Nung julilit pa lang aketch at di pa kami nakakalipat sa camella homes, gusto kong maging powerful. As in "For the Honor of Gayskull, I am Shera!" na level ng power. Acshuali, wiz ko talaga knowing kung anech ba gusto kong maging nung bata. Basta dapat malaki ang sahod. Keribells na ung ibang paktor, basta bembang na yung work.
Pero na-iba ang ihip ng kapalaran ng matuklasan ng Baklang Maton na isa pala akong beki in the making, sa totoo lang eh napunta sa iba ang focus ng badesa. Iisa lang ang naging puntirya ng badet:
PAG-IBIG.
Naka naman! Parang telenovela kung umarte si bakla. Feeling babae. Eh, gus2 ko lang ng bowa na pwede kong mabembang ng libre hehehe. Tsaka yung makaka-share ko pag emo mode ako. Pati yung makaka liptulelang ko gabi-gabi, at magpapawindang sa sistema ko ng bonggang bongga. At yung guy na magpapatulala sakin at magpapa-kuribdib ng heartbeat ko. Tunog pa lang ng paa, excited na agad ang beklush.
So far, huh... so far eh di pa ko nagtatagumpay! Haggard kaya, anumpecha pa ko naghahanap eh wai pa rin nagiging bunga ang aking sipag at tyaga... Mas walang epek yung kalandian ketch, pati yung mala-Dyosa kong katawan, at lalong di rin nakadagdag sa ganda points ko yung "substance" ko. Sabi kasi ng isang friend ko, puro daw ako substance.
Eh sus mio naman, lahat na ng abilidad itinodo ko na, loss pa rin! Lahat na ng kaharutan, ni-level up ko na, with matching pangkulot, pang-spa at pangmanikyur wichiririt talaga. Kinabisado ko na yung mga linya sa mga pocketbook ni Rose Tan, bokya, alaws, olats.
Enter Ate Bituin: "Kung aketch na lang saney ang iyung chinorvah, di ka na muling magka-cryola..." Kasi naman di ko magets why akeiwa nalalaglagan ng soen at triumph sa mga tipikal na lulurki? Bakit dili ko ma-finders keepers ang mga hunkaloo na nasa nobela? Mga bida na hunk na, kakaiba pa. Yung native ang pangalan, like Protacio, Prudencio, Makisig, Rigor, Rogaciano... Yung kakaiba ang workmanship: embalsamador, piyon, piloto, magbobote, alahero, o kaya panadero para magdamagan kaming maglalamasan ng tinapay.
Pede rin na junakis ng isang rich and fowerpul, de-kotse, keri magtransform sa gabi, me breeding, ibang lahi, blue-green ang mata -- as in blue yung right, green yung left. Napapakanta na rin tuloy akeiwa ng "Dont wanna wake up alone anymore, still believin you'll walk through my door. And I'll giiiiivvvee... ol di lab in da wold!"
E kaso super tipikal ng mga natataypan ketch. Maliit, mayabang, mahilig sa pizza, pag me libreng kembot eh kekembot. Usually yung mga karir ko eh sasama agad sa puke basta libre. Tipikal na, oportunista pa. Although I like yung feelingera ka pag inlove. Ang bilis ko pa naman ma-fall, maluwag kasi mga garter ng panties ko kaya madaling malaglag.
Flashback ako exactly one year ago. Ishoshogo ko sha sa pangalang "Bhe". Si Bhe eh naka-close ko dahil sa pagka-taratitat ko. Minsan kasi eh sinapian ako ng malanding maligno, kaya nilandi ko sha ng walang humpay. Naging barkada ko, at umabot pa kami sa point na niligawan ko na ata si Kuya.
Magkasabay kami lagi umuwi, magka-txt araw araw except pag borlogs kami, pag nasa ofis naman eh magka-chat pa rin ang mga lolo mo, sabay kami kumain at pareho kami ng kinakain. Pero magkaharap lang kami sa table indi magkatabi. "upong getting-to-know-you" muna neks taym na yung "upong magsyota".
Nung bday nya, binigyan ko sha ng ref keyk (kala ko dati sosyal to, susme graham lang pala!) Nung pauwi na kami ni Bhe, sa bus, ni-rank namin ung mga gift na natanggap nya. Panagtlo lang daw yung galing sa kin! Pokiams na toh. Eh me umakyat na manong me dalang isang bouquet ng flowers. Kinabukasan, me flowers na sha sa station. Ligaw-intsik ang bakla!
Oh ayan kilala nyo na yung ineeksenahan ko sa picture.. Itu oh!
"Bakit pa ko magtetxt eh katabi naman kita? I love you too!" sabay blush ang gwapo.
Ateng, sa ganitong panahon dapat nag-moment na ko. Dapat me umikot ng camera sa min at naghalikan na kami diba? Wirit! Tumawa ko ng malakas at kiniliti ko sha! After five minutes ko na na-realize na wrong move pala ito. Tangang bakla, lumipas na yung kahit isang saglit segment ko.
Ending namin? Sinama ko sa Baklaran at nagpaalam kami sa isat isa habang unti unting nauupos ang kandilang simbolo ng aming pag-ibig. Sinabayan ko ng iyak ang kandila.
Sa ngayun nakaka-fourteen na ko ng kinainlaban at wiririt nag-shogumpay. Eh sabi ng friend ko hanggang fifteen lang daw. Pag pang-fifteen mo na dapat maging forever and ever na kasi pag di ka raw nakahanap ng soulmate mesh in 15 tries, magiging calypso ka na: tatanda kang mag-isa. Ewan bakit 15 lang, Bakit hindi 15000. Imagine, 8 bilyon ang population ng earth, napakaliit na percentage. Pero 15 lang daw talaga. Wag na kumeber!
Isa na lang ako. Or pwedeng yung ngayon eh sha na yun. E pano kung lumagpas ako sa limit? Pano kung di ko sha mahanap? Pano lalo kung mahanap ko nga sha, pero sha naman ang naghahanap ng iba? Lahat daw ng palayok eh me katapat na takip. Pano kung kawali pala ko? Di walang takip! Goodluck!
Lately, nagyoyosi na ko. Lately napapahithit ako kasi lagi akong kabado. Kaya mas gus2 ko ng walang boylet eh! Kasi di ako mag-iinarte, di ako mag-aasal babae, di ako made-depress. Kaso nga andaming lalake!!! Ang dami, dami, dami nila.
Ah basta! Stay put lang aketchi, waiting for tonight sa itinakda ng langit para sa kin. Magpapaka-busy sa work, mag-aaral pag Saburdey, mag-eenjoy sa balay with the canton boys. Maiiyak. Matatawa. Malalasing. Basta, magiging ako uli ako.
"Hindi sa tala sa langit
kundi sa buwang nakasilip.
Ibigay ang hiling
ng matang nakapikit."
See you soon Mr. Number Fifteen!
pang fairy tale ha
ReplyDeletena add na kita
woof!
naks naman. hehehe. kelan kaya darating ang pang-kinse. mag tm ka kasi para kinse-kinse lang hahaha.. sana makita mo na siya nang makwento u na samin ha.
ReplyDeletekaya ayoko mag salita ng patapos.... kasi nga ang dami dami nila..
ReplyDeletemga potang inang boylets yan.....
waw! semikal! astig! moreno ba? chinito?
ReplyDeleteWala akong masabi sa pag susulat mo halos mahulog ako sa upuaan...Keep 'em comin' Keep up!
ReplyDeleteFoTAH ka veks! :)
ReplyDeleteTerry-tery mo talaga! SHALA!
:)
Hahahaah,Grabe atleat nakarami ka na ha 14 aint that bad pero huwag kang magpapaniwala sa sinasabi nila na hanggang 15 lang yung iba nga naka 4 na asawa na eh.
ReplyDeleteHave Faith
Sobrang natuwa ako reading your posts. Ü This really made my day. Keep 'em coming!
ReplyDeletePano kung yun pang-fifteen mo ay isa sa mga past 14 mo? Counted as fifteenth ba yun? (Talagang tinanong ko eh no? Hehe.)
ReplyDeleteSobrang katuwa tong post mo. Wait wait ka lang jan, sweetie, he will come when you least expect it. Ü
BM... baka ako na yun hehehe!
ReplyDeleteLIKE! ahaha! i remember a boy named L.
ReplyDeletePag naging pang 15th mo ako pang 1st kita so hndi parin ikaw ung pang 15th ko.
ReplyDeleteHihi biro lang :) Tgal na pla nitong post na to.
Siguro nman nhanap mo na si Mr. 15 mo :)
Keep safe always hihi (.--)