It's been more than two years, and BM has come a long way. Nung simulan ko ang blogelya na toh, nage-emote lang ako dahil kay Totong. Now, ibang level na ang hatid sa kin ng pagsusulat.
306 followers. 229 likes. 161 posts. A lot of page views. A number of haters. Most importantly, a bunch of inspiring readers.
And now I've come full circle. Thanks to all of you.
Kaya kahit tambak ang drafts ko, at di ko matapos-tapos lahat, mega create ako ulit ng panibagong draft. Everything started because of him. So it is but fitting that when I start a new phase in this blog, kasali sha right?
306 followers. 229 likes. 161 posts. A lot of page views. A number of haters. Most importantly, a bunch of inspiring readers.
And now I've come full circle. Thanks to all of you.
Kaya kahit tambak ang drafts ko, at di ko matapos-tapos lahat, mega create ako ulit ng panibagong draft. Everything started because of him. So it is but fitting that when I start a new phase in this blog, kasali sha right?
Napanaginipan na naman kita Payat. Kanina. Twice na yan this month ha, sumosobra ka na sa quota ha. Dati once a month lang.
Friends na kami ni Pa sa FB. Sa wakas! After forty-eight years! Akalain mong in-accept na rin ako. At nakaka-chat ko sha halos gabi gabi. Nangungulit ang lolo mo. Naglalambing. Nagmamakaawa na ata. Nagpapa-cute din madalas. Nagpapa-sweet. Kasi daw, di ko na sha sinusulat.
One day, me chat na lang sha na gento:
"Gusto ko makita ko yung pic ko sa blog mo na BM ha. And I want to see comments heheheh. Tnx, mwah."
Heto po ang wafung piktyur ng mahal ko. Ang aking daungan, ang perlas ng aking silangan, ang Payat ni BM, ang dinagit ng aswang, ang ama ng aking imaginary triplets na sina Chumbackles, Chumbables, at Chumbalicious, at ng aking kaisa-isang imaginary junakis na boylet na si Aelred Jareed Wulfric Joshue.
Si Totong... Este, si Kagawad Totong...
Kahit anong topic, or sinasabi ko, or pag naniningil ako ng utang nya na ten million syete mil, walang reaction yan, sabay "Oi yung blog ko? Asan na yung bagong blog ko?" Impernes naman, andami ko ng drafts. Tambak na kamo ang edit posts ko, pero di ko alam anu ba dapat ang isulat. Kaya di ko talaga matapos-tapos.
Sabay pag kumuda ako ng "Miss na kita Pa..." biglang offline yan, o kaya naman eh "Wag kang lumandi, andito ang aswang."
One time, mega text ang lolo mo, umuwi daw ako ng maaga at me favor shang kelangan. Susme, pagawin daw ba ko ng house rules ng mga bumbero! Neng, literal yun! As in mega type ako ng mga kuda at kembot ng mga firemen ng barangay bagumbuhay. Tumbling di ba?! Tas mega chat sha ng mga bilin nya, dapat me proper decorum ek-ek. Lagyan ng floor watch at marketing kembular, ay na-loss talaga ang katinuan ko neng. Sabay eksena pa yan ng "Tsaka yung blog ko." Para namang maisisingit ko pa yun di ba?! Kaya ang usual na kuda ko: mamaya...
Last month, kasal ng jumangkin kong kutis-jumanji at amoy-jumanji. Eh sanggang-dikit sila ni Payat. Kaya mega attend ang lolo mo. Eh ako ang nagko-cover nung wedding nila. Ako ang official cameraman slash concept picture-takerer ahehehe... Sa di ko malamang kadahilanan eh di ko sha makunan ng maayos. Tsaka mejo charo santos conscious kasi akeiwa. Ka-date nya sa event ang aswang. Baka sabihin pag kumukuha ako ng pics, putol yung mukha ng jusawa nya. Masabihan pa kong papansin. Eh mejo manas pa naman si bilat, kaya feeling ko eh mas sariwa at mas kaakit-akit ako sa kanya nung gabing yun.
Nung isang gabi lang, chat sha ulit ng "Nasaan na yung blog?" eh di pa nga ako nakaka-post di ba kasi nga alam nyo naman mga beki ang definition ko ng mamaya... Sabi ko na lang "Pinag-iisipan ko pa. Di ko pa alam ang tamang approach eh, tatapusin ko na yun promise. Bakit miss mo na bang basahin blogs ko about you?"
"Uu bwisit ka!"
Kahit mas malandi si Papa El sa chat, mas marami shang pick-up lines, mas marami shang kilig moments, at mas masarap na kulakadidang si Papa El... Pag anjan na si Payat, at ngumingiyaw na parang tutang di mapaanak, wala na. Offline na sa kahit sinong virtual kilig provider pa yan.
The vicious cycle is set in motion once again. Maiinlove ako ng paulit ulit kay Payat. Magpapa-sweet kami ng patago sa isa't isa. Magrereklamo sha sa estado nila ng aswang. Makikinig ako ng may pasimpleng pandadaot. Malalasing sha isang gabi. At mabubuntis ang aswang. Bisyo na toh!
But come to think of it, we are so much alike. He is, in every way, my addiction.
Is it a one-way street? I believe na hindi naman. I guess Payat sees in me what he needs. Sabi ko nga dati, I'll always be his spare tire. His more loving, caring, nurturing "Ma" who will never, ever, leave his side. Basta hindi ko lang matiis na di ko sha nakikita. Kapag mejo dumadaan ang araw na parang tahimik ang buhay namin pareho, asahan mo mapapanaginipan ko si Totong.
And always, there would be that unfinished business sa panaginip ko na di ko matukoy ng direcho. Di ko ma-pinpoint eh. Basta tuwing magigising ako from yet another Totong dream, para akong isda na pumaltok sa buhangin -- sisinghap-singhap, hinahabol ang pagka-ilap-ilap na hangin. Pag nagising ako, I feel empty. Sobrang empty na di muna ako gagalaw sa higaan ko ng ilang minuto, at babalik-balikan ko ang panaginip kong bitin.
I've been dreaming about Totong for four years. Ang masaklap neto, mas madalas, yung panaginip eh nagaganap pag gising ako. He is such an elusive dream, na di ko makamit-kamit... Even when I'm wide awake and he's just infront of me.
Di ko alam bakit dine-demand ni Totong na mag-blog ako ulit about him. Writing about him in these pages makes me want to love him again. And I can't. I simply can't. It's part of my withdrawal stage. Para sa oras na kelangan ko ng bumitaw, kahit isang hibla, hindi matitira.
Kaya mas nagsusulat ako about sa mga kalandian lang eh. Yung mga insignificant na pangyayari. Yung mga kalambutsingan lang. Yung mga kulakadidang lang. Yung mga fling na madaling i-unfling. Kasi yung mga yun mas madaling bitawan. Bagay na hirap na hirap akong gawin kay Payat.
Ang bumitaw.
Inihahanda ko na ang sarili ko sa matinding panginginig dahil hinahanap-hanap ng sistema ko ang presensya nya. Inihahanda ko na ang sarili ko sa mga bangungot kapag di ko na sha napapanaginipan, at di ko na sha nakikita.
Hindi pa nya alam to. Pero malamang malaman na nya pag nabasa nya ang blog ko. Soon, I will go away. And I'm not coming back.
At pag umalis ako...
Hindi na ako lilingon.
Kasi hindi ako tulad ni Cedes.
At saka alam ko rin kasi.
Kahit lumingon ako...
Hindi kasi sha magiging akin...
Kahit kailan.
nakakainis! nangilid ang luha ko sa emote mong 'to teh! seryoso! :|
ReplyDeletesometimes we just need to realize that our efforts will not yield us the results that we want.. para di na tayo lalo pang masaktan.. :(
Ning ilang linggo kong pinag contemplate pano isusulat yan.. Nkakainis na magmahal!
ReplyDeleteAs usual BM, its a roller coaster ride to read your entries.
ReplyDelete.
.
Sana kahit sinabi mong di ka na lilingon eh ikaw pa rin ang kanyang "more loving, caring, nurturing "Ma" who will never, ever, leave his side." Ganun naman ang love, 'di nag-aantay ng kapalit.
.
.
And to Totong kung nagbabasa ka nga talaga dito bilang gusto mo ng comment: Ang gwapo mo pre, hehe. Sana hiwalayan mo na ang aswang at magsama na kayo ni BM forever and ever! ;D
Pinaiyak mo na naman ako...
ReplyDeleteMinsan masakit man tanggapin na me masakit na part sa pagibig.
ReplyDeletehayyysss. ang hirap hirap hirap talagang kalimutan ang isang taong naging parte na ng mundo mo.
ReplyDeleteilang beses mo na ring sinabing magmomove on ka na. hindi kita masisisisi.
nakakarelate ako.
May kirot sa pu...puday! Pero dapat lumingon ka. Kumaway at ngumiti nang pilit. At pagtalikod mo, paimpit mong sabihing "paalam" saka mo lang pakawalan ang limang butil ng mga luha (para katawanin ang I love you very much). At sa kanang pisngi mo lang dapat patuluin dahil yon ang anggulo mo! Kapag nagawa mo 'to, para ka nang si Hilda K. na kayang -choreograph ang pagtulo ng luha kapag inuutos ni Lino Brocka!
ReplyDeleteAng lungkot naman nito bm. :'(
ReplyDeleteno matter how sad your situation is, kakainggit pa rin na may Totong ka na hawtness!
ReplyDeletenew follower here. meron bang glossary of terms somewhere here? lols. great blog!
i like it so much bm!
ReplyDeletei can relate so much with the story.
@desole -- ning magbabasa talaga yun. atat nga eh!
ReplyDelete@dh -- uu, package deal na yun.
@dilan -- uu ganun na nga, mahirap talaga bumitaw.
@sean -- its sad in itself, pero in retrospect, im happy naman.
@travis -- sana mag-enjoy ka hihihi. welcome to haven resort! where u can rest in peace forever!
@rob -- haist welcome to the club!
@anonymous guy 1 -- churi tahan na...
@anonymous guy 2 -- aba bet ko yang ending mo ha! hayaan mo, next emote session, ganyan eksena ko...
Angel Locsin istatchu?!
ReplyDeleteAgain pang-Palanca na naman ang post mo 'teh :) Keep up the good (and gay) work! :D in short PANALO KA 'TEH!
love you.
ReplyDeleteBM, IM A NEW BLOGGER http://thecuree.blogspot.com/
ReplyDeletematagal na akong tagasubaybay ng blog mo at this time gumawa na rin ako ng sarili kong blog dahil sa iyo, i've mention YOU in my blog, hope u read it. and still ur the best writer, ngayon sa blog mo marami kang nasabi na halos sapul sa puso ko..oo nga kung kaya lang nating bumitaw sa taong mahal natin at kelan man ay hindi magiging atin habang buhay. i'm hoping someday si payat will see the value of you & how blessed he is to have you loving him endlessly . salamat sa blog na ito..
it's better to write stories about him sa blog mo. para naman mapreserve mo yung feelings at mga pinagdaanan mo sa kanya somehow. years from now, maybe makakalimutan mo na siya pero your experiences with him would still be there
ReplyDeleteive been a follower of your blog for quite some time now and sobrang swak sa bangga ang mga entry mo.. i wanted to write as well pero i dunno wer nd how to start..
ReplyDeletewid dis entry its super duper plangganang walang butas teh! sobrang sakit kalimutan ang isang taong minahal ntin ng lubusan. my tym na akala ntin nung una ok n tau nkapagmove on na pro pg bumalik cla bumabalik din ang pait at saya at pagmamahal.. i perfectly understand how u feel ryt now kse tulad mo meron din akong taong minahal, sinubukang kalimutan, minahal ulit, sinubukang kalimutan ulit pro walang nangyari sa loob ng higit 3 taon andyan pa din xa.. haist sadness.. kahit anong gawin mo khit gano kalaki ang pagmamahal na ibigay mo "hinding-hindi ka nila kayang mahalin sa paraang gusto mo" :'( *jade*
Sometimes being lost is the only way to be found... kaya i-lost mo na yan..hahaha..But seriously speaking, hindi madali, especially when your heart recognizes him as someone you love.
ReplyDeleteDon't be afraid to lose and be lost, open up yourself to possibilities... Mahahanap mo din ang love story na swak na swak sa porselana mong banga.
Super love it Bm. Nakakaiyak na nakakalungkot ang entry. Basta enjoy lang ang buhay :-)
ReplyDeletesana i share mo din yung side ni kagawad, or yung violent reaction nya pagkatapos nya mabasa ang open letter mo
ReplyDeletehahaha!! parehas pala tayo ng nararamdaman ngayon.. ako I wish him to be happy.. even without me in his life. I know he can :(
ReplyDeletelove ko yung entries na kasama si payat.... nikikileg ako...
ReplyDeletegotcha!!!...feeling ko ako si "totong"...haha
ReplyDeletehey kapitan... feel mo ikaw si totong? so ikaw ang iniwan?
Delete