Di na sha masikip...
Di na sha mabaho...
Di na sha maputik...
Di na sha mainit...
Di na rin kasi sha iskwater...
I moved out na... Pero di ko pa kaya mag-move on...
Wala nang babati sa kin ng good morning tuwing uuwi ako sa pagko-kolgurl. Mga matandang sweet na di pa nagtu-toothbrush...
Wala nang mga kabataan na makikiinom pagkatapos nila mag-DOTA. Nakakauhaw ba mag-DOTA?!
Wala nang mga apo at pamangkin na kupal... Na inuubos ang chocolate ko sa ref nang walang paalam!
Wala nang Yaya Pancha na mahilig bumale kahit wala pang araw ng sahod... Kasi mapuputol na yung meralco nila.
Wala nang Baby Desiree na lagi akong sinasalubong ng yakap at kiss kahit hanggang tuhod ko lang sha at malaki pa yung stuffed toy na Minnie Mouse na binigay ko sa kanya.
Wala nang Baby Clarence na laging umiiyak pag nakikita ako pero gustong gusto naman tumambay sa bahay katabi si RR, my stuffed toy na ambigous ang pagka-stuffed toy.
Wala nang mga tambay na maraming bloopers, tulad ng stop toy -- kasi daw di gumagalaw kaya naka-stop. Kaloka!
Wala nang mga hahabol sa snatcher na napadpad sa iskwater. Na-feature pa sila sa Saksi at RatedK. Sikat!
Wala nang mga pamangkin na tutulong sa pag-encode ng thesis ko, ng homework ko, ng project ko, ng focus questions ko, ng narrative report ko, at ng lahat ng bagay na tinatamad akong i-type.
Wala nang Ambo na hindi makauwi kasi walang pamasahe hehehe... At wala ring pampasok sa trabaho kasi wala pa ring pamasahe! Makakadalaw naman sha, effort nga lang.
Wala nang Kuya Noel at Ate Jem na pwede kong utangan ng kahit na ano, mula itlog hanggang sterilized milk at yogurt stick. Sukang tindahan indeed!
Wala nang Canton Boys na mahilig sa Canton, redhorse, at PSP. Wala na rin ang rasyon ko ng dairy products at nata de coco.
Wala nang Baby Magic na magaling palang kumembang, at nagrequest pa na mag-ahit ako ng dibdib para may madede daw sha. Nag-ahit naman ako hihihi!
Wala nang Tatay Jepoy na mahilig magrequest ng nilagang baboy at chocolates... Wala na ring palitan ng max na pula. Ay, pupunta daw sha dito sa bahay na baby blue para may kayakap ako sa pagtulog...
Wala nang Jonel na mahilig mag-wabyu sa text. May daily supply of kilig and pa-sweet. Wala nang palihim na kiss sa lips pag lalabas na sha ng pinto. Wala na ring palihim na kiss pag nakahiga na ko sa kama at uuwi na sha.
Wala nang Totong, Payat, Pa... sabagay dati pa naman shang wala, recurring guest na lang. At dahil wala na ko sa iskwater, balik na sha sa panaginip ko nung unang gabi ko sa BBB (Bahay na Baby Blue). Pababa daw kami ng MRT pero maraming beses ko nang na-swipe yung mrt card, pagliko ko ng hagdan eh me turnstile na naman, swipe uli, turnstile uli, swipe uli... Hanggang sa tuluyan na nya kong iwan.
Wala na ko sa iskwater. Hay!
Moving on starts when you said your goodbye.
ReplyDeletenakaka-uhaw nga mag DOTA. LOL
ReplyDeleteito ang itinuro sa akin ng mga nakatatandang bloggers na paraan ng pagpapasaya..
ReplyDeletekaya gagawin ko sayo para mapasaya ka..
*hugs*
napapakanta ko ng: someone's always saying goodbye. i believe it hurts when we cry. don't we know parting's never so easy...
ReplyDeletei feel u DB. pero kaya mo yan. at tulad ni jason...
HUUUGS!!!
gusto din sana kita i-hug yun nga lang baka kilabutan ka sakin dahil prehas tyo girl.. hihihi (^_^) pa hug nadin *hugs*
ReplyDeletemahirap yan. lalo't sobrang punong-puno yung blog mo about them. kahit hindi naman ako yung aalis, feeling ko mamimiss ko sila. :c
ReplyDeletemamimiss ko rin ang bahay na pink pati na rin ang mga boys mo mare jejeje
ReplyDelete