5.08.2010

Strange Encounter

Isang araw, sa Imbiernes, Sta. Ana, Manila. Nakasalubong ko si Aiza Seguerra.

BM: Aiza!
Aiza: Oi hi!
BM: Aiza! Aiza! Aiza! (may paghawak sa balikat sabay yugyog)
Aiza: Oh bakit!
BM: (hawak pa rin ang balikat ni Aiza) Aiza ako si BM! Ako si BM! Natatandaan mo pa ba ko?!
Aiza: (confused) BM? Kilala ba kita?
BM: Hindi! Nakasalubong mo lang ako dito ngayon! Aiza! Dito mismo ngayon lang, nagkasalubong tayo!
Aiza: Ngayon lang? (naloka na si Aiza)
BM: Oo ngayon lang mismo! Oh sige! Ingat ka ha. (bumeso muna, sabay lakad palayo na parang walang nangyari.)
Sana si Piolo naman makasalubong ko o kaya si Mario. (bulong sa sarili)

That was 6 years ago. Pero sigurado ko pag nakasalubong ko uli si Aiza, maaalala nya ko. Three years ago sa interview nya sa The Buzz nabanggit pa nya yun as one of the weirdest encounter nya sa isang fan. Hehehe. Sureness ako, never nya kong makakalimutan.

Meron talagang mga taong ganun no? Anlaki ng impak sa buhay mo, kahit matagal na silang wala pag naalala mo, imposibleng di ka mapangiti, matawa, maluha o malurki.

Naalala ko si Budwire... di ko alam kung matatawa ba ko o maluluha.

Ginawa ko pareho... ng sabay.

9 comments:

  1. More on this kembot later mga beki! Ta-ta!

    ReplyDelete
  2. aaaaaaaaaaaw hahahaha naalala ko rin siya bigla at natawa lang ako heheehehe

    ReplyDelete
  3. I'm back. Guess who...

    ReplyDelete
  4. @Anonymous.... Aiza?! Your back!!! Ikaw na ba yan Aiza?! wahahaha!

    ReplyDelete
  5. Laugh trip tlga pag napapadaan ako dito...Di ko alam kung related pero share ko lang yung sinabi ko sa blog post ni Guyrony, memories have the ability to make you feel both happiness and regret...is a blessing and a curse

    ReplyDelete
  6. natawa ako sa palitan niyo ni aiza! haha

    iyak tawa? may tawag kami diyan. IT para sosyal. hehe and we only reserve it for the worst moments. i'm sure nahihirapan ka ngayon. i hope u feel better. :D

    ReplyDelete
  7. ang kulit naman ng encounter na yun ;)) natawa ako =)

    ReplyDelete
  8. ang kulit! nice one, BM! :p

    ReplyDelete
  9. aww...so true kapatid

    ReplyDelete