8.05.2013

Phoenix



Pangungunahan na kita. Hindi ito review ng My Husband's Lover. More on react. Mas tungkol to sa akin at sa mga pakikialam ko sa palabas hihihi. I just love the show, kinailangan ko talagang bumangon sa hukay mula sa aking pagkakahimlay. Kinailangan kong i-resurrect si BM dahil sa tingin ko, boses nya lang ang may kakayahang kumuda ng tungkol sa MHL. And I'm seriously thinking of making a comeback choz! Pero dahil ilang dekada na since my last post, di na ko makabuluhan magsulat ngayun. So kundi ka maka-relate sa kuda ko today, wehano?! Basta mabasa to nila Suzette, Carla, Dennis at shempre ni Mang Tomas, keri na. Kung mabasa rin ni Rodjun, mas bongga! Oh, intro lang yan ha... Yung susunod mong babasahin, i-play mo muna tong kanta ni Kuh para ma-feel mo talaga yung blogelya.




Kilala ko si Lally. Ang Aswang. Ang legal wife. Ilang Lally na rin ang nakilala ko. Oo, karamihan sa kanila, ako ang nauna. Pero si Lally ang pinili, siya ang pinakasalan, siya ang minamahal. "Una syang naging akin" nga ang lagi kong hirit. Pabirong totoo. Pero kahit nauna pa ko sa karera, siya pa rin ang reyna. Kasi nga, siya ang asawa. Ang kaibahan ng mga Lally na kilala ko, sa Lally ni Carla -- bakla ang asawa nya. Dapat dun pa lang, alam na nya. Talo siya. Ilang beses ko nang tinanong si Mareng Suzette bakit parang sheltered na sheltered si Lally, bat wala shang kaalam-alam sa bekilandia. Eh kasi daw exclusive all girls nag-aral. Tsaka mashadong protektado ni Sandra. Eh di dapat familiar sya sa tomboy! But no, super shocked si Ateng. Kaya pandidiri at pagkasuklam ang una nyang reaction. Kaya pilit nyang inaalam ngayun ang totoo. May pinagdadaanan si Ate, may pinaghuhugutan ng poot. Sa aspetong yun, magkaiba si Lally sa mga Lally na kilala ko. Kasi ang mga Lally na kilala ko, alam kung sino ako sa buhay ng mga asawa nila. Mas cinematic nga lang si Carla Abellana. It's her time to shine. Mas dramatic ang pagbagsak ng bagelya sa sahig. Mas wapak ang pagbibilang ng 12 seconds. Pero ang mga Lally na kilala ko, di na kelangang magtanong, magbilang at maglaglag ng bag sa sahig. Alam nila, at alam ko rin. Wala akong laban sa una pa lang. At dun sa aspetong yun, mas lamang sila kay Carla.

Kilala ko si Sinag. Ang supportive na Ina sa anak na beki. Ang all-knowing, ever understanding, wind beneath my wings kind of mudra, handang makipag-rally sa Mendiola, para maisulong ang karapatang pambakla. Sa palabas, sha ang may bonggang mga linya. Sya ang may mga pasabog na dialogue. Kasi sa buong cast, sa tingin ko sha din yung unang unang nasasaktan. Si Chanda ang sumisimbolo sa maraming mga mudrakels na nagmamahal sa mga anak nilang bakla. Pero sabi ko nga sa status ko, hindi ganyan ang nanay ko. Honestly, di naman talaga lahat ng maderakka eh tulad ni Sinag. Mashadong ideal si madam eh. Imagine, hindi nakakasakal, nakakaunawa, laging me respeto sa space, at marunong din kelan didstansya at kelan didikit. Financially stable din, kaya di sha asa sa bakla. Eto lang ata ang role ni Chanda Romero na tatatak sa utak ko.

Kilala ko si Luz. Sya naman ang palaasa, nganga, at dauterang mudak ni Danny. Sya yung tolerant, but not accepting. Yung tipong "tinanggap na kita, anak, pero...."Yung pagmamahal at pagtanggap na may kondisyon. Yung tipong kung pariwara kang anak, magkalimutan na kayo. Bakla ka na nga, wag mo na kong bigyan ng kahihiyan, anak. Mahal kita, pero... Sya yung tipo na mahal ang anak kasi may pakinabang. Tanggap ang kabaklaan ng anak kasi may silbi, provider, generous, presentable, hindi pang-parlor. Nung bata ako, naaalala kong sinabi ni Bibiana -- "Anak ok lang naman na maging bakla ka, basta tumulong ka sa gawaing bahay. Ang mga bakla, masisipag yan." So ang peg ni mudra eh shotulong mam. Chimmy Dora -- chimiaa. Karamihan sa mga nanay ng mga barkada kong beki, hybrid. Part Sinag, part Luz. Parang si Mudakchi ko. Eto recent lang, ininda ko talaga at di kinaya ng powers ko. Me kausap sya sa phone, di ko alam at wala akong knows kung ano topic nila. Basta nawindang lang ako sa linya nya: "Naku dapat marami syang pera. Ang mga bakla, dapat may pera para hindi iwan ng lalaki." O di ba, mismong ina ko eh may misconception sa mga beki. Dinamdam ko ng very very light yun. Parang, mother oh, insensitive lang? Eh beki kaya ang anak mo. Pero in the end, siguro di lang nya alam ano ba eksena ng mga bakla. Tsaka marami naman talagang ganun. Di ako iporita para itanggi na may trading and barter naman talaga sa pagitan ng ilang otoko at bektas.

Kilala ko si Elaine. Pero hindi ko sha masikmura. Sa totoo lang, sa tatlong ina ng mga beki sa serye, sya talaga ang kinukuwestyon ko. Posible ba yun?! Na walang kaalam-alam ang ina sa pinagdadaanan ng anak? Siguro yun lang ang peg ng writer sa karakter ni Kuh. Tsaka kung ikaw ba naman eh maya't mayang kumakanta, talaga sigurong di mo na mapapansin sexuality ng kaisa-isang anak mo. Kahit pa beki din ang kaisa-isang pinsan nya, at halatang halata na worried at apprehensive ang anak mo tuwing mababanggit ang salitang "bakla", ay dedma pa rin. Basta ikaw, kakanta ng theme song. Sabi ko nga, malamang naman may redeeming factor si Elaine sa bandang huli, pag pinasabog na ang sekretong malupet ni beki. Sana maipakita naman nyang may silbi sya bilang ina. Di naman porke "socialite" ang peg eh di na sensitive ang pagka-ina. I know, I'm not a mother, and I'll never be a mother, kahit pa 3 dekada na kong nakalinya as recipient mula sa mga organ donors ng obaryo at matres. Pero iba pa rin yung pagka-dense ng karakter ni Kuh, as in. Sana lang, hindi sha base sa totoong buhay. At kung may mga ina nga na Kuh/Elaine ang peg, gumising ka madam! Bakla ang anak mo at kailangan ka nya.

Kilala ko si Diego. Kilala ko si Hannah. Inaanak ko pa nga sila. Sila ang mga casualty sa giyera ng mga matatanda. At sila rin ang mga nakikinabang sa panunuyo ng mga "Tito Eric", "Tito David" at "Tito Danny". Mga baklang sinusuyo ang junakis ng otoko. Para sa mga may pangarap/delusyon na maging kauna-unahang evil stepmother sa mga Snow White at Cinderella ng mundo. Kami ni Totong, me eksena yan sa tatlong beses na nanganak ang asawa nya.

Payat is online.
"Ma, nanganak na ang aswang. Kanina lang."
"Congrats Pa."
"Salamat."
Payat is offline.

Bittersweet. Yung tipong masaya ang bakla sa kaligayahan nya, pero sana, kung pwede lang, sana ako na lang ang nagbibigay sa kanya ng kaligayahang yun.

Kilala ko si Armando. Tuwing magsusulat ako ng blog, paborito kong intro, mag-enumerate ng mga katawagan sa Bakla. Syoke. Beki. Badaf. Baklita. Baklush. Bayot. Vakler. Bekimon. Bading. Badessa.  Baclug. Badet. Badiday.  Badingerzie. Baduchi. Becky. Bolaret. Ecla-ers. Eclavoo. Lahat ng yan, narinig ko na. Pati yung mapanglait at mapanghusgang paraan ng pagde-deliver ng insulto. Hindi man lahat eh sa akin patungkol, ilang libong beses ko na ring narinig yan mula sa mga Armando ng mundo. Etong karakter na to, talagang realistic ng bonggang bongga. Kasi super dami naman talagang bigot na eh idiot pa. Hello, Russia?! Eto ang karakter na gusto kong ipabaril sa Bagumbayan. Kung pwedeng pagbuhulin sila ng kuya nyang isa pang makitid ang utak. Kung gano sha kagalit sa mga bakla, eh shang ikina-berde ng hasang ng kanyang unico hijo. Art imitating life. What an irony. Swak sa banga ang karakter at eksena, pero hindi swak sa banga na totoo at nangyayari pa rin yan sa ngayon. Oh well, let's rid the world of bigots one Roi Vinzon at a time, kei?

Kilala ko si Vicky. Ang mga Vicky ng mundo yung tipong nanghihinayang sa isang bakla kasi "sayang, gwapo pa naman sha." Yung eksenang "yuck, bakla pala yun? eh lalaking-lalaki kumilos." Yung tipong nagtatanong sa mga gathering kung "kelan mo nalaman [na beki ka]?"Ay naku teh, buti na lang maganda ka.

Kilala ko si David. Yung poster boy for the best friend role, secretly pining for his very own best friend. Sya yung magbibitaw ng linyang "Oh yes, kaibigan mo ako. Kaibigan mo lang ako. And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend." Yung tipong kakaibiganin ang current gf/wife/jowa ni best friend para sya ang maging takbuhan at hinaingan sa mga panahong kelangan nila ng karamay. But make no more mistake. Kaibigan ka. Kaibigan ka lang.

Kilala ko si Martin. Ang hot nya kasi. Ambait pa. Kanina lang me ka-cuddle akong otoko. Ang hot nya rin. Pati yung housemate nya. Dumayo pa ko sa Manhattan, pero di rin kami nagkembangan. Cuddle lang ang peg. Minsan kasi, yakap pa lang, sapat na. Siguro me hangover pa rin sha sa sarili nyang Vincent.



Oo, kilala ko rin si Vincent. Pero hindi ako sya. Siguro nung college, nanligaw rin ako kay Lally. Siguro nung college, nagtago rin ako sa Narnia. Siguro nung college, nanggamit din ako ng babae para magsilbing balbas at bigote ko. Siguro nung college pinagtakpan ko rin ang pagkatao ko sa likod ng mga kwento at aneknota ng mga kababalaghan at kabalbalan. Pero sa ngayun, malaya na ko. Nakakawala na ko sa tanikala ng pagiging closeta. Si Tom bilang si Vincent, sabi nung iba he's a "revelation". Sa akin, hindi gaano. Kasi alam ko ng magaling sya, di na ko nagulat na nagagalingan ang mga tao sa kanya ngayun. I saw his conscious effort to act and perform well sa Here Comes the Bride pa lang. Yung tipong nahihiya sa papuri pero thankful na na-appreciate ang effort nya. It's also his time to shine now. SI Tom bilang Vincent ang isa sa mga bonggang casting choices na nakita ko. Not that my opinion matters lol. Si Vincent na karakter, I don't like him. He's spineless, he's a coward, he's a wimp, he's a weakling. Oo nga at depende rin sa sitwasyon, at sa mga taong masasaktan. Pero kahit na, nanggamit sya ng tao, ayan na ang karmi martin. Kaya deserve nya lahat ng pagdurusa nya ngayun. Belat!

Ako si Danny. Lalo na ngayun na OFW na ko. Si Danny ang kumakatawan sa sanglaksang kabekihan na nagtataguyod, nagpapa-aral, sumusuporta, nagpapadala, sa mga beneficiaries aka pamilya. At di tulad ni Janet Napoles, hindi ghost NGO ang nakikinabang sa mga padala. Sabi ni mudak, ang bakla hindi pwedeng mawalan ng pera, kasi kung mawalan sha ng pera, iiwan sha ng lalaki nya. Mali ka dun Bibiana. Ang bakla, hindi pwedeng mawalan ng pera, kasi sa mga balikat nya, maraming bibig ang umaasa. Si Danny at ang milyones na mga baklitang generous provider ng kani-kanilang pamilya, kudos mga beks.

Ako si Zandro. Hindi ko pa alam kung anong kwento nya. Pero gusto kong malaman. Gugustuhin kong makilala lahat ng Zandro sa mundo. Iba ibang kwento, iba ibang kulay ng kolorete, iisang mensahe. I am beautiful no matter what you say. Your words won't bring me down.


Ako si Eric. Pero never akong nagpakamatay. Dahil hindi ako tanga, at hindi ako bulag sa pag-ibig. I am the lover, kasi pagmamahal lang naman talaga ang maiibigay ko sa mga Vincent na dumaan sa buhay ko. I am the architect, kasi ako ang nagdidisenyo ng buhay ko. I am bespectacled, para mas malinaw kong makita ang kagandahan ng mundo. I am the childhood friend, kaya una shang naging akin. Si Dennis, ang galing galing. Ang subtle ng body language nya, everything suggests that he's gay. Hindi loud, hindi scandalous, hindi parlorista. Magaling na aktor. Period. The character? Realistic at times, may mga moment na parang "ang tanga naman ng baklang to, di na makatotohanan." Bonggang bongga yung eksenang nagbukas sha ng radyo at nairita sa kanta. Kawawang Jonalyn, paos na. Bukod sa gasgas na theme songs, what I didn't like was kung pano na-skip na lumalim ng ganung kalalim ang pagmamahal nila sa isa't isa, eh parang wala naman sila ganong pinagdaanan together. Kahit pa minahal mo ng todo ang isang tao, when you grow apart, you grow apart. May something na magli-linger sa puso, pero not enough to kill yourself. Twice! Sana may mga moments pa to establish bakit halos mamatay-matay na ang dalawang beki para lang maituloy ang naudlot nilang paghahalikan on national TV pagmamahalan. Eh parang puro pasakit at pagdurusa lang naman ang napapala nila sa isat isa. Move on na beks. Kasi kung ako sayo babalik na lang akong New York. Hanapin mo ko dito!



Ako si BM.

Muling nagbabalik. Bumangon sa hukay. Ni-resuscitate ng tadhana para kumuda uli sa buhay bakla. Hindi ako ganoong kuntento sa naisulat ko ngayun, pero kuntento ako na sa mga susunod na post, phoenix levels na ang peg ko. Rise from the ashes!

Hindi ako expert sumulat, hindi rin ako expert mag-review at pumuna.




Pero expert ako sa pagiging bakla. At yun ang mahalaga.

16 comments:

  1. wow at nagbalik ka na ngang talaga! nabuhay kang muli dahil sa MHL. na teleserye ng sangkabaklaan. wag ka! pati mga gurlaloo bet na bet na nila. nalelerkey nga ako sa mga shoo ditei sa baler sinusubaybayan. pati nang kuya kes wahahaha!

    ReplyDelete
  2. welcome back sobrang tagal na nga simula ng huling post :D

    ReplyDelete
  3. sorry super fan din ako ng series kaya lahat ng post tungkol dun pinapatulan ko. i think elaine knows that vincent is gay. di ba nga may linya siya na ive known my son for 32 years and i know him better than you. ito yung eksena na binilan ni lally ng polo... siguro pasabog yun sa dulo na anak ive known all along... sorry super fan lang hahahahaha!

    my mother is a bit of sinag plus a little bit of luz. ive introduced some of my boyfriends to her in the most casual way pero keber lang sa kanya. i'm also a little bit of vincent and eric in a way that i also get consumed by love... anyway, yun lang. super fan lang ako ng series hahaha! glad that you're back to blogging though...

    ReplyDelete
  4. welcome back BM.

    kahit di ko napapanood ang show na MHL ay medyo nalaman ko ang mga names ng characters sa post na ito. hehehe.

    at naalala ko ang ilan sa mga kwentong buhay mo na ishinare mo.

    ReplyDelete
  5. hahahahaha. welcome back jabs! :-)

    ReplyDelete
  6. Bongga! Welcome back from US pero hindi sa eskwater kundi sa blogosphere! witwew!

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. I miss you beks!! Super havey ang review ng My husband's Lover. Welcome back from outer space.

    ReplyDelete
  9. You have no idea how much this entry is such a breath of fresh air. Para lang akong nagpa-spa. As in, heaving sigh of relief. That long pause, before a deep exhale. Thank you.

    ReplyDelete
  10. wow soulmate ganda nito :) ano kaya kung pure english mo sinulat chos!
    pareho tayo ng dilemma, wala naman sila masyadong pinagdaanan para maging ganon kalalim hehe FYI di ko na sya pinapanood after malaman ni lally ang totoo nawalan na ko ng interest i don't know why..

    ReplyDelete
  11. Avisala BM! Sobra kaming nangulila sayo! Maligayang pagbabalik!

    ReplyDelete