It's official.
Wala na kami ni Budwire.
And as promised, di ako mag-iinarte. Di ako mag-e-emote. Di ako magwa-warlaloo. Kasi in a way, fault ko. Kasi rin, in a way, dati pa kinutuban na ko. Vive natura duce... Follow Your Instincts...
And of course, dati pa naman, alam ko... magkaiba kami ng mundo.
Taga Farmville sha. Magsasaka. Simula nung umuwi sha sa Quezon, yun na ang kinailangan nyang gawin. Plow, plant, harvest. Kailangan ng maraming XP para tumaas ang level. Mag-fertilize. Gumawa ng stable. Manguha ng eggs sa chicken coop. Mag-milk ng cows. Magtayo ng stables para sa horses. Manungkit ng fruits. Makipag-tongits ng balasahan kay Mamang.
Taga Iskwaterville ako. Protina ang hina-harvest ko sa mga baka dito. Wala akong chicken coop pero meron akong nakokolektang eggs. Owver owver na ang XP ko at keri ko nang bumili ng Villa Quintana at Valiente Village. Di na ko nagpo-plow. Nagpa-pluck ako -- ng balbas at bigote, tsaka buhok sa ilong at balahibo sa dibdib. Di ako nagtatanim kaya pwede akong magbiro. Pero minsan, maghapon din akong nakayuko. Sa keyboard. Subsob sa trabaho. Kasi borlogs.
Kung wala sha sa Farmville nasa sabungan sha. Mega pusta kina Maestro, Flash Gordon, Puma Ley-ar at Energizer. Kumekeme sa tupada. Nakiki-cheer sa mga sentensyador at sabungero. Pag-uwi eh hihimasin sina Super S at Super T, mga alaga nyang tandang. Bubugahan ng Marlboro Red.
Kung wala ako sa iskwater eh nasa labasan ako. Sa labas ng iskwater hehehe. Dun sa katapat na computer shop. Pumupusta sa mga canton boys. DOTA. Di ako nakikipaglaro ha. Di ako tomboy! Pumupusta lang ang bakla. Nakatulong ka na, kumita ka pa. Tapos eh ako naman ang hihimasin nila pag nanalo ang koponan. Pag natalo, eh di manlibre ng fishballs!
Pag nakikinig sa MP4 eh mga kanta ni Gloc9, Disturbed, Gagong Rapper, Francis M at Parokya ni Edgar ang pinapakinggan nya. Tsaka pala The Speaks -- High. Isama mo na ang soundtrack ni Willie Revillame at Elsa. Lando pala. Elsa nga ata. Basta, yung nasaksak sa eskenita. Tuwing nagpapatugtog sha ng malakas sa kanila eh, alam na ng buong baryo. Anjan na ang beda.
Pag ako eh nakikinig sa youtube playlist (katamad mag-download eh) soundtrack galore ito ng Glee. Oh kaya eh playlist ni Ateng Beyonce. Madalas din eh mga kanta ni Van Roxas, Voice Avenue at Secondhand Serenade. Emo ang bakla. Emoterang froglet. Malumanay lang ang soundtrip, walang surround sound at Dollby digital na effects. Basta pag tahimik na ko, tulog na ang bakla. Oras na para manaway ang mga kapitbahay para walang batang maingay sa tapat ng pink na bahay.
Tuum sequere cor... Follow your Heart...
Pero kahit gaano pa kalaki ang kaibahan ng Pinkantasya at Farmville, kinaya ko. I tried. I did my best. And as the cliche goes, I guess my best wasn't good enough.
"Sorry."
Yun lang ang sinabi nya sa wall ko sa FB. And then I noticed he went from "In a relationship" to "Single". Ganun lang. Wala na pala kong ka-"in a relationship with and it's complicated". Kaya sumagot na lang ako sa post nya.
"I know."
I'll spare you the details. Mashado pang masakit eh. Di kinaya ng ponstan 500, alaxan FR at dolfenal. Baka kelangan kong sundutan ng mertayolet, agua oxinada at cuticle remover. Haaaayyy...
Nagiging major ko na toh. Ang mag-move on. Ang masawi. Ang mabigo. Ang maiwan. Pero this time, in a lot of ways, it was really my fault. Ang dami kong reservations eh, ang dami kong hino-hold back. Ang dami kong insecurities. Taena, ganun ba naman ka-gwapo.
Di ko binigyan ng chance ang sarili kong namnamin ang haba-hair moment ko. Di ko hinayaan ang sarili kong malaglag ng todo-todo kasi mas malakas yung sigaw ng takot kesa sa bulong ng confidence. Mas maalingawngaw yung agam-agam kesa sa tiwala sa GL Card -- Ganda Lang.
Nakalimutan kong kaakit-akit naman talaga ako. Sariwa, may angking galing, may kakayahang magmahal at karapat-dapat mahalin. Di ko sha hinayaang mahalin ako ng tuluyan, ng siksik-liglig at ng umaapaw. Kasi ako mismo, feeling ko di kami bagay. Feeling ko imposible.
Kaya kahit magkahinang na ang mga labi namin at naghahalikan na kami ng walang humpay, pagkalas ko sa kanya, ang tanong ko lagi eh "Hanggang kelan ka dito? Pag aalis ka na sabihin mo agad ha. Two weeks notice." Pero noon pa man, hinanda ko na ang sarili ko. Hindi ako naniwala na tatagal sha. I didn't believe him. I didn't believe in me.
I didn't believe that it's possible. That I deserve him. And now I'm outbid. Going, going, GONE.
Dahil jan, ngayon I'm pampering myself.
Natutulog ako ng naka-aircon. Dati pag me bisita ko lang ginagawa yun. Bumili ako ng half gallon na strawberries and cream flavor ng ice cream. Selecta gold label. Nagbasa ako ng Hunger Games at Catching Fire. Tsaka pala The Secrets of the Immortal Nicholas Flames Series: Alchemyst, Magician at Sorceress. Nagdesisyon akong bilhin ang mga paperback editions ng mga librong ito.
Manonood ako ng "I Miss You Like Crazy". Mag-isa. Uminom ako ng tatlong Yakult. Sana pwedeng uminom ng isang litro. Pupunta ako ng Sagada, Guimaras, Iloilo at Hong Kong with friends. Mag-a-unwind ako ng todo todo.
Tratando con la Tristeza -- Regodearse... In dealing with grief, I'll wallow.
Denial, anger, bargaining, depression and acceptance. Sabi sa Drop Dead Diva, yun daw ang Five Stages of Grieving. So far, andun pa rin ako denial. At parang nakikinita-kinita ko na: ito ang pinakamatagal na pagwa-wallow ko. Malamang, maglulunoy talaga ko ng galore na galore sa pagwa-wallow.
Iinom ako ng tequila, one shot a day. Pag naubos yung isang bote, sisiguraduhin ko, ubos na rin ang patak ng luha ko.
I hope you fast track to the 5th stage w/c is acceptance. Don't worry, there's still a lot of fish sa sapa ng pinkantasya. I can help you empty out that bottle of tequila, and if needed, I'll buy you another one, or whatever it takes to let your tears run dry. Just a message away...
ReplyDelete-Francis
"Iinom ako ng tequila, one shot a day. Pag naubos yung isang bote, sisiguraduhin ko, ubos na rin ang patak ng luha ko. "
ReplyDeletesushal ka! i wish i could make my sadness appear as casual as this.
it's always sad when love ends. tulad nga ng sabi ni anonymous, sana mag-fast track ka na sa last step. u can do it. :D andito lang naman kaming mga readers mo.
Baklang Maton,
ReplyDeleteWhat can we say that you don't already know? I am sorry for your loss. I think everyone has shared your pain at some point in time. Hug.
"Excuse me please, one more drink.
Would you make it strong,
Cause I don't need to think.
She broke my heart,
My grace is gone
One drink to remember, and another to forget."
Kane
sad but twas predictable!
ReplyDeleteAwww.... Kaya yan kapatid.
ReplyDeleteSayang. Kung nandyan lang ako sasamahan kita sa Tequila session mo.
Kampai!
Whenever we fall, it is usually at the point where we think we are strong.
ReplyDeletesadness tlga ang mga break-up n yan! ano b ggawin nten sa knya? ;) enjoy k na lang muna!
ReplyDeleteMay picture ba siya?
ReplyDeletesa picture: sinu si budwire? sinu si baklang maton?
ReplyDeletenapost ko na tong one liner na toh sa blog ko, from the movie THAT THING YOU DO, uulitin ko lang...
ReplyDeleteSHAME ON ME FOR KISSING YOU WITH MY EYES CLOSED SO TIGHT!!!
like everything, this too, shall pass.....
keri mo yan teh... shot na!
all i can say is and i quote LeAnn Rimes.. OHH life goes on and it's only gonna make me strong besides di na mukhang sweet ang kiss nila noh..
ReplyDeleteayos. hehehe. ako matagal na rin ako sa blog. at matagal na rin akong nakikiusyoso dito sa blog mo. hehehe. idol.
ReplyDeleteDi ako nagtatanim kaya pwede akong magbiro. -- natawa ako dito.
ReplyDeletekahit medyo late na ang comment ko eh carry on :D