Showing posts with label mutya. Show all posts
Showing posts with label mutya. Show all posts

9.27.2010

What if?


Curious lang akeiwa...






What if... may Baklang Maton na may boobs?






Anong masasabi mo?!










Pak!

8.15.2010

Ang Lalaki ni Mutya



Believe it or not, minsan sa buhay ko eh tinawag akong Mutya...

Akshuali ang tawag nya sa kin eh "Kuya Mutya". Kung nagbabasa ka ng mga luma kong blog, sha yung nandito. Bago pa ko bumalik ng iskwater, bago pa ko maging manager ng canton boys, bago pa ko mamayagpag sa carpeted eskinita, at bago pa ko naging BM, ako muna si Mutya.

Si Waldo eh nakilala ko 3 years ago sa isang team building camp sa Tanay. Impertinenteng bata, kasi ihing ihi na raw sha kaya lumaktaw sa kin sa upuan kahit borlogs pa ko. Eh mukha pa naman akong suicide bomber pag bagong gising. Naloka ang gwapo at mega sorry.

"Ano ba?! Di mo ba nakikita na tulog ako?! Di mo ba nakikitang... ang cute mo at okay lang na istorbohin mo ko?!"

Nung napansin ko na me itsura ang lolo mo, ay wit na sa anger! Make peace not war agad ang slogan, sabay kaway na pang Mutya ng Pilipinas at bulong ng "world peace..."

Mejo hawig nya si Borgy, the one who likes to punch pipol; at si Van Pojas ng PDA. Pero mas totoy ang itsura ng lolo mo, mas may angas, pero may sense kausap at maraming maraming erbogelya sa katawan. Di nga lang sa kin nakatutok ang elya ng bagets, nasa mga babaylan. Damn!


Member sha ng isang all-male org na nagmi-miting at nagfo-formation tuwing byernes, at nagdo-DOTA gabi-gabi. Gusto ko na ngang matutong mag-DOTA eh para makadutdutan ko na sha kahit minsan. Tsaka duda ko sa org neto eh... Feeling ko konting himas mapapasakin buong grupo nila!. Mga batang "attainable" hihihi.

Since sa church org kami nagkakilala, witchicirit ang todong landi at lantarang pangangarir. Dapat eh mejo demure at pa-sweet. Kaya puro asar lang ang hirit ko at puro pakyut. Partida pa-sweet pa ko humirit nyan...

***
- Kuya Mutya masahe naman jan pls. Libre tsansing!

- Pwede naman. Ayoko nang nakadapa, gusto ko laging nakatihaya.

- Ulul, masahe mo na lang kuyukot mo, kupal.

- Kuya Mutya, libre ka naman ng lunch.

- Sure. Pakainin kita tapos pakainin mo ko. Hihihi.

- Di bale na me asin pa ko sa bahay, magdidildil na lang ako kupal.

- Kuya Mutya pa-DOTA ka naman.

- Sige ba, tapos pa-dutdot ako ha.

- Sangla ko na lang brip ko sa Cebuana, kupal.

- Kuya Mutya na-try mo na bang magbayad ng lalaki?

- MAGKANO?! (potah eager na eager lang.) Tuition?! Scooter?! Laptop?! Trip to Bora?! Magkano?! Magkano?!

- Gago di ko sinabing bayaran mo ko. Tanong lang ulul. Hehehe... Kupal!

Lagi lang talaga kong talo sa lolo mo. Lumalaban naman ako madalas. Iba lang talaga humor ng mga lalaki noh? Kahit corny, basta makasagot lang, talo ka na nun. Kasi sila sila ng mga barkada nya, matatawa lahat.

In three years, masasabi kong tanggap na tanggap naman nya lahat ng kabaklaan ko. Pag me kailangan ako, nasasandalan ko namanang lolo mo. Humihirit pa rin ako ng mga kalandian tuwing nagkikita kami.

Pag me mga ibang tao, bigla akong hahawak sa kamay nya sabay hilig sa balikat sabay ngiti. Pag nagkikita kami eh "hi baby" agad ang bati ko sabay attempt ng halik sa cheeks na kadalasan eh bokya. Pag pauwi na eh hihirit pa uli ng beso-babye pero masosopla uli. Pag ol sa fb eh magmi-missyou at loveyou too sa chat.

Nung Sunday eh nalambingan ko si Waldo na samahan akong maghanap ng bahay sa Malibay para pag dun ako lumipat, malapit na ko sa kanya. Mga 15 mins pa lang kami naghahanap eh bumongga na ng ulan with matching kidlat on the side and some kulog for garnishing. Binaybay pa rin namin ang kahabaan ng Malibay, kung pahaba man yun, at naghanap-bahay.

Habang naglalakad, shempre sukob kami sa isang payong at nakaakbay ako sa kanya. Close kung close! Minsan lang to. Oportunista! Ewan ko nga ba, pag ako madalas nangangalay akong payungan ang sarili ko. Pero nung kaming duwa, waley na sa pagod at kiber na sa ngawit. Sabay emote ng "sukob na, halika na! Sabay tayo sa payong ko..."

"Anu ba yan, Waldo, tatlong taon na kitang pinagnanasaan di mo pa rin ako pinagbibigyan. Di ka ba naaakit sa alindog ko?! Kita mo naman alagang-alaga ka sa piling ko. Ni hindi ka nasasayaran ng ulan." diga ng bakla.

"Asa pa rin?" buska ni gago.

"In fairness to me, naka move on naman na ko ng bonggang bongga after kitang iyakan nun noh. Naka-move on na ko!"

"Katawan ko lang naman habol mo." sabay ayuda ng talong na parang nang-aakit.

"Sige na, ikaw na masarap. Kasi naman, patikim lang ayaw pa. Subo lang naman!"

"Di rin. Sapakan na lang!"

"O sige, sapakan tayo. Pero bawal ang kamay. Dapat etits lang gagamitin mo sa kin. Magpapabugbog pa ko sayo magdamag."

"Gusto mo kasi bine-baseball bat ka ng etits eh noh?" na-imagine ko naman bigla yun parang exciting.

"Gento na lang. Isang sapak ka, isang subo ako." hihihi.

"Ayoko nun lugi ako. Pag sapak ko sayo, isang tama lang yun eh. Pag subo mo wala nang bitawan eh."

"Iluluwa ko naman ng buo. Promise." maniwala sana...

"Mamaya higupin mo lahat eh. Ayoko ng vacuum! Para kang vacuum cleaner. Hihigupin mo lahat! Vinacuum mo ang lahat sa akin!"

Ganyan lagi tema namin pag nag-aasaran. Minsan pa eh ginagawan ko sha ng alamat.

"Balang araw mapapasaakin ka rin. Isinusumpa ko." Sabay luhod sa baha. "Isang araw, magigising ka na lang na wala na yang baseball bat mo sa pantalon. At kahit kumatok ka sa gate ng bahay na pink, hinding hindi mo mababawi ang baseball bat mo! Para mawala ang sumpa... Halik ng tunay na pag-ibig!" hihihi. Di nya alam nasa bibig ko lang ang hinahanap nya.

Pag kasama ko si Waldo, buhay na buhay lang talaga hasang ko. Pero kung pano ko sha binubuyo na magpariwara sa mundo ng mga bekimon, sige naman sha sa pagbubuyo sa kin na mamechay at magdildil ng mani. Para sa kanya, porever na kong magiging articulate. Maarte na makulit pa.

Sabi nung tropa nya pag nag-inuman daw kami vetsinin ko na. Wit! Hindi ko maintindihan yung mga baklang nanggagapang ng tulog o lasing na kaibigan. Wala ka bang ganda teh?!

Si Waldo, balang araw, babagsak rin yan sa mga palad ko. I'd like to view our relationship as definite, on its way, in the long run, and inevitable. Naghihintay lang ng tyempo kumbaga. Bidding his sweet time to claim what's rightfully his!

He may not know it yet, pero ako sure ako. Balang araw, maririnig ng sambayanan ang sigaw ng bakla... HOMERUN!

6.29.2009

Moments and Snippets (Part 1)


Pansin ko sa mga songaloo na winner, laging me "moment" lalo na pag finals ng isang singing search itu... "This is the moment" ni Ate Erika, "A Moment Like This" by baklang Kelly, "In This Moment" by my Baby Bunso, David Archuleta, "From This Moment On" by Ditseng Shania Twain, etc... Wala na kong maisip kaya etc na lang ang ispluk ng bakla.

Dahil jan sa mga moments na yan, naisip kong mag-remember me this way ng mga Moments sa layfsung ni akeiwa at ipangalandakan ang mga kagagahan ketch... Here they are, my Moments and Snippets:

IMPOSSIBLE DREAM MOMENT:

"Ma!"

Me tumoktok sa door. Si Totong. Bitbit nya ang anak nya, PS2 nya, susi nya, mga gamit nya, and possibly, ang puso nya.

"Hiwalay na kami ng aswang. Magsama na tayo." Sabay ngisi ang gwapo.

Ngumisi rin ako. At kinilig. *sigh*

TUNAY NA EKSENA MOMENT:

Txt si Bakla: "Pa, san ka? Punta ka dito. Miss na kita."
Waiting for tongight si bakla na mareplayan ng "miss na rin kita."
Txt ni Pa: "Ma, wag ka muna magtxt, kasama ko ang aswang. Hawak nya yung fone."

Ouch.

INCEST MOMENT:

Havs me ng cuzin galore na nawala ng bonggang bongga. Nun mag-divorce ever ang tito ko at mamu nya, shinogo sha ng maderaka at never namin nakita, until maghayskul na akeiwa. Nun nagkita kami ulit, naging close kami nitech kasi same age bracket chorbam kami.

Sa haus ni Mother Earth ko tumira ang cuzin ko na super cutie cute cute na nung panahong iyun. Pero kahit closeness ever kami at sa rooftop lang ng haus kami bumoborlogs, at every night kaming nagchichikahan with matching magtulog ng magkatabi at magkayakap, never naman sha nagtake advantage sa kin. (sayang!)

Nun nagka-asawa na si otoko, saka lang kami naginuman at nagkaaminan na badesa nga ang pinsan nyang si ako, at havs sha ng moment na natulala, sabay ask sa kin ng:

"Cuz, inlove ka ba sa kin? Mahal mo ba ko?"

Nag-about face ako sabay blush. Di na kami nag-inuman uli.

AEGIS MOMENT:

Meron din akong kinarir nung college na effort to d max ang becky mae. Taga-Pandacan ako, kumusta naman kasi taga-Alabang sha. Every week, nagsisimba kami sa Alabang, at every week din mega nood kami ng sine -- puro Disney animation!

Sobrang close kami nitech, shempre inlavavoo ang badeth. Pinakilala na nya ako sa mga tropa ever nya, at dumalaw na rin sha sa iskulilet ko para meet nya rina ng mga tropapits ko. Mega stroll din kami sa mall at watch ng anik anik na movies with my tropa.

Birthday ko, 2003. Di talaga pumasok ang badeth at nagpunta sa iskul ng lulurki para havs kami ng moment na magkasama. Waiting for your love ang drama ko sa Mcdo hanggang matapos ang klase nya, at bonding kami sa shell, of all places. Malakas ang ulan nun, kaya mega sukob kami sa payong at magka-akbay na naglakad pauwi.

Ang baklang maton, me prepared na love letter eklaboo para sa ombre. Nung nasa jeep na kami, mega read ang boylet at nawindang.

"Bakla ka?"

Ako naman ang nawindang.

All the while pala eh akala nya straight aketch. Sumobra naman ata pagkamaton ko. Right there and then, sinabi nya na di sha interesado sa kin, and that I shouldn't txt him anymore. Umuwi akong luhaan sa mismong gabi ng kaarawan ko.

No exaggeration, nilakad ko mula Pasay Rotonda hanggang Pandacan, sa ilalim ng ulan. At habang kuma-cryola ang bakla, kinanta ko ang buong album ng Aegis.

"Ngunit anong magagawa, kung talagang ayaw mo na... Sino ba naman ako para pigilin ka. Nananaginip ng gising, nakatulala sa hangin, nagsusumidhing damdamin, kahit halik lang ang akin. Akala ko ikaw ay akin, totoo sa aking paningin, ngunit ng ikaw ay yakapin, naglalaho sa dilim... Heto ako, basang basa sa ulan! Walang masisilungan, walang malalapitan... Sana'y may luha pa, akong mailuluha. At ng mabawasan, ang aking kalungkutan..."

PART OF YOUR WORLD MOMENT:

Naalala nyo si Scott? Yung korean student ketch na umuwi na? Babaeng babae ang ffeling ko pag kasama ko yan. Hinahawakan ako sa siko pag tatawid sa kalsada, binibitbit ang bag ko pag mabigat ang daladala, binibilhan ako ng fudang pag maraming gawa sa ofis at di ako maka-buylamos.

Kaso, walang bakla sa Korea. Meron, marami, pero tago. Nasa kasulok-sulukan sila ng Narnia, nakalock ang aparador, at nilunok ng mga tomboy ang susi. Kaya walang pwede mag-come out, come out wherever you are na moment. Baka itakwil ka ng buong bansa. Kaya, di rin pwedeng maging kami. Kasi hindi sha bakla, at di sha pwedeng pumatol sa bakla.

Sa buong buhay ko, si Scott lang ang naging reason para mag-wish ako na although sirena ako, sana magkapaa na lang ako. Pero kung magkaka-paa naman ako, matitiis ko bang mawalan ng boses habangbuhay? Baka hindi.

DIWATA MOMENT:

Nung bata ako, havs ako ng delusyon na di ako totoong anak ni Bibiana, my mother dearest. May ilusyon si bakla, na nung mag-dyowa pa lang ang mudra at pudra ko, eh may isang alamat ng naganap. Gento yun.

Nag-hiking sa isang Bundok sa laguna ang magkatipan na sina Bibiana at Jaime. Graduating na ang dalawa sa kanilang kursong criminology kaya naisip nilang mag-unwind. Sa kalagitnaan ng kanilang hiking, eh may naulinigang uha ng sanggol si Bibiana.

"Ambo, parang may umiiyak na bata. May tyanak ba dito? Hulihin natin!" ani Bibiana.

"Heh! Tyanak nga eh, ibebenta mo pa. Wala kang makikitang tyanak kasi di ka naman si Janice. Baka guni-guni mo lang yun." sagot naman ni Ambo.

Pero makulit si Bibiana kaya sinundan niya ang uha ng sanggol at natagpuan nila ang bata. Nababalot ito ng shiny, shimmering splendid na pink blanket. Kinuha nya ito at kinarga. "Naku, kanino kayang anak to? Baka anak ng engkanto! Maghanap ka jan ng daga, baka ito yung kakambal ni Rio Locsin!" gawin ba kong kambal sa uma?

Biglang may lumitaw na isang babaeng nakasuot ng puting gown. Umiiyak ang babae. Sabay ispluk: "Ingatan nyo ang anak ko. Palakihin nyo sya ng tama. Di sha maaring mabuhay sa aming mundo sapagkat anak sha ng isang mortal na lalaki. Pagsapit nya sa tamang edad, tataglayin nya ang kapangyarihan na nararapat sa isang nilalang na tulad nya."

Ang taray. Ang tunay kong ina ay si Malanding Makiling.

Hinihintay ko pa rin ang "tamang edad" kung kelan mapapasaakin ang aking powers. At shempre, feel na feel ko ang tawaging "mutya".

3.10.2009

Siklab


grabe every night has a new dawn talaga... I’ve succumbed to a lonely and desperate time, when i thought all hope is lost. ive dragged myself to darkness. pero I’ve found my new strength, a new passion to go on... i feel like my battery's recharged and I could just walk and move forever. this weekend kept me invigorated. this encounter made me realize a lot of things.


i have found some new friends. i have found a new fire within me, eager to consume my whole being. i am ready. i am. indeed i am.

this pic is here to remind me of a young boy who aims to make a difference. of someone who has a lot of passion and courage to fight through the storm. of someone who would always remind me that once in my life, i was called "mutya" and it has made me feel special. Lips, you will be remembered.

today, i vow that i would try my very best at everything that i do. im gonna win.