11.10.2009

Panalo ka Bakla!

Kawawa Ka Ba, Bakla?

Sabi ni Sweet, kawawa ka daw bakla. Sabi ko naman, di ah! Winner ka kaya!

Me barkada ako nung hayskul. Badet na mukhang babae yun pero di operada. Me asawang law student. Madalas nasa haus lang sha at nagpapaganda, si bowa ang nagtatrabaho. Niligawan sha ni atorni-to-be, ibinahay, at sinuportahan ang buo nyang pamilya. Ilang beses na shang pinadalhan ng dolyar nung ex nya na nakilala lang nya sa elevator, nag-hi sa kanya, at sinagot nya ng "I'm blessed!" Ayun, nahumaling na si Kuya. Madalas me sundo yan, naka-expedition, explorer, at kung anu-ano pang Ex. At pag kinakati ang tinggil ko, gora ako sa pad nyan. Rarampa sha ng mga 10 minutes. Pagbalik, me kasama ng pulutan, tig-isa kami. Kawawa ba sha? Winner ka, badet!

Yung isang bekbek sa min sa iskwater, si Malou. Naging jusawa nya si Amboro. "Amboro" tawag sa lulurki kasi yun ang tawag nya sa marlboro kahit 20+ yrs old na sha. Nagsama rin sila sa isang bubong at tumagal ng 8yrs ang pagsasama. Nung isang buwan lang naghiwalay sila kasi nakabuntis pala si Amboro. Nag-attempt ng suicide si Malou. Gamit ang kawad ng kuryente, nagbigti sa 3rd floor ng bahay nila. Kaso dahil mababa ang kisame ng 3rd floor, pag tumayo sha ng tuwid eh mauuntog na sha. Kaya nung nagbigti sha, paluhod para maisabit nya yung leeg nya.
Dahil di nya malaman kung papano pupuwesto sa tali, sa tagal ng eksena eh nakita sha ng mga kasama nya sa bahay, inawat at pinakalma. After a few cartwheels, umuwi na lang sha ng Davao. Ilang linggo lang at nakakita na sha agad ng bagong asawa. Andaling naka-move on! Happy na sha sa pamimitas ng suha. Kawawa ba sha? Bongga ka, bekbek!

Dun sa labas ng iskwater, me isang parlorista dun na tarush. Yung me-ari, si Eric, me kinakasamang binatang ama, si Hansen. 7yrs old na yung anak nya, kaya 7yrs na rin silang nagsasama. Nung minsan, habang kinukulot nya ang shoulder length kong bigote at one-sided kong balbas eh tinanong ako ni Eric.

"BM, me alam ka bang penile enlarger?" Nawindang ako. Sabi ko wala.
"Bakit kelangan mo pa ng pampalaki ng kembot, eh biggie naman si Hansen?"
"Hindi para sa kanya. Para sa kin." Mas nawindang ako. Tumbling di ba?!

Sa katagalan pala ng relasyon nila eh me na-develop ke Hansen. Nung una daw ay lie-la-dee (naka-lie lang sa kama) si Kuya. After ng ilang years eh sinubukan nya na ring bodahin si Eric. Yes kumukuda na si straight kuya. At eto pa, kumapit ka. Pag nagkekembutan daw sila eh madalas "nasasaling" ng nota ni Eric ang puwetina ni Hansen. Napapansin daw nya na parang napapapikit ang lolo mio, kaya minsan daw eh sinubukan nyang uringin ang Hansen. Pumayag daw, at ngayon nga eh nasasarapan na sa uringan nilang magbowa. Shocking Asia! Best of both worlds ang drama. Kawawa ba sha? Ang sabi ko na lang ke Erik: Birador kang parlorista ka! Nakakaloka!

Madalas akong makabasa ng mga nahoholdap sa kalye na beki. Meron namang iba, pinasakan ng kung anu-ano sa kipay habang nasa mot-mot. Yung iba eh ninakawan naman habang bumu-booking. And worse, pinatay na badet sa sarili nilang apartment. Eto, walang argumento, kawawa talaga ang mga biktimang bakla. Pero di ako naniniwala na biktima lagi ang bakla.

Kasi nung bata akeiwa eh lagi akong karay-karay ni Bibiana sa city jail kasi dun nagwo-workaloo si Stepdad. Ning andaming beki dun na nakaka-orkot ang arrive! Me holdaper, snatcher, pusher, akyat-bahay, jailwalker, estapador. Yung ibang beki dun eh "asawa" ng mga mayor, yung makikinis eh walang gawain kundi paligayahin ang ibang preso. Di ko sinasabing porke madalas na biktima ang beki eh dapat matuto shang gumanti. Pero tingin ko, kawawa man ang ibang beki, marami pa ring beki na palaban at di nagpapaapi. Ang taray mo, beki! Fight lang ng fight!

Ang common notion pag nakipag-bongkangan ang lulurki sa bayot, pera ang habol. Kung libre naman, bayot sa bayot ang labanan. Bibihira yung straight talaga na papayag makipag-bongkangan ng walang kapalit. Kahit pa dalawang boteng redhorse lang yan, kapalit pa rin. Sige andun na ko, di ko na kokontrahin yun. Pero on the colorful side of the rainbow, aba winnie cordero ang bayot kasi meron shang something na pwedeng ibigay.

Sabi ko nga, habang me poverty, me bayot na masaya. Ang bayot marunong dumiskarte, kaya nagkakapera. Ang bayot marunong kumayod, maraming kaututang-dila, maraming koneksyon, maraming datung, maraming kalakal. Kaya sha ang pinupuntahan ng majijirap na nilalang. Di lang naman sa lalaki napupunta ang yaman ni beki ah. Maraming bayot na breadwinner. Plenty ang bayot na sandalan ng pamilya pag tuition time na ng shupatid at shumangkin. Havs ng mga bayot na utangan ng bayan kasi blooming ang raket. Sige, gurl, magsumikap ka. Para masabi mo sa mga jologs na tsismosa, Yaya! I'm such a winner!

Pag naghalikan daw ang dalawang kuya, nandidiri ang mga babaylan. Pag dalawang babaylan naman ang nag-lipchukchakan eh natu-turn on ang mga kalulurkihan. Try nga natin na dalawang borboli ang maglaplapan. Yung dalawang hiphop na borboli, mega baggy sweat pants at XXXL na shirt, me cap pa na baliktad at bling-bling na kwintas. Tapos silang dalawa eh magpapalitan ng gums at tonsils. Choosy ka pa! Di ba di mo rin keri? Sa dalawang macho na lang ako. Try mo manood ng plentiful na indie films, masasanay ka rin. Pag nasanay ka na, eh di kiss and make up na. Kawawa ba sila habang nagsu-swap sila ng ngala ngala? Ang shala kaya! Winona ka bakla!

Nung isang beses, pasakay ako sa LRT, me nakatayo sa pintuan na baklang marungis. Tapos nung lumakad sha, nakaluhod yung isang paa, kasi yung left leg nya, hanggang tuhod lang. Kaya pag naglalakad sha, laging nakaluhod yung isa. Lumapit sha sa mga kasamahan nyang bakla na marurungis din. Pero wag ka, nung nag-usap na ang tropa, nosebleed english talaga ito. Fluent sila, as in, at me accent pa kamo. Nagte-train pala sila sa city hall para maging call center. O davah, ang mga beking walang langit, me pangarap rin! Maligo ka lang beki, mahalia fuentes ka na! Shower na!

Nakakita ka na ba ng rambol ng mga bakla? Ay dumayo ka dito sa iskwater, normal na kaganapan lang yan. Isang beses nga, me kapitbahay kaming hinoldap habang naglalakad pauwi. Di kasi sha mukhang taga-iskwater, closet badet kasi lolo mo. Pasimple lang yung lakad nila, di mo mahahalata na me nakatutok na palang balisong ke bakla. Eh napadaan sila sa tropa ng mga beki. Akala nung holdaper hindi pipiyok ang lola mo, biglang umupo sa tumpukan at tinuro si holdaper. Ning, kinuyog ng mga beki si holdaper, me pumalo pa ng bote sa ulo di nga lang nabasag. Rumesponde yung mga tanod nung nakita nila na gutay-gutay na ang outfit ni kuya holdaper. Ang ending, nag-come out on the rain na si kuya closet. Goodbye Narnia party itu! Welcome, beki!

Maraming babaeng stand-up comedian pero siguro sa isang babae, sampung badet ang katumbas. At never pa kong nakakita ng tiboli na stand-up comedian ha. Lalo na sa mga comedy bars, patok na patok talaga ang patawa ng mga badet. Kahit sa normal na kwentuhan, mas masaya talaga pag me kasamang badet. At sobrang riot na pag higit pa sa tatlo ang badet na kasama mo. Ganun kasi ang mga badet, dapat masayahin, dapat malakas mangokray, dapat impaktita kung mag-react, at dapat lahat ng bone sa shutawan eh funny bone. Kawawa ba? Katuwa kaya! Patawa ka, bakla!

Sa mundo ng fashion, namamayagpag ang mga fashionistang baklita. Sa mundo ng showbiz, lalo na sa mga indie films, sandamukal ang mga baklitang reporter, direktor, writer, at producer. Sa mga skul na lang, pag me program, baklita ang incharge sa decor at arts. In short, intune ang mga baklita sa kanilang anima. Sa kanilang feminine side. Sa kanilang pagka-mapiling ina. Matres na lang ang kulang, ika nga. Pero wag ka, patalbugan pa yang mga yan sila sila na nga lang. Pero ganyan talaga. Baklita man, me masculine side pa rin sa ilalim yan. Kaya competitive at palaban pa rin. Kawawa ba sila? Winerva ka, baklita!

Maraming ambag sa mundo ang lahi ko. Ang ikatlong lahi ang nagsisilbing kislap ng kulay sa mundong madilim at puno ng anino. Habang naglalaban ang liwanag at dilim, nananatiling nasa gitna ang mga bakla, kumikinang ang setro at korona.

Ang point ko? Oo nga me kanya-kanya tayey na MMK moments sa layfsung. Me iba-ibang eksena tayes, me sari-saring kulay ang mga bahaghari natin. Pero at the end of the day, kawawa ka kung hahayaan mong maging kawawa ka sa mata ng iba. Totoong mailap ang kaligayahan, pero mas mailap naman ang kakuntentuhan. Pero pag yun ang nahuli mo, pasok ka na sa banga.

Pag mas marami na ang hindi normal sa mundo, magsisimula na ring magmukhang normal ang mga ito.

11.04.2009

Ang Mga Iba

Nung malapit nang mag-end ang semester, ngarag na ngarag ako sa requirements. Sa dami ng hinabol kong school work at project na kelangang ipasa, nag-overstay ako sa office. Dun pa ko sa korean kong amo nagwo-work nun.

Bale sa 9th floor kami umuupa. Gus2 nga nung amo ko sa 8th floor kasi daw swerte ang number 8. Kaso di pa pwede sa 8th floor, under construction at wala pang mga tenants.

Around 3am, sa wakas natapos na ko. Mega print ang bakla ng lahat ng dapat i-print. Samantalahin habang wala pa ang amo para tipid sa gastos. Colored kung colored si bakla! Pati kokomban supply ng office ang tinira ko. Ultimo clearbook na pink dun nanggaling.

Matapos ang lahat ng eksena, ni-lock ko na ang office at gumora sa elevator. Mag-isa lang akong naglalakad sa hallway ng biglang...

"Tok-tok-tok!"

Bigla akong me narinig na tunog ng sapatos na naglalakad. Tumigil ako sa paglalakad. Tumigil din yung tunog. Naglakad ako uli.

"Tok-tok-tok!"

Tumunog uli yung sapatos. Parang sumusunod sa kin. Tumigil ako uli, at nawala na naman yung tunog. Lumingon ako sa likod at muntik ng mapasigaw.

Me nakatayong gwardya sa likod ko.

"Sir, sapatos nyo po yung tumutunog. Wag po kayong matakot." natatawang sabi ni Gardong Guard.

Oo nga pala, me wooden takong ang shoes kong mamahalin. Lintik na guard yun, kanina pa pala ko pinapanood.

So direcho na ang bakla, pinindot ang elevator at naghintay. Natatawa na rin ako sa kagagahan ko. Bumukas yung pinto ng elevator at sumakay na ko pababa sa ground floor. Pagdating sa 8th floor eh me sumakay na pretty petite na empleyada. Todo porma si Ate, at talaga namang kakainggit ever ang bag na winner!

Pakiramdaman galore kaming dalawa. Pagdating ng 7th floor, bumukas ang elevator. Naghintay kami ng konti pero walang sumakay. Sinara ni Ate yung pinto. Nasa may pindutan kasi sha, ako naman nasa may likod, nakasandal. Biglang me naisip na kalokohan ang bakla.
"Ate, naniniwala ka ba sa multo?" ispluk ko.

"Naramdaman mo rin ba yun?! Sa 7th floor! Nung bumukas yung pinto, parang me pumasok na malamig na hangin!" Halatang ninenerbyos si Ate pero relieved kasi me kakampi na sha. Takutin ko nga.

"Ate, wag kang mabibigla. Patay na ko. Nagmumulto ako dito sa elevator. Pinatay ako dito." binabaan ko pa ang boses ko para convincing.

Napatuwid ng tayo si Ate. "Ano ka ba? Wag ka ngang manakot jan! Kainis to! Mejo tumawa si Ate, tawang natatakot kasi ayaw nyang lumingon sa akin. Tinodo ko pa.

"Tingnan mo ko... mawawala na ko..." sabi kong pabulong.

Saktong bumukas ang elevator sa ground floor. Bigla akong tumawa sabay sabing "Joke lang Ate! Mashado kang nerbyosa." sabay hampas sa bag ni Ate na panalo talaga. Natawa na rin sha at sabay kaming naglakad. Shempre feeling close na kaya nagkakwentuhan kami.

"My gosh, alam mo ba kanina pa ko natatakot!" kwento ni Ate. "Kasi kanina sa taas, tumutunog yung takong ko akala ko me sumusunod sa kin. Patigil-tigil pa ko, nakikiramdam ako sa floor. Tapos natawa yung guard, sabi nya 'Maam sapatos nyo po yon!' Natakot pa ko sa sarili ko.. Kala ko naman wala lang, tapos naalala ko, isa nga lang pala guard on duty ngayong gabi kasi Undas, nasa entrance lagi. Ayun nagtatakbo na ko sa elevator." tumatawang sabi ni Ate.

"Ay! Shit! Pano ba toh?! Me naiwan ako sa 8th floor!! Sige balik muna ko... Ingat!" At nagmamadali ng bumalik si Ate sa elevator paakyat sa 8th floor.

Natigilan ako. Natulala. Nanlaki ang mata. Nagtayuan ang balahibo. At nagtitili.




******************************************




Sa tingin nyo, sino ang multo sa aming tatlo?

11.02.2009

I'll See You Soon

Pumatak na naman ang luha ng baklang maton.

A few weeks ago, I posted a shoutout on my Facebook account asking for blood donations for a friend who has cancer. Kailangan nya ng blood platelets, RBC at WBC kasi bumababa ang supply nya ng dugo. She needed 5 sessions ng chemotherapy, isang session pa lang bumaba na agad blood count nya. To sustain her life, maraming kaibigan ang pumila sa PGH at nag-donate ng dugo. I was able to get two blood cards from redcross. Pero siguro ang mas naibigay ko sa kanya, napatawa ko sha ng bonggang bongga nung dinalaw ko sha sa hospital, at sa tuwing magkakasama kaming tropa.

Last night, I attended her funeral.

Ayla Fabregas-Ferdiz, June 29, 1983-October 29, 2009. 26 years old. A wife, a mother, a daughter, a friend. Karaniwan sa mga eulogies sa ganito magsisimula. Bakit kaming magkakatropa pag nagkukwentuhan, walang flow, walang structure, walang intro at ending. We simply remember. We remember Ayla.

Nung 2nd year college, iba-iba pa kami ng tropa. I was with Noel, Bebang and Ilet. Ayla was with Arnold. Wala shang tropa kundi ang boyfriend nya. Eventually sumama na rin sha sa grupo nina Chris, Ann, Divine at Dhei. Nadagdagan pa nina Leeann at Jane. Sumama na rin ang mga nomads na sina TJ at Jhong. Hanggang sa wala ng distinction kung sino ba ang barkada nino. Kung sino ba ang tropa nino. Basta magkakatropa kami. Hindi kami barkada.

Tropa.

Pero hindi kami close. We didn't have a particular friendship, na kaming dalawa eh magkikita at mamamasyal. Feeling ko nga nung una ayaw nya sa kin kasi super opposite kami ni Ayla. Kung gano ko kagaslaw, ganun naman sha ka-prim and proper. I remember our PE class kasi sha yung dance partner ko. Hinahagis-hagis ko pa sha habang sumasayaw. Kung pwede lang na makipagpalit sha ng partner, malamang ginawa nya.

And then, Anikka came into our lives.

Ayla got pregnant. Aba, diyata't me similarity din pala kami ng lola mo. Nope, di ako teenage mom. Pero given an ovary, malamang dati pa kong inahin. When we found out na jontis na si Ayla, andami ng nagbago. She gave birth nung birthday ni bowa -- si Arnold. Shempre sa binyag lahat kami ninang. Ay, yung isang borboli pala, si Madam, ninong. I guess yun ang naging start ng pagiging magkaibigan talaga namin ni Ayla, and shempre ng bowa-turned-husband na si Arnold.

She had to skip a year para alagaan si Anikka. Nauna kami makatapos ng college pero yung bonding ng tropa tuloy pa rin. Everytime we gather, usually sa bahay nina Ann sa Alfonso, Cavite, bitbit na ata nina Ayla at Arnold ang bahay nila. Before Dhei went to Dubai, nag-swimming pa kaming tropa (except one makating sister na nasa Boracay). Di ko kinaya, kasi me dala silang lutuan, kawali, syanse and everything! Swimming pa lang yun ha. Sobrang saya ng swimming na yun. Sobrang lungkot din ng kasunod.

We found out about her illness. Yung pananakit ng tuhod, cancer na pala. Syet na cancer yan. She underwent treatment, chemotherapy, and endless consultations. Her right leg was amputated to stop the cancer cells from spreading. She lost weight, she lost her hair, but she never lost her faith. All the while that she was enduring the sickness, her strength came from God.

Ironic. Sa tropa namin, sa kanya kami kumukuha ng lakas. Arnold was with her every painful step of the way. Kaming mga walang sakit, kami ang mas mahina. Ayla was her usual self -- masayahin, bungisngis, kind-hearted, prayerful, strong. "Laban lang," she usually said and she did. Lumaban talaga sha and she won. Or we thought she won.

For almost a year, she was doing good. After the treatment, they declared her cancer-free and we couldn't be happier for her. She went back to work, nakasama na uli namin sha sa Alfonso, ganun pa rin siya, parang walang pinagdaanan na mabigat na sakit.

Last March, nag-swimming kami uli and that night was the most unforgetable night for us. Sa gitna ng matador at potato chips, napag-usapan namin ang sakit ni Ayla. Siguro it was too much for Arnold, kasi that was the first time that he broke down in tears. Yung lahat ng sakit na naramdaman nya for his wife, yung lahat ng takot nya sa pwedeng mangyari, yung lahat ng pagmamahal na nasa puso nya for Ayla, sinabi nya that night.

We all cried. Ngumalngal talaga ko ng todo todo. I hugged Ayla, saying sorry for not being strong enough. Tuwing magdadrama kami, Ayla just says "Tama na yan, ano ka ba, ok lang ako. Wag ka ng umiyak, naiiyak rin tuloy ako." And she would give me her trademark smile.

August 2009, she was scheduled for her prostethics. Nasa PGH sha having her therapy para sa artificial leg na ikakabit, and they learned the shocking and painful truth. The cancer cells were back, and this time kalat na sa katawan nya. Nag-stay sha sa hospital for another set of chemotherapy.

Dinalaw ko sha sa PGH nung October 11. Di pa nga oras ng dalaw yun eh, nagpalusot lang ako sa guard kaya ako nakapasok. As usual, Ayla made it look like she was doing okay. Di namin alam, even yung paglapat ng kumot sa katawan nya masakit. She was in pain. Pero nung niyakap ko sha before ako umuwi, I can never forget what she said.

"I love you friend."

Umiiyak na sha nun, pero I told her not to cry kasi mahihirapan lang sha. Dinaan ko sa biro at patawa. After I left her room, dun bumuhos ng husto ang luha ko sa chapel. For someone so sweet, kind and caring, bakit si Ayla pa? Cliche, pero andaming masamang tao sa mundo, bakit hindi sila? Bakit hindi ako? I don't understand why, and perhaps I never will.

After more than a week, she went home. And last Thursday, binawi na sa min si Ayla. The day she died, di raw sha mapakali. She said "Bakit ganun, wala akong makita. Tanggalin nyo na tong unan sa likod ko." She closed her eyes, and she breathed her last.

The night I saw her in her wedding dress, she was as beautiful as she was nung college. There was a hint of her trademark smile on her face. And she's at peace. She's gone now, but still she is our pillar of strength. She prepared us well.

Sa susunod na lakad ng tropa, sana kumpleto kami uli. Sa swimming, sa Alfonso, sa inuman, sa mga get-together, sa SM Bacoor, sa Molino, sa bahay nila Jhong at Ann, sa Hardin ng Postema, sa Cavite. I'm sure kasama namin si Ayla, natatawa sa mga kalokohan, umiiling sa mga kagaguhan, umaawat sa mga todong inuman (lalo na kay Ann), gumagabay san man ang venue ng susunod na lakad ng tropa.

Nauna man si Ayla, she will be with us until we, too, breathe our last.

10.28.2009

Walking Away (SANT Reposted)

Five years ago, in a faraway LA land, me inatendan akechi na youth camp sa Cavite, ang bayan ng agimat. Directly after graduation iteklavoo sa college. Mahal na Araw pa kaya to the highest level ang penitensya. Isang linggong pagluhod. Honestly winner rin pala ang isang linggong pagdarasal. Kasama na ditey yung normal na activities pag holy week. Misa, kumpisal, rosary, way of the cross, fasting. Shempre me mga activity rin kami na magkakagrupo.

Among the campers eh luwag na luwag talaga ang panty ko ke Kirk na taga-Baguio. Ning, long-haired, chinito, mapanga, red lips, parang Igorot God ang lolo mo. Si Kirk eh parang rock concert in motion. Malandi pa kung tumingin. Sha lang ang kakilala ko na dread locks ang hair style, at binagayan sha nito. He still looks clean, yummy and delectable. Lalo na pag ngumiti. Ay mare, ang sarap maging sinaing pag sha ang ulam. Ang sarap nyang papakin.

Kaso, ang kagrupo ko eh si Kevin. Yung brother nya. Akala ko Luz Valdez, Winnie Cordero pala... Si Kevin eh mas kulot, mas chinito, mas matangkad, epitome ng pagka-ungas. Kung si Kirk eh rock concert in motion, c Kevin eh poetry in motion pa lang. Pero may potensyal ng magpaiyak ng mga badesa. At 16, he can be your typical boy next door. Wait till he gets older.

Sa camp eh tatlo kaming super close. Si Kevin, si Ka-te at ako.

SANT. That's Kevin. Sex appeal na nagkatawang tao. Si Ka-te naman eh BCNT. Brain cell na nagkatawang tao. At ako? HVNB. Halimaw sa Vase na nagkatawang bakla. Haggard.

Triumvirate. Si Ka-te eh radical, si Kevin eh illogical, ako eh comical. Si Ka-te eh intellectual, si Kevin eh physical, ako eh social. Si Ka-te ang logic, si Kevin ang attraction, ako ang comic relief. Si Ka-te ang femme fatale, si Kevin ang alpha male, ako ang identity crisis. Saya di ba?!

Matapos ang camp, intact pa rin kaming tatlo. For five years, I can say na tumatag talaga ever ang samahan namin. Kindred spirits. Itey siguro kaming tatlo. Kasi far from each other na ang drama namin. Si Ka-te eh kumukuyakoy sa Laguna, si Kevin eh nagkakandirit sa Australia, and I'm here sa QC, nagluluksong-tinik sa iba't ibang branches ng iskwater. Outsourcing na nga ako madalas sa ibang iskwater eh. Pero kineri-bambam namen ma-finder's keepers ang elusive na happiness sa aming friendship. Three less lonely people.

I'm sure alam ng dalawa toh. Ang naka-stapler kong puso, tumibok ng bonggang-bongga para kay Kevin. Ang totoy na si Kevin. Ang ungas na si Kevin. Ang cute na si Kevin. Ang bunso na si Kevin. And yes, ang getting yummy na si Kevin. After the camp, plentitious times pa akong nagpabalik-balik sa Baguio at nakitira sa bahay nila. Yesterday!

Mega apply pa ang vaklushi sa Baguio State Univ. Di ako mapakali sa Manila. Feeling ko andun ang ligaya't saya ko sa bundok ng Benguet. Kaya kahit lima silang magkakapatid na lalaki, gora pa rin ang bakla. Nung mga eksenang yun eh maton pa trulili ako. Never nila ako na-Q&A kung badesa ba akeiwa at kung me palikpik ba kong nakakubli. Basta andun lang ako lagi sa haus nila.

Grabe silang uminom! Nung college days ko eh feel na feel ko talaga maging tumador at tanggera. Ilang beses na halos akong gumulong sa sarili kong suka. Pero never akong nag-blackout. Sa bahay nila Kevin eh naranasan kong mawalan ng ulirat sa sobrang kalasingan. Uminom ka ba naman sa harap ng bonfire mula alas otso ng gabi hanggang umaga eh. Kaswal lang yun ha. Me pulutan naman, kaso paiba-iba ang alak, puro pa hard. Kinabukasan ko na malalaman na si Kevin pala ang nag-aruga sa akin sa magdamag. Amin ang gabi. Wit ko na alam kung na-rape ba akeiwa.. Parang hindi naman!

Secret lover ang drama ko. Di applicable sa lolo mo ang kasabihang "Walang matimtimang lalaki sa baklang magaling lumuhod." Lalong hindi pasok sa banga ke Kevin ang motto ko na "Habang may poverty, may baklang masaya". Eh wala naman shang mapapala sa kin, me pera naman sha. Kaya nilihim ko na lang ang pagsintang pururot ko. Baka ma-jombag pa ko. Kasabay ng lihim na toh, shempre ang paglilihim ko ng pagka-badesa ko.

Eventually nalaman nya rin. Sa isang makabagbag damdaming text message eh umamin ang jokla. And after that, it was never the same. Nagka-wall. Wala namang budwire in fairness. Nagkaroon lang ng harang at pareho kaming hindi maka-oberdabakod.

Kaya ang nabunyag na pagsinta, no choice kundi ibaon sa limot. Hanggang sa mga oras na toh, feeling ko eh anytime na makita ko uli si Ungas, babalik ang kuribdib ng puso ko.

Nung despedida nila to Australia, lasing ang ungas. Na-offend ako, in fairness. Kantahan ba naman ako ng "O pare meron kang bisita. Itsura mo'y parang naluging bakla.." Multong bakla! Yun daw ang theme song nya sa kin! Nun ko lang nalaman na feeling nya eh binak-istab ko sha kasi tinago ko ang pink kong pakpak. Lumipad sha sa lupain ng mga kangaroo na may lamat sa pagkakaibigan namin.

Kasi bakla "pala" ako.

Yung closeness namin ni Ungas, nalipat ke Ka-te. Pareho kaming naging mas close ke Ka-te kasi kumbaga sha yung neutral ground. Sa kanya na ko nagkukwento ng mga kilig ko, ke Ka-te na rin nagkukwento ng mga hangups at lovelife eklabush nya c Kevin. C Ka-te ang naging shock
absorber naming dalawa.

Habang tumatanda eh pasarap ng pasarap si Kevin. Habang sumasarap sha eh palayo naman sha ng palayo sa akin. Although natanggap rin naman nya ang hasang ketch, yung dati naming closeness eh di na naibalik. Pero kami ni Ka-te, mas naging mighty bond ang dikit namin, pati barkada nya ng hayskul inangkin ko na, at close rin naman sha sa iba kong tropa. At habang nagiging ganap ang sex appeal ni Kevin eh nagiging ganap naman ang pagkababae ko.

Kami ni Ka-te, iba naman ang level ng similarities namin. Sa psych, we call this the "peak level" ng pagkakaintindihan. Yung tipong tinginan lang nagkakaintindihan na. Yung tipong kahit magkalayo eh pareho kayo ng reaksyon sa isang sitwasyon. Ganitekla kaming duwa ni Ka-te. Tsaka naman, nickname pa lang panalo na.. Ka-te. Makate. Baklang bakla davah?

Iilang tao lang ang kino-consider kong kasing talino ko, if not mas matalino, sa kin hehehe. Isa siya dun. Ilang beses na kaming magka-chat na wala pang topic eh pareho na kami ng sinusulat. We watch the same shows, read the same books, mas nerd nga lang sha sa kin.

What I didn't know, Ka-te was also into him. Patay na! Nadulas lang yun ofismeyt nya nung tawagin shang Mrs. Kevin Pao. Natulala ako ng mga five seconds. Huli na ang lahat, kahit ibitin nya ng patiwarik at busalan nya yung bibig nung dakdakina nyang friendship eh alam ko na ang totoo. And yes, we fell in love with the same man.

"The boy that we shared" at "the boy that we never had" ang alyas namin ke Kevin. Simply because pareho kaming bigo. Pag nasa Australia si Kevin, ang mantra namin, "I remember the boy but I don't remember the feeling anymore." Pero pag anjan na sha sa Pinas, ay ning, "It's all coming back, it's all coming back to me now" na ang mantra.

Madalas eh magka-conference kami sa YM. Chikahan, bukuhan, laglagan, update, bonding. Mas lamang ang pagiging online friends namin kasi di na kami halos nagkikita.

Later on, I found out na mas madalas pala silang mag-usap ng di ko alam. Naging sila na rin ata ng di ko alam. Nagtatawagan, nagwe-webcam, everything na me long distance relationship. Nagselos ako, pero hallleeeeer? Me karapatan ba akeiwa eh di naman akin yung boylet.. Dahil sa lamat na meron sa pagitan namin, yung initial role ni Ka-te na vulca seal, naging permanent.

Totoo na mahirap pag me pechay ang kalaban mo. Pero mas mahirap pala pag kaibigan mo ang pechay na yun. Sa pagkakataong ito, ako na ang nagkusang lumayo.

Sa kwento naming tatlo, ako pala ang kontrabida.

10.25.2009

LILIP

Sa pagsusuot ko ng bago kong pink na shirt, siguro tama lang na sulsihin ko muna ang mga tastas. Lililipin ko muna ang mga putol na sinulid. Para pag sinuot ko ang bago kong pink shirt, walang himulmol. Walang loose threads.

Nung natastas si Papa Totong sa buhay ko, hinayaan ko lang na nakakabit pa rin ang sinulid ko sa damit nya. Di ko pinutol kahit matalas naman ang pink na gunting ko sa pink kong sewing kit. Di ko nagawang putulin ang ugnayan namin.

Nun ngang burol ng pamangkin ko, nagpunta sila ng aswang last lamay na.

BM: O Pa, bakit ngayon ka lang? One week na tong lamay ngayon ka lang nagpunta.
Totong: Eh Ma, nagkasakit kasi to eh. (sabay turo sa aswang) Aray! (kinurot kasi sha ng aswang. Di ko alam kung dahil sha ang sinisi ni Totong, o dahil "Ma" ang tawag nya sa kin.)
BM: Ito naman, paalaga. Hmpf! (sabay irap sa aswang)

Buong magdamag eh inasar ko ang aswang.

Di ko naputol ang sinulid, kasi solid yun eh. Sobrang tagal kasi ng friendship, mahirap putulin basta-basta. Kahit pa pink ang gunting ko. Sa tingin ko, ang ngipin ng aswang ang puputol sa sinulid na itoh.

Si Magic kusa kong tinastas sa manggas. Pero hindi ko rin tinupi ng maayos yung laylayan. Kasi kahit bumitaw man ako sa kanya, there's a part of me na gusto pa rin shang isuot paminsan-minsan. Kaya kahit ginawa na shang karugtong ng table napkin nung isang badet sa kanto -- na naka-condo -- eh minsan ginagamit ko pa rin ang manggas ko na toh. To remind myself na di ako matrona material. Halleeer, naliligawan na nga ako ngayon!!

Si Marvin, nagkatotoo ang pangako ko sa sarili ko. Isa shang blusang itim na hiniram sa ibang cabinet. Pag holiday, sinusuot ko pa rin ang blusang itim at nakakamukha ko pa rin si Snooky Serna. Pag suot ko ang blusa eh gumaganda pa rin ako. Pero shempre paghubad ko, babalik ako sa pagiging bakla. Wala na yung initial na kilig, kasi naging kembang lang ang pundasyon ng relasyon. Ay mali. Wala palang relasyon. Walang tatahiin. Walang tatastasin. Ibang damit pala sha.

Tsaka usapan kasi namin, pag ukol, bubukol. So far eh wala pa namang bata sa lalamunan ko, di pa buntis ang adam's apple ko. Negative pa rin sa pregnancy test ang laway ko. Safe na safe pa rin.

Kaya kay Arjel, I'm taking it slow. Ang sarap nya kasing humalik. Dun ako nawiwindang ng todo eh. Kasi wala naman akong binigay sa kanya. Sabi nya nababaitan daw sha sa kin kaya sha nasa tabi ko sha ng panahon na yon. Pero ayokong bigyan ng kulay lahat.

Susme, ni hindi ko alam ang cellphone number nya! Ang usapan lang eh sha ang magtetext pag pupunta sha sa haus na pink. Ni hindi ko alam ang friendster o facebook nya. Nag-comment sha sa facebook ko, pero parang one time big time ito. Di na naulit, mukhang di rin nya ino-open.. Ah, baka nasabit sha uli sa *ubo! ubo!* budwire... Ah, baka kasi naninigas uli ang itits nya.

Tsaka ano ba mapapala nya sa kin? Kundi pera, ano? Katawan ko? Kumusta naman. Realistic din ako noh. Di ko kasing sexy si Angelina Joey. Wala akong bulltroop vest. Kaya I'm taking it slow talaga, to the highest slow level. Kung totoo na nababaitan sha sa kin, e di babaitan ko pa lalo. Kung pera naman, eh di prangkahan. Pwede naman eh.

Pero walang pusong involved. Mahirap kasi yung me pera na, me puso pa.

Bago ko pumasok sa bagong pagsusulsi session, bago ko simulan ang cross stitch ng buhay ko, bago ako magburda ng bonggacious na bonggacious, at bago ako mag-gantsilyo ng table napkin, lililipin ko muna ung mga nauna. Tatahiin ko yung gilid. Papatasin ang himaymay. Tatanggalin ang mga himulmol. Puputulin ang mga sinulid.

Para pag sinuot ko ang bago kong t-shirt, handang handa na ko.

10.24.2009

Kay Prince Caspian

Nagsimula ang lahat sa isang comment. Na nasundan ng isa pa, at isa pa, at isa.

Anonymous said...

Putcha, pare. Are you really Baklang Maton??? Your looks do not "justify" your language! hahaha. I am ready to get out of the closet if you will go on a date with me. Hahaha. I am curious, though: Do you speak the way you write?

Baklang Maton in the Suburbs said...

Oi anonymous.. Pakilala ka kaya. Uhmm... na-flatter naman daw ang kipay ko dun.. Kung pano ko magsalita in real life? See for yourself... Hehehe... Cge nga I dare you, date nga tayo, tingnan natin kung di ka mapatalsik sa Narnia pag nakita mo ko. Ahihihihi....

Anonymous said...

Yo, BM. Where do you usually hang out? I work in Ortigas Center. Maybe we can meet there one of these days? Hmmm... I am terribly curious. Why do you write that way? hehe. (No offense meant: I am just amused.) I "discovered" your blog only yesterday. I read your previous entries, and was smitten (?, hahaha) by your colorful (sometimes hard-to-read) language. So, paano, date tayo? Hahaha.

Baklang Maton in the Suburbs said...

Dalawa na ang anonymous... Aba aba aba, baka akala naman nila eh isa akong kaladkaring bakla! Pano kita ide-date eh ayaw mo nga magpakilala... O leave me a message sa YM ko. Obvious naman cguro kung anong name. bm_baklangmaton@yahoo.com (makagawa na nga ng account) hihihi!


Baklang Maton in the Suburbs said...

Hmpf! Kumuribdib pa naman ang dibdib kesh sa kilig, chikadora lang naman pala tong si anonymous... Hay naku, isasali nga kita sa next blog ko. Madaot ka ng bonggang bongga. Ching!

Anonymous said...

Yo, BM. My apologies for the delay. No electricity in my community on Sunday (power was being rationed, remember?), and therefore no Internet. And Monday was pure, unadulterated, energy-stripping office hell. (Your anonymous lovey-dovey is no call-center guy: strictly 9am to 5am guy!)

It's now 12 midnight, and all my brods and sis are asleep. Moments ago, I took a nervous peek at your blog, and there you were, unleashing mind-boggling words of wisdom and wizardry. What in heaven's name is "madaot"? And what is "kumuribdib"? Hahaha.

Anyway, I read your newest entry. Nandun ako, yay! Baka naman pag magkita tayo eh i-blog mo ako, with my pic (or our pics together)!!! Hehe. Natakot si lolo mo.

Hayyy... Paano ba 'to? ...


Baklang Maton in the Suburbs said...

ahhh....nasa Narnia ka nga pala... daot is Lait, kuribdib is kilig. OMG ka ha, as in oh my gawsh! anyway, cge walang pic. pero dahil "date with a star" ang gus2 mo, malamang i-blog talaga kita ng bonggang bonggga... email me na lang kc. to naman eh. pa suspense!

Anonymous said...

Tsk, tsk, BM, BM... And to think that I am about to email you.

Can you be mine completely?


Baklang Maton in the Suburbs said...

Aba naman Mr. Anonymous... Lagi kang pasok sa banga sa mga eksena mo. Anumpechanah?! Possessive ka na di ka pa nga nanliligaw?! Tsk, Tsk, ka rin. Kumuha ka ng number sa guard. Hehehe!

Anonymous said...

Yo, BM.

Truth is, I am having thoughts. I'd like to get out of Narnia, but I don't want anyone to break my heart. I am a one-man guy, ahem, and you might, one day, only poke wicked fun at me, especially with your achingly funny way of telling stories.

You are still a student? I thought all along that you had finished college and were working full-time.

And those new guys in your posts... Ummm...

Will you be careful with my heart?

--Prince Caspian

Baklang Maton in the Suburbs said...

I'm working and studying.. Pag Saburdey akez nasa iskulilet.. Master showman na ang level ko nini... kaya nga haggardness lagi eh..

My Prince Caspian naman kasi, wichiririt ng maya! Anu ber talaga habol mesh sa kenchiwa? Shutawan ba itu? Charot!

Panu kita ipo-poke eh kaw nga dapat mag-poke sa ken! Puke ka! Siguro wichikels mo pa akengkay kilala, basahin mo muna LAHAT ng post kesh, para malaman mo na kahit nakapila silang lahat, lahat naman sila eh binigyan kez ng Halaga.

Be brave little one... I'm waiting for you, my Prince Caspian.


This is an open letter.



Dear Prince Caspian,

Are you sure you're in Narnia? Baka naman di ka si Prince Caspian, baka naman Prince Casper pala talaga ang dating mo. Wichiririt ko maintindihan mga dayalog mo kuya!

Yung totoo? Kinikilig ako eh. Yung curiousity ko talagang in-arouse mo. Curiousity lang ha. Kinikilig ako everytime I have a new post, at ikaw ang unang nagko-comment. Hello?! Bakla lang ako! Kahit pa virtual ligaw lang ang ginagawa mo, ligaw pa rin yan.

Pero lugi ako eh.

I've bared my soul sa blogelism na toh. I'm practically naked -- wala man lang plaster. Wit man nyo alam ang lahat ng details ng mga kembot ko, wit man itu Xerex Xaviera level sa pagkukwento, halos alam nyo na kung sinetch itech si Baklang Maton. I even posted my pictures!

Ikaw? Sino ka ba talaga? I don't even know your namesung! Alangan namang wit na ako mangarir kasi anjan ka na. Eh asan ka ba? Naku ka. Kah-kah--loh-kah!

Last na toh. Kahit mag-react ka sa mga post, kahit mag-comment ka ng bonggang bongga, di na kita rereplayan. Ultimatum na toh. Come out, come out, wherever you are, Prince Caspian... Leave Casper behind. You know my email.

Hayaan mo namang kiligin ako ng tuluyan.


Yours for now,

Baklang Maton

10.21.2009

T-Shirt

Yung date namin ni "Nameless Guy" eh naudlot. Wichiririt na sha nagparamdam. Baka na-overwhelm sa ganda ko.. Isa shang tagalupa, ako ay taga-pinkantasya kaya siguro naiilang sha. Alam nya sigurong gaganti ako sa pag-ubos nya sa bango ko. Balak ko ring simsimin ang halimuyak ng kembot nya hanggang malanta. At balak kong ilagay sa bote para makagawa ng bagong perfume line. Sayang!

Eto namang si "anonymous commenter" eh puro porma. Susko, nasa underground pa ata ng Narnia si kuya kaya ang showag ketch sa kanya nowadays eh Prince Caspian. Prince Caspian, wichiririt na kita mahihintay kasi naiinip na ko. Aandar na ang tren, with or without you. Kung nakabili ka ng tiket, pwes hanapin mo na lang ako, nakaupo lang ako somewhere, nakatanaw sa bintana, naglalakbay ang diwa.

Aba naman, malay ko kung pinagtitripan lang pala akiz ng nyorkada davah? Baliwag pa naman, to the highest mental hospital level, ang mga nyorkadas kez, baka isa sa kanila itung si Prince Caspian. Tapos wit naman talaga sha dumidiga, kumbaga eh pure paramdam at parinig pa lang itu, wala pa sha sa level ng harana at chocolates and flowers. Agree mga nini? Kaya kesa waiting for tonight akez, naglaro na lang ako ng sepak takraw, chararat bumba!

Kaya ang BM -- next level na! may nickname na! -- eh todo freedom sa paghahanap ng kukuyangyang noong Saburdey. At dahil likas akong malandi, nakilala ko si Arjel, nickamed Ding. Willing akong magpaka-Darna ning, mapasaakin lang sha. Eto ang kwento:

Wichiririt akong nahilig sa gulaman. Wichikels ko naman kasi alam haw-haw-de-karabaw nila itech tinimpla davah? Whereness nagmula ang water supply? Kumanta ba ng hapi burtdey habang naghuhugas ng kamay using safeguard yung naghiwa ng gulaman? Ang balde nini, hinugasan ba ng joy antibac? Ching!

Eh kasi, ditey sa iskwater eh nakikita kez panu nila itimpla ang kanilang mga sago't gulaman. Nasa labas ng bahay ang labahan, dun na rin nila tinatapat ang balde sa gripo, hahaluan ng pampalasa, and hahaluin ng konti. Presto! Gulaman na! Refreshing with two scoops of amoeba...

Pati yung stir-fried noodles wit ko rin bet. Kasi nagtataka akez sa lasa, nahihilo ang mga taste buds kez. Noodelicious na me toge, piniprito, shopos mega halo ka ng sauce na kung anik anik ang namesung. Kaya si taste bud, di malaman kung matamis ba, maanghang, maasim, lasang sunog pa minsan.

Pero wag ka, nung Saburdey, nakalimang baso ng gulaman ako.At nakadalawang order akez ng stir-fried noodles with matching teriyaki toppings. Baket? Kasi ang gwafu ng tindero! Ang sarap pala ng gulaman! Heavenly pala ang taste ng stir-fried noodles!

Sakto, pre-registration namin sa school nung Tuesday. Para wag maubusan ng subject eh nauna akez. Me eksena pa ko sa dept. head na talagang ikina-tumbling ko. At sa sama ng loob ko eh tumambay talaga ako sa pwesto nya. At nagkayayaan na nga, after ng shift nya ng 4pm eh magkikita kami at magku-kuyangyangan.

At first eh hesitant sha, kasi malayo. Abad Santos pa nakatira ang lolo mo, sa Cubao pa ko nakatira. Tapos eh iskwater pa pupuntahan namin. Kaya hinaklit ko na rin si friendship para me kasama sha. So there, inuman na sa bahay na pink. Ay feel ko, magiging more than inuman itu.. Malamang eh maghabulang gahasa kami. Hahabulin nya ko, tapos matatapilok ako, unti unting aatras hanggang sa makorner nya ko... Dahan dahan shang lalapit, at.... Well if that happens, I promise not to shout! Di talaga ko sisigaw! Uungol lang siguro ng impit, hihihi!

Tipikal na inuman ang naganap. Me pulutan sha, manok. Me pulutan ako, SIYA. Shempre kwentuhan, mga buhay buhay, ilang kapatid, past relationships, sexual experiences, work hangups, the usual. Natatawa ako sa lolo mo, kasi ang dami nyang bloopers.

Nanonood kami nun ng Troy ni Papa Brad Pitt. Pag nagkukwentuhan kami, ang showag nya ke Brad Pitt eh "Troy" as in:

"Di ba pinsan ni Troy yung magkukunwari na sha, kaya mamamatay?"
"Ang galing din ni Troy dun sa Mr. & Mrs. Jones, yung kasama si Angelina Joey."
"Bakit ba namatay jan si Troy? Pinana sha ni Hercules?"

Yesterday, today and beyond! Naloloka ako kasi kahit i-correct ko sha eh ganun pa rin. Deadma-laysia ang lolo mo. Kaya sinakyan ko na. Maya-maya eh Troy na rin tawag ko ke Achilles.

Marami pa shang baon.

Me peklat shang 15 stitches sa palad, kasi nasabit sha sa budwire. Yung uncle nya sa NBI eh muntik nang mabaril, buti na lang nakasuot ng bulltroop kaya hindi tinamaan. Winner diba?

Pero pag npatitig ka sa mukha nya, eh to hell with his bloopers na! Mapapakanta ka na lang ng "I dont wanna be a brokenhearted girl" ni ateng Beyonce.

Sa gitna ng kwentuhan tungkol kay Troy, sa tito nyang me bulltroop, at sa nasabitan nyang budwire, natulala ako at napatitig sa lips nya. Unti-unting naglapit ang mga ulo namin, nag-uusap ang mga mata, nakakiling ang ulo, umangat ang mga kamay at humawak ako sa batok nya, sya naman sa leeg ko... 5 inches away... 3 inches... 2 inches... 1 tiny inch...

Biglang sumuka ang peste nyang friendship. Habang nakaupo. Sa sariling t-shirt. At sa sofa. At sa sahig. Eeeewww. Hinila namin si friendship sa banyo at dun hinayaang nakayakap kay Mang Doro. Tumuloy kami sa kwarto at naupo sa kama.

No preamble. Basta naramdaman ko na lang, magkadikit na ang mga labi namin, nalasahan ko ang labi nya, lasang redhorse, toblerone at beermate. Nagkapalit-palit na yung mga pulutan, and deliberately eh pinasa nya sa kin yung nginuya nyang mani. Tsaka yung toblerone. Sa mga oras na yun, dumadagundong talaga ang dibdib ko. Tumatayo ang mga balahibo ko, napapikit ako ng tuluyan, and gave in. Wala na kong alam sa nangyayari sa paligid. Basta ang alam ko lang, ang labi ko eh para lang sa labi nya.

Nope, walang kembutan na nangyari. Pero I found our intimacy sweeter than actually making love. Ewan ko ba, parang kahit maghalikan lang kami ng isang buong taon, di ako magugutom.

Tinuloy namin yung inuman, naka-sampung bote kami ng redhorse! At hindi ako nalasing in fairness. While drinking, naghubad sha ng shirt. Mainit daw kasi, so sinuot nya yung sando ko. Then sinuot nya sa kin yung pink t-shirt nya. We continued drinking, talking, kissing, at sa inis nya ke friendship eh mega inisprayan nya ng Glade Air Freshener sa buong katawan at mukha. Nung time na para umuwi, yung green shirt ko na ang sinuot nya, and iniwan nya ang pink t-shirt nya sa kin.

I can't tell yet kung SHA na nga ba. Ang lalaking para sa baklang maton. Sobrang gwapo nya kasi nakaka-insecure. Di ko naman masabi na pera ko lang ang habol nya, kasi wala naman akong pera. Kung ganda at katawan ko naman, hay naku di ko to aaminin kahit kanino, pero sa pagkakataong toh, parang ayoko naman maging ambisyosa. Kung good company ang habol nya, baka yun pwede pa. Kaya nalilito ang baklang maton.

Pero I guess, it's too soon na mag-inarte sa isa na namang "could-be guy"... Siguro sisiguraduhin ko na kung sakali mang maging kami, hindi pera, or sex, or yung pagpapalitan ng laway ang maging pundasyon ng relasyon namin. Siguro this time, I'll play it by ear. Sisiguraduhin kong makikilala nya ang tunay na "essence" ng Baklang Maton, bago ko sha sagutin.

At habang suot ko ngayon ang pink t-shirt nya, napaisip ako.

Kung mahal ko na ba sha? To quote Papa Piolo: "I'm getting there."

At sana, wag nyang sagutin to someday ng "I never got there."



Here he is, Arjel, my new-found tattooed angel.