Showing posts with label kakatihan. Show all posts
Showing posts with label kakatihan. Show all posts

9.18.2012

Mini Separation 3 -- 50 Shades of Semi-Glossy Razzmatazz

Kakahanap ko ng mga beki colors, I came across this word: Razzmatazz. Bongga di ba?! Beking beki lang, invented by Crayolang pagkalandi-landi. Masabi lang na aabot sila sa 96 colors, gawa-gawa ng kulay?! Kaya gawa-gawa rin ako ng dahilan para makapag-blog hihihi...

http://www.finnishdesignshop.com/bathroom-towels-nimikko-bath-towel-redpink-p-3261.html

Sinasamantala ko lang ang aking kasipagan, and I'm trying to translate it into blogs. I found my niche in writing, so itinotodo ko na habang wala pa kong work, at nganga pa ko during summer break. Wag na kayong choosy kung wala mang life lesson mga post ko nowadays. I'm sure gustong gusto nyo rin naman mga hitad! Ina-unleash ko lang ang aking inner remate/toro/bulgar/abante contributor hihihi.


9.07.2012

Mini Separation 2 -- 50 Shades of Copper

Eto na ang part 2 ng aking kalandian. Part 2?! Agad-agad?! Kasi naman, while I'm writing this post, literally, may duwang mag-jowa na nagkekembangan sa harap ko. Channeling my inner Anastasia Beaverhausen! Sinalin ko na lang yung pandidiri sa kalandian nila sa pagre-reminisce sa aking malanding nakaraan.

Pansin ko lang, andaming comment mga beks?! Porke me scenes  for mature audiences, ansisipag mag-comment pag titillating?! Hihihi... Mga potah kayo pag ito konti lang ang comment, di na ko magpo-post ulit! Nyahahahaha... #alamNa

Paalala Ulit: Ang inyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong gabay at patnubay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, kalibugan, kabaklaan, kalandian, kaeklatan, horror o droga, na hindi angkop sa mga bata.

Paumanhin: Walang picture na makikita DITO. Simbolismo lang ang mga ito. Naghanap na lang ako ng kamukha nung dalawa, na kabilang sa roster ng mga outsourced boylets ni bakla. Hiya ko naman dun sa dalawa kung ipo-post ko pa mga fez nila davah?! Kailangang protektahan ang mga lolo mo. Ang mga pagkatao ng mga karakter sa blogelyang ito ay sinadyang baguhin at itago sa mga alyas para sa kanilang proteksyon. Anumang pagkakatulad sa tunay na buhay, pangalan, pangyayari, lugar, o boylet ay hindi sinadya at maaaring nagkataon lamang. Maliban na lang kung isa ka sa mga... Altar Boys!


9.03.2012

Mini Separation 1 -- 50 Shades of Potah Pink

Tapos na kong gumawa ng fairy tale, meron na ring alamat... Kwentong Tiktik naman!

Paalala: Ang inyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong gabay at patnubay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, kalibugan, kabaklaan, kalandian, kaeklatan, horror o droga, na hindi angkop sa mga bata.

Sa isang maliit na sulok ng Quezon City, sa isang maliit na pamayanan na kung tawagin ay Iskwater. Ang mga naninirahan sa Iskwater ay mahihirap, palaaway, magugulo, palasugal, at maiingay. Still, ang mga taga-Iskwater ay mapagmalasakit, mapagbigay, malinis, at nagtuturingan na parang pamilya.

Dito nakatira ang isang baklang maton, na may mabuting kalooban. Ubo! Nasasamid kahit written?! Anyhoo, si Biem ay isang beki na pagkaganda-ganda, pagkalandi-landi, at pagkalibog-libog. Lapitin si bakla ng mga otoko. Mga otoko na kailangan ng release. O kaya eh mga otoko na kailangan ng sagip-buhay assistance. Sila ang mga bida sa kwentong ito. Ang mga fling na hindi ko magawang i-unflung. Ang mga affairs na lagi kong mare-remember. Ang mga happy meal ng modernong bakla. Ang mga recipient ng tawid-pahada card.

They say forming a habit takes three weeks to form. Try 4 years. No, try 25 years! I have always believed being beki is a lifestyle. A decision. A choice. The things that I do, the words that I say, the choices that I make, yun ang bumubuo sa pagkatao ko, sa pagkabakla ko. Yung mga nakasanayan ko, yung mga kinalakhan ko, yung mga kinagawian ko, lahat yun nagtatakda kung ano ba ang magiging pundasyon ng kung sino ba si Baklang Maton.

Sa itinagal ng blog na to, lagpas tatlong taon na rin, di ko akalain na may mga bagay pa rin pala akong hindi naisali.. May mga lalaki pa pala akong hindi naipakilala. May mga experience pa pala akong hindi naikwento. May mga kuda pa pala akong hindi naikembot. Bilang hindi ko naman na kering gawin tong mga gento ditey sa bago kong balur, reminisce na lang ang gagawin kez. Reminder po, R-18 ang post na to. As in!


5.14.2011

Namesakes

Sasamantalahin kong buhay na ang blogger. Eto ang isang post na kakasulat pa lang. At maya ng konti sa airport yung sinulat ko kagabi. =)

4.11.2011

Outsourcing


Bilang natawa ako sa blog ni Arki-Torture na puro daw boylets ang laman ng blogelya ko eh di boylet na nga ang i-blog tonight. At bilang dumugo rin ang utak ko sa mga comments nyo sa atake sa puso ni Juvelon, ibahin natin ang topic. Dami ko na ba utang mga beki? Aba mangilin naman tayo!


2.24.2011

On Beki Bars

Feb. 15 pa dapat tong post na to. Isipin nyo na lang, kunwari Valentine's Day kahapon. Hihihi. Churi...

*******************************************

Dalawang gabi na kong nakakakita ng maraming etits. As in. Winawagwag at dinudukdok pa kamo sa mukha ko. Winawagayway na parang nagpapadakma at nagpapatakam. Eh pano ba naman, dalawang gabi na kaming nagpupunta ditey sa isang beki bar sa Anonas. Sa haus kasi bumorlogs since Sunday sina Galema at Medusa. Impernes, lagi ko silang nababanggit ditey sa mundo ni BM, kaya next time eh sila naman ang ibibida ko.

Heniwei Gokongwei na meari ng Robinson na may anak na may kakambal na anaconda na nakakulong daw sa basement ng mall (daw lang ha). Ang haba ng anyway ko noh?! Heniwei, ayun na nga, gora kami nung Monday night sa beki bar. Araw ng mga Pechay di ba? At dahil tuyot na ang mga talulot ng aming mga pechay, napagkasunduan naming lumandi pasumandali at mag-watchtower sa mga buhay na nota. To appreciate art in its purest form. Art yan ning. The art of nudity. The human body. All the way. Me nakasabit pang ice bucket sa art na yan minsan.

Nakapunta na kami ditetchiwa dati. Nung January yung unang goraboomboomlei namenchi, havey factor! Mega search akeiwa sa google ng mga "popular gay bars in quezon city philippines" at andaming hits ning. Si baklang Medusa read talaga ng mga review para daw alam nya kung saan sulit ang bawat erya. Me nakita naman ang baklita, somewhere along Aurora Blvd. Winner daw ang mga shows, pasok sa banga ni Galema ang presyo, at mapapa-clap-clap ka daw sa mga produksyon numberlaloo. Go ang mga hitad. Napakanta nga lang kami ng "dito ba?" kasi muntik na kaming maligaw.

Kaloka, punong puno ang beki bar! Saburdey kasi, big night kemerlou daw sabi ni Mommy Jackie Rice. Sha yung nakatokang floor manager sa mga rebekla. Waley ng jupuanstra kaya bog na bog kalabog! Kinabog! Ang mga rich na suki ng beki bar kabog sa tatlong beki mae. VIP kami dumerecho. Lipat na lang daw pag me available ng table. Sa loob ng VIP kemerot eh malaya kaming nakisayaw sa mga giling at shembot ng mga kalulurkihan.

Me search for a star in a million for a night double up edition pa silang pakulo kaya busog na busog ang mata ng mga garutay. Me bet si Galema, si K na winner sa fez, ala Bruce Quebral. Pero wit nya nai-table kasi snobbish muna ang eksena naming tatlo. Wag silang umarte, nasa VIP kami. Tsaka high-end high-endan si K kasi 5k daw ang bawat kembang ng lolo mo. Ay, wichiririt ng ibong tiririt! Wititit! Wala akong natipuhan sa mga macho dancer na nakakaburaot. Entrance + compulsary na duwang drinks + jisang platitong mani = bill namin. Pasok sa budget!

Nung araw nga ng mga pechay, since waley kaming mga date with a star, hinintay namin ni Medusa na matapos ang shift ni Galema at sumugod kaming muli sa beki bar, kesehodang 230 am na kami um-arrival area doonchi. Hewan ko ba, kung kelan araw ng mga pechay, saka naman waley ang mga talong. Aba naman, lilima ata silang nagsasayaw. Lahat ng high-end na art exhibit eh nagsi-dayoff daw. Mga hinayupak na tamad! Pinagtyagaan na lang naming tatlo ang mga kalahi ni Bajula na mga dancer.

Aba, me cuteness na sumayaw. Si E. Mejo bata pa, twink ang lolo mo, pasok sa category ko! Pero bet din sha ni Galema kaya nagparaya ako uli. Tsaka loss ang wallet ko nowadays, ikaw na maging 5 months na unemployed. Kaya give-way ang baklang maton. Landian Lane uli ang duwa, pero wai ng macho drinks kasi pauwi na kami at pasara na ang beki bar. Kinuha na lang ang number ni Otoko at text-text na lang later.

Maghapon silang magka-text kinabukasan. Si Galema lang naman talaga ang katimora sa aming tatlo nung araw na yun, kaya bet talaga nyang bumalik sa beki bar kinagabihan para makuda na nya ng bonggang bongga si E.

Eh di yun na nga, nung gabi na, garutay lang talaga kaming mga pinaglihi sa alakdan, ayun matapos uli ang shift ni Galema, pakakak! Gora kami uli sa beki bar sa jaurora julevard. Ay kaloka kasi kahit Tuesday kembular ngayunchi, me show ang bar. Kundi ba naman shungakers ang management, kung kelan konti ang mga parukyano, saka naman sila nagpa-jontest ng Jubad na Chupido. Eng-eng lang madam?

Pero, pero, pero... Present na si E at K. Me usapan na sina Galema at E davah? Hagalpakan kami ng tawa, kasi pagka-jupo pa lang namenchi sa table na nasa sulok ng daigdig (para free si Galemang manglingkis) eh biglang sulpot agad si K at humimas-himas na sa anak ni Zuma. Shempre si Galema, likas na mahilig manuklaw, kaya hinimas-himas nya rin ang python ng lolo mo.

Habang kinakalantare nya si K, bigla kamong sumayaw si E. At huling huli nya ang textmate nyang me ibang ulupong na kadutdutan. Si Galema kasi, kinulang sa Caladryl nung bata. Di tuloy makatiis sa kati. Ayun, pagkakita ni E, inasar namin si bakla. Itineybol ni Medusa si E para maloka na ang Galema. Eh di sila naman ang "wholesome" na naglandian sa tabi ng baklita.

Ako na lang ang loss. Waley pa akez partner in crime for the night. At dahil di cooperative ang wallet ko, tiis-ganda si BM, alang-alang sa aking tuition fee. Eh si Medusa, she's always after fairness. Kaya para fair daw, getchina akez ng sarili kong macho dancer para mabigyan ng MD -- macho drink. Ay, wiz ko type ang mga MD na kung lumingkis eh kulang na lang ipasuka sa yo ang yaman ng angkan mo. Si Galema nga, kakahimas ni K, nakabili ba naman ng APAT na macho drink! Ampotah, 1200 din yun ha.

This time, me na-crush-an na ang pihikan kong puso. Si J. Pero kahit kakambal ko na ang kakatihan, pinaglihi naman ako sa mga buraot na nilalang. Kaya sya ang ginetching kong ka-table. Kasi si J, waiter! Cutie na waiter. Pwede naman daw silang ma-kyeme eh, di gora. Di pa kasi nya keri magsayaw, payatola pa ang cute na ombre. Pero game din naman so pasok na pasok ang choice ko sa banga.

Habang nanonood kami ni J, at nagtutuklawan na rin, namukhaan ko yung isang kumukuda sa stage. Around four to five summers ago, nakasama ko na ito. Nung panahong wild at shunga pa ko, habang nakikipagtagisan ako ng libog sa bahay ng isang frend kong matrona, sa isang O-party. Oh em gee! Si BM, nakikipag-orgy! Dati pa yun, nung college.

Meron akong bet na bet na di ko malapitan, kasi nga cute ang lolo mo. Mejo hawig ke Joross. Si Peter. Di ko na sha nakita ulit dun after mahuli ni mamu na ninenenok nya ang mga antigong rebulto ng santo. Puro santo kasi yung bahay na yun, mejo nakakatakot ngang lumandi eh. Ni minsan, di ko man lang nalawayan ang lolo mo, eh bet na bet ko pa naman ang gago. Wit na kami nagkita uli.

Until now. Ang hayup na yun, anu kayang nangyari? Bat sha bumagsak sa ganitong trabaho? Anung nangyari sa pagaaral nya? Pano sha nagsimulang mag-perform? Andaming tanong sa jutak ko, kaya after nya sa stage, kinorner ko ang hinayupak sa gilid ng CR.

"Hoy! Natatandaan mo pa ba ko?" kuda ko.
"Oo nga, parang namumukhaan kita. Kanina pa kayo?" sagot naman nya.
"Mga 2am na kami dumating. Kelan ka pa dito?"
"Mga 1 year and 3 months na rin. Ano nga uli name mo?"
"BM. Nakalimutan mo na ba?" tanong ko naman.
"Mejo matagal na kasi yun. San nga ba kita nakalaban dati?" usisa naman nya uli.
Nakalaban talaga. Taray! "Sa San Andres tayo nagkakilala. Remember?"
"Ah oo. Ako yung nanalo dun eh. Anong award ka ba nun?"
Nalilito na ko. Award?! Imbento na lang si bakla. "Ano, congeniality."
"Ay tama ikaw nga yun. Sayang, sana kasi nag-Snooky ka na lang."
Snooky? ".... Huh?" Blank-look na yung mukha ko.
"Naku BM, sumali ka sa Miss Bago-Bantay sa Sabado, kakilala ko yung judge."
This time, clueless na talaga ko. "San ba tayo nagkakilala?" tanong ko.
"Sa pageant nga di ba, sa San Andres. Oi chikahan tayo mamaya ah, me number pa ko ulit."

Yup. Si kuyang naka-O ko noon, pero di ko natikman, isa nang super-proxy. Impersonator na si bakla ngayon, ang galing tumina-turner at mag-whitney houston ala dulce ng lola mo! At napagkamalan pa kong byukonera. Byukonera -- as in sumasali sa mga byu-kon: beauty contest! Snooky pa daw ako, ampotah. Bat di na lang Rosa Rosal? Eh di ba "kapwa ko, mahal ko"? O kaya... "Eto po si Serena Dalrymple na nagsasabing... isa pa, Papa. Isa pa!"

Di ko alam kung nagde-deny lang si bakla o di talaga nya ko maalala. Ang alam ko, umuwi kaming masaya. Walang kumuda sa ming tatlo. Basta masaya lang kasi me dumaan agad na taxi, di na kami nag-"wait of shame" sa tapat ng beki bar.

At nung nasa haus na, habang mega diskusyon kami sa mga nagastos, nakuda, nahaplos, at na-poach naming mga wildlife, napagkasunduan naming lagdaan ang isang memorandum of agreement para sa susunod naming pagkembot sa beki bar.

Hubad na Kupido Memo

1. Mag-budget ng gagastusin.
2. Wag bigay ng bigay ng tip sa mga nagpapa-erya.
3. Pag me lumapit sayo, hawakan na ang nakahain na grasya, sabay turo sa katabi: "Ay di ako pwede, sha na lang."
4. Wag matuwain sa mga bakla. Tandaan, bakla ka rin.
5. Kilalanin ang mga hustler. Iwasan.
6. Kaibiganin ang Mamasang.
7. Go for the waiter. Mas tipid.

At nung napagkwentuhan namin si impersonator, sabi ni Medusa. "Sis, take it as a compliment. Napagkamalan kang sumasali sa byu-con. Nagmumukha ka nang babae."

To you, Petra... I'm flattered. *wink* I know what you did last, last, last, last, last summer...

1.17.2011

BM Along the Riles



Ilang araw na kong depressed. Umaga na natutulog, hapon na gumigising, absent lagi sa school, walang work since November, walang pera, binenta ang fonelilet, me topak ang laptop, hindi makalipat sa bahay na may bath tub, at naghihintay sa message ng isang sweet na nilalang na nawala ng parang bula. Kailangan ko ng konting sigla. Kailangan ko ng konting taktak ng ajinomoto. Kailangan kong magbudbod ng magic sarap.

Buti na lang fiesta ng Sto. Niño sa Pandacan. Dahil true-blue Pandakeño ako, dumalaw ako kila Tita Valentina para mamiyesta. Hmmm, tsaka para na rin makainuman si Papa El ahihihi... Itatanggi ko ba na yun talaga ang dahilan bakit ako bumalik ng Beata? Witchiririt ng Maya! Di ko rin kasi sure anu ba talaga yung pinakamatimbang na reason: si Sto Niño, si Tita Valentina at si Butsh ("s" talaga, ayaw nya ng "c"), o si Papa El. All of the above na nga lang!

Bet ko din pala kaya ako sumugod ng walang pasalubong eh para makapanood ng atiatihan. Pinagbabalakan ko ngang magkunwari diba para mapahiran ko ng uling si Papa El. Eh tinanghali ng gising ang bakla kaya waley na ang mga ati-atihan lasing na lahat. Kaya nagkudaan na lang kaming mag-tiya hanggang alas-cinco.

Binuksan ko yung isang portion ng tindahan para makita ko yung mga dumadaan. Shempre nagpapapansin na rin ako ke Papa El para yayain nya kong makipag-nomoan. Ampotah 5 hours na kaming nagdadakdakan ni Tyang, witchikels pa rin ako napapansin ng gwapo.

Kundi ba naman ungas, pag dumadaan eh naka-sideview si gago, palayo sa min! Di man lang sumusulyap sa gawi ko. Di ko naman sha ma-text kasi... mahina ako! Di ko mahingi ung number nya. Ayaw ibigay waaaahhh...

Nung mejo alas-sais na, di ko na kineri maghintay. Kailangan nang gumawa ng paraan. Kailangan ng magpapansin! Hihihi... Sa tulong ng aking magic kamison at pokpok shorts, gora na ako sa labasan at kunwari eh magtitingin ng mga eksena at kaganapan. Itinaon ko na lumabas si Papa El papunta ng inuman sa kanto para naman sulit ang pagpapapansin if ever.

Sakto! Andun nga sila sa labasan, sa dating pwesto ng burger machine franchise na waley na ngayun. Me parang bakod yun na harang. Dun nakasandal sa bakod si Papa El at nakatanghod sa mga nag-iinuman. Nakangiti agad ako habang papalapit. Ganung katindi ang pagka-crush ko sa hinayupak na toh, mas matindi pa sa kilig na dulot ng ihi ang feeling ko nung papalapit pa lang ako sa kanya.

Sakto ulit! Lumingon ang gwapo. Nakangisi na ko nung lumingon sha sa direksyon ko. Wagi! Nagbunga ang runway walk ko! Di ko pa hinahagis ang laylayan ng gown ko, pasok na ko agad sa semi-finals! Bigla rin shang ngumisi na parang nakakita ng naglalakad na wonder of the world. Ahem!

"Ay mga tol, eto totoong gelpren ko." Sabi ng gwapo nung makalapit na ko. "Eto na pare, kanina ko pa to hinihintay eh." Char! Char-lie Davao! Pak! Pasok na ko sa Top Five!

"Hello Papa El..." parang ngumungiyaw na kuting yung boses ko... Si BM nagiging pa-tweetums. Linsyak na ala-ala ng boxers yan! Pero sa sobrang galak ng nerbyosa kong puso, na-major major blackout na ko.

"Hello Mama Jay. Kanina ka pa?" chikadora rin pala sa personal ang lolo mo. Konting chararat lang ang namagitan sa min kasi di naman talaga kami nagkakausap dati. Isang shot lang ako habang nakatanghod din sa bakod katabi nya, at di kami umupo. In short, di nila ko ininvite na makiumpok sa inuman. Tagay para sa mga napadaan lang yung level ko. Kaya nag-excuse muna ako na lalandi sa gilid ng riles. Pang fourth runner up lang si bakla, I lost the crown.

Kahit kilala ko na sha since ipanganak pa lang sha, di talaga kami close. First year high school na ko nakahubo pa yun maligo sa ulan. College na ko elementary pa lang sha sa Zamora. Nung maka-graduate ako sa PNU, 2nd year high school pa lang sha. Basta ang naaalala ko nga, kanasa-nasa na sha nung nagsisimula na ko mag-work. Yun pala 4th year pa lang sha nun. Ngayon naman eh legal na legal na shang sex object hehehe.

Pero yun nga, wala kaming conversation nyan ever. Sa FB lang. Kaya mejo naiilang din siguro kami na magchikahan nung nasa bakod, kasi wala kaming mapagku-kwentuhan. Wala kaming common friend, wala kaming alam sa buhay ng isa't isa. Di ko lang talaga matiis na hindi sha landiin. Isa shang kaakit-akit na apoy at isa akong gamu-gamong malandi na walang kakayahang tumanggi.

So gora ako palayo. Kunwari eh me dinalaw na kemerot sa kabilang kanto. Me dinaanan na kembular sa kabilang street. Me binisitang chariz pengpengco sa kabilang barangay. Tapos eh bumalik ako sa balur ni Tita Valentina. Nagpapansin ulit nabigo. Wala kasi sha dun sa umpukan ehehehe. Pagbalik ko ng isa pa ulit, andun na sha at nagngitian na naman kami. Nagtanguan. Na-imagine ko yung hintuturo nya na tinatawag ako habang humuhuni sha ng "Ohh... lumapit ka! Kung gusto mo akong halikan, di kita sasawayin! Alam na alam mo namang ito'y gusto ko rin..."

Salamat na lang talaga at Pinoy tayo. May ugali tayong magyaya ng kung sinu-sino sa mga handaan, kainan at inuman. At yun ang umiral kay Papa El. Niyaya nya kong makiumpok sa kanila. Victoria! Winner! Sa wakas nakaramdam din ang mokong. Sa kabisera sha, sa mahabang bangko ako sa gitna ng dalawang barkada nya. Keri na yun pasok na sa banga yung pwesto ko. Kahit mag-global warming pa at umapaw ng tubig estero walang makakatibag sa kin sa kinauupuan ko.

Inuman, kantahan, tawanan, kulitan. Kakatuwang kainuman si Papa El kasi magaling sha mag-asikaso. Kakilala ko naman lahat ng mga tagaroon, mostly eh mga uhugin pa nung matuto akong lumandi. Pero ngayun lahat sila eh mga binata na. Di ko type lahat, si Papa El lang talaga ang biniyayaan ng karakas na pangharabas. Pwedeng pwede nyang kumpetensyahin yung mga "patok" na jeepney na byaheng antipolo.

Sabi nga ni Rose Tan, di nya kailangan ng killer smile. Sha mismo "killer" na. Pero kahit nakakahiya ang tyanenat ko sa ka-machohan ng lolo mo, keber na sa age at weight differences. Kung gusto kong mag-burn ng calories, susunugin ko na lang yung kapitbahay kong mataba.

Habang nag-iinuman, feel na feel ko yung mga soundtrip nila. I felt really proud sa generation na kinalakhan ko. Lahat ng kanta na nasa playlist nila, nauso nung uso pa ko. Sumikat yung mga kanta nung interesado pa ko sa mga sumisikat na kanta. Kaya naman kering-keri kong makisabay sa yugyugan at rock-rockan ng mga bagets kahit ako lang ang may tyan-da romero dun sa grupo.


Parokya, Francis M., Eheads, Rivermaya, Bamboo, Siakol. Basta lahat ng music nila naka-relate ako. "Panahon ko to!" tiririt ng ibong marikit. Naki-jam talaga ako ng bonggacious sa mga batang riles dati na mga binata na ngayun. At siguro nasa himaymay na ng DNA ng mga beki ang pagiging benggadera sa mga inuman. Never ever ako nakaramdam ng inip at boredom.

Isang factor din yung lagi akong kinukumusta ni Papa El kahit katabi ko lang naman sha. Tinatagayan ako, hinahanapan ako ng yelo, share pa daw kami sa baso, binibigyan ako ng chaser, hinainan din ako ng pulutan. In fairview, wala namang malisya. Sa kaso nya ine-estima lang nya ako. Sa kaso ko, may malisya man alam kong wala ring patutunguhan. Kaya na-enjoy ko yung moment na kasama sha.

Enjoy kasi talaga kainuman ang mga otoko no. Sa tuwing maharot yung kanta, gumigiling ang lolo mo. Eh dahil ako lang ang beki sa umpukan, pag sumasayaw si Papa El eh ako ang pinapahawak sa dibdib. Syet! Nakakauhaw! Nakakatagay na lang ako ng wala sa ikot. Kasi ba naman, gumiling ba naman sa harap ko! Eh ang mga katulad nya ang dahilan kung bakit naimbento ang perdible! Para pang-sagip sa mga lumuwag na garter at nalaglag na panty!

"Alak pa! Taena alak pa! Nauuhaw ako! Nauuhaw ako! Pengeng tagay! Eto na pulutan! Gumigiling giling pa! Painumin nyo ko! Empi pa! Empi! Empi!" Deliryo talaga ning. Kung pwedeng laklakin ko yung isang bote ng emperador light. Uhaw na uhaw lang ang baklang kamelyo!

Habang nag-iinuman eh may rigodon din ng upuan. Nalipat-lipat ako ng pwesto hanggang sa makatabi ko na sha sa wakas. Bungguang siko na to, deym! Siko pa lang yun neng, para na kong kinukuryente ni Mang Pepeng. Pano pa pag yung hito na nya ang ini-eskabeche ko?! Eh di baka lalo na kong nagmukhang zombie na tinamaan ng freeze watermelon!

Papa El rescued me from the pit of depression. I was on the brink of losing myself. Muntik na kong mahulog sa tuktok ng building, wala naman palang sasalo sa kin sa ibaba. Pero dahil sa inuman namin nina Papa El, naalala ko kung gano ba kasarap mabuhay, lalo na pag may katabi kang buhay na lechon de leche. Di na kailangan ng Mang Tomas! Ngiti pa lang sarsa na!

Dito sa Iskwater, me naglalako ng ulo ng sugpo sa umaga. As in ulo lang walang katawan, ginawa na raw shrimp tempura. Bibilhin yun ng pinsan ko at gagawing sinigang. Pak! Ulam na! Murayray lang yun, masarap pa. Sabi nya kanina sa ep-vi, hipon sha. Tapon ulo, kain katawan. Ay Papa El, kung hipon ka, I'm sure hito ang nasa loob ng pants mo.


"Alam mo Papa El, five years ago, na-imagine ko na toh." kuda ko sa gwapo.

"Oh ito? Naisip mo na? Five years ago yan ha!" magaling talaga sumakay si gago.

"Uu. Five years ago, alam ko na. Balang araw mag-iinuman tayo dito sa kanto."

"Naka-boxers ako non, nung na-imagine mo to." indulge pa nya sa kalandian ko.

"Oo naman, naka-boxers ka nun. Habang pinipilit kong silipin ang loob ng boxer shorts mo, nasabi ko na sa sarili ko to."

"At nagkatotoo naman ano?"

"Higit pa sa inaasahan ko. Kaya mamaya iba-blog na kita agad. Para magkaroon ka na ng fanbase dun. Talunin mo yung ex ko hihihi..."

Natapos ang inuman ng di ko namamalayan. Tumakas kasi ako na iihi at di na ko bumalik. At kahit nakita ko sha uli sa labas ng bahay namin, at nanumbat sha na di na ko bumalik, keri lang. Tapos na rin naman ang inuman. Nakuha ko na rin ang number nya. Kaso binenta ko na fone ko nyahaha... Me picture na rin kami together at ang pangit ko kaya di ko ipo-post dito. Most especially, natupad ang hiniling ko five years ago. Kuntento na ko ron. Lumugar ka BM... Umarte ng naaayon sa ganda.

Basta ngayon, me bago kong theme song... home along the riles is the best!

1.14.2011

Si Papa EL



Akalain mo yun, nakinig ako kay Papa Jack na nakikipagdakdakan sa mga babaeng nagpapakain ng eskabeche at nagpapa-push ng kanilang buttons. Kaloka!

Kasi naman nasa baba ako kanina, nagpapaluto ng hem en egglaloo sa pamangkin ko. Biglang nakiupo sa loft ng tindahan (loft talaga?!) si Iluminada at si Delia at nagkwentuhan ng kanilang mga sexcapades with their respective husbands. Naloka ako! Ispluk pa ni Iluminada na natalo nung nakaraang eleksyon, 15 years na daw shang diet sa kembang. Nawala na daw ang libog nya.

"Ay ako dahil sa mga naririnig ko nawala na rin ang libog sa buhay ko. Makapagmadre na nga!" Kuda ko sabay walk out habang humahalakhak ala-Princes Punzalan dun sa eksenang pinapasabog nya ang bus na sinasakyan ni Via.

Nag-interchararat-net na lang akeiwa at kumuda ng kumuda sa ep-vi. Nahanap ko yung isang crush ko na taga-Pandacan. Si Papa El. High school ako eh bata pa lang yun. Nung college ako eh mejo bata pa yun. Pero nung graduate na ko, naloka ko! The baby is now a daddy! Pwede nang pagnasaan! Payatot pa sha nun, kyut kyutan pa lang. Pero laging nakaboxers, at laging nakabukaka ahahaha! Kaya instant crush ang hombre.

Nagulat ako sa mga pics nya sa ep-vi. Ang wafu na ng lolo mo! Ang laki ng... mga braso! Ang haba ng... mga legs! Ang taba ng... utak! Ahahaha! (Na-imagine mo ba habang sinusulat ko toh?! Ay mare, iba iniisip ng utak ko! Ahahaha! Ang laki! Ang haba! Ang taba!) Heto na si Papa El ngayon.


Napakanta na lang ako ng... "Kinalikot sinundot ang kanyang eng-eng! Tene-neng-teng!" Para kamong kinakalikot at sinusundot ang mga menudensya ko pag nakikita ko pictures ng lolo mo. Impernes para lang akong uhaw na matrona sa pagba-browse sa mga latest ng pics ng otoko. Ning yung bib ko basang-basa kamo sa dami ng laway na tumulo sa kin nyahahahaha!

Pag ka-chat ko si Papa El, gusto ko na talagang mag-member sa Bukas Boxers Gang.

"Bukas boxers Gang?" tanong ng lalaking pinaglihi sa "oompf feeling" na kagalak-galak at kasiya-siya.

"Uu, bubuksan ko boxers mo habang natutulog ka." sagot ng baklang pinaglihi naman talaga sa higad na pokpokita.

"Nyahahahaha! Di ako natutulog eh." Hmpf marunong sumagot! Ayaw pahuli ng buhay! Ang dulas!

Pag online si Papa El, icha-chat ko agad yan. Nilalandi ko lagi, ayaw naman magpalandi. Madalas ako nauuna, pero nung minsan sha nauna mag-chat, nag-umapaw na naman ang kilig sa lahat ng butas ng katawan ko. Parang utot yang kilig eh, kahit anong ipit mo sa upuan, tutunog at tutunog yan, kundi man umamoy ng bonggang bongga. At nung tinanong ko kung bakit sha ang nauna, kasi daw malapit ako sa puso nya. Hmpf! Maniwala!

O divine diva?! Lumevel up na kami... Mama Jay na ang showag sa kin ng gwapo. Hay! Papa El... Isa na namang taong punong-puno ng sex appeal. Fiesta pa naman sa Pandacan sa Linggo, di ko alam kung dahil ba sa kumag na to kaya maraming ati-atihan na bakla sa riles. One thing is for sure, kung si Papa El ang sasayaw ng nakabahag ala ati-atihan, kahit ipahid nya pa sa kin lahat ng uling nya, keri lang.

Oi di ko natikman yan ha. Di sha part ng mga conquest ko. He's an inspiration pag mashado nang maraming daot at buraot sa mundo. Silang dalawa ni friend, they serve as my kilig cupboard. Tipong pag nade-drain na ang utak ng bakla, go na sa profile page ni Papa El at titigan ang naglalakihan nyang maskels. Basahin ang mga status message nyang kahit alam kong hindi para sa kin eh napapangiti na rin ako at napapakanta.

Sabi nga nya nung isang araw, para shang Rivermaya. Ay ako rin Papa El, parang Rivermaya. Kasi, hinahanap-hanap kita. =p

10.19.2010

The Playbook --- Baklang Maton Edition

Sa mga fans jan ng How I Met Your Mother... Shempre kilala nyo si Barney Stinson ayt?! At kung nanonood nga kau nitey, malamang eh knowsline nyo rin ang kanyang famous na "Playbook" kung saan nakalista ang lahat ng eksena at drama nya para makabingwit ng mga babaylan...

Bilang beki, marami-rami na rin akong gimik na nagawa makapanlalaki lang. At para ma-inspire naman akong lumandi muli, naisipan ketch na ilista ala-playbook ang aking mga hirit...


The Lost in the City

Eto ata yung pinaka-spontaneous na gimik ko. Ilang beses na kong naligaw kahit ilang taon na kong nakatira sa Iskwater. Me eksenang magtatanong sa mga tambay at manghihingi ng directions. Me eksenang nagtatanong ng bahay ni Aling Gento at Mang Genyan. Basta naliligaw dapat.

Nung minsan eh hinatid pa ko hanggang sa tapat ng bahay namin sa Pasig. Pinainom ko na rin sha ng tsaa. Pinainom naman nya ko ng yakult with live lacto basili. Nung nag-jong kong akeiwa eh lagi kong props ang mapa at address ng hotel. Nung nasa Pineda pa ko nakatira eh mega sama pa sa kin yung isang tambay kasi baka raw bastusin ako ng mga nag-iinuman. At nung minsan na nasa Batangas ako eh naligaw ako kung pano pumunta sa indianan. Winner!


The Molested Istokwa

Kung meron mang pinaka-outrageous sa mga eksena ko, eto na siguro yun. Nabanggit ko na toh dati eh. Nung 2nd year kasi akeiwa sa college, as in Simba at Mufasa ang drama ng hairlilet ko. Blonde kung blonde ning! Buong ulo ko nun, dilaw. Naloka nga si Bibiana at lalo na si Dominga. Pati sa iskul lurki ang dakila kong propesora. Kasi ba naman, akeiwa ang gaganap na "Crisostomo Ibarra" sa Noli play namenchi. Me Ibarra bang dilaw ang buhok?! Muntik na kong jumogsak...

Tapos one night, kalandian ko lang talaga. Mega shombay akeiwa sa Cubao the Callboy Capital of the World. At me nakilala akeiwang jisang --hanufah?! -- eh di sholbam! Kwentuhan galore kami ni Kuya. Cute si Sholbam impernes. Pero dahil nga kolehiyala pa lang ang beki, um-um pa at murayta lang ang baon. In short, majiraffee pa aketch sa dagang majiraffe. Eh elya-elya na ko ke kuya wichiririt naman akong pambayad. Kaya dinaan ko na lang sa kwentong bayan-chi.

Sabi ko ke Kuya Sholbam, istokwa babe akeiwa. Three days na ketch sa Cubao at natutulog lang sa mga gilid-gilid. Gutter beauty ang drama ketch! Ay not so fetch! At parlorista ang mudra kez kaya ako blonde. Kuda ko pa ke kuya, nire-reyp akeiwa ng pinsan ketch sa hauslaloo kaya ako lumayas.

Tanong si Sholbam, anong ginagawa sa kin ni pinsan. Mega habi naman si bakla ng buhangin. Ginagapang ako ni pinsan, pinapasubo ng lakatan, pinapasakan ng talong sa pechay, at pinagsasamantalahan. Sabay segway ako ng "Minsan kasi, parang nagugustuhan ko na rin." Parang kumislap ang mga mata ng sholbam, "Sige reregaluhan kita ngayun. Minsan lang ako manlibre." sabay halik na parang wala ng bukas.

Nag-motmot kami ng lolo mo. Tumbling pa kamo kasi sha ang nagbayad. Wala kaya akong budget. Sa tulong ng aking blonde hairstyle at magic kamison... instant papremyo. Pak!


The Talent Manager cum Recruiter

Pag college ka talaga, dapat madiskarte ka. Dapat marunong kang kumembot ng libre... Kasi shempre sa liit ng baon, at sa laki ng landi, ning kulang na kulang ang kaban ng cash. Kaya si bakla, dalagita pa lang eh maparaan na.

Mahilig akong tumambay nun sa Quantum sa 3rd floor ng SM Manila. Me mga videoke, me mga arcade games, at shempre me dance revo. Dun ko nakilala si Mr. Dance Dynamite.

Ilang linggo ko ring napanood si Kuya Dancer sa Dance Revo kembot ng Quantum at ilang linggo ko rin shang inasam-asam. Ala stalker na nga ata ang dating ko dun kakanood sa lolo mo. Kasi bihira yung ganun, gwapo na eh me talent pa!

Nung di na ko nakatiis at talagang libog na libog., este crush na crush ko na sha, eh in-approach ko na ang grupo nya. Pakilala, kwentuhan, hingi ng number, bola bola na super galing nya sumayaw...

"Anak ako ng talent manager."

Boom! Manganak ka ngayon ng nanay na talent manager. Bakla ka, makalandi ka lang eh kung anik anik na buhangin ang tinitirintas mo. Hala, ibahin mo ang karir ni Bibiana na ang tanging pangarap eh maging politicians. Gawin mong Wyngard Tracy at Boy Abunda si Bibiana.

Mga ilang araw ko rin shang niligaw-ligawan para maging "talent" sha ng Mommy ko. Exactly one week after ko sha kumbinsihin na mag-sign up sa "agency" ni Mudra, napapayag ko rin shang sumama sa bahay. Nagtataka man sha na lola ko ang kasama ko, since friends na rin naman kami eh sleepover ang drama nya that night.

Let's just say... nag-dance revo ng bonggang bongga ang tonsils at esophagus ko dat night. At namuhi na sha sa kin afterwards, nung nalaman nyang charot lang ang lahat. Sayang, sana pala sinabi ko me mga training at workshop muna kami para mahasa pa sha at maging mas magaling. Baka mas maraming dance revo rin ang naganap sa pagitan namin. Oh, well... Kahit bitin, finger lickin good pa rin!


The Interviewer aka Shunga Manipulator

Itong scam na to eh di ko pa actually nagawa. Pero ang kawawang biktima eh ang aking iniirog na mejo shunga. Gento ang modus operanding itech.

Kunwari eh mega writer ka ng isang newspaper. Pwedeng tabloid, pwedeng broadsheet kung mukha kang shala, at kung estudyante pa lang kayo eh pwedeng school paper. Tapos mega ask ka dun sa prospect mo na kunwari eh interview ek-ek at sha ang iyong iinterbyuhin, kung ok lang sa kanya na isama mo sha sa article mo.

Shempre pag pumayag, pakainin mo habang iniinterview kuno. Me props ka dapat na mga notes, guide questions, kahit ala-slumbook lang na mga questions para makilala mo si prospect at may maisulat ka kuno.

Ewan ko kung eepek to ngayon ha. Pero ang next step eh yayain mong manood ng ST film si prospect. Kung mejo shunga nga ito eh sasama yan. At pag elyang elya na sha sa ST film na pinanood nyo, gora na sa suking motmot.

Yung iniirog ko dat tym, sabi ko na kasing wag sumama eh. Si shunga, me kayabangan ding taglay, akala ata eh sikat sa buong campus. Feeling congressman na lahat kinakamayan. Ayun, nauto lang ng interview ek-ek kumagat na. Sabi pa sa kin bago sila lumarga "Wag kang mag-alala babalik naman ako agad. Interview lang to saglit lang."

Kinabukasan ko na sha nakita at todo remorse si gago. Kumain daw muna sila sa Jollibee (how cheap!) at isinama daw shang manood ng Sutla ni Priscilla Almeda. Kaloka! At sa isang not so fetch na apartelle sha dinala na 120 lang ang short time.

Ngali-ngaling sapakin ko yung hayup na bading eh. Ang iniingat ingatan kong nilalang, dinaan sa Sutla at saka pinapak! Hayuf! Shunga naman kasi talaga nagahasa tuloy ng pangit na bakla. Ang bitter ko lang -- 9 years ago pa nangyari to.



Anu nga ba formula para makapagpastol ng tupa? Anu nga bang hagod ang effective para magatasan ang mga baka? Ibat ibang paraan. Me rampa moment, me inuman, me vetsinan, me ganda lang, me career, fame and fortune na pang-uto, me dinadaan sa bango na kasinghot singhot, me naglulubid ng buhangin, me nangunguha ng sinigwelas at indian mango, at meron din namang diretsahan: tara sa kwarto at tayu nang magtikiman.

Ditey sa iskwater, basta may tatlong rule na dapat sundin.

1. Wag kang magpapahuli.
2. Pag nahuli ka, wag kang aamin.
3. At pag umamin ka, wag kang mandadamay.


Aru! Sino bang nagbukas ng banga? Nakawala na naman tuloy ako.

9.27.2010

What if?


Curious lang akeiwa...






What if... may Baklang Maton na may boobs?






Anong masasabi mo?!










Pak!

4.13.2010

Ang Kahalagahan ng Batibot

Ilang linggo nang walang kabuhay-buhay ang katawang lupa ko. As in el nino galore ito. Bitak-bitak na ang pukengkay ko. Ang malunggay ko lagas-lagas na. Ang pechay ko lanta na. And worse, ang cauliflower ko, me tangkay na! Gawsh!

Kakaloka. Ang hirap palang maging speechless. Pag written. Imagine-in mo. Ahhhmmm... Uhhmm... Ahh... Hay! O diba ang hirap. Pero gento talaga eksena ko ngayon. Speechless.. Wordless... Unwritten. Unwriter. Unwordly.. Tulala. Tameme. Eeerr..

Haist! Dry spell na naman. Tagtuyot. Ganyan mismo ang feeling ko nowadays. Kita mo, pati into ko dragging. Parang pinoy movie. Bago magpatayan magtsi-tsikahan muna. Bago mamatay dadayalog muna. Bago mahanap ang diary magde-debut muna sina Mara, Clara at Ula. Bago din matapos ang pelikula, magsasayawan muna ang buong cast at mga back-up dancers sa likod ng mga puno ng niyog o kaya eh sa circle. Tulad din netong blog ko ngayon. Bago ko mai-segwey ang topic eh andami munang kembular at eklavush. Hihihi...

Andami kasing nangyari sa buhay ng bakla at ng buong iskwater since nung huling kwentuhan natin. Ang haggard ditey, sa dinami-dami ng mga kembutang naganap, di ko alam kung maiisulat ko ba lahat. Bear with me guys, alam nyo naman ang baklang maton. Gusto na atang gawin lahat. Nag-aaral na ko habang nagtatrabaho, nag-enrol pa uli sa ibang kurso. Bagong challenge, bagong pasakit. Hehehe.

Basta yung mga susunod na blog eh puro mga drafts na naimbak na sa banga ng karimlan. As in shugality to the nth power na ang mga itu sa aking baul kaya ilalabas ko na. Mahirap na baka mangamoy ang blog ko kakaimbak.

Anyway, kapapanood ko lang recently ng mga kagimbal-gimbal na balita ng tumotodo raw ang paglaganap ng Aida Macaraeg sa mga call boys at call girls nateng kumare sa call centers. Ouchie. Dun ako nagwo-workaloo eh. Eh di laganap na rin sa min ang kakalurking kamandag ni Mareng Aida? Este, knows mo na ba sha? Ayoko shang maging kapitbahay impernes. Si Aling Aida Marasigan, pinsan ni HIVy Violan. Yesterday! AIDS at HIV itu. O di ba shala shalahang me social relevance ang unang salvo ko sa summer.

Napaisip talaga ko ng bonggang bongga. Kasi ba naman nung minsang nag-iinuman kami ng mga timawa at mangmang na canton boys, eh na-brought up tong topic na to.

Nung una, pinagmamalaki nila ang kanilang recent achievement. "Kuya! Factory worker na kami! Nag-apply kami kanina! Minimum to! Minimum! Syet! Ang saya ko Kuya, aplis mejo mataas na sahod kesa pag pumapasada ko sa initan tapos huhulihin pa ng T.R.U." T.R.U. yung mga nang-ju-julie yap daza sa mga kolorum na toda boys. Toda Ronda Unit ata, ahihihi. Proud momma naman ang drama ketch sa canton boys.

Nung mejo mainit-init na ang monay ko sa kwentuhan namin, bigla akong tinanong ng isang kolokoy. "Kuya, me AIDS ka na ba?"

Ay naloka ako! "Huh?"

"Eh di ba sa kol sener ka nagtatrabaho? Eh di baka me AIDS ka na rin? Ganun daw yun di ba, sabi sa TV Patrol."

Mas naloka ako. So ikaw, at yang katabi mong beki na nakikibasa, gudlak teh kasi sa kol sener ka nagtatrabaho, kaya malamang Bb. Aida Gonzales ka na rin. Rumeak ako. "Anu yun, lahat ng nasa kol sener me AIDS?!"

At humirit pa ang gago. "Hindi kuya, mga bakla lang daw!" Biased si kupal. Kalurki.

Humaba pa ng konti ang diskusyon namin. Tapos nagkantahan ng "hush hush" at "buttons" wahahaha! Ang impluwensya ko lang talaga sa mga kabataan. "Balang araw, wala nang lalaking maghihirap. Lahat beki na. Kaya lahat yayaman." BM for President. PTA President. Tsaka Piolo Fans CLub President. Ang ending, ginawan namin ng choreo at production number yung soundtrack ng Glee. Tsaka pala di sila natanggap sa factory hehehe.

Pero nung magsiuwi na ang mga epal na nilalang, napaisip din ako talaga. Bakit nga kaya dumarami ang mga alagad ni Puma Leyar? Sina Aida at Hivy, uso ba talaga sila ngayon kaya ultimo gobyerno at simbahan eh nagkakagulo?

I only see three reasons:

1. Nagtitipid
2. Nagmamayaman
3. Nagmamaganda

Yung mga nagtitipid, shempre mga beki-to-beki ang labanan. Yung mga silantro. Mga bisikleta. Sila-sila nagtitikiman. Wala naman masama dun, kaso minsan kasi sige nang sige mentras libre. Pag ganyan kasi, pag bet mo at bet ka, maya-maya eh nagbe-betlugan na. Talamak din ang Orgina Wilson (orgy) sa mga beki. Been there, done that, nung mejo bata pa at daring pa ang bakla.

Super prone talaga sa Aida Lopez pag gento kasi uso ang tren-trenan sa ganyan. Si kuya nakakabit sa isa pang kuya, habang me naka-extension din sa kanya na isa pang kuya, at mega c5 road din yung isa pa sa kanya. Parang mga oktopus na walo ang galamay, kelangan lahat ng putahe matikman at lahat ng etits mahawakan. Kasi pag ganyan, wala kayong pag-uusapan na presyo. Pag ayaw sa yo, dededmahin ka lang. Pag gusto naman, walang Ninoy na iiyak. Ibon mo lang ang may layang lumipad.

Kumusta naman ateh, spell bath house?! Minsan nga talo-talo na di ba, nasa CR ng sinehan sa Mega at sa Rob Manila. Kating-kati lang talaga ang mga hitad ayaw man lang mag-motmot or kahit shupartelle lang na 150 per kiyeme.

Yung mga nagmamayaman naman. Susmio, sa kapal ng wallet eh kering keri mamingwit ng lalake. Di na nga pamingwit ang gamit, net na talaga ang labanan. Lahat ng SPA at massage parlor, basta me lalaki, papasukin. Kahit walang sakit sa katawan, basta lang makapaglandi at makapagkamot ng hadhad dulot ng landi, hala sige bilhin mo na lahat ng masahistang lalaki. Ultimo mga blogsite na boytoy charot at boys for hire na chorvam, suki bili na.

Eto naman yung mga ken apord. Pag tinanong mo ng "why?" ang sagot eh "Because I can!" Shempre kahit parang tapang taal na ang balat mo, basta me pera ka eh winner pa rin sa public service ang masseur mo. Lahat hihimurin. Ultimo singit ng singit mo, at kung me singit pa uli yun, malamang eh gagalugarin talaga ng tonsil ng pobreng masahista. Kahit amoy neptalina at efficascent oil ka na ning, basta me pantapal kang anda mayor -- kwarta -- walang pag-iimbot at buong ningning kang serserbisan ng hombre.

Pansin ko pa, lahat ng nagmasahe sa kin eh 2 weeks pa lang daw dun sa spa, pero kung humagod kala mo albularyo. Eh ang tanong, yung mga "new hires" na yun na 2 weeks pa lang daw, malamang eh 2 years na talaga. Baka nga 12 years pa eh. Ilang beki na ang nagpakasasa sa shutawan nun? Ilang kalabasa na ang nilamas nun? Ilang hantik na ang nilapirot nun? Hay... Ayoko nang bilangin.

Kami nga nung isang ate ko sa landi, we agreed never to go to such places again. Kasi, hahayaan na namin sa mga kapatid nating Thunder cats (ma-jonda) at Aglipay (ma-kyonget) ang mga spa. Kami naman eh ume-experience lang. Tsaka me angkin pa naman kaming asim at katas, di na kelangang dumayo pa dun para lang mapitas.

Pero di ba kung magmamayaman ka talaga, mas maganda eh maghanap ka na lang ng super duper gwapong bowa, pag-aralin mo, palamunin mo at tutukan mo ng kutsilyo. Ahehe ng atensyon pala. Eh di ganun din ang gastos, aplis kung isa lang, safe ka. Me constant bowa ka pa. Lunurin mo sa utang na loob. Malay mo di na makaahon, or magka-debelopan kayo eh di winerva ka. Less risk, more benefits. Make sure lang na me 13th month, sss at philhealth ang jowa. Wag mo nang bigyan ng kontribusyon sa Pag-Ibig, I'm sure sapat na yung pag-ibig na nasa puso ng bakla para makapag-loan sha ng pabahay.

Panghuli eh yung nagmamaganda. Ning ang ganda minsan iniiwan sa bahay. Wag mashadong katimora. Wag pairalin ang pagka-katya. Ang kati remedyuhan na lang ng canesten o kaya eh trosyd. Wag laging ipakamot sa iba. Baka sa huli, imbis na kamot eh ngalngal ang abutin. Ang GL Card -- Ganda Lang -- eh kering gamitin kung kilala ang paggagamitan. Kung kyombay lang na hindi mo kilala, ning wag magmadali. Pwede namang mag-getting to know portion muna bago ang kembang di ba?

Mabuti pang ma-julie vega ka ng maderraka mong nagba-batibot kesa mapanood ka nya sa Imbestigador kasi na-raid na naman ang pinuntahan mong gay bar o bath house. Lalo nang mas haggard kung mapanood ka ng lahat sa Profiles bilang mukha ng makabagong Aida. Ay di ko keri!!!

Sa huli, abstinence, fidelity at self-presevation pa rin ang bet kong unahin. Kita mo na lang ang song ng Batibot, ine-encourage pa yung kembot mo na tumayo: tayo na, tayo na.

Pagmulat ng mata, langit nakatawa. Sa batibot, Sa batibot
Tayo nang magpunta, tuklasin sa batibot... Ang tuwa, ang saya

Doon sa batibot tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot maliksi, masigla. (2x)


Buti nang ngalay ang kamay, kesa sira ang buhay.