3.14.2012

A Happiness of Gays

Shrewdness of apes. Congregation of alligators. Unkindness of ravens. Battery of barracudas. Piteousness of Turtle doves. Flamboyance of flamingoes. Yung pinakahuli siguro ang pinakabongga. Napaisip ako ng semi-malalim. Pano sa grupo ng mga bektaz?

Ever come across a group of gays? Pag may nakasalubong kang grupo ng mga beki, kahit anong category pa ng pagka-beki yan -- semi-gay aka bisexual, loud and queer, going straight to straights, pepper pack (pakete ng mga paminta!) o kahit grupo ng mga lilet -- asahan mo masaya sila. Di mor di merry-men! Sa tanang buhay kez, wala pa kong nakasalubong na grupo ng mga beki na malungkot. And so, I coin:

Happiness of gays -- (noun) A group of gay people doing things together happily.

Tuma-tumbling na magkakasama ala cheering squad; nagpe-pep talk sa mga rally ala Kumander Gringa; gumigimik sa Malate at Eastwood na kuntodo porma, madalas may scarf; rumarampa sa madaling araw (any time of the day actually) para mag-hunt ng mga prey, este otokiz; nagpo-photoshoot together using different colored outfits ala Beki Rangers -- it's transmorphication time na Pink Beki Ranger! At shempre ang mga beking malalandi, salu-salo rin together sa Orgina Wilson -- kembutan together, kembular ng companionship at camaraderie, at shempre collective libog ng mga makakati. Pag magkakasama sila, ang tawag ko ngayonchi: happiness of gays.

PS agad bago ko makalimutan: The term "happiness of gays" also apply to our lez miserables kuyas, aka shivoli/butch/femme/obit/KFC/borbs/tommy lee jones/timbaland. Kaya sa mga friendship kong member ng Hukbong Sandatahan ng Mga Magdudukit at sa internationally acclaimed group na Les Volt In, you are shoot in the vase. Err, I mean, pasok kayey sa banga!

I would love to list down some reasons why Bekis (and Shivolis, for that matter) are such a happy and gay bunch, especially pag nasa umpukan.

Mapa. As in mapanglait, mapang-alipusta, mapang-asar, mapagmaganda, isama na ang mapanga aka Toni Gonzaga. At impernes, mapanganib din kasi pag narinig mo kung gano ka na nilait mula ingrown hanggang split ends, basag self-confidence mo mam. Lalo na pag kamukha mo si Aljurog Abrenica or si Diana Kadiri at saksakan pa ng sama ang ugali mo, gudlak. Susuka ka ng dugo sa sama ng loob.

Mapa ulit. Imperlaloo naman kay Beklaloo, mapagmahal at mapag-aruga naman. Mapagbigay -- sa otoko man, o sa bilat -- pero shempre mas todo magbigay sa pamilya. Di ba nga lagi kong binabanggit, andami kong knowsline na mga Ylmaz Bektaz na mega provider sa family apir. Yung isa, me quotang walong masahe araw-araw. Yung isa kumo-coño sa kol sener at kuntodo RDOT para makahindot ng pantustos. Mapa talaga davah?! Ay wait, di pala group trait itu. Nyahehehehe.

Personally, mas bongga ang isang happiness of gays kapag may mga faghag na kasama. Etong mga to naman eh yung mga beki groupie eheste mga baklang sinuwerteng tinubuan ng authentic na talaba sa mga sipit-sipitan, mga swerteng bwakanang shit na babae hehehe. Mga babaeng bakla. Sila yung mga kunsintidor na tagakuha ng number ng otokiz, tagasulsol, tagapakinig after ng putukan (or jombagan), taga-"itoldyouso, itoldyouso, toldyou, toldyou, toldyouso!", taga-mukap din minsan, at lahat na ng functions na kelangan ng isang beki.

Bakit nga ba masayahin ang mga bakla? Dun sa November post ko (na mejo naparami ata ang budbod ko ng papaitan) eh parang sinabi ko ng walang choice ang mga beki, kaya pinipilit na lang na maging happiness. Of course not, may pinagtatambayan lang ako nung mga panahong yun kaya ang bitter bitter ng bakla. By experience, being happy is indeed a choice, pero I can guarantee na majority of the bekis I know are happy in nature, and not because wala ng ibang pagpipilian.

Ako mismo madalas mapagkamalang baliwag masayahin eh. Tumatawa ako mag-isa at kahit saan yun ha. Kung di ako nagbabasa or naglalaro ng temple run eh kinakausap ko sarili ko. My way of killing time malamang. And I feel happy while doing those things. Feeling ko eh karapatan kong tumawa at sumaya kesehodang nasa gitna ako ng escalator at bet ko ang hirit nung heroine ni Rose Tan. O kaya eh nakikipagkulitan ako sa kung sinomang ka-text ko.

Lalo na pag magkakasama kami ng mga beki friends ko. Kung full force, di kakayanin ninumaan ang peak level of understanding ng mga bakla. Tinginan lang, konting tango, slight kalabit, tulis ng nguso, nagkakatawanan na kami. Kanya-kanyang moments, kanya-kanyang hirit, pero pag nirecord mo at nai-transcribe, may script ka na pang isang episode ng Will and Grace or Palibhasa Bektas.

Ang pansin ko rin lang, bekis are territorial mammals. Pag ang mga baklang di magkakabarkada, pinagsama -- riot mam. Kanya-kanyang pasiklaban ng ruffled skirts at peacock feathers! Kanya-kanyang hirit, patalinuhan ang peg, parang beau-con lang mam! Pero matatalinong beki individuals naman ang pinagsama mo, there's a certain rapport and camaraderie na nabubuo. Simple reason behind that: we get each other. We are all sisters of a different mother.

Ang kaligayahan ng mga bektas eh hindi tulad ng sa mga clown -- behind a happy face is a sad man. Nope. We truly are a bunch of happy gays, and I'm claiming it as our trademark. True naman di ba? Usually maingay ang isang umpukan pag may baklang kasama. Halakhak bruha pa nga madalas. Sa mga inuman, bukod sa beki na ang nanlibre, beki pa ang masarap kakudaan.

I guess it's our way of showing the world that we can be colorful and bright despite the gray hues in our lives. That we are normal people who laugh, cry, shout, feel, gossip, joke, eat, drink, study, and all the transitive and intransitive verbs other people also do. That we are also capable of showing love, care, fear, excitement, bravery, and yes, happiness. That we are not after their dicks all the time. That sometimes, we are also after their heart. Or friendship. Whichever comes first.

Gento ang prinsipyo sa likod ng isang masayang bekihood: Sometimes may dark moments. There's discrimination and inequality everywhere. Sometimes may dark horses. May mga kupal at epal kahit saan. But these are mere reflections of our own darkness within, and shunning this darkness has been a great -- if not the greatest -- trait of a beki. Embracing the bad, and turning it to something wonderful -- shining, shimmering, splendid. And most of the time, funny.

FYI, I hurt too. FYI, I bleed. I get bruised, I get wounded, I get scarred. Then I move on. And still be happy. For me, that's what being gay is. Being able to stand and walk away from the pain with a genuine wave ala-beauty queen. Being able to crawl out of burning rubbles, sabay rampa ala fashon model. As long as your friends are making rampa alongside you, sinong hindi magiging masaya nun?

Applications for membership now (and forever) open. I dare you. Be beki. Be gay. Be happy.

I am BiEm. Member ID Number 5254-HAPPY (5254-42779)

The next time you see a happiness of gays, smile. Wave, do a  pas de bourree, curtsy, dolphin dive, tik tok, take off your feathered hat/sombrero/head band/ribbon/tiara.Give homage.

Beki and proud. Beki and happy.

If I intend to shine, I might as well shine the brightest. If I'm going to burn, it might as well be bright.

10 comments:

  1. finally!nahanap ko ulit tong site mo. haha super tama ka never pa akong nakakita ng grupo ng mga beki na malulungkot laging masaya lagi. and i mas say super nakakatuwang panuorin ang mga ganung moments. =D

    If I intend to shine, I might as well shine the brightest. If I'm going to burn, it might as well be bright.

    ReplyDelete
  2. like na like ko to....the best post i have ever read in your blog...

    ReplyDelete
  3. tamah! masaya kapag mga beki ang magkakasama... ^.^

    ReplyDelete
  4. very optimistic at sobrang inspiring!!! tama ka BiEm.grabe... I felt an overflowing surge of inspiration and wit. :) Brilliant BiEm! Brilliant!

    ReplyDelete
  5. Hi BeIm:

    San ba makakuha ng Application for Membership form? I wanna join your group. Kaso, i am not yet open to the Public (i.e. closeta, paminta pa rin) so hindi ako masyado maglandi ha? I want to enjoy the fun of your company. just bear with me Pls. inform me thru my email if accepted na akezz: rugsypnchO@gmail.com

    david

    ReplyDelete
  6. indeed! (sa lahat ng sinabi mo)

    HAHAHA! labyu madam! kahit isinumpa mo ko via voice note! haha

    ReplyDelete
  7. Hi BM, your posts are really entertaining.
    Ngstart dn ako mgsulat, pg my time kau pacheck nmn, eto oh...
    misadventuresofda.blogspot.com

    Thanks and more power BM! =)

    ReplyDelete