6.29.2009
Moments and Snippets (Part 1)
Pansin ko sa mga songaloo na winner, laging me "moment" lalo na pag finals ng isang singing search itu... "This is the moment" ni Ate Erika, "A Moment Like This" by baklang Kelly, "In This Moment" by my Baby Bunso, David Archuleta, "From This Moment On" by Ditseng Shania Twain, etc... Wala na kong maisip kaya etc na lang ang ispluk ng bakla.
Dahil jan sa mga moments na yan, naisip kong mag-remember me this way ng mga Moments sa layfsung ni akeiwa at ipangalandakan ang mga kagagahan ketch... Here they are, my Moments and Snippets:
IMPOSSIBLE DREAM MOMENT:
"Ma!"
Me tumoktok sa door. Si Totong. Bitbit nya ang anak nya, PS2 nya, susi nya, mga gamit nya, and possibly, ang puso nya.
"Hiwalay na kami ng aswang. Magsama na tayo." Sabay ngisi ang gwapo.
Ngumisi rin ako. At kinilig. *sigh*
TUNAY NA EKSENA MOMENT:
Txt si Bakla: "Pa, san ka? Punta ka dito. Miss na kita."
Waiting for tongight si bakla na mareplayan ng "miss na rin kita."
Txt ni Pa: "Ma, wag ka muna magtxt, kasama ko ang aswang. Hawak nya yung fone."
Ouch.
INCEST MOMENT:
Havs me ng cuzin galore na nawala ng bonggang bongga. Nun mag-divorce ever ang tito ko at mamu nya, shinogo sha ng maderaka at never namin nakita, until maghayskul na akeiwa. Nun nagkita kami ulit, naging close kami nitech kasi same age bracket chorbam kami.
Sa haus ni Mother Earth ko tumira ang cuzin ko na super cutie cute cute na nung panahong iyun. Pero kahit closeness ever kami at sa rooftop lang ng haus kami bumoborlogs, at every night kaming nagchichikahan with matching magtulog ng magkatabi at magkayakap, never naman sha nagtake advantage sa kin. (sayang!)
Nun nagka-asawa na si otoko, saka lang kami naginuman at nagkaaminan na badesa nga ang pinsan nyang si ako, at havs sha ng moment na natulala, sabay ask sa kin ng:
"Cuz, inlove ka ba sa kin? Mahal mo ba ko?"
Nag-about face ako sabay blush. Di na kami nag-inuman uli.
AEGIS MOMENT:
Meron din akong kinarir nung college na effort to d max ang becky mae. Taga-Pandacan ako, kumusta naman kasi taga-Alabang sha. Every week, nagsisimba kami sa Alabang, at every week din mega nood kami ng sine -- puro Disney animation!
Sobrang close kami nitech, shempre inlavavoo ang badeth. Pinakilala na nya ako sa mga tropa ever nya, at dumalaw na rin sha sa iskulilet ko para meet nya rina ng mga tropapits ko. Mega stroll din kami sa mall at watch ng anik anik na movies with my tropa.
Birthday ko, 2003. Di talaga pumasok ang badeth at nagpunta sa iskul ng lulurki para havs kami ng moment na magkasama. Waiting for your love ang drama ko sa Mcdo hanggang matapos ang klase nya, at bonding kami sa shell, of all places. Malakas ang ulan nun, kaya mega sukob kami sa payong at magka-akbay na naglakad pauwi.
Ang baklang maton, me prepared na love letter eklaboo para sa ombre. Nung nasa jeep na kami, mega read ang boylet at nawindang.
"Bakla ka?"
Ako naman ang nawindang.
All the while pala eh akala nya straight aketch. Sumobra naman ata pagkamaton ko. Right there and then, sinabi nya na di sha interesado sa kin, and that I shouldn't txt him anymore. Umuwi akong luhaan sa mismong gabi ng kaarawan ko.
No exaggeration, nilakad ko mula Pasay Rotonda hanggang Pandacan, sa ilalim ng ulan. At habang kuma-cryola ang bakla, kinanta ko ang buong album ng Aegis.
"Ngunit anong magagawa, kung talagang ayaw mo na... Sino ba naman ako para pigilin ka. Nananaginip ng gising, nakatulala sa hangin, nagsusumidhing damdamin, kahit halik lang ang akin. Akala ko ikaw ay akin, totoo sa aking paningin, ngunit ng ikaw ay yakapin, naglalaho sa dilim... Heto ako, basang basa sa ulan! Walang masisilungan, walang malalapitan... Sana'y may luha pa, akong mailuluha. At ng mabawasan, ang aking kalungkutan..."
PART OF YOUR WORLD MOMENT:
Naalala nyo si Scott? Yung korean student ketch na umuwi na? Babaeng babae ang ffeling ko pag kasama ko yan. Hinahawakan ako sa siko pag tatawid sa kalsada, binibitbit ang bag ko pag mabigat ang daladala, binibilhan ako ng fudang pag maraming gawa sa ofis at di ako maka-buylamos.
Kaso, walang bakla sa Korea. Meron, marami, pero tago. Nasa kasulok-sulukan sila ng Narnia, nakalock ang aparador, at nilunok ng mga tomboy ang susi. Kaya walang pwede mag-come out, come out wherever you are na moment. Baka itakwil ka ng buong bansa. Kaya, di rin pwedeng maging kami. Kasi hindi sha bakla, at di sha pwedeng pumatol sa bakla.
Sa buong buhay ko, si Scott lang ang naging reason para mag-wish ako na although sirena ako, sana magkapaa na lang ako. Pero kung magkaka-paa naman ako, matitiis ko bang mawalan ng boses habangbuhay? Baka hindi.
DIWATA MOMENT:
Nung bata ako, havs ako ng delusyon na di ako totoong anak ni Bibiana, my mother dearest. May ilusyon si bakla, na nung mag-dyowa pa lang ang mudra at pudra ko, eh may isang alamat ng naganap. Gento yun.
Nag-hiking sa isang Bundok sa laguna ang magkatipan na sina Bibiana at Jaime. Graduating na ang dalawa sa kanilang kursong criminology kaya naisip nilang mag-unwind. Sa kalagitnaan ng kanilang hiking, eh may naulinigang uha ng sanggol si Bibiana.
"Ambo, parang may umiiyak na bata. May tyanak ba dito? Hulihin natin!" ani Bibiana.
"Heh! Tyanak nga eh, ibebenta mo pa. Wala kang makikitang tyanak kasi di ka naman si Janice. Baka guni-guni mo lang yun." sagot naman ni Ambo.
Pero makulit si Bibiana kaya sinundan niya ang uha ng sanggol at natagpuan nila ang bata. Nababalot ito ng shiny, shimmering splendid na pink blanket. Kinuha nya ito at kinarga. "Naku, kanino kayang anak to? Baka anak ng engkanto! Maghanap ka jan ng daga, baka ito yung kakambal ni Rio Locsin!" gawin ba kong kambal sa uma?
Biglang may lumitaw na isang babaeng nakasuot ng puting gown. Umiiyak ang babae. Sabay ispluk: "Ingatan nyo ang anak ko. Palakihin nyo sya ng tama. Di sha maaring mabuhay sa aming mundo sapagkat anak sha ng isang mortal na lalaki. Pagsapit nya sa tamang edad, tataglayin nya ang kapangyarihan na nararapat sa isang nilalang na tulad nya."
Ang taray. Ang tunay kong ina ay si Malanding Makiling.
Hinihintay ko pa rin ang "tamang edad" kung kelan mapapasaakin ang aking powers. At shempre, feel na feel ko ang tawaging "mutya".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haha Ü ganda naman nung last..parang masayang magkapowers,not kilikili powers,haha Ü geh,hintay lang po tayo na magkapowers ka,kapag meron na,balitaan mo kami huh?Ü Godbless..
ReplyDeletePanolo parin ang Aegis moment mo! basang basa sa ulan moment ahahaha
ReplyDeleteSana naman ay bisitahin mo rin ang tahanan ko :-D
hahahahaha..Natawa ako doon.
ReplyDeleteBakir walang bakla sa Korea??? Paano yun??
mare... yang mga AEGIS moment na yan ang talagang moments sa buhay kung kaylan narerealize natin kung gaano kapowerful ang LOVE.... moments we remember for all time to come.....
ReplyDeletegrabe naman pala yang mga moment mo sa life... hmmmp! in fairness kabog yung diwata moment. sana ako din hahaha! at saka yung aegis moment. bakit ganun siya ang tingin niya otoko ka! hahahaha!
ReplyDeletenakakalurki ka talaga ate! wa ako ma-zey sa mga entries mo ditey. panalo sa panalo! isa kang dyosa! bow akey!
ReplyDeleteang galing2 mo tlga ateng...
ReplyDelete