Bus hanggang Santolan, and from there eh alay-lakad na lang hanggang sa tapat ng Rizal High. 1-2-3 lang ako dun sa bus neng! Pero ang press release ko sa madlang pipol, at sa lahat ng handang makinig eh nilakad ko from Anonas to Santolan. Eh di nangapal naman ang kalyo ko nun!

Kinabukasan, ang mahadera kong stepsis na tomboy, ipinagkanulo na ko sa taong bayan. Sumugod ang lahat na may dalang sulo at balak akong sunugin sa plaza. Este ibang flashback pala yun. Ipinagkanulo nya ko ke Bibiana at maya maya eh dumating na at sinusundo ako. Aparrently hinanap pala nila ako sa buong Project 2 3 4, Cubao, at mga karatig na baryo. Malay ba naman nila na wit ko bet matulog sa kalye noh. Ayun, nag-kiss and make up kami ni Mudra at umuwi akong may sampal na naman sa kabilang pisngi. Hihihi.

Matapos ang ilang kalendaryo na pinupunit sa dingding, bakasyon naman going to 3rd year. Same eksena sa haus, pero si Stepdading naman ang kumekyeme sa baluga kong Lil Sis at binu-boogie wonderland na naman sha. Bugbog galore talaga ito! Kaya umawat na naman ang bakla. Iniharang ko ang katawan ko para sa kin lumapat ang hagupit ng kanyang sinturon. Bigla akong piningot at pinalabas ng bahay. Ang epal ko daw kasi, hehehe.

Dahil feeling outsider na naman ang baklang lagalag, umikot ako dun sa kabilang side ng bahay, dun sa may gawaan ng mga hollow blocks. May bintana kami dun. Sinitsitan ko yung boy namin na mukhang ewoks. Etong si Boy Ewoks eh napulot lang ni Step-pudra sa lansangan. Mano ba namang magpalitan kami at ako naman ang tumira sa lansangan. Pinaabot ko kay Boy Ewoks ang bagelya at mga damit ko, pati yung pokpokahontas kong shirt na green.

And I followed the yellow brick road named Aurora Blvd again -- this time hindi na ko umabot ng Santolan. Destination: Katipunan. As in sa ilalim ng flyover!

Dun sa ilalim ng c5 katipunan ko natagpuan ang aking bagong pamilya. Mga batang lansangan ang nakatambay dun. Tinuruan nila ko kung pano tumawid sa hiway ng walang tingin-tingin sa kaliwa at kanan, keber din sa traffic lights at sa busina. Run like the wind ka dapat. Pag nahagip ka ng sasakyan, eh di sorry. Umiwas kayo, tumatawid ako. Dapat ganun daw ang attitude.

Sa katips din ako natuto na umorder sa karinderya ng rice toppings. As in oorder ka ng kanin, at papalagyan mo ng toppings ng ulam para may lasa. At dalawang pisong coke -- bake limang takal dun sa takip ng bote. Winner na ang hapag kainan nun!

Me kumopkop sa kin na sampaguita vendor. Pero winner ang bahay ng lola mo sa Marikina. Pano, pusher pala si ate. Pero bet ko pa ring tumira sa haus nila kasi ang gwapo ng anak ng lola mo! At lagi pang nagpapakita ng motibo si Kuya. Since tabi kami matulog, aba ang kamay ko laging kinukuha at pinapasok sa loob ng shorts nya! Eh dalaginding pa ko nun, hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin at tawag ng laman. In short, tanga pa ko nung bata.

Si ate din pala ang nagbigay sa kin ng opportunity na kumita ng sarili kong pera. Binigyan nya ko ng pang-puhunan: tatlong basahan na bilog. Para may pampunas daw ako sa mga sasakyan. Ang teknik daw eh wag nang magtatanong, basta punasan na lang ang windshield, saka isahod ang kamay pagkatapos. Kung abutan ka, eh di swak sa banga. Kung di ka naman abutan, eh di duraan mo yung windshield sabay takbo. In fairness sa business na to, mabilis ang return of investment. Taray me ROI pa kong nalalaman!

Eventually eh umuwi rin ako, hinatid ako ni ate sampaguita sa bahay. Iniwan ko ang shirt kong pokpokahontas dun sa nagturo sa kin pano kumain ng rice toppings. At iniwan ko sa anak ni ate yung kalabaw ko sa boy scout. Para doon na lang nya isuot si Junior pag nami-miss nya ko. Cue background music -- kung maibabalik ko lang! Ang dating ikot ng mundo! Ang gusto ko kamay ko'y lagi ang nasa pututoy mooohh!

Yung sumunod na rampa ko eh mejo tumagal na. As in may kasama na itung pag-eenroll sa ibang iskul, at paghahakot ng mga gamit. Kasama na rin dito ang pagiging boy at PA ng isang artista. Gento yun...

Naaalala nyo ba yung magic temple at magic kingdom? Yung tatlong bata na may kapangyarihan: sina Juval, Omar at Sambag. Si Juval si Jason Salcedo, sha yung pinakalider, nakakakita ng totoong anyo ng mga creatures of the dark at may parang tawas sa noo. Si Omar si Marc Solis, pinakamakulet at ang powers naman nya eh pag kumain sha ng buto ng prutas, nagiging parang bala ng baril yun pag idinura nya sa kalaban. At si Sambag naman si Junnel Hernando, sha yung iyakin na pag tumulo ang luha sa lupa eh may tumutubong halaman at bulaklak. Kasama nila sa Part 1 si Anna Larucea, at sa Part 2 naman si Anne Curtis.

Bale magpo-fourth year HS na ko nito. Sa sobrang kabaliwan ko lang ke Sambag, pag pinapagalitan ako ni Bibiana eh tatapat ako sa halaman at iiyak. Kunwari tumubo yung halaman dahil sa luha ko. That would cheer me up! After ko mag-pretend na magical ang luha ng bakla, keribambam na uli. Nirekord ko pa sa casette yung audio ng movie, at gabi gabi kong pinakikinggan bago matulog.

One time eh nakita ko ang address ni Junnel sa magasin. Sa murphy pa sila nun nakatira. Ang bakla, walang pag-aalinlangan na sumugod at kumatok.

"Anjan po ba si Junnel?" tanong ko.

May ale na sumilip sa pinto. "Ay wala eh, nasa workshp sa Davao kasama si Peque Gallaga."

"Sayang naman po." Umeemote na napaupo ako sa tapat ng bahay nila.

"Bakit?" tanong ng ale.

Ewan anong pumasok sa kukote ko. Biglang naging lola basyang ang bakla. "Naglayas po kasi ako eh..." Sabay hikbi na parang pinagtulungan ni Snow White at ng Seven Dwarfs.

Di ko na maalala pano ko pinatuloy ni ATe Lita who turned out to be Junnel's mom. Basta kinupkop nya ko, at nagpaka-boy ako ng bonggang bongga! Pag kinakapos na sa kwento at kasinungalingan, takbo sa suking tindahang hardware, at maghakot pa uli ng talong sakong gravel and sand! Sige, magtahi ka ng tubig at maglubid ka ng buhangin baklang sinungaling! Me kasama pa akong tatlong tomboy na lilipad papuntang Saudi para mag-OFW.

In fairness to Mommy Lita mabait na tao talaga. Pag-aaralin ako ng lola mo. Ita-transfer na ko dapat sa Crame HS. Ako ang pinaka-PA ni Junnel sa mga taping, sa concerts, sa shooting, sa interview at sa guestings. Oh di ba feel na feel ko maging julalay! Tapos pag naliligo ako talagang todo pantasya kay Junnel. Shempre nakikita ko sha ng naka-briefs, naka-boxers, at nakatapis ng tuwalya. Minsan nga yung manipis na tuwalya ang inaabot ko eh para masilayan ko naman ang alindog ni Sambag.

I made the mistake of calling my family. Una, si Nanay Tess sa Iskwater, kapatid ni Ambo. Ngumangawa ang tiyahin ko at pinapauwi ako. Pano ilang linggo na kong di umuuwi. Tapos tumawag ako kay Sha-me, barkada ko ng hayskul. Ewan ko kung natatandaan pa nya, basta nag-iyakan kami na akala mo eh hindi na magkikita. Ayun, 10 years after magkasama pa rin kami.

And the most heartbreaking was nung tumawag ako ke Inay sa Pandacan. Si Dominga, ang lola ko at ina ni Bibiana. Nung humahagulhol na si Inay sa phone at pinapauwi ako, I had to go home. Goodbye Junnel! Goodbye showbiz! Goodbye career!

During college naman, yung last and probably the most stupid, nang dahil sa pag-ibig. Yun lang talaga ang maisip kong dahilan para sa ineksena ko. Ang dahilan: si Aveňo.

Dahil super labs na labs ko talaga ang lolo mo, imbis na sa Pandacan ako umuwi, araw araw eh sumasabay ako sa kanya hanggang Anonas kasi press release ng bakla eh dun na ko sa mga pinsan ko sa iskwater nakatira. Pero pagsakay na pagsakay nya ng jeepelya pauwi sa bulubundukin ng Cogeo, sakay na uli ang bakla ng patok na jeepangga pauwi sa Pandacan.

Ang pinakatodong kalukaretan ko na lang talaga eh nung bakasyon na. Maloka-loka na ko kakaisip kasi maghihiwalay na kami, so ang lola mo nakaisip ng paraan.

Alas onse ng gabi, kumatok ako sa bahay ni Aveňo sa Cogeo at naupo sa lupa. Paglabas ng tatay nya, ang ispluk ko lang eh ganitembang:

"Si Noel po?" sabay patak ng luha sa kaliwang mata.

"Ay tulog na. Gabing gabi na ah. Bakit? Anong nangyari?" q&a ni paderakka.

"Si Noel po?" paulit ulit lang na ispluk ng bakla.

Maya-maya eh pupungas pungas na lumabas ang otoko. "Oh mahal, bakit?" Kala ko lang ata mahal ang tawag nya. Hihihi.

Tulala pa rin ang bakla. Naalala nyang tingnan ang text ko kasi on my way eh may naitext na ko sa lolo mo. Ang script ko sa text: Aveňo! Nag-away kami ng stepfather ko. Tinutukan nya ko ng baril! Buburahin daw nya ko sa mundo. Buti na lang umakyat si Mommy kaya nakaalis ako. Pwede bang makitulog jan ngayon?

Parang biglang nagising na napahawak sa kin ang gwapo. "Ok ka lang? Nabasa ko na to kanina pero di ko naintindihan kasi natutulog na ko. Anong nangyari? Tinamaan ka ba? Gago yun ah! Ok ka lang ba? Sumagot ka mahal!" tunog mahal uli yung pangalan ko...

Pinanindigan na ng bakla ang pagiging pipi. Basta di ako sumasagot, di ako tumitingin sa kanya, at di ako kumukurap. Tulala. Shocked. Traumatized. Napipi. Yun ang character ko, kailangang i-internalize. Basta dire-direcho lang ang tulo ng luha ko, at di ako nagsasalita. Todo project! Best actress!

Ilang araw akong tulala at pipi kila Aveňo. Nasa tapat lang ako lagi ng bahay, nakaupo sa tambayan nila, nanonood pag nagwo-work out si Boy Masel, at ine-enjoy ang atensyong buong puso at buong araw nyang binibigay. Since sapatos ang dala ko pagpunta sa kanila, hati kami sa tsinelas. Kanya yung kaliwa, akin yung kanan. Asikaso galore ang lolo mo sa kin, laging nagjo-joke kahit corny, inaaliw ako sa paraang alam nya, at tinutugtugan ako ng gitara.

After 4 days ng pagiging tulala, at kahit pamilya nya eh nagwo-worry na, nasa kwarto kami at tinutugtugan uli ako ng lolo mo ng gitara. Aveňo has a great voice. Pwedeng pang-ASAP ang timbre kasi lalaking-lalaki, pero me kulot. Kinakausap ako ng lolo mo, pinipilit akong mag-snap out sa aking pagkatulala.

"I was down and out and feeling so low. You took my hand and eased my mind. I was afraid, you showed me the way. You taught me how to be strong. You made me live again."

Tulo na ng tulo ang luha ko, kasi I know he doesn't deserve this. Yung mahirapan ng todo dahil sa kagagahan ko. At habang kumakanta sya, umiiyak na rin ang lolo mo.

"Tol, magsalita ka naman. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Magsalita ka na pls. Andito naman ako eh di kita papabayaan. Magsalita ka na pls. Magsalita ka na." Niyakap nya ko sa likod, at saka sha umiyak ng umiyak. Yung iyak nya, unti unting lumakas hanggang sa humahagulhol na si Aveňo.

"I was lost in the dark. With my lonely broken heart. But then you came along you took me home and made me your own. You made me live again..." tinapos ko yung kanta. Kahit sinisinok-sinok at sumisinghot-singhot ako, after four days, yun ang una kong salita. Hinarap ko si Aveo, niyakap, at saka umiyak sa balikat nya.

Umuwi na rin ako nung araw na yun. Hinatid nya ko sa Pandacan at dun pa sha natulog that night. We became really close, me mga away at tampuhan, pero we managed to keep the friendship. Sa ngayon, nasa Mindanao ang lolo mo at tinupad ang pangarap nyang maging sundalo. Pag naaalala ko kung gano ko ka-abnoy dahil sa pagmamahal ko sa kanya, natatawa na lang ako.

I have always been a wild child. Feeling ko hanggang ngayon, there's a part of me pa rin na pag mashado nang maingay ang mundo, gusto kong maglayas at tumakas. Di ko na nga lang magawa ngayon. Pag naglayas ako, ako rin ang kailangang humanap sa sarili ko. Kumusta naman?! Kung ang tsinelas nga pag nawawala, hinahanap. Stilletos ko pa kaya?!

On Monday, I'll be going to Hong Kong ALONE. Yung mga supposedly eh kasama ko, parehong nag-back out. Gogora pa rin ang bakla. I promised this trip to myself, kasi gusto kong kumawala sa normal na buhay ko ngayon. Time for myself, time to introspect, time to reflect... Oras na para maglayas ulit.

Kahit anong tumbling, kahit anong layas, kahit anong istokwa, kahit anong ronda, uuwi at uuwi rin ang bakla. Ako at ang stilletos ko.

7.18.2010

The Day BM Quits

Nitong nakaraang araw, me nakita akong note na nakadikit sa likod ng pinto ko. Parang note lang ng mga zombies. At pagbasa ko, para kong aatakihin sa gall bladder. Iiwan na nya ko! Kaya pala nanlalamig sha sa kin nitong mga nakaraang araw... Karipas ako ng takbo at hinabol ang aking... Kabaklaan. Sabi sa note:


"This is your inner Kabaklaan. I quit!"


Panic mode ako bigla. Spell kumahog at kandarapa talaga ko sa paghabol kay Kabaklaan. Naabutan ko naman sha, nagla-lunch ng pritong tulingan at kaning sinabawan ng kape. Nag-usap kami at nagpaliwanagan. Pumayag naman shang bumalik na sa bahay. Pero binalaan ako ni Kabaklaan: something's happening and I need to brace myself. Tinanong ko si Kabaklaan kung anong nangyayari, at nang sabihin nya sa kin, nayanig ang bumbunan ko at nalagas ang bangs ko... Taray ni Kabaklaan, parang si Madam Racha. Sabi nya:

"Magegeng tumboy ka sa mga sosonod na araw. Mag-engat sa lalakeng may nonal sa nipol. Lake kolor, pyusha. Lake namber, tweyni-nayn."

Eto na yung relapse... It all started a few months back when I received a text message from my EX. As in ex-girlfriend. Paak!

"Uy musta na! Tagal na natin di nagkita. Miss na kita. Dami nangyari sa kin, you wouldn't believe! Magkita nga tayo! Text mo sked mo! Miss u! Mwah!"

Before ako maging BM, shempre dumaan ako sa stage na naging BN muna ako. Baklang Narnian! Nag-board and lodging ako sa Narnia - sa kloseta ng pagkukunwari. Uy, di naman ako naging full-pledged citizen ha! To the point na eksenang bumembang na ko ng kipay mapanindigan lang ang pagka- "lalake". Kahit paminta ko for a short a few years, I still find ways to express ang pagiging "lulurki".

Babala: isa itong napakahabang post. And probably, me part two pa itu. Kasi, it's part of who I am. As much as I like to pack this stuff in a box and keep it in the garage or under my bed, it doesn't work that way. Tsaka, wala akong garahe, at puno na ang ilalim ng kama ko. So bloggers, I hope you'll still have fun. Saka na ang meet and greet at autograph signing hihihi.

Bekbek Wars Episode 1 -- The Phantom Menage-a-Trois

My fisrt girlfriend, and probably the first person I ever loved was Wendy. Best friend turned guframae ang serye namin. Super sweet ng lola mo. Nakilala ko sa org sa church, naging mag "bes" kami for more than a year. Pero simula pa lang na-develop na ang lola mo sa kin. Nung lumabas na ko sa kumbento, sha ang sanity ko.

Sumbungan, kwentuhan, iyakan and everything. Me sulatan kami lagi. Every important occassion, every success and every failure, every little and big things, we shared together. The first person na nakaalam na badet ako. The first person na tumanggap sa pagkatao ko.

In fairness creative si Ex No. 1. Mejo purita mirasol kasi sila nun, as in fish ball magnate si Mudra, at m.i.a. si Pudra. Sila ni sisteret nya eh parehong skolar. Kaya un mga sulat nya sa kin, laging me cutouts ni Garfield, me mga pop-up na figures at mga anik anik design from mga lumang magasin. Basta sha si Garfield, ako si Jughead.

I admit, ako talaga ang me kasalanan kung bakit kami nag-break. Sabi ko kasi cool off. Pero nagkikita pa rin kami regularly, parang kami pa rin. Until me nanligaw na iba sa kanya na eventually eh naging dahilan ng pagsisinungaling at pagpapalusot, pagtatago sa escalator, pagpapanggap na nasa probinsya, at ang pinakatodo -- nagserve daw sha as volunteer sa St. Joseph, yun pala eh nasa Fairview at jontis na ang lola mo.

Minsan naiisip ko, she gave up on me way too easily. Ang bilis nyang napagod. Halleer sabi ko cool off! Tapos napakanta lang ako ng "malaya na ako" ayun ngumalngal na ang guframae ng faucet na faucet. At naghanap na ng kalinga ng iba. She's my first heartache.

Nag-enjoy naman ako sa aking newfound kalayaan. Happy pekpek courtesy of my newfound din na best friend. This time eh straight na itu kaya lalong tumibay ang cover-up ng bakla. Yun ang original maton sa buhay ko. Masel-masel, push up addict at workout buff ang lolo mo. May sariling barbel na gawa sa semento. Ultimo ugat nyan, me maskels. Si Aveño -- ang David Garcia Jr. ng buhay ko.

Aveño is a different blogpost. Basta in the near future na sha hihihi. Nabanggit ko lang sha kasi sha ang magandang intro kay Ex No. 2 -- si Eden. Kasi, kaklase namin si Ex No. 2 nung first year.

It was a short and beautiful six-day relationship. =) It was very meaningful. As in! Kasi that was when I realized na mahal ko talaga sha -- si Noel. Hihihi! Kaya nag-break din kami after 6 days.

Eh naloka ako kasi after ngumalngal ni Eden, at after akong iwasan ng mga 2 subjects, aba maya-maya eh keribambam na uli ang everything between us. Wala na shang masamang pande-koko sa kin uli. At napansin ko din, parang close-close-an sila ni Aveño. At nung nag-swimming kami sa Morong, aba HHWW-PSSP na ang duwa. Gusto kong malunod bigla sa kiddie pool!

Me pa-ek-ek kami sa klase na kandila chararat at magpapalitan ang dalawang magkaklase para makapag-usap at makapag-babye kasi pag 2nd year namin, iba iba na kami ng major so farewell to u my fwendz and drama namin dun.

Although pareho naman kaming psych major ni Aveño at magkaklase pa rin kami, napadrama na rin ang lolo mo kasi nga technically sinulot nya ang gufra mae ko. Sha ang kauna-unahang lalaking umiyak dahil sakin. Me sigok sigok, hikbi hikbi, singhot singhot at nguyngoy pang kasama yun ha. Naluha din tuloy ako.

Buong summer after that, nangupit ako araw-araw sa tita ko ng 50-70 pesos para makaakyat from Pandacan to Cogeo para makipaglandian ke Ex No. 2 at ke Aveño. Tipong tagisan ng galing, lalaki sa lulurki, may the best man win. Bandang huli eh todong nalito si Babaylan at walang pinili sa min dalawa. Win-win situation itu for me!

Pagpasok namin sa aming majorship, tatlo kaming dating magkakaklase na nagsama sa isang section. Ako, si Noel, at si Lorena. Later on eh nadagdagan kami ng isang tropa, si Ilette. Ewan kung anong nangyari, basta tinawag kaming sina Itoy, Bitong, Bebang at Bebeng. Pero yung mga tawag sa min, hindi pumatok, yung ke Lorena lang. After ten years, sha pa rin si Bebang. But no, hindi sha si Ex No. 3.

Si Ilette. Probably the longest of them all kasi sobrang open kami sa isa't isa, andaming on-off, andaming drama, pero mas lamang yung masaya at friendship. It was different this time, kasi si Noel naman ang nauna. Naging sila for a few months, pero mas close kami since pareho kaming gurlaloo. Too close to a point na sa kin na sha me gusto, at nalilito na si Bebang kung kanino sha sasama kasi nag-away kami ni Aveño, nag-away sila ni Ilette, at nag-away kami ni Ilette. Kawawang Bebang!

Me eksena pa kong naliligo sa banyo nung kaklase namin, habang lasing, nakahubad, nasa ilalim ng shower, at umiiyak habang ume-emote ng "ginago nya ko, ginago nya ko!" Until now, wala pa ring malinaw na dahilan kung sino ba ang gumago sa kin, kung bakit ako ginago, at kung ginago ba talaga ako. Basta ang alam ko, masarap mag-emote habang naliligo.

Before mag-3rd year eh umalis si Aveño sa skul namin at nagpaka-marino. His absence made Ilette and I closer for comfort. Ito din yung time na naglayas ako at naging boy ni Mylla -- again another story. Walang official date, walang official na kami na, basta yung mga kilos, yung mga haplos, yung mga halik, yung mga tingin, in fairness alam kong yun na yun, di nga lang mapag-usapan at di rin maharap. Kasi, alam nyang beki ako from the start at alam na alam nya lalo na inlavavo ako ke Aveño. Anong pwesto nya dun sa equation na yun?

Eventually naging friends na lang talaga kami. All's well that ends well. Until now, friends pa rin kami ng lola mo, we still see to it na we see each other once in a while. Kumustahan, update sa mga eksena sa buhay, basta we got each other's back anumang mangyari.

Naayos namin and everything went back to normal. I even had Ex No. 4. Actually ang nililigawan ko nun eh si Phoebe, ang aking S. O. (secret on daw) kasi me bowa shang iba. Nung minsan na me dance sa skulilet, mega buysung akeiwa ng flowers sa Designer's Bloom. Pagdating ko sa auditorium, kumusta naman, kasayaw nya si bowa. Bigla akong na-depress at binigay ko ang bulaklak sa unang babaeng nakita ko -- si Florence.

Si Flo impernes niligawan ko talaga un ng matagal na panahon. Ayaw nya kasi baka daw mahal ko pa si Illette. Hay girl! Kung alam mo lang! Naging kami ni Flo for a day tapos umayaw na sha, kasi daw hindi nya masabing mahal ko talaga sha. Nararamdaman nya raw na me ibang laman ang puso ko. Hmm, women's instinct! Korected by naman sha, maling tao nga lang ang pinagbintangan ng lola mo. Nung magka-baby si Flo dun sa sumunod nyang bowa, ang nasabi na lang nya eh -- "Sayo sana to." Ayun naging nina ako ni Athena, at once ko pa lang sha nakita. Nung binyag six years ago!

Yung last, mejo weird... I call her Lumen kasi kamukha nya si Lumen sa commercial ng surf. Akalain mo yun, college pa lang ako Lumen na sha, hanggang ngayon naglalaba pa rin si Ate. Di na naubusan ng maruming damit ang pamilya nya. Siguro me laundry shop si Lumen.

Anyway, nung college eh me crush akong nilalang. Itago natin sha sa pangalang Cocoy. Si Cocoy eh ginawan ko talaga ng paraan para maging kakilala ko. To the point na di ako papasok ng ROTC para ipahiram sa kanya ang cap, o belt, o combat boots o jacket ko. Pareho kami ng major, pero ibang section sha. Nung 3rd year kami, required ang lahat ng lalaki na sumali sa Mr. Psych kasi kokonti lang ang lalaki. Literally. So excited din naman ang bakla na sumali.

Shempre ang BM... Rarampa na! I was there with my pink stilletos! At akalain mo yun, sa sobrang shortage ng kalalakihan sa batch namin, 1st runner up pa ko. Ikaw na ang mag-rave attire ng trench coat at briefs with black na pakpak at CD sa puson! As expected si Cocoy ang naging Mr. Psych at ang wind beneath his wings: si Lumen.

Studious ang Cocoy, acshuali running for Magna ang lolo mo, di nga lang umabot. Sa library ang fave spot ng lolo mo. Lagi din palang andun si Ms. Psych sa thesis section. Ayun nagka-kodaK moment ang dalawa. Si Lumen, naiwang luhaan at panay bakbak ang kamay kakalaba. That time naman kami nagsimulang mag-textmates. One time eh nakipagkita sa kin ang bilat sa library din, at buong tapang akong tinanong.

"Nanliligaw ka ba sa kin?" sabi ng Mahaderang Labandera.

Ang BN, napa-why not?! "Uhhm, oo."

"Tayo na." with conviction na sagot ng ate mo.

Instant gf itu. Nag-usap pa kami ni Cocoy para wag ko daw saktan si Lumen, mga ganung eklaboo, malay ba naman nya na sha ang itinatangi ng malunggay ko?! Ayun, naging panakip butas ako ni Lumen, ang di nya alam sha naman ang shield ko sa mga dudera sa pagkalulurki ng BN. Dahil mahina ang pundasyon, shempre yung relasyon madaling mag-crumble. Basta nag-break na lang kami after 11 days ata.

Lahat halos ng mga katomboyan ko, ganun lang ang eksena. Nothing lasts kasi obviously di ko sila kayang mapanindigan. Sabi ko nga sa isang barkada ko, kung may makikilala akong babae na masisigurong hindi na ko titingin sa ibang lalaki, at makakaya kong maging faithful sa kanya, bakit hindi?

Sino ba ang ayaw ng normal na buhay? Sino ba ayaw ng masayang pamilya? Sino ba ang ayaw ng mga munting tyanak na tatakbo takbo sa sala at lulundag lundag sa kama? Sino ba ang ayaw ng simpleng buhay?

I've been watching Will and Grace lately, at naloka ko sa plot nung 4th season. Napagkasunduan nila na magkaroon ng baby together! Ganun talaga no? Pag dun lagi nakatutok ang isip mo, lahat ina-associate mo sa sarili mo. This much I can say for now:

I want a baby.

Lahat ng lalaking nilalandi ko, ang tawag ko baby, bhe, bhie, babe. Mga apo ko sa pamangkin, spoiled sa kin. Mga inaanak ko lahat sweet sweetan ako. Pag nakakakita ako ng baklang may anak, naiinggit ako. Pag napapanood ko si Ogie Diaz at Arnel Ignacio naiisip ko na kaya ko rin yung ganun. At nung napanood ko yung episode nina Aiza at Kuya Dick, wala na napangawa na talaga ko sa kwarto ko. Who will be my spare womb? Who will be my backup egg? Kung pwede lang na ako na rin magbuntis at manganak.

Ang tanong: is having a baby the answer?

Sabi nga nung barkada kong guidance counselor, kaya ko bang maging role model sa magiging anak ko? Anong ituturo ko sa kanya?! Ang tamang paraan ng pagkuda? Ang magandang posisyon sa pagbembang? Pano tumawad (at tumuwad) sa isang prospect? Anong magandang buhay ang maibibigay ng isang single na bakla sa isang tyanak?! Anong motto ang maipapamana ko sa junakis ko? Teach a man how to fish and he will bring home a fisherman?!

Pano ba mag-resign sa kabaklaan? Pwede ba yun?! Anu ko col sener agent?! May 30-day period ba yun? Isu-surrender ko lang ba ang Bakla ID ko at magpapa-clearance sa mga Board of Beki? Magpapasa ng cedula at Deed of Sale? In the first place, natatalikuran ba ang kabaklaan?! Sana ang kabaklaan may tatlong lifelines din. 50-50, Ask the Audience at Phone a Friend.

I'm not saying na gusto kong magpaka-tomboy. Just thinking out loud... Hay! Basta ang alam ko, I want to have a baby. I may need a kidney someday... Hihihi.

7.08.2010

SOCO Moment

Ang lahat ng mga pangyayari ay pawang kathang-isip lamang ng Bakla, at anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar o pangyayari ay hindi intensyonal at nagkataon lamang. (Char!)

Hunyo 16, 2010. Miyerkules, dakong alas-siyete ng umaga.

Isang araw, pauwi na si Rubi (di tunay na pangalan) sa kanyang tinutuluyang bahay sa Kagandahan Street, Quezon City (di tunay na lugar). Nagulat siya dahil pagpihit nya sa doorknob ay sira ito. Pingku-pingko ang keyhole, at halos bali na ang handle. Kinabahan sya agad sa hinalang may nangyari sa kanyang bahay. Pagpasok nya ay nakahinga sya ng maluwag sapagkat nandun pa rin sa lamesa si Toshiba (di tunay na laptop).

Dali-dali syang nagpunta sa bahay ni Yaya Pancha (di tunay na yaya). Humahangos ang mag-yaya na nagtungo sa bahay na fuschia (di tunay na kulay) at inusisa ang kabuuan ng bahay. Napag-alaman sa kanilang pagsisiyasat na nawawala ang isang cell phone, isang external hard drive at isang wallet na punong puno ng salapi - at mga picture ni Rosanna (di tunay na nanay ng biktima). Ang mga ito ay pawang nakapatong sa ibabaw ng ref.

Sa nalaman ay nagsisigaw si Yaya Pancha sa galit. "Mga p***ng *na talaga! Mga hayup! Pati ikaw ninakawan oh! Ano ba naman yan?!" Lumapit na ang mga miron. "Ayan oh mare, Sinira pa yung lock ng mga p***ng *na!" Maya-maya ay napansin nya ang isang mahabang kutsilyo sa gilid ng tubo ng Nawasa. "Ayun oh! Mga hayup talaga! Eto siguro ginamit sa pagtungkab sa dornab! Mga p***ng *na ng mga hayup na yan! Eh pano kung nasa loob si Rubi tapos nag-panic sila at bigla na lang shang saksakin? Tang *nang mga magnanakaw talaga yan!"

Lahat na ng kapitbahay at kamag-anak ay andun na ata. Nakikiusyoso. Nakiki-chismis. Nakikiepal. Habang naglilitanya pa si Yaya Pancha sa mga miron, nanghihinang napaupo si Rubi at hinimas-himas si Toshiba. Buti na lang nga wala ako dito. Kundi nasirang Rubi na ko ngayon. Kinikilabutan siya sa naisip. "Kung nagkataon... Goodbye Rubi!"

Kung anu-ano pang kuro-kuro ang kinembot ng mga kyemedora sa labas. Isinara na ni Rubi ang pinto at nagkulong sa cyberworld. Shoutout sa FB: Syet! Na-akyat bahay ako! Lecheng mga hampaslupa!

The feeling of helplessness and resignation started to sink in. Wala na shang magagawa. At least wala sha sa bahay nung mangyari yun. Shempre dali-dali shang nagsumbong kay Cherry Pie Picache aka Rosanna (di tunay na nanay ng biktima) pero di sha makakontak kasi walang signal. Gusto man nyang puntahan si Alejandro (di tunay na leading man) sa Bahay na Blue, ay di nya magawa. Baka magselos ang ik-ik (di tunay na aswang).

Lumabas ang bedang kontrabeda para makahanap ng signal village. Biglang me lumapit na Bayan Patroller at sinabing may 3 aali-aligid sa bahay nya around 2am. Isa pang star witness ang lumitaw pinpointing the same set of teenagers at around 4am naman. Samakatwid, it's either nakita ng tatlong kumag ang krimen, or sila ang kriminal.

Pinatawag ang tatlong kutong lupa sa barangay. Inuto-uto para isoli na ang mga nawawalang hiyas at nang palayain na sila. Nagpauto naman ang mga kumag at di nagtagal ay natunton na kung saan nakatago ang nawawalang rebulto ni Majinboo. Maya-maya pa ay nagtuturuan na ang mga tinamaan ng kulog na mga suspek kung sino ang may pakana at kung sino ang lookout.

Sa madaling sabi, nahuli ang tatlong kupal at naipakulong. In fairness to Rubi, naawa sha sa tatlo kasi nga puro minor pa, kaya siniguro muna nya sa DSWD na hindi naman mare-rape ng mga preso sina Hudas, Barabas at Hestas.

Makalipas ang ilang linggo, nagpapa-sweet ang Rubi at ang Alejandro sa bahay na fuschia. Nagkaroon kasi sila ng kasunduan na hindi muna sila mag-uusap alang-alang kina Hector at Maribel. Pero matindi talaga ang kanilang pag-ibig sa isat isa kaya nagkakumustahan silang muli.

"Na-miss mo ko?" Tanong ni Rubi.

"Hindi." sagot ni Alejandro.

"Nanlaki ang mga mata ni Angelita, este ni Rubi pala.

"Hindi kita na-miss. Baka lumaki na naman ulo mo eh." sabay ngiti na nakakaloko.

Magdamag pang nagpa-sweet ang mag-EX at nang sumapit ang bukang liwayway ay sabay nilang tinahak ang daan patungo sa... kanto dahil papasok na sa kol sener si Rubi (di tunay na kompanya). Habang naglalakad, napansin ni Alejandro na may taong nakatambay sa may kanto, mejo malapit sa basurahan, at may dalang asido. Ang taray! Ang talas ng eyesight ni Alejandro.

Sinipat nyang maigi ang lalaki, at nang masiguro nyang pinsan ni Barabas ang lalaki, binulungan nya si Rubi.

"Rubi, takbo!" bulong na pasigaw ni Alejandro.

Ang Rubing malandi, sige pa rin sa pagkakandirit sa kalsada.

"Rubi, run!" sigaw na pabulong uli ni Alejandro.

Di pa rin narinig ng bakla, este ni Rubi pala. Kandirit dito, pata-burey (pas de bourreé) don, hop and skip dyan. Napikon na si Payat (oops!) I mean Alejandro.

"Ma! Takbo! Ma! Run! Bakla! Run! Run!"

Aay! Naloka si Rubi. Tinabig ang mga paso, ang nagtitinda ng taho, ang mga newspaper vendors at ang mga nagtitinda ng goto. Binato ng peas ang mga zombie. Hinagis si Maribel sa ilog pasig. Tinanggal ang kanyang fuschia stilletos at saka nag-Milo Marathon Part 2. Run, Rubi, run! Run like the wind! naman ang beda.

Pero waley soundtrack na "growing up with Olympic energy, growing up with Milo". Wala ring mga chirp ng birds at sloosh ng winds. Ang tanging sounds eh ang hingal ni Rubi habang lumilitanya ng "You want war, paaak! I'll give you war! Paaak! (hingal! hingal!) Hah! Hah! I'll be there in my pink stilletos! Paaak! Aay! Tae! Takbo!!!" At lumamon na nga ng alikabok ang Alejandro.

Ang lalaking nakatambay sa may kanto, hinabol ng mga siga na kumakain ng goto sa gotohan ni Darang Lumen. Nakasakay ang hinayupak sa getaway vehicle nyang traysikel, at nakatakas. Sigh!

Nope, mali kayo. Hindi nila tinawag na Baclaran ang lugar na yun. Iskwater pa rin ang tawag sa lugar nila Rubi. Balik na uli sa normal ang lahat. Di kay Rubi umiikot ang mundo, at hindi to itigil kahit mawala pa sya. Paaak!

Ang tanong ni Rubi: Should I stay? Or should I go?

It still is considered home.

But what if home isn't safe anymore?