3.25.2010

Vetus Amicus

"Old friend, it's so nice to feel you hold me again. Though it doesn't matter where you have been, my heart welcomes you back home again..."

Bisi-bisihan ang baklita sa paghahanap ng ikayayaman. Hay naku give up na ang cauliflower ko sa thesis na yan lenshak talaga. Kasi ba naman paulit-ulit na ko sa chapter 1. Yung iba nire-revise lang pero pwede ka naman mag-move forward sa next chapter. Ay ako ning, rejection galore ang drama ni Ginang Adviser, talagang ayaw ako patapusin.

Pag natatanong naman akeiwa anik anik ba ang problema sa gawa ko, ang sinasabi eh "attitude". Teh, me attitude problem naman talaga ko. Pero as far as my thesis and I are concerned, ning walang kinalaman si Mareng Attitude ke Pareng Thesis. Kaya wit na muna, pahinga this summer. Pagagandahin ko ng bonggang bongga para wala na shang masabi. Kahit maging kasingkapal pa ng encyclopedia brittanica at umabot na ng pasifika at atlantika ang resources ko. Aabutin ko ang pangarap kong ulap at himpapawid.

Kaya ayun, inaasikaso ko muna yung isa ko pang pangarap: magkaroon ng kabuhayan showcase na pinkaloo. Gora ang bakla sa St. Francis Square sa may batok ng Mega Mall. Mitetang kami ng old friend kong si Jebren.

Nung nagkita kami eh talaga nga namang kasya ang hanger sa bibig ng baklita. Kilig na kilig lang ang gumamela ko. Habang naglalakad sa Mega Mall eh hinagip ko yung kamay nya at naglakad kami ng magka-holding hands, naghahanap ng makakainan. Hay naku, titigan na kami ng madlang pipol, wa ko care. Kasi, nung unang panahon na litong lito ang puso ko... sha ang pinili ko.

(Cue music para sa flashback scenes) Tininininining...

Nung college, sobrang kapokpokan ko lang talaga kaya mega sali aketch sa cheerleading kyorbam ng Psych Dept. Halos buong section namin ata kasali. Flyers ang maliliit na borboli gang (tibo), dancers ang mga gorgeous na beki, lifters ang mga cute na mukhang pugante na 2nd year at 3rd year. Shempre praktis hanggang may hininga para naman manalo. Mahirap na baka mabugahan kami ng apoy ng dragona.

Dun ko nakilala si Jebren. Laking Mindoro ang lolo mo. Sila yung 3rd year nung 4th year na kami. Wow parang teeny-bopper ang drama ko ngayon. Anyway, kakabuhat ng mga pata ng mga cheerleaders, kakatumbling at kakapraktis eh naging close kami ni Jebren. As usual si bakla, vulnerable sa mabuting pakita ng lulurki kaya pati sa tropa nainlab. Jebren is the fourth on what would become a long list of my future heartaches.

Ning, nagpaka-yaya ko jan ke Tamaraw. Isinali sha ng department namin sa Mr. PNU kasi nga shala-shalahan naman ang karakas ng Tamaraw ko. Sha yung representative, ako yung PA. Yaya galore talaga ito, kumpleto with apron, hairnet at bandana sa ulo. Idagdag mo na ang feather duster at floor mop. Kasi nga kelangan nya ng julalay.

Ako ang nanghiram ng barong nyang blue, ako ang bumili ng casual attire nyang polo. Kami ang nagturo ng sayaw nya para sa talent portion. Itodo na natin! Isa ako sa back-up dancers nya! Ganun ako ka-alaga. Kung starstruck yun teh, malamang sha na ang ultimate survivor.

Ang pinaka-iniyakan ko talaga eh nung maputikan ang sapatos nya. Habang nakatayo sha at nakatuwad ako na nagpupunas at nagpapakintab ng sapatos nya, pagtingala ko, eh nasa tabi na pala nya ang hitad nyang girlfriend at hinahalik-halikan sha, wishing him luck. Nagmala-Juday na lang ang mga luha ko na kusang tumulo sa sapatos nya. Sa gilid lang ng mata, tatlong patak lang. Hay si bakla, basta sa lovelife talaga, dinaig pa ang Gomburza!

Nanalo naman sha, first runner up. At nag-celebrate kami sa bahay nila, kasama shempre si dyowa na ansarap isangkutsa sa repolyo at baguio beans. Pero dahil mahal ako ni Inang Karmi (as in karma), nabukelya nya si bilat na me ibang dyowa dyowaan pa pala kaya how could an angel break my heart ang naging theme song nya, at to the rescue shempre ang bakla. Lalo kaming naging close.

Nung college eh mahilig kaming magpunta sa Padi's. Winner kasi yung isa naming tropa na tagahawak ng family budget nila na padala ng mudra nya from London. Si Mareng Mitch, ang manager ng tropa. Kahit 20 pesos lang eh nakakapag-bar hopping kami, overnight pa sa Bulacan, dun na rin nagta-type ng mga project at mga research, pati print sagot na rin nya. Lahat ng mga lakad na yun, kasali ang lolo mo. Dahil jan, nagpauso kaming mga hurindat: pasahang yelo. Mwahahahaha!

At dun naganap ang first kiss namin.

Nung minsan na nag-overnight kami sa haus nila Mitch the manager, me kalokohan pa kaming eksena na dilim-diliman at disco-discohan. Me mga strobelights pang chorvah para me effects naman sa paggiling. Sayaw darling pa ata ang tugtog namin nun, kaya mega sayaw naman kami ni Darling Tamaraw. Me naaninaw pa kong dalawang sungki na naghahalikan sa gilid ng kwarto. Bigla tuloy akong nag-panic at hinagip ang kamay ni Jebren. Buti hindi naman pala sha yung nakikipag-liptsuktsakan.

Sayaw, inom ng ginpomelo, giling, tagay ng gin-tanduay, kembot, tungga ng gin-tubig... Hanggang sa magsisabog na rin ang mga atay ng tropa.

Senglot na senglot lang akeiwa sa kakanomo, kaya nung bumorlogs eh wala na kong matandaan. Basta hilong hilo na ang diwa ko, ultimo lumandi eh di ko na magawa. Pero impernes,winner ang borlogs ko nun, talagang feeling ko eh dinuduyan ako sa alapaap ng kalandian. Basta mahimbing at malalim ang hilik ng baklita.

Pagmulat ng mata ko, sabay ring nagmulat ng mata si Jebren. Magkahawak pa ang kamay namin, magkabuhol ang mga hita, magkadikit ang mga noo. Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-init ang mga pisngi ko at naranasan ko kung pano mag-blush. Saya pala nun. Napansin ko namula rin yung mukha ng lolo mo. At nung akmang kakalas sha eh umeksena na ko.

"Wag ka nang kumalas. Let's just enjoy the moment." Sabay pikit uli, hawak sa kamay at dikit ng noo. I guess pumikit rin sha, kasi nakatulog ako uli, at paggising ko eh magka-holding hands at magkadantay pa rin kami. Kung gano kalapit ang mukha ko sa mukha nya nung mga oras na yun, ganun din siguro kalapit ang puso ko sa puso nya. Bilang kaibigan.

After graduation, um-attend ako ng youth camp sa Cavite. Remember Kevin at Ka-te? Yung mga naging ka-close ko dun sa camp na nagkariran na pala. After the camp eh umakyat ako ng Baguio kasama si Kevin. Kasalukuyang nasa Mindoro si Jebren at nagsusuga ng mga tamaraw. Nung nalaman nyang nasa Baguio ako, lumuwas ang lolo mo at sumunod sa bundok ng everlasting at strawberry. Haba ng hair! Out of town getaway ang drama namin.

Sobrang symbolical ng pagsunod ni Jebren sa Baguio. Feeling ko eh akmang akma yung "Are you gonna stay with the one who loves you, or are you coming back to the one you love." Nung time na yun eh nagsisimula na kong mag-let go ke Jebren. At nagsisimula naman akong mag-hold on ke Kevin. Kaya hilong hilo lang naman ako kung sinong aasikasuhin ko at tatabihan sa pagtulog. Magsusuga ba ko ng tamaraw, o magho-horseback riding sa Camp John Hay?

After two days, uuwi na si Jebren at ako naman eh torn between wanting to go, and wanting to stay. Luluwas ng Manila si Kevin ng Sabado, uuwi na si Jebren ng Byernes. Pareho nila kong gusto makasabay. Pareho ko silang gustong sabayan. Ang landi ko lang talaga.

Pero shempre, sa bawat pilian, me mas matimbang. Ni hindi ako nahirapang mag-decide, umuwi ako ng Byernes. At nung nasa bus na kami ni Jebren, habang bumoborlogs sha sa byahe at nakasandal ako sa balikat nya, nakangiti ang bakla sabay bulong sa hangin:

"Ikaw ang pinili ko."

Ngayon nga, habang kaharap ko sha sa Superbowl, lumalamon kami ng sangkatutak na dimsum at nag-uumapaw na kanin, at binali ko ang diet ko na um-effort pa ko ng tatlong linggo, parang dam na binuksan lahat ng memories ng baklita. At napangiti na lang ako.

Sha ang pinili ko. Malamang, kung papipiliin ako ngayon, at kaharap ko uli sina Kevin at Jebren, sha pa rin ang gugustuhin ko. Uuwi pa rin ako ng Byernes kasama nya. Pipiliin ko pa rin ang mga sungay ng tamaraw kesa sa horseback riding.

At kahit di ako ang pinili nya, at nagmahal sha ng iba, pwede kong ipagmalaki na minsan sa buhay ko, nung pinapili ako kung kalandian o pagkakaibigan, proudly, masasabi ko na pinili ko ang pagkakaibigan. At tama ang napili ko.

Kaya kahit yun "lang" ang pwedeng maging kami, sapat na yun. Sobrang enough na yun. Kasi, sigurado ako, sa aspetong yun, ako rin ang pipiliin nya.

"Old friend, this is where our happy ending begins. Yes, I'm sure this time that we're gonna win. Welcome back into my life again..."

13 comments:

  1. nobela.... i enjoyed it though.... another interesting character... and i love the ending....

    -Francis

    ReplyDelete
  2. hay, sana maging ganyan din ang ending namin ng "Jebren" ko.huhuhu

    ReplyDelete
  3. how sweet! haha friends over lovers talaga. pero friends naman kasi to na may kilig factor!

    ReplyDelete
  4. swerte talaga ng friends mo sa'yo BM. ang sarap mo siguro kasama. pati sa kama. LOL! joke lang. sana hindi ka na-offend. can't help to miss every single blog. 3 days ago ko lang nakita tong blogsite mo. at araw araw na ko pumupuslit dito sa office para mabasa. buti may access sa station ko.

    ReplyDelete
  5. Ang ganda ng kuwento mo. Hayyy.

    Ito ang paborito kong linya:
    "Uuwi pa rin ako ng Byernes kasama nya. Pipiliin ko pa rin ang mga sungay ng tamaraw kesa sa horseback riding."

    Iba talaga ang alaala, ang nostalgia.

    Kane

    ReplyDelete
  6. It is so nice to see, that in the never ending story of the friend versus the love - once in a while, someone chooses the friend and gets a happy ending. Albeit it's not a "together" ending but a happy ending nonetheless.

    You do have a way of evoking nostalgia even in the most hardened of hearts.

    - Lexie

    PS. Hehehe. Fortunately I'm not driving home. Otherwise I'll get another ticket for speeding! But thanks!

    ReplyDelete
  7. ayos. ako hindi ko alam. hindi ko alam kung mapipili ko ba ang mga kaibigan kesa love. pero sabagay love mo din naman sha.

    ReplyDelete
  8. Hi teh! wla pko dito sa part nto pro di ko mapigilang mag comment. i wanna thank you teh for making my days happy pag nababasa ko blog mo. Nkaka tanggal depression, im currently working dito sa cruise ship and kalowka nkaka homesick. well k relate ako sa mga adventures mo. isa akong badet n pa gurl n ang alam ng mga utash dito eh girl talaga ako.hehe

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. ang ganda! gusto ko ung part na binulong sa hangin.

    ReplyDelete
  11. hindi tayo magkakilala at naligaw lang ako sa blogs mo..pero sobrang nagustuhan ko ang kuwento mo...i love everything about it..from the choice of words to the presentation hanggang matapos...congatulations!

    ReplyDelete
  12. Old friend, this is where our happy ending begins. Yes, I'm sure this time that we're gonna win. Welcome back into my life again..."

    one of my fav song..thanx

    the cure

    ReplyDelete
  13. I am currently reading your blog starting from the oldest and up to this point and so far the rose tan thing and the holdapper look and the titiliang badetchina, te apir tayo dyan!

    ReplyDelete