11.18.2010

Minsan

Kakaiba talaga ang ambiance sa Iskwater kapag Eleksyon. As in. Buhay na buhay, aktibong aktibo, festive na festive. Akala mo eh Fiestang Bayan, in fairness sa Pandacan meron talagang banda ng musiko at mga ati-atihan. Pero ditey sa Iskwala Lumpur, simple lang. Bahay-bahay, kamay-kamay, tagay-tagay.

In full support talaga ang BM kay Payat. Mega gawa ng layout para sa tarpolin, mega iskemperdoo ng mga panukala at programang pangkabaklaan, este pangkabuhayan, mega kemerlou ng islogan na pangmasa at pang-showtime, at mega pili ng picthurakka na pang-politician.

Pero sa totoo lang kabado ako.

Three months ago, bago ko pa maisipang lumipat ng balur at hayaang magpasasa sa masarap kong dugo ang mga pokpok na lamok ni Aling Sonya, kasalukuyang nagkukuyangyangan kami ni Magic nang bigla kong ma-realize na waley na pala aketch suplay ng condominic ochoa. Lumabas ang bakla para bumaysung (bumili, shungaks!) sa may mini-stop. Pagbalik ko sa Iskwala Lumpur eh nasa labasan pala sa junk shop si Payat.

"Pa! Anung ginagawa mo jan?" tanong ko ke Payat. Pasimpleng ibinulsa ko ang condomelya.
"Wala kwentuhan lang." Kasama nya si E.T., ang pambansang alien ng Iskwater.
"Malamok jan, baka ma-dengue ka. Dun kaya kayo sa may ilaw."
"San ka galing? Punta ko dun ha. May tsibog ba dun?" ask ng payat.
"Ay, wala eh. Mamaya labas ako uli bili na lang tayo." Baka abutan pa si Magic, mahirap na.
"Wag na pala, uuwi na rin ako. Oi Ma, suportahan mo ko ha. Kaw campaign manager ko."
"Kiss muna." Kiss naman ang Payat. "Itutuloy mo pala ung pagtakbo ng tatay mo?"
"Oo, laban ni Erpat to."

Si Tataboy kasi, balak talagang shumokbo nun sa Barangay. Kaya kuntodo pamigay ng Christmas gift pack ang Pamilya Salamat sa buong Iskwater tuwing Kapaskuhan. For two years at pangatlo na sana this yearlaloo, bobongga sila ng grocery showcase kaso nga, na-tegi onor si lolo Erpat. Ipagpapatuloy ni Pa ang magandang nasimulan ng kanyang ama. Hmmm... pwedeng plataporma yun ah... pang-islogan!

Witchiririt ko naman sineryoso ang talkies na yun ni Pa. Malaybalay ketch naman na di pala yun joke time davah? Basta nung lumipat akeiwa, wit ko na nalaman kung aneklaboo ba ang plano ni Payat. Kaya nung ma-dengue ang bakla, at magbalik ang beauty kez sa Isakwala Lumpur, loka moment akesh nung makita ko ang namesung ni Payat sa pader: Vote Totong for Kagawad. Pak!

It's been a roller coaster ride after that. Char! Wala namang eksena gano! Eh hapon na gumigising c gago para mangampanya. Tapos pag naglakad na sha sa hapon, mag-isa lang. Wala pang kasama kung lumakad, mag-isa lang na kumakatok sa mga constituents (nakanam!) nya at nakikipag shake hands. Sa gabi naman, kagawad lasenggo ang drama ng lolo mo kasi lahat ng inuman, mag-aambag yan at makikitagay.

After din ng mga inumang yun, bonding kami sa hagdan o sa kwarto. Hindi na ko kinakatok ng aswang kasi pumayag na sha na during the kampanya eh sa kin, I mean sa bahay namin, I mean sa bahay ni Mami nya muna sha uuwi. Nung minsan pa habang nagkukwentuhan kami eh sumilip si Mami nya.

"Oh bat di pa kayo natutulog?" ask ni Mudra nya.
"Nagpapaantok lang 'mmy."

Pet name namin pareho sa mga mudra namin, wala yung "ma" sa "Mommy" Kwentuhan, update, asaran. Eto na naman po sa mga biglang Q&A si Totong at mega deliver ng question of the day na:

"Mmy, di ba legal naman kami sayo?" sabay turo sa aming dalawa. Muntik na kong magpagulong pababa ng hagdan mula fifth floor. Si Mami naman nya, napangiti lang sabay sagot ng... Ewan! Di ko na maalala kasi ang exact na ginawa ko nung tanungin nya ang mudra nya eh ngumanga, manlaki ang mata, kiligin ang bawat DNA strand sa katawan, at matulala lahat ng neuron at nerve ending.

Nung araw ng eleksyon, nagpunta pa ko sa Batangas at nagpahilot ng matres. Baliktad daw kasi ang bahay bata ko, kaya hinilot para makabuo na ko ng kabute -- an entirely different story. Anyhoo, pagkagaling ketch ng Jutangas, juwetiks na keiwa at derecho na sa Kalantyaw, ang aking butihing alma mater de elementarya. Half ng "campus" eh puro damo at puno na, venue para sa airsoft ng mga taong hilig magpaputok at maputukan.

Samu't sari talaga ang kaeksenahan sa eleksyon ditey. Yung mga worker, isang daan lang ang sahod. Mga senior citizen pa! Mamimigay lang ng pulyetos (pamphlet ata yun sa english?!) tsaka magbubulong ng name ng kandidato nila. Lahat ng kolorum na traysikel, boom na boom sa tarpaulin na ginawa nilang trapal. Impernes, walang bilihan ng boto na lantaran at kapalan ng mukha. Kuntento na sila sa tanghalian na adobong mantika.

Churi ka, me canvassing station pa kaming nalalaman! Mega setup ng ganung kembot si byenang mudra ni payat. Ang mga watcher, mabisa. Bawat poll precint na matapos ang bilangan at maging official ang number of votes, pak! Shokbo agad sa booth namenchi at mega tally kami ng votes. So far, so sad... Yun ibang precint naglalaro sa ten to twenty ang boto nya. Yun iba pa kamo, 3 to 5 lang.

Dehado. Tagilid. Omalabs. Mga adjectives na hindi mo iwi-wish na marinig sa mga tao kung tungkol yun sa betinola mong kandidato. At sa totoo lang ateng, medjo yun din ang adjective na naiisip ko. Me Pulse Asia Survey pa sa Iskwater, nasa pang-siyam ang lolo mo out of sampu na nag-aambisyon. Impernes, si Ate Minda na mudra ni Magic, panlima. Pasok sa banga!

Umuwi muna akeiwa para sana magpahinga at maligo. Maya-maya eh kumatok ang lolo mo. Sumunod pala, shower din daw sha. Eh open na open yung 5th floor, pinaakyat muna ako kasi dun sha liligo. Bantayan ko daw baka may pumasok. Parang shunga lang eh. Gawin pa kong bantatay. Kaya habang nagbabawas sha ng libag (at ng timbang) eh andun ako sa may table at nanginginain ng butong pakwan habang nagchichikahan kami.

Nagbawas lang siguro ng stress ang lolo mo. Bilangan na ng boto eh. Kabado rin siguro si Mokong kasi nga ayon sa survey eh malabo ang eksena nya. Kaya nung pababa na kami, bago kami bumalik sa Kalantyaw, sumilip muna sha sa kwarto ng tatay nya. "Daddy ikaw na bahala ah. Lam mong para sayo to."

Duwang presinto na lang. Yun ang pinaka-shugal bilangin kasi presinto yun ng mga taga Iskwater. Ning, sa 3k na botante ba naman ng barangay, 1k dun eh taga Iskwala Lumpur. Maloka ka! Kaya pag buong populasyon ng Iskwater namin eh mega vote wisely kay Pa, plangak na! Eh kaso mo maraming daot at buraot ditembang.

Nung ma-kyopos na ang kambas ng mga boto dun sa presinto ng bunso nyang shupatembang, mega enter kami sa excel sheet. Ang siste kasi eh me prediction at probability at estimate kembot pang nalalaman na mga what if what if nung nagtatype. Wiz, kahit bigyan namin ng 50 votes each yung mga nangunguna, aabot pa rin sa kangkungan ang score ng lolo mo.

Eto na, arrival ek-ek na ang panganay na ate, bitbit ang susi ng kinabukasan ng Barangay Bagumbuhay. Pak! Tinally ang mga boto ng lahat ng kandidato, mega sort from highest to lowest according to the number of vottes... Pigil hininga talaga ang bakla, maduling-duling na ko kakatitig sa monitor ng "laughtough" ng aswang.

Pak! Number 6! Sigawan talaga kaming lahat ng mga supporters, pati na mga miron, lalong lalo na ang pamilya ni "Kagawad Totong". Nagdiwang ang mga dukha. Pasok sa banga si Payat. Actually, slim chance ang dating: pasok sa flower vase! Naiyak talaga ko sa tuwa. Kasi alam kong gusto talaga nyang manalo para sa tatay nya.

Hanggang sa in-announce formally ang official tally of votes, i-proclaim ang mga winerva, i-present sa madla ang mga bagong public servant, at itaas ang kamay nila ng incumbent na chairman. Official na: politician's mistress. May title na ko!

Since karamihan sa mga tao sa paligid namin eh alam ang history namin ng lolo mo, at pati na nila ng aswang, sandamakmak talaga ang asar na tinamo ng lolo mo.

"Swerte ni BM! First lady!"
"Taray ng kabit, ibinahay na sa Iskwater, ngayon me kwarto pa sa barangay!"
"Si BM na ata asawa, sha ang inuwi sa magulang eh."

Yung mga close friends din ni Payat eh talagang ang aswang na ang inaasar.

"Bat ka ba nagagalit ke BM eh sha naman ang nauna!"
"Oo di ba Xmen palang tayo mag-loveteam na yan eh!"
"This song is dedicated to Kagawad!" sabay kanta ng Kung Malaya Lang Ako.
"Di ka na pwedeng magtinda pare, Kagawad ka na!"

Masaya ko para sa kanya. Pero alam ko pagkatapos ng eleksyon, tapos na rin uli ang role ko sa buhay nya. Muna. Uli. Aba naman, hanggang kelan ba itey?! Sabi nga nung friendship kong borboli... it has become a vicious cycle. Kaya nung matapos ang eleksyon, alam ko na rin, tapos na ang mga nakaw naming sandali. Hiram lang eh. Sinoli ko na. Pano ko nalaman? Nung victory party nya, hindi na ako imbitado.

First lady lang ako sa asaran. Asawa lang sa turing. Kung ako, sha ang daungan ko matapos kong maglayag sa buong araw, ganun din sha sa aswang. Ang aswang ang katig at angkla nya. Ang aswang ang nag-iisang babaeng uuwian nya. Ang aswang ang ipapakilala nya sa barangay. Ang aswang ang ina ng anak nya. Kabit lang ako. Kuntento na ko sa minsan.

13 comments:

  1. hahaha namiss kong makabasa ng ganito! nagising na naman ang bokabularyo ko! mahusay talaga!

    okay na ang minsan kesa sa wala di ba! hehe.

    ReplyDelete
  2. sabi kasi nila, matutuong kumain kung ano lang ang nakahain. kaya ok na yan....pwde na rin. Hintay ka lang kung meron nang transplant para sa matris..im sure sau uuwi si Pa mo.


    PS: nagcomment lang kasi nag special request ka talaga....silent reader lang sana ako. ha ha ha..

    ReplyDelete
  3. natawa naman ako dito... pandacan ka pala... nanalo din tito ko ng kagawad... hmmm pang six si papsi mo diba?... hehehe

    ReplyDelete
  4. kakalungkot ng kwento mo
    gusto kong maiyak

    but i envy your relationship with pa... yun nga lang parang may mali parin sa inyo...

    *seryoso mode habang inaalala ang mga lalaking bumnigo sa akin ng dahil sa mga aswang*

    ReplyDelete
  5. present! dalasan kasi ang pag-post! chos!

    ReplyDelete
  6. ang ganda na ng kwento.

    badtrip sa huli eh.
    bakit di ka kasama sa victory party ????

    grabe naman yun!

    ansama ha.

    pero tama. kainin ang nakahain. tapos. wag nang maghangad kung imposible naman talaga.

    at least natikman mo sya. tapos.

    ReplyDelete
  7. congratulation kay Pa! panalo Pers Lady na si BM...

    ReplyDelete
  8. wahai hai hai hai.......natataWA ako as in tawang tawa ako........

    nung mtatapos na ung kwento moh....

    kc nalaman mong inde ka na nya need kc tapos na.....endu na ang panga-ngaylanganan

    higit sa lahat...inde inin-vite sa victory party...

    dma ko ang pAit ng puwit este pait n iyong nararamdaman....

    dont worry isang servisyo legal lng yan...pak..

    ReplyDelete
  9. "kiligin ang bawat DNA strand sa katawan, at matulala lahat ng neuron at nerve ending"

    Love this line...ahahaha

    I always love reading your posts (pti nrin mga comments ng ibang readers mu)...tho dis is only d 2nd tym n nagcomment aq...request mu ksi ^___^

    Please post more BM...I'll patiently and silently w8 for more...I'm always here to read your post khit anu pa nkasulat.. ^___^

    ReplyDelete
  10. hahahah ganun talaga... iba talaga ang powers ng mga babaylan .... pero at least u and totong still have each other charot

    ReplyDelete
  11. ngayon lang ako nagcomment though matagal na akong lurker. nice entry. i really am amazed on how you love from a distance. pak ka sa banga. pero sana umeksena ka rin. sana nagcrash ka sa partey partey.

    ReplyDelete
  12. may kwento ko sayo.. :( - hoe

    ReplyDelete
  13. I like it!!! grabe..i'm always wanting for more..those lines grabe..ung transition from serious to bembang.haha.kakatuwa talaga.may katuturan kahit nakakatawa.. love it BM!

    ReplyDelete