I have 7 photos in my hand, but only one of you will stay. So who goes home? I will tally the votes. (Paghalu-haluin natin lahat ng reality show!)
Canton Boys. Collectively, you are a great bunch. May kusa, may angas, may landi, may mejo gwapo, may tagilid, may sablay sa banga. Masarap kayong kainuman lalo na pag kayo ang gumagastos (mga kalahating beses nang nangyari yan). Panalo rin kayo sa swimming, kasi kahit walo kasya sa traysikel at go pa rin kahit sa Antipolo. Pero marami sa inyo ang umaambisyon na mag-celebrate ng Father's Day ng ganito kaaga. Spell kabuwanan at kabilugan ng tyanenat?!
Dinong, Harold, Jobert, Junior, Ikong, Ivan, Kiko, Tisoy, at kayong lahat ng mga talubata na Canton lang ang katapat, I'm sorry. The tribe has spoken. You have been eliminated from the race.
Marvin. Isa kang kembang na nagkatawang tao. Isa kang buhay na libido. Isa kang walking phallic symbol. Hindi ka na lumevel up. In fairness willing kang lumipad from Taguig to Anonas. Willing ka ring kumembang for a price. At willing kang mag-iloveyou kahit hanggang bibig lang. Di umaabot sa mata. Walang attachment. Walang emotions. Walang meaning. Just steamy, hot, meaningless sex. Lagi mo pang kasama ang sidekick mong si Hiroto na wala namang ginagawa kundi mag-jekjek habang nagkekembangan tayo sa kwarto.
Marvin and Hiroto, you're the last team to arrive. I'm sorry to tell you you've both been eliminated from the race.
"Di naman ako kasali ah. Sinamahan ko lang si Marvin" - Hiroto.
"Eliminated ka na rin kahit di ka kasali. Wag ka nang umapela. Wala kang right to suffrage."
Jepoy. Dati maxx na pula lang ang nginangata mo. Ngayon ata bakal na. In fairness, sa panahong wala ka sa piling ko, productive kang nilalang at nagawa mong maging lalong katakamtakam, kahalihalina at kabighabighani. Sinong magaakala na mula sa pagiging tambay, isa ka na ngayong Bikini Open amateur at umeekstra ka pa sa Momay, Mamarazzi at Pangarap kong jackpot. Binugbog mo pa si Bernard Palanca! Leveling ka na talaga. Me profile pic ka pa sa FB na naka-brip na katiting ka lang, at me pakpak ka pang kumukuti kutitap. Ikaw na ang may wings na shiny shimmery splendid! Gusto ko sana dyan ka lang muna sa side dahil baka sakaling sumikat ka. Masabi ko man lang na nagka-bowa ako ng artista. Kaso mukhang matatagalan pa. Mukhang iba ang habol sayo ng manager mo. Hindi komisyon kundi nutrisyon. Si manager kelangan ng protina.
Jepoy, you are wholesome, sexy and hot. Unfortunately, I'm not. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.
Magic. Standing before me is a boy who's so magical. Kahit mejo kinulang ka sa height, bumawi ka naman sa karakas na pang-gwapings, karisma na pang-pabling, at tutoot na pang-harabas. Winerva naman talaga ang makembot mo. Impernes nung huling kembangan natin, di ka lang talaga pampamilya, pang sports ka pa! Pinuno mo ng mga sundalo at tangke ang battlefield ko. Pinuno mo ng mga scud missiles ang nuclear plant ko. Pinuno mo ng mga suicide bomber ang teritoryo ko. Pero di ka na siguro magbabago. Lagi nang kakabit ng mahika sa pangalan mo ang isang bungkos ng mga bekimon na malamang eh nakasama mo nang naglabas-masok sa pink rabbit hole.
Magic, the tribe has spoken. Pack your bags and leave the mansion. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.
Jonel. Mahal. Wabyu boy. Nung una di ko maintindihan kung anu yung wabyu, jejespeak pala sa iloveu.Nun nagets ko na, kinilig na ko bigla. Di ka kasinggwapo ng lahat ng karir ko. Ikaw pa nga yung pinakawirdo kasi kulang ang kilay mo, para kang napagtripan ni Edward Scissorhands. Para ka ring biktima ng runaway razor ni Mang Kanor. Pag kine-claim ko na hawig mo si Jake Cuenca, walang naniniwala sa kin. Pero sa lahat naman, ikaw na siguro ang pinaka-ideal. Long courtship ito. Yung "malapit na" na pinangako mo sa kin 1 1/2 years ago, hanggang ngayon malayo pa rin. Pero kung meron mang nadevelop, sure ako ikaw rin yon. Inch by inch, mile by mile ang drama natin. Sa bandang huli lumipat din ako ng di ka kasama. Ikaw pa rin ang Ace of Hearts. Ako pa rin ang Queen of Hearts. Kaso lucky nine ang laro.
Jonel, mahal ko, nainip na ang tribo. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.
Pa. Totong. Payat. Ikaw na siguro ang pinakaimportante at pinakamahalaga sa kin jan sa iskwater. You made living by myself fun and bearable, even comforting at times. Di ko naramdaman na nasa lupain na ni Uncle Sam si Bibiana kasi anjan ka. Dati. Dahil sa Aswang, at dahil tama lang naman na sha ang piliin mo, kineri ko ring magmove on ulit. Pasulpot sulpot ka pa rin sa buhay at bahay ko.
Kahit nag-iwasan tayo ng isang buwan dahil trip kong mag-inarte, di ka rin nakatiis. Dinalaw mo ako sa pink na haus at nagsalo tayo sa picha pie ni Jeng Jeng. Impernes ikaw nagbayad. Kahit nung aalis na ko sa iskwater, trak mo ang gamit ko. Ayaw mo kong payagan na ilagay na lang sa paper bags ang sofa at ref ko. Ayaw mo rin akong payagan na mag-MRT na lang sa paghakot ng mga gamit ko. At sa tulong ng trak mo, nahakot ko naman lahat. Tumirik nga lang kami sa gitna ng EDSA, at tinulak nila ang trak habang nakaupo ako sa sofa ala Prinsesa ng Basura. At nung unang gabi ko sa BBB (bahay na baby blue) as expected, ikaw na uli ang lalaki sa panaginip ko.
Pa, sa panaginip ka na lang uli. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.
Budwire. Ikaw ay nagbalik, at mula kong nasilayan. Nagulantang na lang ako ng dumungaw ang panalo mong mukha sa bahay. Natuyot na ba ang lupa sa Quezon? Nagsawa ka na ba sa farmville? Bat di mo try magplants vs. zombies? In fairness di na ko na-starstruck nung nakita kita. Nun una di pa ko makapaniwala, pero nung dinutdot ko yung peklat mo sa kamay at tinanong kita kung napano yun, sabi mo "Nasabit sa budwire" ayun, nayakap kita bigla sabay sabing "Ikaw nga yan! You're back Daduds!"
And then, I realized. Ikaw nga talaga yan. Ang tanong gusto ko bang magka-budwire uli ang buhay ko? Ayoko nang magsupply ng kakanin. Ayoko nang isulat ang mga bloopers mo at di mo pa rin napapansin kahit kaharap lang kita. Ayoko nang magduda kung ikaw ba talaga ang ka-text ko o hindi. Ayoko nang i-decipher kung anu ba talagang meaning ng mga jeje-text at jeje-speak messages mo. Ayoko nang malulong na naman sa kandungan mo, at magpakalunod na naman sa tequila pag nagtanim ka uli ng rootcrops. Ayoko nang magdildil ng HongKong style stirfried noodles na may teriyaki beef toppings. Ayoko nang mabuhay ng nag-aalangan kung asawa mo ba yun, ate, nanay o girlfriend. Ayoko na.
Budwire, you are the weakest link. Goodbye.
Naka-paper bag na lahat ng gamit ko. Nakasukbit na ang shoulder bag ko. Nakaponytail na rin ang buhok ko. At nakasunblock na rin ako. Handang handa nang gumora, reding-ready na sa panibagong yugto ng buhay-bakla. A fork in the road. As I pack my things and leave, there would be times when I would look back and wonder what might have been. Had I stayed, who could've won the race?
I will never know. One thing is for sure... San man ako makarating, maging sino o ano man ako, I would never be able to fully say goodbye. A part of me would always stay. After all, iskwater is still, and will always be... the suburbs.
bagong bahay, bagong buhay, bagong pakikipagsalaparan. goodluck BM :)
ReplyDeletenew house na sa blue at di na pink. andaming na-eliminate ah. more stories.
ReplyDeletepalakpakan!!!!
ReplyDeleteGood luck sa bagong buhay BM..Aabangan namin ang next chapter ng buhay mo.. :)
dramarama ka talaga lately BM. but its ok. and i think most of us understand.
ReplyDeleteumagang kay ganda na teh. go get them!
winner!!! go go go!!! =D
ReplyDeleteAng husay mo talaga! :P
ReplyDeletewinner talaga 'te....teka sinong nanalo?
ReplyDeleteparang naluluha naman ako ng slight. narealize ko antagal ko na palang nagbabasa dito. mamimiss ko din sila pero tama lang na ilet go na sila.
ReplyDeleteto the next adventure! cheers amiga!
bagong bahay..
ReplyDeletebagong buhay..
exciting to..
sa totoo lang nagbabasa ako sa blog mo dahil sa kwentong skwater, dahil galing rin akong skwater, ngayon nanghihinayang at ma-miss ko rin ang mga karakter sa blog mo at ang bahay na fink..di ko alam kung ganon pa rin ba kasaya ang mga kwento at ang mga bagong karakter, sana-sana...sa bagong yugto ng buhay mo..anjan parin ang kwnetong skwater na hinahanap-hanap ko ..
ReplyDeletethe cure
very well said. nakaka miss ang mga churva mo sa BNP! gud lack sa BBB! =)
ReplyDeletegoodluck!!... ayun talaga..
ReplyDeletemore iskwater stories beki....
ReplyDeleteHello!
ReplyDeleteI'm interested with your blog! Would you like to exchange link with my site?
Here:
http://tvseriescraze.blogspot.com
Feel free to visit it and leave a comment! Thanks! C",)
ano po yan? bikini competition? ;-]
ReplyDeletewho is the sole survivor mare?
ReplyDelete