Ako ay nagbalik... at muli kang nasilayan! Parang ibong sabik sa isang pugad...
May nagbalik sa buhay ng maton. Pero umalis na uli sha ng tuluyan...
Simula ng mawala ng tuluyan si Budwire sa buhay ko, pinutol ko na rin lahat ng communication namin. Nag-iba ako ng number pero di ko naman binura ang number nya sa phone ko. Di ko rin sha binura sa friend's list ko, kc madalang naman sha mag-open sa FB. Duda nga ako kung kabisado nya yung password.
Pero may koneksyon pa rin kami. Yung pinsan nyang pinustahan ko na beki, friend ko pa rin sa fezbukelya. At minsan eh nagkaka-chat kami. Nakaka-tumbling naman si Kuya kasi ang wish nya raw eh maging kami, tumira sha sa hauslaloo ko, at magsama kami na parang sina Piolo at Yul. Ay wit! Pero dahil ditey ke cuzin kembot, nakuha ni Daduds ang bagong number ko.
Nagtext sya sa kin isang araw, magkita daw kami. Miss na daw nya ko. Dito na raw sha sa Manila uli, iiwan na nya ang farmville nila sa Quezon. Magkaka-work na daw sha. Gusto lang daw nya kong makita. November 29 yun nung nagtext sha, exactly a year ago nung naging kami. This would've been our first anniversary.
Curious din ako bakit nagbabalik si Daduds. Kaya naman nagpaunlak (naks, parang tagalog pocketbook!) ako sa kanyang paanyaya. Sabi ko, gora! 7pm daw ang arrival ng flight nya from Recto Station. So mega waiting for alas-syete naman ang beki. Eh sanay na rin ako sa eksena nya, kaya nung mga 9pm na waley na toh.
Biglang tumawag yung common frend namin ni Waldo, si Caipanget. Remember Waldo? My inevitable guy? Me mabigat na dalahin daw si Baby Waldo ko, and true enough nung kausapin ko sa phone ang lolo mo eh hinagpis na hinagpis kamo sa pag-eemote. I had to be there. Kaya sugod ang bakla sa Taguig, the land of buffets.
Literal, nakasalubogn ko si Daduds na naglalakad patungong Iskwala Lumpur. Ubos na pala load ng lolo mo, kaya wit na nakakatext sa akeiwa. Torn between two lovers daw ako bigla. Kasi nga to the rescue na sana ako ke Waldo. Eh kawawa naman lolo mo, galing pa ata sa bukid. So balik ang eksena ko sa Tore at nag-magic ng kung anik anik na fudang at refreshments kembular. In layman's term, pancit canton at RC Cola ahehehe...
Ang gwapo nya ngayun. Payat, pero gwapo! At di na sha mukhang magsasaka impernes. Di ko nga mapigilan eh, nagpakababae ako habang nagki-kiss kami uli. Nakaupo sha sa gilid ng kama habang nakakandong ako at nagpapalitan kami ng ngala-ngala at lalamunan. Ganun pa rin si Daduds, kung humalik eh makakalimutan mo talaga kung sino nanay mo.
Hay ning, kung naghihintay ka ng bloopers, pak! Wala shang baon! Tinatanong nya lang lagi kung masaya ba ko na nakita ko sha uli. Isang pa-gurl na sagot lang ang kaya kong isagot: smack sa lips.
Sinabi ko rin na tore ni Totong ang tinitirhan ko. May paselos effect ng konti, kinuwento ko ang past life namin ni Pa, kung bakit ako umalis dati ng Iskwater, at kung bakit at kelan ako bumalik. Nakita nya rin yung infamous piktyur ko na me boobing at cleavage ang bakla. Natatawa ko sa reaksyon ng lolo mo. "Pag nakasalubong kita, baka akala ko naglalako ka ng papaya!" Papaya talaga?!
Pati si Totong pinagtripan. "Naku pano pag biglang pumasok yun tapos nakakandong ka sa kin. Ihahagis kita sa sahig. 'Boss! Boy lang ako dito!' O kaya 'Delivery boy lang po ako. Sige po alis na ko.' Saka ako tatakbo pauwi."
Nun ding pababa na kami ng hagdan, pinapauna nya kong bumaba. Kasi pag bigla raw dumating si Totong, itutulak nya ko palayo. "Dumadalaw lang po, Boss. Kaibigan ko lang po yan."
Kako "Eh pano pag naabutan nya tayong naghahalikan?"
"Ay hindi po, halik lolo lang po yun. Sa noo lang po yun Boss." Sabay hagikhik na parang sinasapian ng heartrob na dwende. Baka daw kasi pagulungin sha sa hagdan o kaya eh di na sha makalabas ng buhay sa Iskwater.
Aaminin ko, kinikilig ako. Kilig na kilig ako. At as usual, nanamnamin ko lang ang kilig na liglig at umaapaw.
Pero di ko talaga pwedeng balewalain ang tawag ng naghihinagpis kong irog sa Malibay, kaya di na nagtagal si Budwire sa hauslaloo. Habang naglalakad kami papunta sa sakayan me nakalimutan ako sa tore kaya balik na naman kami. Me theory ang gwapo na di ko magawang i-deny. "Dinidisplay ako ni Daduds, langya." Andami kasing beki sa kanto namin.
Habang byahe, kini-kiss ko pa rin sha sa jeep. Holding hands pa kami na parang dalawang magsyotang jejemon. Tinanong ko ang lolo mo, bakit yung normal na mga nilalandi ko eh nahihiya na makita ng ibang tao na hinahalikan ko, pero sha eh ok lang. "Kasi love kita Daduds." Nag-blush yung katabi naming Manong. Hihihi.
Tinanong ko rin sha kung asan na ang asawa nya, o girlfriend kaya. Ilan na ba talaga ang anak nya, mga tanong na dati ko pang iniisip. Ang sagot lang nya eh "Wala pa ko nun. Wala ka talagang tiwala sa kin noh?" Tapos tinanong ko sha kung may syota ba shang bading. "Meron dati, isa." Aha! "Ikaw. Kaso dati pa yun eh. Nag-move on ka na." Ako naman ang nag-blush.
Naghiwalay kami sa Cubao, at nagpabaon pa sha ng sanlaksang garutay na pakiramdam sa kalamnan ko. Kasi nung pasakay na ko ng bus at nasa hagdan na ko, hinila nya yung kamay ko, at saka ako hinalikan. "Ingat." Ayun, lutang na lutang ako hanggang FTI.
Nakarating naman ako kay Waldo, mejo humupa na nga lang ang mga hinaing ng lolo mo, at nagyaya na lang sila na mag-mamam ng redhorse.
A week after, bumalik si Daduds sa tore. We slept together, konting inuman, konting landian at konting harutan. Finally eh nalaman ko kung bakit sha bumalik. Hindi para mangutang, hindi para manghingi ng kakanin. Kundi para magpaalam. Habang kinukwento ni Daduds ang mga balak nya, naiyak na lang ako, at the same time eh na-touch na di nya ko nakakalimutan.
Nasa hukay na ang isang paa ni Daduds. 6 months, maybe a year. Kung suswertehin, posibleng umabot ng dalawang taon hanggang lima, o baka higit pa. Kailangan lang na matuto shang lumaban. Bawal sumuko. Pag nagsimula na sha ng training, wala ng atrasan yun.
"Mami-miss kita. SOBRA." Limang beses namin sinabi sa isa't isa ang mga katagang yun. Sa buong buhay ko, eto yung isa sa bihirang pagkakataon na sincere ako sa sinabi ko. At totoong nalungkot ako sa maaring mangyari sa kanya. More than nalungkot, natakot ako sa maaring mangyari sa kanya.
He signed up. Military service. Sa Mindanao. Training nya na in two weeks sa Camp Capinpin. Tapos isi-ship na daw sila sa Basilan. Parang mga troso lang, sini-ship papunta sa kuta ng kalaban. Kung saan makita lang nila na naka-camouflage ka eh babarilin ka na lang ng walang pakundangan. Kung saan minsan ang mga bangkay eh nilalangaw lang sa kalsada. Baka magkita pa sila dun ng best friend kong si Aveño.
Muli na namang binaliktad ni Daduds ang mundo ko. Hay Daduds classic ka talaga. That night, while I held him in my arms, I said a little prayer. Nung una ko shang makita, I asked God to take him away before I completely, hopelessly, insanely fall for him. This time, I uttered a different prayer. Na sana maging ligtas sya. Na sana mabigyan sha ng buhay na makabuluhan. Na sana makita ko pa sha ng buhay, malakas, maligalig.
Pag-uwi ni Daduds kinabukasan, hindi na lang basta halik ang pinabaon ko sa kanya. Kasama na ang isang milyong panalangin.
Nung bata pa ko, pag napapagalitan ako ni Bibiana at di pinapayagang lumabas ng bahay, iniimagine ko na may superpowers ako at kailangan ko lang na malagpasan ang mga pagsubok ng evil witch na nagkulong sa akin sa sala.Tapos may Prince Charming na darating at sasagipin ako sa lukaret kong mudra at isasama ako sa playground kung saan pwedeng maglaro ang lahat ng bata at hindi na kailangang matulog sa hapon para lumaki.
Alam ko nang hindi ako pinagmamalupitan ni Bibiana. Alam ko na rin na kahit hindi matulog sa hapon eh tatangkad ka pa rin. Alam ko na rin na hindi ko kailangan ng Prince Charming para sagipin ako. At alam ko na rin na hindi kailangan ng superpowers para iligtas ang mga nangangailangan. Nalaman ko na rin na hindi lahat ng Prince Charming dumarating, at nagtatagal sa piling ng mga beki in distress.
Minsan ang mga Prince Charming, busy pa sa pakikipagbakbakan sa mga rebelde at Abu Sayaff. Minsan di sila nakakarating kasi kailangan muna nilang ipagtanggol ang bayan, bago ang kanilang prinsesa. Sana totoo na lang ang hundred lives. Sana rin pwede kong alayan ng flower at mushroom at 1up si Daduds.
Pagkabasa mo nito, please join me in lighting a candle for our soldiers. Kung wala kang kandila, kahit yosi, o kaya lighter, o kahit yung kalan nyo na lang ang sindihan mo. Sabay sabay nating ibulong sa hangin ang hiling ng lahat ng beauty queen sa buong mundo.
"World peace..."
go go go mga taga bekilandia at sindihan ang inyong mga kalan and whisper ! world peace... hehehehe.... god bless daduds..
ReplyDeletemay kirot sa boobs ito. i wish him safety and. . .world peace!
ReplyDeletefrom candidate no 3. thank you.
seriously, this post made me sad. = (
God Bless your Prince Charming....
ReplyDeleteakala ko nung una na nakabaon na sa lupa ay may taning sya, military service pala.
ReplyDeletehopefully ay di naman sya mapahamak sa pagpapadala sa kanya sa ibang place.
mare, anuvey?! kilig, saya, lungkot ang ipinadama mo sa akin in one sitting. kalurkey ka! napasindi tuloy ako ng yosi. as usual, galing na galing na naman ako sa pagkakakuwento mo. :)
ReplyDeletenagsindi ako ng yosi... at nag alay ng panalangin... :))
ReplyDeletehoping for a good and safe journey of your daduds... god bless BM...
ReplyDelete-dock
awww, panalo ang mga eksena nyo ateng..ung nagpapalitan kayo ng lalamunan! for sure, walang paglagyan ang kilig mo. ohh he's too handsome nga ateng para may mangyaring masama. sayang xa pero well, kung gusto nya tlgang manilbihan sa bayan, i'd also pray for his safety... ♥mystica♥
ReplyDeletenag sindi na ako ng gas stove. hahaha bongga.
ReplyDeletewawa talaga ang mga sundalo. at dahil nurse ako dati sa isang military hospital eh dama ko ang hirap at sakripisyo nila...
pati pangungulila at paninigang! CHOS!
KEEP IT UP BM! ansaya ng posts mo. =)
he will be safe.. kasi nandyan ka...
ReplyDeletekala ko my malubhang sakit c Prince charming mo..
Military service pala.. hahaha
mas nalungkot ako
ReplyDelete:(
ReplyDeleteang ganda mo teh!
ReplyDeleteang lungkot naman nito. at kahanga-hanga ang kanyang pananaw sa buhay. kokonti lang ang taong gagawa ng ganun. kaya bilib ako sa kanya. at masaya ako para sayo dahil nakilala mo sya. sana nga maging safe sya at sana matigil na ang mga giyera.
ReplyDeletebtw, galing mo magkwento. :)
ka relate po ako...nsa military rin po iyong BF ko...yeah,,let's all pray for their safety..
ReplyDeleteNalungkot ako nung nabasa ko ito T.T
ReplyDeleteIt feels good that someone eh me ganong bonggang pagmamahal sa isang beki...hindi kasi ako naniniwala sa fairytale...akala ko si snow white lang ang pwedeng halikan pag nabilaukan ng mansanas.beki din pala pwede.(ung walang bayad ah, as in wagas) pero parang pinatutunayan mo na mali ako.haha.enjoyed it very muchee!
ReplyDeleteYou're really the queen of beauty...BM...
ReplyDeletecant help myself read it over and over again.
ReplyDeletethis story.
the story.
true story.
this is your masterpiece.
keep up ur good work! more powers!
world peace...