Habang tumitili ako dahil sa malaking daga na nakikipagpatintero sa kin, bigla akong nawalan ng ganang mag-patotot... anong sinabi ng daga sa magka-holding hands nyong paglalakad? Akala ko ba "malapit na"? Bat sa iba ka lumapit? Madaya ka. Di ka naman kasali sa patintero, bakit feeling ko ako ang balagoong sa gabing ito?!
Naalala nyo pa ba ang post ko about Jonel? Siya yung aking BLMDM -- breakfast slash lunch cum merienda y dinner plus midnight snack. Siya din si "malapit na" at si "napa-oo lang ako". Ito ang The End ng aming kwento.
------------------------------------------
Sa mahigit dalawang taon ko sa Iskwater, mahigit dalawang taon din tayong nagpatintero. Nakasalubong kitaisang madaling araw ng Simbang Gabi. Nakyutan, nilandi. Nakainuman kita Bagong Taon ng 2009. Nakisali ka pa sa "spin the kembot" at doon ko nakita ang lahat-lahat sayo mahal ko.
Naging tayo pa nga nung gabing yun davah? Tapos nung nagkausap tayo sa hagdan, "napa-oo" ka lang pala. Nag-wallow ako baka hindi mo alam. Nag-move on ako after ng isang linggong pakikinig sa Halo at Brokenhearted Girl ni Queen B. Nung redi na kong maglumanding muli, nakainuman kita at dun mo binitawan ang infamous mong linya na "Malapit na..." sabay ngiti na parang binudburan ng Magic Sarap.
Ayun, habang hinihintay ko ang pagdating ng matamis mong oo, ninamnam ko rin muna ang tamis ng oo ng ibang boylets sa Iskwater. Yung oo nila, may kasama pang ungol, halinghing at hingal. Oi itanggi mo man, alam kong alam mo na marami talaga kong kinakalantare habang hinihintay kita. Basta ang rule, pag kasali ka sa inuman, sayo ako.
Sa ganung sistema tayo naging close. Palagong pepot lang ako sa puhunan kong redhorse sayo, pero akalain mo bang lumago na rin ang pantaya ko?
Sa pagdating ni Budwire sa buhay ko, nawala ka rin BLMDM. Di na kita nakasalo sa almusal, tanghalian, merienda, hapunan at midnight snack. Di na kita nakainuman. Di na rin kita nahintay sa "malapit na" mo. Natuto akong umintindi ng isang gwapong jejemon. Pero kahit tuloy ang kembutan namin ng mga selected Canton Boys at ng ilang talubata, di ka na nagpunta sa bahay.
Hanggang sa isang araw eh magkasalubong tayey sa kanto ng junk shop nila Totong. Nakwento ko sayo na may Budwire na ako.
"Asawa mo?" tanong mo pa.
"Bakit selos ka?" buska ko sayo.
"Hehehe. -----." sagot mong pabulong.
"Ano? Bumulong ka na naman jan!" pero me idea na ko anu ba yung bulong mo.
"Konti." sabay ngiti na magpapataob sa Nam Nam ng Kanto Boys.
"Antagal mo kasi eh. Ayan naunahan ka na ng iba." paselos ko. Sana umepek.
"Bakit kasal na ba kayo?" with matching ngising aso at kindat.
"Hmmm... ngayon gaganyan ganyan ka. Kaw na lang kabit ko." kumagat sana.
"Hehehe. Malapit na." sabay talikod at uwi sa kanila. Hanudaw?!
Simula nun, masipag na shang mag-text. Araw araw me daily reminder yan. Kain ka na po. Sleep ka na po. Good morning po. Dinner ka na po. Miss u po. Vitamins ka po. Yubyu... Nung una di ko ma-getz yung yubyu, yun pala jeje-talk for love u... Awwwww... How sweet!
Nagkaron na rin kami ng routine ni Daddy Jonel. Basta pag pupunta sha sa haus, didirecho kami sa kwarto at magki-kiss. Pag me iba shang kasama, sa kwarto lang kami nagki-kiss. Pag pauwi na sha, babalik kami uli sa kwarto para mag-kiss. I guess nahihiya pa rin sha and yun naman ata talaga ang norm sa mga otokis na me gufra mae na badet.
Sa relasyon namin ni Budwire, saling pusa ka lang mahal ko. Saling ketket. Panggulo. Pero ikaw lang ata ang panggulo at ketket na pag nakikita ko, dumadagundong pa rin ang rib cage ko dahil sayo. Kasi di ka man sing gwapo ni Jake Cuenca, at di ka man sing-simpatiko ni Bosing, ikaw pa rin siguro ang pinakaespesyal na saling pusa sa buong mundo.
Kasi kung sa kin salimpusa ka for now... Sayo, patotot ako. Lahat ng linya mo, pwede kong takbuhan. Lahat ng eksena mo, pwede kong tatakan. Kumbaga sa aso, naihian na kita. Namarkahan na kita. At in fairness, ako lang mag-isa. Wala akong ka-agawan base sayo mahal ko.
Nung lumipat ako sa House of Sonya, alam ko nasaktan ka. Hindi mo nalaman na lilipat na pala ko, nakita mo na lang, wala ng gamit sa Bahay na Pink. Aba maagap ka ha, kasi pinsan mo pa ang tumira sa balur kong iniwanan. Pero wala nang ala-ala ang Pink House, pininturahan na nila ng beige at off white ang dingding. Wala na ang kanlungan natin, wala na ang kwartong saksi sa pagya-yubyu mo.
Minsan pa nga, bumisita ako sa Iskwater. Nagluto si Yaya Flora ng sinigang, ipinahatid sa kin yung ulam sa bahay nyo. Nagchikahan pa tayo. Nagkumustahan. Nakikain pa ko sa ulam na dala ko. Tapos after 30 minutes, may kumatok. Si Jepoy, sinusundo na raw ako kasi sa House of Sonya sha matutulog.
Ako na! Ako na talaga! Ako na ang malandi. Sinusundo pa ko ng lalake sa bahay mo. Sorry ha, baka feeling mo ininsulto kita. Ikaw pa naman ang S.O. ko -- secret on! Tapos hinayaan kong yurakan ang pagkalalaki mo ng ganun na lang. Wag kang mag-alala igaganti kita. Mamaya sa bahay, isusubo ko naman ang pagkalalaki nya. Para quits.
Siguro nga kulang ako sa pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamahal sayo. Sabi nga ng Teh ko sa ofis, "Teh, pwede namang magseryoso di ba?" Imagine nga naman, nung nagka-dengue ako dahil sa bionic lamok ni Aling Sonya, ikaw lang ang dumalaw sa kin sa dinami-dami ng lalaking nakembang ko sa Iskwater. Dumalaw rin ang Mudra at Pudra mo, may dala pang nilaga at pochero.
Kinawawa na ba kita? Sa pagpapahalagang ipinakita mo, parang ikaw pa binalagoong ko. Kasi nga anjan ka lang, malapit ka lang. Pag ready ka na, iwe-welcome kita with open arms.
Kaya nung bumalik ako sa Iskwater, confident pa ko. Anjan ka lang. Malapit ka lang. Ikaw siguro yung constant sa buhay ko dito sa Iskwater. Feeling close ako sa pamilya mo, kasali ako sa mga okasyon sa bahay nyo, kabiruan ko nanay at tatay mo, katext ko ang pinsan mo. Sabi mo nga di ba, malapit na... Eh di habang wala pa, kakamot muna ako ng pantal ko. Kuda dito, landi doon, kembang dito, bongkang doon. Kasi nga, malapit ka lang.
Kagabi, naloka ako. Kasalukuyan akong nakikipag-patintero sa walangyang daga sa looban. Ang lintik na daga, ayaw ata akong padaanin. Ni hindi ako makasigaw ng "in!" sa takot na baka tayain ako ng putek na dagis. Pagsulyap ko sa likod ko, me pa-sweet na couple na inaawitan ni Yeng Constantino.... Hawak kamay! Di kita iiwan sa paglakbay. Dito sa mundong walang katiyakan... Hawak kamay di kita bibitawan sa paglalakbay... Sa mundo ng kawalan!
Wit ko pinansin ang couple kasi nga baka mataya ako ng dagang dambuhala. Paglapit ng couple: "May daga?" q&a ng otoko. "Uu anlaki!" sagot ko naman. Pak! Bigla kong nakilala ang boses mo mahal ko. Paglagpas nyo sa kin, dun ko na-realize na ikaw na pala yan. Malapit ka nga, pero dinaanan mo lang ako, at unti-unti ka nang lumakad palayo kasama ang petite na girlfriend mo.
Wala nang kinang ang terror na hatid ng daga. Wala nang takot ang epekto ng habulang-taga namin ni dagis. Biglang-bigla, di na ko scared. Wag shang humara-hara sa dinadaanan ko at baka gawin ko shang pusa bigla.
Nakauwi akong tulala at di makapaniwala. Wala akong nahabol. Wala akong naabutan. Abot kamay na yung hinahabol ko, di ko pa nataga. Ilang round na ako pa rin ang taya. Burot. Buraot. Buset!
Natanggap ko nang may ibang tao ka ng sasabihan ng yubyu. Narealize ko nang sa iba na iikot ang mundo mo, at iba na ang hahalikan mo sa kwarto. Nagets ko nang sa babae na lalapat ang mga labi mo. Nahulaan ko nang mula ngayon, di ka na kailanman lalapit, kasi may iba nang sayo ay kakapit.
Pasensya ka na mahal ko, kung di ako nakuntento. Makapangyarihan kasi ang Bandanang Itim na pinahiram sa kin ng mga taga-Planet Yekok. Nawala ang pilat sa aking mukha. Nawala ang balat sa aking pisngi. Akala ko, sapat nang mahalin kita pag may okasyon at selebrasyon. Akala ko, sakto nang pahalagahan kita pag kasama ka sa inuman. Akala ko, pwede nang maging tayo kahit may iba pa ko. Akala ko, ang ganda ko. Akala ko lalo, babae ako.
Pasensya rin mahal ko kung naging malandi ako. Ayoko kasing magseryoso, baka pag inasahan ko yung pangako mo, ngumalngal uli ako. Ayokong karirin ang paghihintay sayo, kasi baka napa-oo ka lang ulit. Malas ko kasi napa-oo mo rin sha. Malas ko kasi iniwan kita. Malas ko kasi bakla ako, lalaki ka, babae sha.
Malayo ka na. Ayawan na.
bongga....bongga ....bonggang bongga...nadala ako...nadala sa south super highway ng kwentong ito....
ReplyDeleteramdam kita bm...dhil naramdaman ko rin ito...ouch.....
"Malas ko kasi bakla ako, lalaki ka, babae sha."
ReplyDeleteTeh, kkanthan nlng kita...
It's okay be gay, let's rejoice with the boys in the gay way
Hooray for the kind of man that you will find in the gay way
i like the new lay out.... :)
ReplyDeleteat ang new cover picture...
the blue eyes of BM... winerva!!!
cute ng bagong theme mo BM! lalaking lalaki... :P
ReplyDeleteganda BM. me haplos tapos kurot tapos haplos ulit. ang pino ng pagkakahabi. smooth as silk ika nga. and so sincere. and so empathetic. yun yun cguro kaya wapak na wapak. loved it and thanks BM. some of the best things are just really free.
ReplyDeleteesf
mare yung hair mo sobrang haba.. nagkalat sa sahig...
ReplyDeletewag ka na malungkot... ikaw na ang laging kabembang... ikaw na ang madaming otoko... isa lang naman siya sa mga kinalantari mo... sorry for the word :)
iinom na lang natin yan heheheh
kinurot-kurot naman ang heart ko dito...
ReplyDeletefirst time ko mgcomment dito pero dati na akong reader mo. napino kasi ang dati ko nang durog na puso sa mga linyang binitawan mo. kumbaga sa asukal, refine na. i feel for u BM. sana magaing ok ka na.
ReplyDeletenice.....
ReplyDeletekeep it up...
life goes on...
gays will be gays...
lol...
May kurot. Chos!
ReplyDelete..lupet!!! natuwa ako sa story...
ReplyDelete"Malas ko kasi bakla ako, lalaki ka, babae sha."
ReplyDeleteThe most epic line in this whole blog. Naiyak naman ako dito teh.
Brava, Brava, Brava!!!