Akalain mo yun? Nakaka-isang taon na pala ang kabaklaan ko sa bloglandia. Isang taon na kong kumekembot sa pagbo-blogelya. At isang taon na rin akong kumekeme ng mga kwentong bayan at mga aneknota ng buhay maton sa iskwater.
Feeling ko kasi madalas, time stands still pag nagsusulat ako. Parang mag-isa lang ako sa eksena at ang kamera eh umiikot ikot lang sa mukha ko habang kinukunan ang pinaka-shala kong anggulo. Mejo isa-sideview ko yuung pisngi para ganda-gandahan talaga ang kuha.
Ang sarap talaga magmuni-muni lalo na pag naka-blush on at bronzer. Ang sarap ding mag-isip-isip pag amoy green tea at incanto. At mas masarap mag-emote pag me soundtrack: "I fall all over again" tsaka "thumb thumping" na kinakanta ng katabi kong inlove sa station.
Nagsimula akong mag-esep esep nung me nakatabi akong nanay na me kargang sanggol sa mercury drug. Parang na-trigger ang mother's instinct sa kin. Me parang humihila sa lapay at imaginary ovary ko nung mga sandaling yun na di ko maintindihan. Tapos eh napanood ko yung "Little Boy Big Boy" sa dvd. I suddenly realized what's bugging me.
Anak. Unica hija. Pamilya.
I considered the possibility of growing old, alone. I've accepted the fact that I might never marry, settle down and have my own family. Wala naman akong matres at palopian tube. Kathang isip lang ang pechay ko. Halusinasyon lang ang ovary ko.
Eh pano pagtanda ko? Basta maya-maya na lang puro matanda na ang nasa isip ko. Matanda. Thunder Cats. Jondits. Impong Sela. Mamang. Lola. Oldies. Golden Gay. Markova. Bigla akong na-orkot. Scary!
Di ako takot sa matandang bakla ha. Natakot lang ako sa ideya na balang-araw eh magiging sila ako. Magiging sila tayo. Handa na ba ko? Kayo?
Kinarir ko na talaga ultimo root word hanggang coined word, isali mo na lahat ng unlapi, gitlapi at hulapi ng pagiging bakla. Once you go gay, you can never go back. Sa dami ng kinarir ko, at sa dami ng nakatikim sa alindog kong sintamis ng wine at singtatag ng sunshine, gudlak. Talagang there's no turning back.
May sapat na ba kong yaman para magbayad sa private nurse at caregiver? Sinong magpapalit ng diapers ko pag Thursdays? (bananas and milk day sa diet ko) Sinong maglalaba ng mga striped panties ko? Sinong aakay sa kin papuntang massage parlor pag kinakati ang kuluntoy na pechay ko? Sinong yayakap sa kin pag giniginaw ako sa pagtulog? Alangan namang si RR pa rin? (Si RR ang dakila kong teddy bear, mukhang stuffed toy na me Down Syndrome).
Nakakaloka.
Napakiyeme tuloy ako sa mga kakilala kong lola beki around the suburbs. All of the suddenly eh inawitan ko ng alin-alin ang naiba ang buhay ng mga kakilala kong thunder gays para me clue naman ako kung saan ako patungo.
Ni-rundown ko ang mga kakilala kong lola beki para me cross-sectional slash cultural slash anthropological slash philosophical slash suicidal comparison ako kung ano bang kahihinatnan ng mga... (Titingala sa kamera na nasa kisame.) "Bakla Noon, Alamat Ngayon!"
Case Number 1:
Si Propesora Imaculada. Si Prof. Ima eh prof ko nong college. Super higpit yan day! Malakas manlait. Nakakaorkot sa klase, lalo na pag tinawag ka ng walang sabi-sabi. Pag nairita sha sayo, hahamunin ka nya ng pagandahan, patalinuhan, payamanan, pabanguhan. Dadautin nya kahit kaliit-liitan at kadulu-duluhan ng cuticle at ingrown sa pinkie toe mo.
Successful in her own right, at pag nag-retire eh yaman-yamanan talaga. Ang tanging hobby nya lang eh pasusuhin ang sanggol at susuhin ang tatay ng sanggol. Wag naman sanang sabay.
Meron shang isang ampon na pamangkin. Lahat daw ng ari-arian nyang ipinundar eh ke ampon mapupunta. Congratulations!
Case Number 2:
Si Sonya. Si Sonya eh nakilala ko nung kinembot ako ng isang ka-eyebol way back 2001. Dun kami naki-pwesto sa bahay nya sa may San Andres. Designer ng mga karosa sa simbahan at mga dekorasyon sa anik-anik na mga events ang lola. Pati yung mga food decoration karir nyan. Yung mga pictorial ng jolibee products tsaka cindy's at aristo-back na nasa likod ng aristocrat, sha nagde-design sa mga pagkain para magmukhang malinamnam at masarap.
Yung bahay nya e punong-puno ng mga rebulto at santo. Umaapaw din ang mga bisita nyang bisikleta (bisexual) na nagkukuyang-yangan gabi gabi. Lahat ng putahe present. Shempre dahil bahay nya ito lagi din shang kasali. Dito ako nakanood ng live na torohan at bongkangan. Show kung show ang mga bakla.
Pag tinatanong ko kung nag-iipon ba si bakla, wit nya feel kasi wala naman daw shang tagapagmana. Kaya lulustayin na lang nya lahat habang nasa San Andres pa ang katawang-lupa nya. At pag na-tegi onor (namatay) na sha, gudbye sa mga fungi!
Case Number 3:
Si Tonet. Kapitbahay namin na nagtitinda ng barbeque sa kanto. Kung gusto mo ng amoebaiasis at diarrhea, buy na! Kung matibay naman ang sikmura mo eh go na, wag lang araw araw. Pero in fairness masarap talaga ang gawa ng bakla. Kahit dalawa ang katabi nyang barbekyuhan -- as in tabi tabi silang tatlo -- eh sha lagi ang unang umuuwi. At pag loss ng choice ang madlang pipol, sa mga katabi na nya bumibili. Sha talaga ang pinakamasarap. Kaya bilib na bilib rin naman ako sa tibay ng sikmura ng mga tao sa iskwater. Pati pala mga taga-village sa tapat namin keri rin ang bbq ni bakla.
Alaga ni Tonet dati yung pinaka-pinapantasya kong kaklase nung elementary na si Ricky. Wafu talaga yun. At si Tonet ang binobowa ng lolo mo. Wala na sila, wala na rin sa iskwater si Ricky, nag-voyage na sa ibang iskwater. Si Tonet eh nagtitinda pa rin. Walang pundar, walang bowa, walang pamilya. Parang hinihintay na lang nya yung ring ng bell para makapagpahinga na sha. Pero palaban pa rin sa buhay. Sabi nya, pag hindi na nasasarapan ang madlang pipol sa barbekyu nya, pwede na shang mamatay.
Barbeque ni Tonet: Winner! Prepare two tablets of atapulgite tsaka maraming maraming hydrite.
Case Number 4:
Manong sa bungad ng iskwater. Hehehe. Di ko kasi knows ang namesung nya. Pero kilala ko sa mukha at nakakwentuhan ko na rin minsan. Me anak na sha, tatlo. Me mga apo na rin. Dati shang nagtatrabaho sa Saudi. Pag-uwi sa Pinas, wala na ang asawa, sumama na sa ibang lalaki. Ngayon eh tagagupit sha ng buhok ng mga matrona sa iskwater. Taga-manicure at pedicure din at me mga sineserbisan sa ibang lugar. Steady ang income pero hikahos pa rin madalas. Nag-aalaga ng mga apo kahit kumekendeng kendeng. Di ko pa nakita ang mga anak nya kahit minsan.
Nung tinanong ko sha, sabi nya mabuti na rin daw na iniwan sha ng asawa nya. Si babae ang masama sa paningin ng mga anak nila, at dahil don eh natanggap ng mga anak ang pagkabakla nya. Ngayon eh malaya na shang nagha-highlights, nagkukulot at nagre-rebond ng mga buhok. Natupad na raw ang mga pangarap nya. Isa na lang ang kulang: Parlor.
Case Number 5:
Si Vic. Malayong kamag-anak ko sa Batangas. Gano kalayo? Mga ten miles. Ampon sha ng isang mas malayong lola na matagal ng sumakabilang planeta.Si Vic ang caterer at wedding decorator ng bayan. Sha ang gumagawa ng mga arko, table art, napkin folding at lahat ng kabaklaan sa bawat kasalan sa baryo namin sa Sirang Lupa (aspaltado na ngayon.)
Wala akong ganong nababalitaan na kalandian at kapokpokan ni Vic. Kasi nga malayo ako, kaya siguro di ko na naririnig. Pero ang sure ako, iilan lang ang beki sa baryo namin, at nirerespeto sha ng mga tao. Kung dun ako nakatira, malamang ako naman ang home wrecker ng bayan. Tahimik ang buhay ni Vic, tumutulong sa mga kamag-anak at pinagyayaman ang sarili. Marami na shang bagong natutunan na style ng napkin folding. Meron na atang Trex at sabretooth tiger.
Case Number 6:
Si Mang Rey. Dun sha nakatira sa kabilang street na hindi iskwater. Pero mabaho pa sa iskwater ang bahay ng lola mo, puro kasi aso. Sha ang pinakamatandang bading dito, at lahat ata ng lalaki sa iskwater eh dumaan sa kanya, ultimo yung mga tatay ng canton boys! At ang lagi nyang linya habang pinagkikiskis ang dalawang kamay: "Magsu-swimming din kayong lahat..." Kasi nga naman pag swimming ng tropa di ka pwedeng maiwan. At pag wala kang pera pang-ambag, isasangla mo ang kaluluwa mo kay Mang Rey.
Inis na inis ako sa matandang to. Kasi, nung isang araw ko lang nalaman, yung isang pinakatatangi at pinakaingat-ingatan kong nilalang, nong hayskul pa lang kami, eh niyaya ng mga kabarkada nyang magswiming, at walang wala shang perang maiambag. Nagsangla sha kay Mang Rey. Hindi sa akin. =(
Case Number 7:
Yung matanda sa S.R.O. na indie film. Payatot, nakakatakot, may bangs pa ata, laging nakatambay sa mga sulok ng sinehan, nag-aalok ng bente pesos sa mga sholbam para makapanghala lang. Lagi shang nirereject nung bida kasi nga dugyot to d max.
Parang nakita ko na kung anong mangyayari sa baklang tumanda na mahirap at walang yaman. Makikiamot ng bente pesos na halaga ng ligaya at pampalipas-libog. Manlilimos ng bente pesos na pag-ibig. Kahit tatlong minuto lang.
Case Analysis:
Ano ba formula para masiguro mo na magiging masaya ka hanggang sa pagtanda? Ano bang recipe para magtagumpay ka sa laban ng buhay? Kelangan ba eh uminom ng alaxan ip ar? Ano ba ang ingredients ng isang malinamnam na paglalakbay?
Siguro, sa bawat hakbang, sa bawat sangkap, sa bawat langhap, sa bawat luha, sa bawat halakhak, sa bawat akbay, sa bawat himaymay, sa bawat kandirit, sa bawat cartwheel, at sa bawat paglalakbay, siguraduhin mo lang na di ka naglalakbay ng mag-isa. Magtawag ka ng kasama. Wag kang magtayo ng pader at tanikala. Bumuo ka ng kadenang bulaklak. Bumuo ka ng baklang banga.
For the first time, wala akong maibigay na magandang ending. Kasi, di pa naman tapos ang kwento ko. At kung malapit ng matapos ang pagkembot ng Baklang Maton, bago ko pumasok ng tuluyan sa banga, pramis, bibigyan ko ng ending ang post na ito.
Nakakatakot naman tumanda! Kailangan ko na talaga magpayaman.
ReplyDeletemare, happy first anniversary sa mataray mong blogelya. huwag matakot sa pagtanda. look at demi and madonna, di ba ang tataray pa rin ng mga beauty nila? may ashton at jesus pa ang mga lola! basta, alagaan ang sarili and use olay everyday. :)
ReplyDeletehappy first sa iyo, BM! as usual, napaisip mo nanaman ako sa post na to. parang ayoko nang tumanda. papategibels ako bago ako gumudbye na walang kasama. :c
ReplyDeletepero srsly, mahirap to kasi technically, panibagong phase na to ng pagiging bakla. wala na yung mga stereotypes noon. hindi natin alam kung magkakaganto rin tayo in the future. papalibutan ko nalang sarili ko with a lot of friends. :D
at oo, maliligo ako sa gatas, sunblock at olay para mala-cullen lang ang look. lol
You have nice entry, i noticed na pinag-isipan talaga mo talaga ang bawat entry. I like the idea na parang statistical ang dating and may facts kunwari... cool...
ReplyDeletegood job teh! super like this entry. lahat nman cguro tau at one point in our lives naiicip to.: )
ReplyDeleteseryoso. natakot ako. posibleng mangyari ito sa marami sa mga katulad natin. haay.
ReplyDeleteHappy anniversary BM. :D
as always, super nice entry! :)
ReplyDeletefor me, hindi na kailangang lumayo pa ng tingin. as long as you're happy and content with the choices you're making NOW, then i guess you'll grow old happy and content.
ang ganda ng pag kakasulat... na papag isip talaga ako, actually isa yan sa mga ini isip ko cno ba ang makaka sama ko sa pag tanda... hayyy... kailangan talagag mag ipon at mag ipon ng pera... at mag tawag ng makakasama hehehe... thanks BM
ReplyDeleteBM, a good friend of mine sent me a link to your blog and from the moment I read an entry, I kept going until I read every single one. I didn't go for my routine weekend run because I couldn't stop reading.
ReplyDeleteIt's been a while since my last trip to Manila and even if I had to get my friend to help me with the lingo and the words you use, it was well worth the effort.
Your writing style is engaging, sharp and appeals to people on many different levels. I have trained so many different aspiring writers in the profession I am in, but I have rarely found writers who affect me (especially when its in the vernacular). And when I find these kinds of writers, it's hard to forget them.
You have engaged me and my emotions so very well that I look forward to reading whatever else you wish to put out. But if you never wrote anything else in your lifetime, I still want to say thank you. Because you made me laugh, smile, sniffle, giggle, feel and wonder. Your entries also made me feel a little closer to home - Manila will always be home to me.
Stay fabulous dear! And in case you're wondering, I'm not hitting on you. :) I don't think the Baklang Maton and the Arizona Girl with bisexual tendencies will work out. We would've both been committed for the rest of our lives.
- Lexie
PS.
ReplyDeleteWe would've both been committed for the rest of our lives - to a psychiatric ward in a posh rehab center for mental disorders! :P
- Lexie
Hi Lexie... Grabe. Naubusan daw ba ako ng masasabi... The next post is for you, and for all of my "readers" na naghihintay ng bagong kabanata sa pakikipag-espadahan ng baklang maton sa iskwater. Assume-merang froglilet na naman ako na me "avid readers" ako hahaha!
ReplyDeleteChuri churi guys and gals and gays kasi di talaga ako pala-react sa mga comments nyo. Pero super nakakataba ng pechay talaga. Ning ang tambok tambok na ng pechay ko dahil sa mga comments at reactions nyo. Pwedeng-pwede nang i-harvest!
Salamat ng gurami ever mga baklita, mga kosa, mga pre, mga ateh, mga lilet... I promise not to stop writing until my metacarpals give up on me. By then I would surely have a secretary na machong macho at yummy-oh-so-yummy, kaya tuloy lang ang kembot ni BM... SUmpa ng Cub Scout, so help me God.
You are most welcome. :) I'm glad I left you a comment. I didn't think you would reply but it's so nice that you did. I should email you one of these days, just to say hello and wish that you're doing well.
ReplyDeleteAnd you have another entry! Which I should read now and comment on to.
- Lexie
dafat pala gurlscout tau..
ReplyDeleteboyscout pala..
laging handa..
this is the article i like best.... hurray to you
ReplyDelete