12.17.2010

Takbo, Talon, Tili, Hingal

Lagi akong late. As in! Ewan ko ba kung kelan nagsimula yung habit ko na yun. Karamihan sa mga lakad namin ng barkada, late ako.

Nasa LRT na.
Malapit na.
Anjan na.
Trapik.
Me emergency lang.
I'm on my way.
Sorry di ako nagising.
Baha. Ang lakas ng ulan.
Nasiraan ang jeep/fx/van/bus/lrt.
Naligaw ako.

Super bagal ko lang talaga kumilos. Tamad na tamad akong bumangon. Pag gabi feel na feel ko magpuyat. Pag umaga naman ayoko halos kumilos. Yung mata ko parang may padlock kaloka! Heavy duty pa kamo. Kaya dapat ang alarm clock ko, nananapak.

Nung bata ako, pag late kami ng nanay ko sa klase, pagpasok ko pa lang sa klase bubungad na si Mrs. Manlapig ng "Hijo wag mo ng paalisin yung hatid mo, kasi 5 minutes na lang di na sha tagahatid, tagasundo na sha. Pumasok ka pa." At shempre, pasok din sa kin yung classic line na "Ang aga mo... para bukas." Pag naririnig ko yun nung bata ako eh nagtataka talaga ko. Maaga pa daw ako?

Nung hayskul, talagang tumataginting na late akeiwa araw araw. As in di na ko nakakadalo ng flag ceremony kasi humahabol na lang ako. Kadalasan eh nagpa-Panatang Makabayan ako sa gate, o kaya eh nagba-bayang magiliw ako sa gilid ng stage. At minsan pa kamo eh nag-push up ang balingkinitan kong katawan habang umaawit ng "Oh dear Manila High... hear and protect us! Listen and whisper the blessings, we'll raise your banner to the sky... Let us all sing the song of love! Dearest to our hearts, oh Manila Haaaaaaaaaaayyyyyy! Forever will shine!" Ateng lawit betlog talaga ko pagkatapos ng push up...

Nung college wala naman akong ganong talamak na late, kasi neng evening shift ako. Alas kwatro na ng hapon klase mo, di ka pa rin nagising?! Kaloka naman yun... Eh inspired naman ako pumasok lagi nun, kasi nga si Aveno na bestfriend ko at lihim kong sinisinta, eh kaklase ko rin shempre. Basta nung minsan, ang excuse ko eh namatay ang lolo ko. Namatay naman talaga, 22 yrs ago. Kaso nun ko lang ginamit sa excuse letter.

Pero kundi man ako late, adelantada naman ako. Eksena sa Retorika 101. Si Ginang Emperado, napikon kay BM kasi nga dalahira at dakdakina. Eh finals namin yun, kelangan may talumpati. Topic ko eh panliligaw noon at ngayon. Intro si Bakla.

"Magandang umaga sa inyo." hirit bulilit ng badet.

"Hindi maganda ang umaga!" bara ng mangkukulam.

Kinabahan na ang bakla... Gamunggo na ang pawis, di malaman ang gagawin... Ah! Talumpati...

"Baro't saya... Baro't saya..."

"Baro't saya... Mga hagikhikan..."

"Baro't saya... (pabulong) putang ina..."

"Putang ina mo rin!" sagot uli ng mangkukulam.

"Hindi po kayo."

Lahat ng palitan namin na yun eh sa tono pa rin ng pagtatalumpati. Nakaraos naman ako sa talumpati ko, matapos kaming magmurahan ni Ginang Emperado. Ang ending: dos palakoles ang grade ko. 77! Kaloka! Di nga ako na-late, nakipagmurahan naman ako sa prof ko... Sana na-late na lang ako ng araw na yun.

Sa trabaho, madalas din akong ma-late. Lalo na pag regular na. At sangkaterba naman talaga ang excuses ko sa mga boss. Ning in fairness, di ko na minsan pina-praktis. Hinika ako, di makabangon, nagtatae, pinilit lang pumasok, masama ang pakiramdam. Ning waley yan! Pang amateur lang yang mga excuses na yan.

Yung level ng excuses ko, mapapraning ka. Binaha sa LRT, napagbintangan ang pamangkin kaya nasa presinto, me hearing sa kaso at na-late ang judge, "family emergency" at galing pa sa Batangas, me nagrambol at naipit ako sa sidewalk kaya di ako makaalis, nanganak ang kapitbahay at walang kasama sa hospital. Yung mga alibi ko na yan, nangyari naman talaga. Minsan nga lang, hindi sa kin nangyari. Nakita ko lang, nabasa sa dyaryo, o kaya narinig sa katabi sa MRT.

Kasi ba naman si Rebekla, 8PM ang usapan, maliligo sa bahay 830?! Kundi ba naman ako talagang nananadya. At nakahilata pa, ang reply na sa text kung nasaan eh "On the way na, wait lang po."

Eto ka na, nung Nov. 5 eh trip to Palawan kami. Pero nauna ang flight nila ng isang araw. Thurs sila, Friday ako gogora. 3:55 ang lipad ko, ning 11am nasa skul pa ko sa Taft Avenue at nagpapasa ng thesis. Ang adviser ko na duda ata sa gawa ko, ang gusto nya eh dun mismo sa harap nya isusulat ang buong Chapter 5. Kumusta naman yun davah?!

Nakaalis ako ng jopisina nya, 1pm na. Lipad Beki, lipad! Pagdating ko ng hauslaloo, 1:50 na. Empake pa lang ang beki nun. Ay Ateh, good luck! Impernes pag paspasan maaasahan naman si BM jan. Ayun, 2:15 nakaalis na ko ng haus. Abot-abot ang dasal ko na sana eh umabot ako ng 3PM sa airport. Anonas to NAIA 3 -- 30 minutes?!

LRT, MRT, boxibells. Nilipad ko talaga ang EDSA ning! Pagdating dun sa paikot, potah trapik pa! Mcdo pa lang sa tapat ng airport, bumaba na ko at tumawid ng hiway. Takbo, baliktad na yung payong ko, hingal na hingal na ko. Dumaan pa ko sa ilalim ng tulay, puro putik na stilettos ko, takbo pa rin! Potah, pati escalator di nakisama, waley! Sira si esca ampotah! Takbo, nilaktawan ko na ata yung benteng hakbang. Pak! Nakaabot sa gate ang bakla. 2:50PM. 35 minutes!

Sa sobrang hingal ko, yung bote ng mineral water nung ale, pasimple kong hinablot sa trolley. Keber na sa TB! Uhaw na uhaw na ang katawang lupa ko!

Akala ko, natuto na ko. After a week, Sime and Sulay conquers KL naman. Ang aga aga ng gustong oras ni Sime na magkita sa jerport eh 1055pm pa flight namen. 7pm, tumawag pa si bakla para pilitin akong umalis na. Eh ako lang ang me kopya ng tiket. Tiningnan ko yung tiket habang mega chat pa kamo kami sa FB. Syet! 2055 yung time... Putek! 855pm pala alis namin! Ayun, lumipad na naman ako papuntang Terminal 3. Habal habal na kamo ang sinakyan ko mula Ayala.

Eto na, arrive on time na ako sa check in counter. Eh si kuyang ungas, mega offer. Free rountrip ticket daw, anywhere, within 6 mos basta pumayag kami na ma-delay ang flight, kasi puno daw. Mga oportunista payag naman agad! Around 850PM, last minute biglang di na daw kelangan kasi maluwag na daw uli. Potah! Takbo na naman kami papunta sa gate kasi aalis na ang planelilet. Lenshak hinarang pa kami sa immigration kasi di ko nai-print yung hotel accomodation.

Kaya nung makalusot, at nakalagpas kami sa metal and baggage xray, di na kami pinagsuot ng shoes at tumakbo na kami sa eroplano. Heto kamo ang pruweba:





Hay! I've learned my lesson the hard way. Wag magsusuot ng shoes na de-sintas pag eeksena ng takbo sa airport. Panalo, pwede nang pang-Koreanovela!



****************************************


Yan ha, tinutupad ko ang promise kong Nine Mornings... Aba mga beki, damihan nyo naman ang comment para inspired ang bakla... Ang sarap kayang magbasa ng comments nyo. Mwahugs!

15 comments:

  1. Lipad kung lipad sa paghabol sa oras.

    May 7 morning stories pa :D

    ReplyDelete
  2. Sulat ng Sulat BM! Laf trip! Nakakawala ng stress sa trabaho.

    Yan nag comment na ko kasi nag special request ka :-D

    ReplyDelete
  3. super lipad EVER !!!! dapat hiniram mo yung magic banig ni alibadbad. hehehehe....

    ReplyDelete
  4. Feel na feel ko naman ang pag-fly to the airport mo! Nakihingal din ako ng live ng live..

    ReplyDelete
  5. BM, parang lagi ka lang sanay hingalin, noh? Haha! Bumilib ako at may video clip pa na pruweba. I lurve it! =p

    ReplyDelete
  6. go go go lang sa pag sulat sarap basahin teh! hehehehe

    ReplyDelete
  7. Hahaha! It's nice to be back here after so long. And sulit pa ang nabasa ko. LOL! Enjoy ako sa pagbasa ng post mo! Mabuti nama't naisipan mong icapture ang moment kahit late na kayo.

    ReplyDelete
  8. lol sa pagtakbo na walang suot na sapatos..ahahahaahhaha...sulat ng sulat bm...ahaha..dito lang kami..nagbabasa...:)

    ReplyDelete
  9. Kmusta nman ang hika?! lols

    BM: Keber na sa TB!

    Yay, may hika ka na nga magkakaTB kpa! Luzviminda ang byutrax mo nun teh! lols :)

    halamanggamot said...
    BM! ang cute mo :) (Agree!!)

    ReplyDelete
  10. hahaha aliw naman toh ang saya...

    ReplyDelete
  11. Hahaha... tawa ako ng taa dito, ibang klase kang magsulat. di ko maiwasang tumawa ng sobra

    ReplyDelete
  12. bongga..pinagpapawisan pa ako habang nagbabasa..parang nanonood lang ako ng pelikula ni ronnie ricketts at dick israel at inaabangang mag totnakan sila ng mga baril! haha.actually hindi ko inaasahan na aabot ka BM! buti nalang para kang si cindirella tumakbo na animo'y magiging kalabasa na ang sinasakyang chedeng..haha.nice one ulit!! ^^

    ReplyDelete
  13. agree ako sa dami ng palusot ng friend ko na yan... ON THE WAYYYY.......

    ReplyDelete