12.12.2012

The Final Separation

Totong... Salamat...

Pa. Payat. Kagawad. Daungan. Kaibigan. Kumpare. Kapitbahay. Kababata. Gambit. Ang lalaki sa panaginip. Ang lalaki sa tore. Ang lalaki sa iskwater. Ang lalaki sa barangay hall. Salamat.

Bibitaw na ko. Kasi ako na lang ang nakakapit. Bumitaw ka na, dati pa... Para sa pagkapit mo dati, Salamat.



Sa lahat ng naganap na separations, yung sayo lang siguro ang di ko pinag-effortan. Walang naganap na inuman, kasi di ka na pwedeng lumaklak ng alak. Kaka-nomo mo sa barangay, nabutas na ata yang bituka mo. At kakayosi mo sa barangay, di ka na ata makahinga ng maayos. Kaya walang redhorse at pulutang kelangang ihanda. Walang marlboro lights na kelangang bilhin. As much as possible, ayokong gawin natin yung mga normal nating ginagawa pag nagkikita tayo. Baka ikaubos ng luha ko. Para sa hindi mo pagluha, Salamat.

Buset ka, wala kang tinupad sa lahat ng mga pangako mo. 1) singsing -- asan na yung ring na ibibigay mo sa kin bago ko umalis?! Baka pagbalik ko heirloom na yan sa shugal! 2) gun shooting -- kala ko pa naman matutuloy ang traditional na bonding ng mga mudra natin dati, at magpapaputok tayo ng actual na baril bago ko umalis! 3) hatid -- akalain mong sinabotahe ko ng buong barangay force, at itinaon pa talaga sa araw ng pag-alis ko ang "annual go to pampanga for a change of environment 2012" hay naku di na kita iboboto! Para sa mga pangako mo dati na tinupad mo naman, Salamat.

Nung araw ng visa interview ko, at mamatay ako halos sa nerbyos, ikaw ang isa sa mga umaliw sa kin habang nagngangatngat ako ng kuko at nagpapapak ako ng tengang daga. Di na ata mado-drawing ni Picasso o ni Malang ang pagmumukha ko, di na ata aabot sa richter scale ang lindol sa rib cage ko, at di na ata bababa lahat ng dugo na umakyat at naipon sa ulo ko. Baka itong interview na to ang maging dahilan pa ng aneurysm ko. Pero pag naaalala kita, at kung pano ka matatawa habang umiiyak habang gusto mo kong kutusan pag namatay ako, nawawala lang kaba ko. Para sa pagpapangiti sa kin palagi, Salamat.

Kaya pagkatapos ng ordeal at malaman kong aalis na nga ako soon, nag-emote muna ko sa fb, nagpakaba ng ilang nilalang, nagdrama sa mga friendships. When I was ready, ikaw ang unang taong pinuntahan ko. Wala ka nga lang, nasa barangay ka pa, kaya yung apo ni Corazon (ang unang...?) muna ang kinausap ko... ng apat na oras! Kundi ka ba naman talaga bungol at ungas at tukmol, galing ka na naman sa inuman! Para sa di na natin mabilang na redhorse at pa-cham na pulutan, Salamat.

Pagdating mo, di ko alam kung pano ko sisimulan. Kaya sinabi ko na lang ng walang pasakalye. "Pa, aalis na ko." Para sa mga oras na umalis ako, at bumalik, na nanjan ka pa rin, Salamat.

For one moment, I saw a glimpse of sadness pass by your eyes. I saw a reflection of my own sadness, because we both know, I'm not coming back. At least not soon. When I come back, we would have lived separate lives. So I won't be back for you. Not as Wolverine, not as BM, not as Jay, not as Jabo, not as your first lady, not as your single-voter, and definitely not as Ma. Para sa iyong kalungkutan sa nalalapit kong paglisan, Salamat.

In that single, short moment, I also saw happiness. You're happy for me, alam ko. Because you know that this is what I've always wanted, and this is what I need. Kahit kelan naman di ka naging unfair sa kin. Kahit kelan di mo rin ako pinigilan. At kahit kelan di ka naging madamot. Para sa pakikisalo sa aking kaligayahan, Salamat.

I don't know if I just imagined it, or it really happened. Maybe my heart wanted me to hear them or see them. Ang alam ko lang, me basehan ako na isiping malulungkot ka sa pagkawala ko. People may not believe it, or they may treat it as a joke, but I know in my heart, minahal mo ko. I know it, I have felt it, I believe it, and in your own way, you've said it. Tuwing tatanungin kita kung mahal mo ko, ang sinasabi mo lang "Ayokong sabihin, baka lumaki ulo mo eh." Sapat na yun, Pa. Gets ko na. Para sa pagmamahal, Salamat.

"Anong ipapamana mo sa kin? Baka naman wala kang iwan sa kin sa mga gamit mo? Tsk anu ba yan! Spam lite, chocolates at sapatos ha. Gusto mo ng sanmig light? Kanina ka pa ba? Daming ginawa sa barangay eh. Musta ka na?" Was it just me? Parang tuliro ka yata Payat? Kwentuhan saglit, pinanood sa pangungulit ang junakis mo, and umuwi na rin ako after. No sense na magtagal pa, nasabi ko na. And may ilang araw pa naman ako, magkikita pa tayo. Ahm malabo pala yun, kailangan eh kulitin ka pa para magpakita, sigurado ako. Pareho naman tayo eh, di kita gaanong hinahanap, kasi alam kong nanjan ka lang. Isang tumbling ko lang sa tore nyo, one en wamport na brisk walk sabay split sa ere at dalawang cartwheel lang sa kalye nyo, makikita na kita. Para sa mga pandededma minsan, ungas ka, Salamat.

Mga ilang araw after ng visa interview, go ako sa Singapore kasama mga tropa ko. Of course di ka kasama. Pero paguwi ko, ikaw agad sinabihan kong pumunta sa bahay para sa pasalubong mong cadbury. Punta ka naman agad, at naloka lang ako sa hinakot mong pasalubong. Binalot mo pa sa supot para kunyari tinapa, at ng hindi makahingi ang mga constituents. Sige na tangayin mo na yan, pinapak nga lang kita bago ka makalabas ng bahay. Impernes sayo lang ako consistent na may pasalubong. Ikaw rin kasi ang consistent na nagde-demand, kasi 'matik na yun, kasama ka na dapat sa bibilhan ko' at kasama ka naman talaga lagi. The same way na pag umakyat ako sa tore eh pwede akong makikain anytime, at pag me mga swimming eh pwede akong makilangoy anytime. Matik na yun. Para sa pagturing sa kin ng higit pa sa kapatid, Salamat.

Naalala ko tuloy nung mga bata pa tayo. Lagi tayong nagpupunta sa Kubling Kalikasan sa Antipolo para mag-swimming. Kaso since mga bata pa tayo at wala pang mga pera, wala tayo laging pambayad sa cottage. Kaya yung entrance na 40 pesos, kasama na sa package yung swing set na apatan, at dun lang ang mga gamit natin. Kanya-kanyang baon, kanya-kanyang pang entrance, at kanya-kanyang pamasahe. Pero super saya. Simpleng kaligayahan, na bumuo sa mga pagkatao natin. Para sa napakaraming raket, gimik, lakwatsa at trip na pinaggagawa ko na kasama ka, Salamat.

Eto na siguro ang pinakamalungkot kong New Year's eve sa December. Do you know when I started falling for you? 2006, Bagong Taon. Nagpuputukan na sa lahat ng parte ng Pilipinas. Nakasalubong kita, at dahil nga me pagnanasa ako sayo dati pa, humalik ako sayo ng anim na beses. Tapos sabi mo sa kin "Hoy puntahan mo naman si Mommy! Di ka man lang magpakita sa nanay ko! Andun sa bahay, naggagawa ng salad." Na para bang tungkulin ko yun, at parte ko ng pamilya mo, ng buhay mo. Nadatnan ko nga ang ate mong malandi pero me sense lumandi aka Rogue, at ang mudra mo, naggagawa nga ng salad. Ayun na, nagsimula na ang rigodon natin sa Bagong Taon, at nagsimula ka na ring lumitaw sa panaginip ko. Para sa mga nakakakilig na panaginip, at sa mga nakakaiyak na paggising, Salamat.

Napapahuni ako ulit nung kanta ko sayo... Halaga by PNE. In fairness basta nagvideoke ka sa kambingan or sa Betsky, nararamdaman ko, or hinahanap mo ko. Tuwing iinom pa naman tayo, kasama mo si Mike, ang songer na makalaglag pantyliner. Usually pag nakita ko sha, mas uunahin ko pa shang puntahan at halikan kesa sayo. Ilang beses mo na rin akong natawag na "malandi" hehehe. Nung minsan pa nga, nahuli mo kong me kinukuda kasi bukas yung bintana. At kahit dito sa blog, alam kong nababasa mo kung ilan kayo. Napaisip tuloy ako kung ako ba dapat ang kantahan mo ng Halaga. Pero sigurado naman ako, kung anuman ang turing ko sayo, at kung gaano man ako kalandi, I'm sure naipakita ko sayo kung gano kita kamahal. Para sa pagbibigay sa kin ng karapatan na lumandi sa iba, at karapatan na magselos at mag-emote pag ikaw naman ang nasa kandungan ng ibang babae, Salamat.

Nung huling gabi ko, Thursday night, bandang alas-Nueve ng gabi, dinalaw mo naman ako impernes. Aligaga nga lang ako kasi nasa bahay yung apat kong barkada ng high school, at naglalambing ng bonding si Jonel, habang me tatapusin pa kong report para sa school, at di pa ko tapos mag-empake. Pero pagkatok mo, at makita kita sa "porch" ko -- suot mo pa yung striped shirt na pasalubong ko from Bangkokak -- my face lit up, I felt relieved, happy, apprehensive, and indescribably sad. Para sa halu-halong emosyon na lagi kong nararamdaman pag kasama kita, Salamat.

I hugged you, kissed you left and right, making up for the time we'll soon lose. We went out and sat outside, dun ata sa may harap nung bahay ng pinsan kong bingi madalas. I just sat there, feeling a million knives stabbing my heart. Para sa di na mabilang na halik, at yakap, Salamat.

Here is a man I've practically known all my life, just inches away, literally within reach, yet I can't. He's the proverbial "so close yet so far". Because he's not mine anymore, he belongs to someone else. And because I'm going away. Just the mere idea that I won't be able to see him or talk to him, makes me wanna unpack and just stay. If he would ask me to, I probably would. But I know him so well, he's never gonna do that. He's letting me go. Para sa pagpapalaya, para sa pagbitaw, kung kailan kailangan ko ng lumipad at lumaya, Salamat.

Ni hindi ko na maalala kung anong pinag-usapan natin nung huling gabing yon. Ni hindi tumagal ng trenta minutos, parang pareho tayong gusto nang maghiwalay na lang agad. Parang pag pinatagal pa lalo, baka di ko na kayanin. Ang naaalala ko lang, di mo ko maiihatid sa airport, kasi me lakad ang lahat ng kagawad. Sa totoo lang, I felt relieved na di mo ko maiihatid. Yun ngang andito lang ako sa bahay at uuwi ka lang sa inyo, naiiyak na ko, pano pa pag sa airport tayo naghiwalay? Para sa isang walang emosyon na paghihiwalay, dahil mas iyon ang kailangan ko, Salamat.


Nung nakaraang linggo lang, nag-message ka sa kin. "Musta? Nga pala, nanganak na ang aswang. Baby boy! Evan Rigo ang pangalan." Pangatlo mo na yan. Pangatlong baby. Pangatong beses mo na ng pagsasabi sa kin nang kaswal na kaswal. At pangatlong beses ko nang sinabi sayo, Congrats Pa. I'm happy for you. Bittersweet. Sabi nga ni Ka-te, pag inanalyze yung speech acts, masaya na warm na intimate pero ouch na sad na deep sigh na lang. At dahil ayokong lagyan ng meaning ang bawat salita, kilos at galaw mo, literal ko na lang na tinatanggap ang bawat pag-uusap natin. Kasi nga, sabi uli ni Ka-te, take it as it is na lang ang drama. mas healthy. mas ok. yaan mo ng ibang tao/ yung strict observer lang ang gumawa nun for you. Para sa laging pagsasabi sa kin, at para sa bittersweet na Ma at Pa, Salamat.

Buong buhay ko halos, kasali ka. Sa bawat pagtulay sa pader, kada follow the leader, palus-palusan, bangsak, patintero, luksong baka, agawan base, kalaro kita. Sa bawat super mario at islander, kaagaw kita. Sa bawat uwi ko sa iskwater dati na me bitbit akong malaking labahin, at pinagtatawanan mo ko kasi dun pa ko nagpapalaba, kaasaran kita. Sa bawat bagong taon, at lahat ng okasyon, kasalo kita. Sa bawat teks, tansan, holen, palara, xmen cards, na pinagpupustahan dati, kalaban kita. Sa bawat laro ng pba na nagpa-ending tayo, kasosyo kita. Sa bawat panaginip ko kada buwan nung hindi na tayo magkapitbahay, kasali ka. Sa bawat inuman ng redhorse at tequila, katagay kita. Sa bawat patak ng ulan dati na naliligo ako sa kalsada at sumisisid sa baha, kasama kita. Para sa makabuluhang pagkakaibigan at masayang kamusmusan, Salamat.

Sa bawat unos na dumaan, sa mga mahal sa buhay na nagpaalam, sa mga pagsubok, sa mga kasiyahan, sa mga asaran, sa mga umpukan, sa mga bonding, sa mga nakaw na halik, at sa mga halik na kusang ibinigay, sa mga kindat, sa mga hirit, sa mga kapalpakan, sa mga librehan, sa mga almusal, tanghalian at hapunan, sa mga meryenda sa mcdo, sa mga kaarawan, sa mga tsismisan, sa kampanya, sa kantahan, sa pagkumpleto mo sa pagkatao ko, sa pagbabasa ng mga blog ko tungkol sayo, sa mga pabor na hiningi mo sa kin kahit kaya mo namang gawin, sa mga oras na madalas ka sa bahay me kailangan ka man o wala, sa mga kwentuhan sa hagdan, sa pagtawag sa kin para umaliw sa malungkot mong mommy, sa pag-iinarte pag kasama ko si Magic, sa pagkukulong sa kin sa tore para wag akong makalandi, sa hindi pagtanggi pag sa kin ka tinutukso, sa pagtawag sa kin ng 'Ma'... sa pag-amin na mahal mo ko. Para sa lahat-lahat na Payat, Salamat.

Para sa pagbibigay sa kin ng mga dahilan para mahalin ka, Salamat.

Para sa napakaraming masasayang ala-ala, Salamat.

Para sa ilang libong kulay ng bahaghari na dinagdag mo sa buhay ko, Salamat.

Para sa paglalambing, pagde-demand, pagpapasaya, pagpapakaba, pagpapatawa, pagpapaiyak, pagaalaga, at pagpapaalaga, Salamat.

At higit sa lahat, para sa pagbabasa mo ngayon ng post na to. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsimulang mag-blog. Tama rin lang na sayo matapos ang lahat. Full circle. Binuo mo ang pagkababae ko. Di mo man sinadya, di mo rin plinano, pero dahil sa napakalaking parte na pinunan mo sa buhay ko, wala na kong mahihiling pa. Kung ano man yung meron tayo, sapat na yun. Hanggang dito na lang tayo eh, kailangan ko ng magpaalam.

At kung mamatay man si Baklang Maton ngayon, mamamatay syang masaya...





18 comments:

  1. this is really what I am waiting for. I am glad that it is really not as dramatic as the first separations, but it is really heartfelt.

    Salamat Payat for making Jabo BM. I dont know if we will encounter a blogger like him if you never entered his life.

    Next Chapter na. excited much! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. who says there's gonna be a next chapter? =)

      thanks as well LJ, for sticking with BM.. <3

      Delete
  2. Clap Clap Clap Singhot at Clap Clap Clap Ulit.. Mabuhay ka BM.. Salamat Sa blog na itech madami ka napasaya sa totoo lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. welcome beks! marami din namang nagpapasaya sa kin :)

      Delete
  3. Jabo, masaya ako para sayo dahil matapang ka na para magpaalam sa mga bagay na akala mo hindi mo kayang pakawalan. Love you, Jabo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. di pa rin gaanong matapang, faking it till i make it. love u too, my favorite chekwa!

      Delete
  4. hi po. sayang at nahuli na ako sa pagbabasa ng blog mo. last na talaga? pwede bang super last separation? parang pelikula lang ni Ai Ai delas Alas? nakakalungkot. nakakatuwa. ewan. gusto ko pang magbasa ng mga nangyayari sa'yo. ikaw siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagche-check ng updates dito sa blogspot. sana makakita pa ako ng mga bago yugto sa buhay mo diyan sa malayong lugar. stay happy and strong!

    ReplyDelete
    Replies
    1. u can still read my previous posts, mejo matatagalan lang siguro yung kasunod.. me isa pang major major super duper last separation, wait lang ng mga 10 yrs =)

      Delete
    2. nakapag-back read na ako nakaraan pa. hihi. salamat sa napakagandang experience na binigay mo sa mga mambabasa mo. hihintayin ko po ang super duper last separation!

      Delete
  5. For an avid reader/follower of your blog, may I just say...So long and till I read from you again. Hanggang sa muli at maraming salamat sa pagbigay ng naiibang kontexto sa isang Baklang Maton...

    David

    ReplyDelete
    Replies
    1. so long, David... maraming salamat din sa pagsubaybay sa mga kalandian ni baklang maton...

      Delete
  6. Replies
    1. im not so sure if I can still post the next chapters. di na ko nakakalandi eh hihihi. let's see...

      Delete
  7. I knew it! Si Payat ng last separation mo. Puros from the heart ang mga litanya mo. I feel it. Bitter sweet indeed. What matter most lang ang drama

    ReplyDelete
  8. "At higit sa lahat, para sa pagbabasa mo ngayon ng post na to. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsimulang mag-blog. Tama rin lang na sayo matapos ang lahat. Full circle."

    -bittersweet

    P.S. kamustasa naman ang Big Apple after Hurrican Sandy?

    ReplyDelete
  9. ang kwento niyo ni totong ang pinakanagpakilig sakin sa lahat ng mga otoko mo. though kinilig din ako sa iba eh iba ang dating ng lovestory niyo.

    siguro dahil pareho tau ng kwento :))

    ReplyDelete
  10. Nakakaiyak ang kwento ito 2012 pa ngayon ko lang nadiscover, anyway nakarelate ako kase parang ganun din story ko umalis ng pilipinas at walang balak bumalik! May iniwan din ako papa , sinubukan ko long distance mahirap hanggang makahanap ako ng iba. Kung ang bida sa New York ako naman L.A

    ReplyDelete