Ever wonder-bra why wicheles na nasundan ang blogelya ketch with Daddy Jonel? Kasi po, nagkaron kami ng marubdob na komberseyshon ni Dada a few weeks back. Matapos ang walang hanggang inuman ng matador cum redhorse, eh na-left alone kaming duwa sa balaysung. Ay lumabas pala kami dahil mega watch ang canton boys ng "Ded na si Lolo" -- peyborit nila si Roderick.
Nako-confucius kasi ang Baklang Maton. Ang jirafee kaya nun! Ang jiraf-jiraf ng bakla ka na, lito ka pa. Asan na yung justice sa mundo nun davah naman nini? Kaya nilinaw ketch ke Daddy Jonel anu besh talaga kamesh... Bucket meal ako nag-Q&A portion ke lulurki? Kasi nga itong si Daddy Jonel eh parang kinukunsinti lang ako. Pag sabi ko pa-kiss ilalapit nya ung fez nya pero may awkward factor kc parang ngumingiwi sha or pumipikit or naiilang or napipilitan. Pag ispluk akeiwa ng pa-hug lalapit lang un balikat nyan -- walang higpit, walang ganting-yakap, wai lalo init. Basta sa bawat effort ko, kung A+ ang bakla, F ang boylet. Flangak!
Pag tinatanong ko naman sha kung nandidiri ba sha sa kin baka wit nya feel mga ginagawa ketch di naman daw ewww and yuuuck ang emotions, mejo naiilang lang daw to the highest level kasi di sha sanay. In far away LA (in fairness ahihihi) sabi mismo ng Mother Goose nya eh sa balay ko lang daw talaga kumokyombay ang junakis nya. So, bahay-school-bahay-na-pink lang daw ang routine nito.
Baklang Maton: Ano ba talaga tayo?
Daddy Jonel: Tropa.
BM: Tropa?
DJ: Oo, tropa.
BM: Bakit tropa lang?
DJ: Eh tropa naman talaga tayo eh.
Potah malapit ko nang burahin sa Fil-Eng Dictionary ang putik na word na yan!
BM: Di ba nun naglalakad tayo sa gitna ng mga paputok habang hhww-pssp tayo, sabi mo ok lang magkaron ka ng bowa na badet basta ako?DJ: Eh, napa-oo lang ako nun eh. Di ko kasi alam na me gus2 ka pala sa kin, nalaman ko lang nung naglalakad na tayo.
BM: Ouch! Napa-oo ka lang?!
DJ: Oo... Eh di ko kasi alam kung pano hihindi sayo. Tsaka mabait ka naman sa kin.
BM: Ansakit naman nun. So ilang buwan ko na iniisip na tayo na, yun pala napa-oo ka lang?
DJ: Pasensya ka na, ngayun lang kasi tayo nagkausap ng ganito eh. Ok lang ba? Tropa?
BM: Fine. TROPA!
Nilaklak ko yung mertayolet nung gabing yun.
Ito na yung sinabi ko na pangatlong pagmu-move on ko. This time eh pinatugtog ko yung kanta ni Ateng Beyonce na "Halo" at mega emote ever akiz sa room kez. The only difference is, tatlong linggo akong nag-wallow. Kasi kahit habang kapit-tuko ako ke Daddy Jonel eh nakahold hands akechi kay Totong sa ilalim ng table, nilalaro ng toes ko yung toes ni Tatay Jepoy at nakasandal akeiwa kay Baby Magic, mejo mas malalim yung kay Jonel, kasi sa mga Aces sa buhay ko...
sya ATA yung Heart.
Ilang weeks ang lumipas naka-move na rin ako. And ngayon lang kami uli nagkasama. Di sha shumambay, di sha nagpakita, di sha nagtext. Sa gabing ito kami nagkainuman uli. Niloloko sha ng canton boys kasi musta na daw ba kami ng "tropa ko" at bakit daw di kami magkatabi, at kung na-miss daw ba ko ni Tropa.
BM: Di mo ko na-miss?
Tropa: (smile lang...)
BM: Huy!
Tropa: Mas gus2 ko yung ngumingiti lang ako, pag tahimik ako ayoko nun. Gus2 ko ung titingin ako sayo tapos nakangiti ako... (sabay smile uli ng matamis)
BM: Anu daw? Eh anu nga, miss mo ba ko?
Tropa: Miss.
BM: Ows?
Tropa: Oo... eh ngayon lang kasi ako nakalabas uli.
BM: Oo nga. Iniiwasan mo ko eh.
Tropa: Oi hindi ah. Ikaw, na-miss mo ko?
BM: (pabulong) Uu... Na-miss...
Tropa: Di ko naman marinig! Miss mo ko?
BM: Bakit kita mami-miss tropa lang naman kita.
Bitter ang bakla... pero di nakatiis...
Tropa: Ewan.
BM: Di nga, tropa pa rin tayo?
Tropa: Ewan nga...
BM: Malay mo kasi, may nagbago.
Tropa: Ewan ko talaga...
... ewan na naman?!
Tropa: Pero parang malapit na eh.
BM: Anudaw?! Anung "malapit na"?
Tropa: Basta, parang malapit na eh.
Nakakawala ata ng malay yung sobrang kilig. Sa sobrang kilig ko, natulala ako. Nasanay na ata sha na natutulala ako. Kasi nung bumalik ako sa huwisyo, nakangiti na sha uli.
Ngiting nagpakilig na naman maging sa lapay at balun-balunan ko. Pati na rin sa baga at alak-alakan ko. At shempre pa, sa puso ko. Ace of Hearts indeed.
Malapit na...
we'll get there ang drama... pero wag ka at baka mag ala piolo pascual yan in the end at banatan ka ng...
ReplyDeletei never got there....
good that you have an ace of heart pero ingat sa sarili mong puso mamu..... ")
oo naman tama si YJ. ingat-ingat dahil kung kikiligin ka ng bongga wala namang masama don kaso yun nga wag masyadong UMASA at baka napa-OO na naman siya. hahaha!
ReplyDeletemarami ka pa namang nakapila.
bruhilda ka talaga. you sooo make me ingget lagi ditey sa mga entrush mo. super kilig akey sa kwento mong itey! sa yes na ang crown! tapon ko na ang sash ko! :) hehe.
ReplyDeletesalamat sa crown madam patronesa... pero sabi nga ng baklang dilan at yj... shempre ingat sa puki at sa puso para wai mag cryola ulet...
ReplyDelete