3.25.2010

Vetus Amicus

"Old friend, it's so nice to feel you hold me again. Though it doesn't matter where you have been, my heart welcomes you back home again..."

Bisi-bisihan ang baklita sa paghahanap ng ikayayaman. Hay naku give up na ang cauliflower ko sa thesis na yan lenshak talaga. Kasi ba naman paulit-ulit na ko sa chapter 1. Yung iba nire-revise lang pero pwede ka naman mag-move forward sa next chapter. Ay ako ning, rejection galore ang drama ni Ginang Adviser, talagang ayaw ako patapusin.

Pag natatanong naman akeiwa anik anik ba ang problema sa gawa ko, ang sinasabi eh "attitude". Teh, me attitude problem naman talaga ko. Pero as far as my thesis and I are concerned, ning walang kinalaman si Mareng Attitude ke Pareng Thesis. Kaya wit na muna, pahinga this summer. Pagagandahin ko ng bonggang bongga para wala na shang masabi. Kahit maging kasingkapal pa ng encyclopedia brittanica at umabot na ng pasifika at atlantika ang resources ko. Aabutin ko ang pangarap kong ulap at himpapawid.

Kaya ayun, inaasikaso ko muna yung isa ko pang pangarap: magkaroon ng kabuhayan showcase na pinkaloo. Gora ang bakla sa St. Francis Square sa may batok ng Mega Mall. Mitetang kami ng old friend kong si Jebren.

Nung nagkita kami eh talaga nga namang kasya ang hanger sa bibig ng baklita. Kilig na kilig lang ang gumamela ko. Habang naglalakad sa Mega Mall eh hinagip ko yung kamay nya at naglakad kami ng magka-holding hands, naghahanap ng makakainan. Hay naku, titigan na kami ng madlang pipol, wa ko care. Kasi, nung unang panahon na litong lito ang puso ko... sha ang pinili ko.

(Cue music para sa flashback scenes) Tininininining...

Nung college, sobrang kapokpokan ko lang talaga kaya mega sali aketch sa cheerleading kyorbam ng Psych Dept. Halos buong section namin ata kasali. Flyers ang maliliit na borboli gang (tibo), dancers ang mga gorgeous na beki, lifters ang mga cute na mukhang pugante na 2nd year at 3rd year. Shempre praktis hanggang may hininga para naman manalo. Mahirap na baka mabugahan kami ng apoy ng dragona.

Dun ko nakilala si Jebren. Laking Mindoro ang lolo mo. Sila yung 3rd year nung 4th year na kami. Wow parang teeny-bopper ang drama ko ngayon. Anyway, kakabuhat ng mga pata ng mga cheerleaders, kakatumbling at kakapraktis eh naging close kami ni Jebren. As usual si bakla, vulnerable sa mabuting pakita ng lulurki kaya pati sa tropa nainlab. Jebren is the fourth on what would become a long list of my future heartaches.

Ning, nagpaka-yaya ko jan ke Tamaraw. Isinali sha ng department namin sa Mr. PNU kasi nga shala-shalahan naman ang karakas ng Tamaraw ko. Sha yung representative, ako yung PA. Yaya galore talaga ito, kumpleto with apron, hairnet at bandana sa ulo. Idagdag mo na ang feather duster at floor mop. Kasi nga kelangan nya ng julalay.

Ako ang nanghiram ng barong nyang blue, ako ang bumili ng casual attire nyang polo. Kami ang nagturo ng sayaw nya para sa talent portion. Itodo na natin! Isa ako sa back-up dancers nya! Ganun ako ka-alaga. Kung starstruck yun teh, malamang sha na ang ultimate survivor.

Ang pinaka-iniyakan ko talaga eh nung maputikan ang sapatos nya. Habang nakatayo sha at nakatuwad ako na nagpupunas at nagpapakintab ng sapatos nya, pagtingala ko, eh nasa tabi na pala nya ang hitad nyang girlfriend at hinahalik-halikan sha, wishing him luck. Nagmala-Juday na lang ang mga luha ko na kusang tumulo sa sapatos nya. Sa gilid lang ng mata, tatlong patak lang. Hay si bakla, basta sa lovelife talaga, dinaig pa ang Gomburza!

Nanalo naman sha, first runner up. At nag-celebrate kami sa bahay nila, kasama shempre si dyowa na ansarap isangkutsa sa repolyo at baguio beans. Pero dahil mahal ako ni Inang Karmi (as in karma), nabukelya nya si bilat na me ibang dyowa dyowaan pa pala kaya how could an angel break my heart ang naging theme song nya, at to the rescue shempre ang bakla. Lalo kaming naging close.

Nung college eh mahilig kaming magpunta sa Padi's. Winner kasi yung isa naming tropa na tagahawak ng family budget nila na padala ng mudra nya from London. Si Mareng Mitch, ang manager ng tropa. Kahit 20 pesos lang eh nakakapag-bar hopping kami, overnight pa sa Bulacan, dun na rin nagta-type ng mga project at mga research, pati print sagot na rin nya. Lahat ng mga lakad na yun, kasali ang lolo mo. Dahil jan, nagpauso kaming mga hurindat: pasahang yelo. Mwahahahaha!

At dun naganap ang first kiss namin.

Nung minsan na nag-overnight kami sa haus nila Mitch the manager, me kalokohan pa kaming eksena na dilim-diliman at disco-discohan. Me mga strobelights pang chorvah para me effects naman sa paggiling. Sayaw darling pa ata ang tugtog namin nun, kaya mega sayaw naman kami ni Darling Tamaraw. Me naaninaw pa kong dalawang sungki na naghahalikan sa gilid ng kwarto. Bigla tuloy akong nag-panic at hinagip ang kamay ni Jebren. Buti hindi naman pala sha yung nakikipag-liptsuktsakan.

Sayaw, inom ng ginpomelo, giling, tagay ng gin-tanduay, kembot, tungga ng gin-tubig... Hanggang sa magsisabog na rin ang mga atay ng tropa.

Senglot na senglot lang akeiwa sa kakanomo, kaya nung bumorlogs eh wala na kong matandaan. Basta hilong hilo na ang diwa ko, ultimo lumandi eh di ko na magawa. Pero impernes,winner ang borlogs ko nun, talagang feeling ko eh dinuduyan ako sa alapaap ng kalandian. Basta mahimbing at malalim ang hilik ng baklita.

Pagmulat ng mata ko, sabay ring nagmulat ng mata si Jebren. Magkahawak pa ang kamay namin, magkabuhol ang mga hita, magkadikit ang mga noo. Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-init ang mga pisngi ko at naranasan ko kung pano mag-blush. Saya pala nun. Napansin ko namula rin yung mukha ng lolo mo. At nung akmang kakalas sha eh umeksena na ko.

"Wag ka nang kumalas. Let's just enjoy the moment." Sabay pikit uli, hawak sa kamay at dikit ng noo. I guess pumikit rin sha, kasi nakatulog ako uli, at paggising ko eh magka-holding hands at magkadantay pa rin kami. Kung gano kalapit ang mukha ko sa mukha nya nung mga oras na yun, ganun din siguro kalapit ang puso ko sa puso nya. Bilang kaibigan.

After graduation, um-attend ako ng youth camp sa Cavite. Remember Kevin at Ka-te? Yung mga naging ka-close ko dun sa camp na nagkariran na pala. After the camp eh umakyat ako ng Baguio kasama si Kevin. Kasalukuyang nasa Mindoro si Jebren at nagsusuga ng mga tamaraw. Nung nalaman nyang nasa Baguio ako, lumuwas ang lolo mo at sumunod sa bundok ng everlasting at strawberry. Haba ng hair! Out of town getaway ang drama namin.

Sobrang symbolical ng pagsunod ni Jebren sa Baguio. Feeling ko eh akmang akma yung "Are you gonna stay with the one who loves you, or are you coming back to the one you love." Nung time na yun eh nagsisimula na kong mag-let go ke Jebren. At nagsisimula naman akong mag-hold on ke Kevin. Kaya hilong hilo lang naman ako kung sinong aasikasuhin ko at tatabihan sa pagtulog. Magsusuga ba ko ng tamaraw, o magho-horseback riding sa Camp John Hay?

After two days, uuwi na si Jebren at ako naman eh torn between wanting to go, and wanting to stay. Luluwas ng Manila si Kevin ng Sabado, uuwi na si Jebren ng Byernes. Pareho nila kong gusto makasabay. Pareho ko silang gustong sabayan. Ang landi ko lang talaga.

Pero shempre, sa bawat pilian, me mas matimbang. Ni hindi ako nahirapang mag-decide, umuwi ako ng Byernes. At nung nasa bus na kami ni Jebren, habang bumoborlogs sha sa byahe at nakasandal ako sa balikat nya, nakangiti ang bakla sabay bulong sa hangin:

"Ikaw ang pinili ko."

Ngayon nga, habang kaharap ko sha sa Superbowl, lumalamon kami ng sangkatutak na dimsum at nag-uumapaw na kanin, at binali ko ang diet ko na um-effort pa ko ng tatlong linggo, parang dam na binuksan lahat ng memories ng baklita. At napangiti na lang ako.

Sha ang pinili ko. Malamang, kung papipiliin ako ngayon, at kaharap ko uli sina Kevin at Jebren, sha pa rin ang gugustuhin ko. Uuwi pa rin ako ng Byernes kasama nya. Pipiliin ko pa rin ang mga sungay ng tamaraw kesa sa horseback riding.

At kahit di ako ang pinili nya, at nagmahal sha ng iba, pwede kong ipagmalaki na minsan sa buhay ko, nung pinapili ako kung kalandian o pagkakaibigan, proudly, masasabi ko na pinili ko ang pagkakaibigan. At tama ang napili ko.

Kaya kahit yun "lang" ang pwedeng maging kami, sapat na yun. Sobrang enough na yun. Kasi, sigurado ako, sa aspetong yun, ako rin ang pipiliin nya.

"Old friend, this is where our happy ending begins. Yes, I'm sure this time that we're gonna win. Welcome back into my life again..."

3.18.2010

Chapter Two

Nagkita na ba tayo? Nakita mo na ba ko? Pagkatapos ng isang taon, dumagundong na ang pagtatapos ng unang kabanata. Next level na! Chapter Two na! Pero bago tayo kumembular sa panibagong pakikibakla, pakilala ka muna. Kasi ako, kilala mo na. Malamang sa hindi, nakita mo na ko.

Kung may nakita ka nang baklang balbas-sarado at may mexican-kulot-sa-dulo na bigote, mukhang terorista, kamukha ni Abdul Jakul Janjalani at Abu Bakla, mukhang may bomba sa ilalim ng patilya, at malaki ang tyanenat sa kakainom ng gin pomelo, tequila at redhorse... Tumagay ka kasi nakita mo na ko.

Kung may nakita ka nang baklang nagbabasa habang naglalakad sa mall, may hawak na tagalog romance pocketbook, walang pakialam sa dinaraanan at sa nakakabangga at sa mga kasalubong, tumatawa na mag-isa na parang kinikiliti sa sipit-sipitan... Nagbabasa ang bakla ng nobela ni Rose Tan kaya wag kang humarang sa dinaraanan ko, makibasa ka muna at bumili ng sarili mong kopya. Tapos tumabi ka naman. Swerte mo di kita nabangga, at least nakita mo na ko.

Kung may nakita ka nang baklang nagsusulat sa notebook habang nakasandal sa pinto ng MRT, nakuha pang magsulat kahit siksikan na at cheek-to-cheek na sa pintuan ng tren, parang kinalahig ng isang buong chicken coop ang penmanship, kinikilig habang nagsusulat, minsan nakangisi na parang tsonggo, madalas nakanguso, at kahit ano na lang na papel eh ginagawang scratch paper, minsan pa eh tiket sa bus... Kung di yun gumagawa ng blog eh naglilista ng ginastos sa maghapon. Bigyan mo nga ako ng papel, wag kang madamot. Nakita mo na pala ko di ka pa magkusa. Hihihi!

Kung may nakita ka nang baklang nakatitig sa billboard ni Papa P, tumitili sa concert kahit maton na maton ang boses, at may koleksyon ng Valentino, Coverboys at Chika-chika magazine, tsaka nagbabasa sa KK (alam mo na yun!) member ng G4M, Manjam, Downelink, at kung anik-anik na ka-chorvahan ng mga websites at babasahing pambadet... Bakit mo alam mga to? Suki ka rin noh? Hahaha nakita mo na ko. Kitang-kita kita sa isang magazine, dilaw ang yong suot at buhok mo'y green.

Kung may nakita ka nang baklang naggugupit sa parlor, beki na naglalako ng taho, badet na nagtuturo sa public school, badaf na konduktor, bekbek na saleslady sa tyangge, gay guy na nagsha-shala-shalahan sa "kol sener", bisexual na ahente ng gamot at chin chan su, bayot na nagpapala ng semento at nagpapatas ng hollow blocks, thunder gay na nagtitinda ng barbekyu at amoeba, at kung anu-anu pang trabaho... Pagod na pagod man ako, pustahan nakita mo na ko.

Kung may nakita ka nang baklang kosa, as in literal na kosa, nakakulong sa Center for Juvenile Delinquents, o kaya eh Bulaklak ng City Jail, ning interbyuhin mo ang bakla at maloloka ka sa eksena kung bakit sha nakulong. Me suspect sa multiple murder, drug pusher, gun runner, snatcher at jaywalker (ayan ha, hindi na jailwalker) pero sa kulungan sila pa rin ang in-charge sa pagpapa-beauty ng mga Tata, Tsip, Ser, Bosing at Major. Sila na rin ang in-charge sa pagpe-prepare pag me program at shempre, mga dakilang kulakadidang ng mga mayor at over-all. Kung nakadalaw ka na sa mga gentong preso, ning nagkita mo na ko... (Psst! Wish ko lang dalaw ka, at hindi preso.)

Kung may nakita ka ng yaman-yamanang baklita na naghahakot ng mga dibidi dibidi sa Quiapo, St. Francis Square, Metrowalk at Recto, shempre meron ding nakasingit na emtuem at bold, pa-effect na pa-intelektwal at pa-intelihente pa habang namamakyaw ng series ng F.R.I.E.N.D.S., Glee, One Tree Hill, Smallville, Charmed, Prisonbreak, Lost, Kyle XY, Supernatural, Pushing Daisies, Survivor, Amazing Race, Reaper, Desperate Housewives, Heroes, Lie to Me at ang bonggang bonggang Drop Dead Diva, taktakan mo pa ng mga koreanobela at chinovela... Makinood ka na! Este, me dibidi ka naman di ba? Sa inyo ka na lang manood. Mejo panoorin mo yung mga movie ni Jean Reno at Ketchup Eusebio (lalo na yung sa Miss You Like Crazy) I'm sure sasabihin mo: "Syet! Nakita ko na toh!" Taena, dinedenay ko yan pero nung nakita ko, oo nga. Nakita ko na sarili ko hehehe... Nakita mo na ko!

Kung may nakita ka nang baklang nagda-diet pag Monday to Thrusday, at lamon naman ng lamon pag Friday to Sunday, nagpapapayat para sa exciting, exhilarating at mind-blowing na Sagada, Guimaras, Bohol at Dumaguete trip (ikaw na maraming bakasyon!) wag kang maniwala sa diet na yan. Ayako nga pumayat, baka mawala pa yung cup A kong kayamanan na dulot ng pagka-jubis at katakawan. Kaya kung me nakita kang diet-dietang dinggabelles na pasimpleng kumukurot sa tenga ng lechon at me baon pang siomai at hong kong styled stir fried noodles, makikain ka na lang! Sagot mo na gulaman pag nagkita tayo.

Kung may nakita ka nang baklang nagmamadaling mag-type habang gumagawa ng blog, at nangangarap na meron ding mga bakla sa ibang lupalop ng daigdig na nakikitawa at nakikiiyak sa misadventures ko, sumisingit pa ang paggawa ng blog kesa paggawa ng cases sa office, at kumekembot pa ng pagba-blog eh di na nga maka-move on sa thesis, please naman mag-comment ka naman jan. Nakita mo na ngang ume-effort mag-type ng blog, patabain mo naman ang pechay ko at nang ma-harvest na rin. Nakita mo na? Ang tambok di ba?! Hehehe... ng pechay!

Kung may nakita ka nang baklang mashadong maraming kalandian sa katawan, tulad na lang ng nagtutumambling na aroma oil, candle at burner na talaga namang muntik nang ma-burner ang sala, at tulad rin ng maglulumanding erkon-erkonan na nabili sa pier, at nang matulog na ang buong cast ng Ang Tanging Bakla, ayun nagising ang buong angkan na puno ng usok ang kwarto at muntik na silang maging cast ng Ang Tangang Bakla. Hay naku next level na, wala na si bakla sa pier di mo na sha makikita dun. Punta ka sa Serendra, charot!

Kung may nakita ka nang baklang mapanlait, mapandaot at mapanlibak, tulad ng mga impersonator at stand up comedians, mga beki na winerva talaga magpatawa at mang-okray, mga baklang kabugera, mga beki na daotera at kakaloka mang-asar, mang-inis at mampikon... Malamang isumpa mo ko... Kasi nakita mo na ko.

Kung may nakita ka nang baklang umiibig, masaya, inspired, nakangisngis, tulala at parang nakalutang sa nimbus at stratus clouds, o kaya naman ay baklang ngumangawa sa hinagpis, nagtitiris ng mga langgam kahit wala naman silang kasalanan, bitak-bitak ang nail polish, mala-Mystika sa pag-isplit ang hairlaloo, tuyot at mukhang dugyot, o pwede ring baklang empowered, single blessed, single by choice, single kasi choosy, happily in a relationship or its complicated, korek, isa ako sa mga yan! Nakita mo na ko.

Kung may nakita ka nang baklang nilalait, dinadaot, inaalipusta, minamaliit, inaasar, nililibak, kinukutya, binabastos, sinasaktan, ginagamit, pineperahan, inuuto, ginagago, at laging sinasabi na "bakla kasi" at "tong baklang to", minsan pa eh binu-boogie wonderland (bugbog), winawarlaloo at tinetegi-onor, ang masaklap eh naranasan na rin ng baklang to yan, pwera na lang ang minasaker. Kung nakita mo na tong baklang to, sigurado naman ako, tong baklang to, pag kinanti mo ang kaibigan at pamilya ng baklang to, makikita mo.

Kung nagkita man tayo, kung magkikita pa, o kung hindi man ipahintulot ng pagkakataon, saan man, kailan man, tong baklang to, balang araw, o baka nga nagsimula ka na, tong baklang to, mamahalin mo. Wala nang kokontra, ako na ang beda.

Ako si BM -- Baklang Maton at your service. Magkita naman tayo!

3.09.2010

Bakla Noon, Alamat Ngayon!

Akalain mo yun? Nakaka-isang taon na pala ang kabaklaan ko sa bloglandia. Isang taon na kong kumekembot sa pagbo-blogelya. At isang taon na rin akong kumekeme ng mga kwentong bayan at mga aneknota ng buhay maton sa iskwater.

Feeling ko kasi madalas, time stands still pag nagsusulat ako. Parang mag-isa lang ako sa eksena at ang kamera eh umiikot ikot lang sa mukha ko habang kinukunan ang pinaka-shala kong anggulo. Mejo isa-sideview ko yuung pisngi para ganda-gandahan talaga ang kuha.

Ang sarap talaga magmuni-muni lalo na pag naka-blush on at bronzer. Ang sarap ding mag-isip-isip pag amoy green tea at incanto. At mas masarap mag-emote pag me soundtrack: "I fall all over again" tsaka "thumb thumping" na kinakanta ng katabi kong inlove sa station.

Nagsimula akong mag-esep esep nung me nakatabi akong nanay na me kargang sanggol sa mercury drug. Parang na-trigger ang mother's instinct sa kin. Me parang humihila sa lapay at imaginary ovary ko nung mga sandaling yun na di ko maintindihan. Tapos eh napanood ko yung "Little Boy Big Boy" sa dvd. I suddenly realized what's bugging me.

Anak. Unica hija. Pamilya.

I considered the possibility of growing old, alone. I've accepted the fact that I might never marry, settle down and have my own family. Wala naman akong matres at palopian tube. Kathang isip lang ang pechay ko. Halusinasyon lang ang ovary ko.

Eh pano pagtanda ko? Basta maya-maya na lang puro matanda na ang nasa isip ko. Matanda. Thunder Cats. Jondits. Impong Sela. Mamang. Lola. Oldies. Golden Gay. Markova. Bigla akong na-orkot. Scary!

Di ako takot sa matandang bakla ha. Natakot lang ako sa ideya na balang-araw eh magiging sila ako. Magiging sila tayo. Handa na ba ko? Kayo?

Kinarir ko na talaga ultimo root word hanggang coined word, isali mo na lahat ng unlapi, gitlapi at hulapi ng pagiging bakla. Once you go gay, you can never go back. Sa dami ng kinarir ko, at sa dami ng nakatikim sa alindog kong sintamis ng wine at singtatag ng sunshine, gudlak. Talagang there's no turning back.

May sapat na ba kong yaman para magbayad sa private nurse at caregiver? Sinong magpapalit ng diapers ko pag Thursdays? (bananas and milk day sa diet ko) Sinong maglalaba ng mga striped panties ko? Sinong aakay sa kin papuntang massage parlor pag kinakati ang kuluntoy na pechay ko? Sinong yayakap sa kin pag giniginaw ako sa pagtulog? Alangan namang si RR pa rin? (Si RR ang dakila kong teddy bear, mukhang stuffed toy na me Down Syndrome).

Nakakaloka.

Napakiyeme tuloy ako sa mga kakilala kong lola beki around the suburbs. All of the suddenly eh inawitan ko ng alin-alin ang naiba ang buhay ng mga kakilala kong thunder gays para me clue naman ako kung saan ako patungo.

Ni-rundown ko ang mga kakilala kong lola beki para me cross-sectional slash cultural slash anthropological slash philosophical slash suicidal comparison ako kung ano bang kahihinatnan ng mga... (Titingala sa kamera na nasa kisame.) "Bakla Noon, Alamat Ngayon!"

Case Number 1:
Si Propesora Imaculada. Si Prof. Ima eh prof ko nong college. Super higpit yan day! Malakas manlait. Nakakaorkot sa klase, lalo na pag tinawag ka ng walang sabi-sabi. Pag nairita sha sayo, hahamunin ka nya ng pagandahan, patalinuhan, payamanan, pabanguhan. Dadautin nya kahit kaliit-liitan at kadulu-duluhan ng cuticle at ingrown sa pinkie toe mo.

Successful in her own right, at pag nag-retire eh yaman-yamanan talaga. Ang tanging hobby nya lang eh pasusuhin ang sanggol at susuhin ang tatay ng sanggol. Wag naman sanang sabay.
Meron shang isang ampon na pamangkin. Lahat daw ng ari-arian nyang ipinundar eh ke ampon mapupunta. Congratulations!

Case Number 2:
Si Sonya. Si Sonya eh nakilala ko nung kinembot ako ng isang ka-eyebol way back 2001. Dun kami naki-pwesto sa bahay nya sa may San Andres. Designer ng mga karosa sa simbahan at mga dekorasyon sa anik-anik na mga events ang lola. Pati yung mga food decoration karir nyan. Yung mga pictorial ng jolibee products tsaka cindy's at aristo-back na nasa likod ng aristocrat, sha nagde-design sa mga pagkain para magmukhang malinamnam at masarap.

Yung bahay nya e punong-puno ng mga rebulto at santo. Umaapaw din ang mga bisita nyang bisikleta (bisexual) na nagkukuyang-yangan gabi gabi. Lahat ng putahe present. Shempre dahil bahay nya ito lagi din shang kasali. Dito ako nakanood ng live na torohan at bongkangan. Show kung show ang mga bakla.

Pag tinatanong ko kung nag-iipon ba si bakla, wit nya feel kasi wala naman daw shang tagapagmana. Kaya lulustayin na lang nya lahat habang nasa San Andres pa ang katawang-lupa nya. At pag na-tegi onor (namatay) na sha, gudbye sa mga fungi!

Case Number 3:
Si Tonet. Kapitbahay namin na nagtitinda ng barbeque sa kanto. Kung gusto mo ng amoebaiasis at diarrhea, buy na! Kung matibay naman ang sikmura mo eh go na, wag lang araw araw. Pero in fairness masarap talaga ang gawa ng bakla. Kahit dalawa ang katabi nyang barbekyuhan -- as in tabi tabi silang tatlo -- eh sha lagi ang unang umuuwi. At pag loss ng choice ang madlang pipol, sa mga katabi na nya bumibili. Sha talaga ang pinakamasarap. Kaya bilib na bilib rin naman ako sa tibay ng sikmura ng mga tao sa iskwater. Pati pala mga taga-village sa tapat namin keri rin ang bbq ni bakla.

Alaga ni Tonet dati yung pinaka-pinapantasya kong kaklase nung elementary na si Ricky. Wafu talaga yun. At si Tonet ang binobowa ng lolo mo. Wala na sila, wala na rin sa iskwater si Ricky, nag-voyage na sa ibang iskwater. Si Tonet eh nagtitinda pa rin. Walang pundar, walang bowa, walang pamilya. Parang hinihintay na lang nya yung ring ng bell para makapagpahinga na sha. Pero palaban pa rin sa buhay. Sabi nya, pag hindi na nasasarapan ang madlang pipol sa barbekyu nya, pwede na shang mamatay.

Barbeque ni Tonet: Winner! Prepare two tablets of atapulgite tsaka maraming maraming hydrite.

Case Number 4:
Manong sa bungad ng iskwater. Hehehe. Di ko kasi knows ang namesung nya. Pero kilala ko sa mukha at nakakwentuhan ko na rin minsan. Me anak na sha, tatlo. Me mga apo na rin. Dati shang nagtatrabaho sa Saudi. Pag-uwi sa Pinas, wala na ang asawa, sumama na sa ibang lalaki. Ngayon eh tagagupit sha ng buhok ng mga matrona sa iskwater. Taga-manicure at pedicure din at me mga sineserbisan sa ibang lugar. Steady ang income pero hikahos pa rin madalas. Nag-aalaga ng mga apo kahit kumekendeng kendeng. Di ko pa nakita ang mga anak nya kahit minsan.

Nung tinanong ko sha, sabi nya mabuti na rin daw na iniwan sha ng asawa nya. Si babae ang masama sa paningin ng mga anak nila, at dahil don eh natanggap ng mga anak ang pagkabakla nya. Ngayon eh malaya na shang nagha-highlights, nagkukulot at nagre-rebond ng mga buhok. Natupad na raw ang mga pangarap nya. Isa na lang ang kulang: Parlor.

Case Number 5:
Si Vic. Malayong kamag-anak ko sa Batangas. Gano kalayo? Mga ten miles. Ampon sha ng isang mas malayong lola na matagal ng sumakabilang planeta.Si Vic ang caterer at wedding decorator ng bayan. Sha ang gumagawa ng mga arko, table art, napkin folding at lahat ng kabaklaan sa bawat kasalan sa baryo namin sa Sirang Lupa (aspaltado na ngayon.)

Wala akong ganong nababalitaan na kalandian at kapokpokan ni Vic. Kasi nga malayo ako, kaya siguro di ko na naririnig. Pero ang sure ako, iilan lang ang beki sa baryo namin, at nirerespeto sha ng mga tao. Kung dun ako nakatira, malamang ako naman ang home wrecker ng bayan. Tahimik ang buhay ni Vic, tumutulong sa mga kamag-anak at pinagyayaman ang sarili. Marami na shang bagong natutunan na style ng napkin folding. Meron na atang Trex at sabretooth tiger.

Case Number 6:
Si Mang Rey. Dun sha nakatira sa kabilang street na hindi iskwater. Pero mabaho pa sa iskwater ang bahay ng lola mo, puro kasi aso. Sha ang pinakamatandang bading dito, at lahat ata ng lalaki sa iskwater eh dumaan sa kanya, ultimo yung mga tatay ng canton boys! At ang lagi nyang linya habang pinagkikiskis ang dalawang kamay: "Magsu-swimming din kayong lahat..." Kasi nga naman pag swimming ng tropa di ka pwedeng maiwan. At pag wala kang pera pang-ambag, isasangla mo ang kaluluwa mo kay Mang Rey.

Inis na inis ako sa matandang to. Kasi, nung isang araw ko lang nalaman, yung isang pinakatatangi at pinakaingat-ingatan kong nilalang, nong hayskul pa lang kami, eh niyaya ng mga kabarkada nyang magswiming, at walang wala shang perang maiambag. Nagsangla sha kay Mang Rey. Hindi sa akin. =(

Case Number 7:
Yung matanda sa S.R.O. na indie film. Payatot, nakakatakot, may bangs pa ata, laging nakatambay sa mga sulok ng sinehan, nag-aalok ng bente pesos sa mga sholbam para makapanghala lang. Lagi shang nirereject nung bida kasi nga dugyot to d max.

Parang nakita ko na kung anong mangyayari sa baklang tumanda na mahirap at walang yaman. Makikiamot ng bente pesos na halaga ng ligaya at pampalipas-libog. Manlilimos ng bente pesos na pag-ibig. Kahit tatlong minuto lang.

Case Analysis:

Ano ba formula para masiguro mo na magiging masaya ka hanggang sa pagtanda? Ano bang recipe para magtagumpay ka sa laban ng buhay? Kelangan ba eh uminom ng alaxan ip ar? Ano ba ang ingredients ng isang malinamnam na paglalakbay?

Siguro, sa bawat hakbang, sa bawat sangkap, sa bawat langhap, sa bawat luha, sa bawat halakhak, sa bawat akbay, sa bawat himaymay, sa bawat kandirit, sa bawat cartwheel, at sa bawat paglalakbay, siguraduhin mo lang na di ka naglalakbay ng mag-isa. Magtawag ka ng kasama. Wag kang magtayo ng pader at tanikala. Bumuo ka ng kadenang bulaklak. Bumuo ka ng baklang banga.

For the first time, wala akong maibigay na magandang ending. Kasi, di pa naman tapos ang kwento ko. At kung malapit ng matapos ang pagkembot ng Baklang Maton, bago ko pumasok ng tuluyan sa banga, pramis, bibigyan ko ng ending ang post na ito.

3.01.2010

Tratando con la Tristeza -- Regodearse

It's official.

Wala na kami ni Budwire.

And as promised, di ako mag-iinarte. Di ako mag-e-emote. Di ako magwa-warlaloo. Kasi in a way, fault ko. Kasi rin, in a way, dati pa kinutuban na ko. Vive natura duce... Follow Your Instincts...

And of course, dati pa naman, alam ko... magkaiba kami ng mundo.

Taga Farmville sha. Magsasaka. Simula nung umuwi sha sa Quezon, yun na ang kinailangan nyang gawin. Plow, plant, harvest. Kailangan ng maraming XP para tumaas ang level. Mag-fertilize. Gumawa ng stable. Manguha ng eggs sa chicken coop. Mag-milk ng cows. Magtayo ng stables para sa horses. Manungkit ng fruits. Makipag-tongits ng balasahan kay Mamang.

Taga Iskwaterville ako. Protina ang hina-harvest ko sa mga baka dito. Wala akong chicken coop pero meron akong nakokolektang eggs. Owver owver na ang XP ko at keri ko nang bumili ng Villa Quintana at Valiente Village. Di na ko nagpo-plow. Nagpa-pluck ako -- ng balbas at bigote, tsaka buhok sa ilong at balahibo sa dibdib. Di ako nagtatanim kaya pwede akong magbiro. Pero minsan, maghapon din akong nakayuko. Sa keyboard. Subsob sa trabaho. Kasi borlogs.

Kung wala sha sa Farmville nasa sabungan sha. Mega pusta kina Maestro, Flash Gordon, Puma Ley-ar at Energizer. Kumekeme sa tupada. Nakiki-cheer sa mga sentensyador at sabungero. Pag-uwi eh hihimasin sina Super S at Super T, mga alaga nyang tandang. Bubugahan ng Marlboro Red.

Kung wala ako sa iskwater eh nasa labasan ako. Sa labas ng iskwater hehehe. Dun sa katapat na computer shop. Pumupusta sa mga canton boys. DOTA. Di ako nakikipaglaro ha. Di ako tomboy! Pumupusta lang ang bakla. Nakatulong ka na, kumita ka pa. Tapos eh ako naman ang hihimasin nila pag nanalo ang koponan. Pag natalo, eh di manlibre ng fishballs!

Pag nakikinig sa MP4 eh mga kanta ni Gloc9, Disturbed, Gagong Rapper, Francis M at Parokya ni Edgar ang pinapakinggan nya. Tsaka pala The Speaks -- High. Isama mo na ang soundtrack ni Willie Revillame at Elsa. Lando pala. Elsa nga ata. Basta, yung nasaksak sa eskenita. Tuwing nagpapatugtog sha ng malakas sa kanila eh, alam na ng buong baryo. Anjan na ang beda.

Pag ako eh nakikinig sa youtube playlist (katamad mag-download eh) soundtrack galore ito ng Glee. Oh kaya eh playlist ni Ateng Beyonce. Madalas din eh mga kanta ni Van Roxas, Voice Avenue at Secondhand Serenade. Emo ang bakla. Emoterang froglet. Malumanay lang ang soundtrip, walang surround sound at Dollby digital na effects. Basta pag tahimik na ko, tulog na ang bakla. Oras na para manaway ang mga kapitbahay para walang batang maingay sa tapat ng pink na bahay.

Tuum sequere cor... Follow your Heart...

Pero kahit gaano pa kalaki ang kaibahan ng Pinkantasya at Farmville, kinaya ko. I tried. I did my best. And as the cliche goes, I guess my best wasn't good enough.

"Sorry."

Yun lang ang sinabi nya sa wall ko sa FB. And then I noticed he went from "In a relationship" to "Single". Ganun lang. Wala na pala kong ka-"in a relationship with and it's complicated". Kaya sumagot na lang ako sa post nya.

"I know."

I'll spare you the details. Mashado pang masakit eh. Di kinaya ng ponstan 500, alaxan FR at dolfenal. Baka kelangan kong sundutan ng mertayolet, agua oxinada at cuticle remover. Haaaayyy...

Nagiging major ko na toh. Ang mag-move on. Ang masawi. Ang mabigo. Ang maiwan. Pero this time, in a lot of ways, it was really my fault. Ang dami kong reservations eh, ang dami kong hino-hold back. Ang dami kong insecurities. Taena, ganun ba naman ka-gwapo.

Di ko binigyan ng chance ang sarili kong namnamin ang haba-hair moment ko. Di ko hinayaan ang sarili kong malaglag ng todo-todo kasi mas malakas yung sigaw ng takot kesa sa bulong ng confidence. Mas maalingawngaw yung agam-agam kesa sa tiwala sa GL Card -- Ganda Lang.

Nakalimutan kong kaakit-akit naman talaga ako. Sariwa, may angking galing, may kakayahang magmahal at karapat-dapat mahalin. Di ko sha hinayaang mahalin ako ng tuluyan, ng siksik-liglig at ng umaapaw. Kasi ako mismo, feeling ko di kami bagay. Feeling ko imposible.

Kaya kahit magkahinang na ang mga labi namin at naghahalikan na kami ng walang humpay, pagkalas ko sa kanya, ang tanong ko lagi eh "Hanggang kelan ka dito? Pag aalis ka na sabihin mo agad ha. Two weeks notice." Pero noon pa man, hinanda ko na ang sarili ko. Hindi ako naniwala na tatagal sha. I didn't believe him. I didn't believe in me.

I didn't believe that it's possible. That I deserve him. And now I'm outbid. Going, going, GONE.

Dahil jan, ngayon I'm pampering myself.

Natutulog ako ng naka-aircon. Dati pag me bisita ko lang ginagawa yun. Bumili ako ng half gallon na strawberries and cream flavor ng ice cream. Selecta gold label. Nagbasa ako ng Hunger Games at Catching Fire. Tsaka pala The Secrets of the Immortal Nicholas Flames Series: Alchemyst, Magician at Sorceress. Nagdesisyon akong bilhin ang mga paperback editions ng mga librong ito.

Manonood ako ng "I Miss You Like Crazy". Mag-isa. Uminom ako ng tatlong Yakult. Sana pwedeng uminom ng isang litro. Pupunta ako ng Sagada, Guimaras, Iloilo at Hong Kong with friends. Mag-a-unwind ako ng todo todo.

Tratando con la Tristeza -- Regodearse... In dealing with grief, I'll wallow.

Denial, anger, bargaining, depression and acceptance. Sabi sa Drop Dead Diva, yun daw ang Five Stages of Grieving. So far, andun pa rin ako denial. At parang nakikinita-kinita ko na: ito ang pinakamatagal na pagwa-wallow ko. Malamang, maglulunoy talaga ko ng galore na galore sa pagwa-wallow.

Iinom ako ng tequila, one shot a day. Pag naubos yung isang bote, sisiguraduhin ko, ubos na rin ang patak ng luha ko.