Nagkita na ba tayo? Nakita mo na ba ko? Pagkatapos ng isang taon, dumagundong na ang pagtatapos ng unang kabanata. Next level na! Chapter Two na! Pero bago tayo kumembular sa panibagong pakikibakla, pakilala ka muna. Kasi ako, kilala mo na. Malamang sa hindi, nakita mo na ko.
Kung may nakita ka nang baklang balbas-sarado at may mexican-kulot-sa-dulo na bigote, mukhang terorista, kamukha ni Abdul Jakul Janjalani at Abu Bakla, mukhang may bomba sa ilalim ng patilya, at malaki ang tyanenat sa kakainom ng gin pomelo, tequila at redhorse... Tumagay ka kasi nakita mo na ko.
Kung may nakita ka nang baklang nagbabasa habang naglalakad sa mall, may hawak na tagalog romance pocketbook, walang pakialam sa dinaraanan at sa nakakabangga at sa mga kasalubong, tumatawa na mag-isa na parang kinikiliti sa sipit-sipitan... Nagbabasa ang bakla ng nobela ni Rose Tan kaya wag kang humarang sa dinaraanan ko, makibasa ka muna at bumili ng sarili mong kopya. Tapos tumabi ka naman. Swerte mo di kita nabangga, at least nakita mo na ko.
Kung may nakita ka nang baklang nagsusulat sa notebook habang nakasandal sa pinto ng MRT, nakuha pang magsulat kahit siksikan na at cheek-to-cheek na sa pintuan ng tren, parang kinalahig ng isang buong chicken coop ang penmanship, kinikilig habang nagsusulat, minsan nakangisi na parang tsonggo, madalas nakanguso, at kahit ano na lang na papel eh ginagawang scratch paper, minsan pa eh tiket sa bus... Kung di yun gumagawa ng blog eh naglilista ng ginastos sa maghapon. Bigyan mo nga ako ng papel, wag kang madamot. Nakita mo na pala ko di ka pa magkusa. Hihihi!
Kung may nakita ka nang baklang nakatitig sa billboard ni Papa P, tumitili sa concert kahit maton na maton ang boses, at may koleksyon ng Valentino, Coverboys at Chika-chika magazine, tsaka nagbabasa sa KK (alam mo na yun!) member ng G4M, Manjam, Downelink, at kung anik-anik na ka-chorvahan ng mga websites at babasahing pambadet... Bakit mo alam mga to? Suki ka rin noh? Hahaha nakita mo na ko. Kitang-kita kita sa isang magazine, dilaw ang yong suot at buhok mo'y green.
Kung may nakita ka nang baklang naggugupit sa parlor, beki na naglalako ng taho, badet na nagtuturo sa public school, badaf na konduktor, bekbek na saleslady sa tyangge, gay guy na nagsha-shala-shalahan sa "kol sener", bisexual na ahente ng gamot at chin chan su, bayot na nagpapala ng semento at nagpapatas ng hollow blocks, thunder gay na nagtitinda ng barbekyu at amoeba, at kung anu-anu pang trabaho... Pagod na pagod man ako, pustahan nakita mo na ko.
Kung may nakita ka nang baklang kosa, as in literal na kosa, nakakulong sa Center for Juvenile Delinquents, o kaya eh Bulaklak ng City Jail, ning interbyuhin mo ang bakla at maloloka ka sa eksena kung bakit sha nakulong. Me suspect sa multiple murder, drug pusher, gun runner, snatcher at jaywalker (ayan ha, hindi na jailwalker) pero sa kulungan sila pa rin ang in-charge sa pagpapa-beauty ng mga Tata, Tsip, Ser, Bosing at Major. Sila na rin ang in-charge sa pagpe-prepare pag me program at shempre, mga dakilang kulakadidang ng mga mayor at over-all. Kung nakadalaw ka na sa mga gentong preso, ning nagkita mo na ko... (Psst! Wish ko lang dalaw ka, at hindi preso.)
Kung may nakita ka ng yaman-yamanang baklita na naghahakot ng mga dibidi dibidi sa Quiapo, St. Francis Square, Metrowalk at Recto, shempre meron ding nakasingit na emtuem at bold, pa-effect na pa-intelektwal at pa-intelihente pa habang namamakyaw ng series ng F.R.I.E.N.D.S., Glee, One Tree Hill, Smallville, Charmed, Prisonbreak, Lost, Kyle XY, Supernatural, Pushing Daisies, Survivor, Amazing Race, Reaper, Desperate Housewives, Heroes, Lie to Me at ang bonggang bonggang Drop Dead Diva, taktakan mo pa ng mga koreanobela at chinovela... Makinood ka na! Este, me dibidi ka naman di ba? Sa inyo ka na lang manood. Mejo panoorin mo yung mga movie ni Jean Reno at Ketchup Eusebio (lalo na yung sa Miss You Like Crazy) I'm sure sasabihin mo: "Syet! Nakita ko na toh!" Taena, dinedenay ko yan pero nung nakita ko, oo nga. Nakita ko na sarili ko hehehe... Nakita mo na ko!
Kung may nakita ka nang baklang nagda-diet pag Monday to Thrusday, at lamon naman ng lamon pag Friday to Sunday, nagpapapayat para sa exciting, exhilarating at mind-blowing na Sagada, Guimaras, Bohol at Dumaguete trip (ikaw na maraming bakasyon!) wag kang maniwala sa diet na yan. Ayako nga pumayat, baka mawala pa yung cup A kong kayamanan na dulot ng pagka-jubis at katakawan. Kaya kung me nakita kang diet-dietang dinggabelles na pasimpleng kumukurot sa tenga ng lechon at me baon pang siomai at hong kong styled stir fried noodles, makikain ka na lang! Sagot mo na gulaman pag nagkita tayo.
Kung may nakita ka nang baklang nagmamadaling mag-type habang gumagawa ng blog, at nangangarap na meron ding mga bakla sa ibang lupalop ng daigdig na nakikitawa at nakikiiyak sa misadventures ko, sumisingit pa ang paggawa ng blog kesa paggawa ng cases sa office, at kumekembot pa ng pagba-blog eh di na nga maka-move on sa thesis, please naman mag-comment ka naman jan. Nakita mo na ngang ume-effort mag-type ng blog, patabain mo naman ang pechay ko at nang ma-harvest na rin. Nakita mo na? Ang tambok di ba?! Hehehe... ng pechay!
Kung may nakita ka nang baklang mashadong maraming kalandian sa katawan, tulad na lang ng nagtutumambling na aroma oil, candle at burner na talaga namang muntik nang ma-burner ang sala, at tulad rin ng maglulumanding erkon-erkonan na nabili sa pier, at nang matulog na ang buong cast ng Ang Tanging Bakla, ayun nagising ang buong angkan na puno ng usok ang kwarto at muntik na silang maging cast ng Ang Tangang Bakla. Hay naku next level na, wala na si bakla sa pier di mo na sha makikita dun. Punta ka sa Serendra, charot!
Kung may nakita ka nang baklang mapanlait, mapandaot at mapanlibak, tulad ng mga impersonator at stand up comedians, mga beki na winerva talaga magpatawa at mang-okray, mga baklang kabugera, mga beki na daotera at kakaloka mang-asar, mang-inis at mampikon... Malamang isumpa mo ko... Kasi nakita mo na ko.
Kung may nakita ka nang baklang umiibig, masaya, inspired, nakangisngis, tulala at parang nakalutang sa nimbus at stratus clouds, o kaya naman ay baklang ngumangawa sa hinagpis, nagtitiris ng mga langgam kahit wala naman silang kasalanan, bitak-bitak ang nail polish, mala-Mystika sa pag-isplit ang hairlaloo, tuyot at mukhang dugyot, o pwede ring baklang empowered, single blessed, single by choice, single kasi choosy, happily in a relationship or its complicated, korek, isa ako sa mga yan! Nakita mo na ko.
Kung may nakita ka nang baklang nilalait, dinadaot, inaalipusta, minamaliit, inaasar, nililibak, kinukutya, binabastos, sinasaktan, ginagamit, pineperahan, inuuto, ginagago, at laging sinasabi na "bakla kasi" at "tong baklang to", minsan pa eh binu-boogie wonderland (bugbog), winawarlaloo at tinetegi-onor, ang masaklap eh naranasan na rin ng baklang to yan, pwera na lang ang minasaker. Kung nakita mo na tong baklang to, sigurado naman ako, tong baklang to, pag kinanti mo ang kaibigan at pamilya ng baklang to, makikita mo.
Kung nagkita man tayo, kung magkikita pa, o kung hindi man ipahintulot ng pagkakataon, saan man, kailan man, tong baklang to, balang araw, o baka nga nagsimula ka na, tong baklang to, mamahalin mo. Wala nang kokontra, ako na ang beda.
Ako si BM -- Baklang Maton at your service. Magkita naman tayo!

I love this entry! Very witty and very you! Glad you are writing again the bakalng maton way!
ReplyDelete-Francis
isa ako sa mga nagbabasa ng blog mo na tga ibang lupalop ng daigdig ..hehe naaaliw ako sa mga entries mo! more power!! :)
ReplyDeleteOMG...nakita na nga kita.nakita ko nga din sarili ko eh.so nagkita na tayo!!!!hehehehehe....nice entry!love it!witty!
ReplyDeleteThis is awesome. I think you managed to include so many gay traits, personalities, experiences, quirks and your own habits into this long ass post - that people who have those will relate to it.
ReplyDeleteI do have a question though - in your comment, what is the difference between ateh and lilet? Or am I being silly in thinking there is a difference? LOL you use such colorful colloquialisms. I'm not complaining though, I think it adds to the genuineness of the entry.
Kudos BM! Harvest the pechay na! :) And when I fly to Manila in a few months, I'll look you up just to say didn't you say magkita tayo in one of your entries?
- Lexie
haha. nagbabasa rin ako ng mga nobela ni Rose Tan dati. nakatago pa para pag gusto kong ulitin. aliw mga stories nya eh.
ReplyDeletengayon kasi dahil sa internet, nawalan ng time magbasa. hehe
nice one!!!
ReplyDeletemakadagdag sana itong kumento ko pangdilig ng pechay mo! lol!
ReplyDeletekeep it up BM! Isa ako sa baklang umeefort umingles sa mga "col cener" at pasimple nagbabasa ng blog mo bago mahuli ng TL ko. baka nakita mo na din ako! hehe!
@francis, miss u!
ReplyDelete@lexie, sure let's meet up pag umuwi ka sa manila... pasalubong na Reese Bits ha! hehehe...
@soltero sang lupalop ka naman? mag time space warp ka na ditey sa iskwater!
@choknat meron ka ba nung "why is the because"? nawala un ganun ko eh kainis...
@mommy ek tnxies!
@ the two anonymous peeps, aba pakilala kayo! pero ur ryt, malamang nagkita na tayo! coming na un next post!
Reese Bits when I come home. :) Which according to the person who takes care of my travel arrangements will be at the end of June.
ReplyDeleteAll the best to you and to the iskwater community - who should be proud of the way you've represented them.
- Lexie
na inspired akong magsulat dahil kay mandaya, blogs entry ko ay magkatugma ng kay wanda ilusyunada, ang sense at effort gusto kong gayahin ang kay baklang maton... sana lang magkaroon ako ng true identity sa blogs kaya tinalikuran ko na iyong parang XEREX ang estorya,, by this time gusto ko wholesome nmn... BM sabi mo follow mo ako at least makikita ng mga nagbabasa meron akong follower na genuine at elitista.. thanks po
ReplyDeletenakita na kta.
ReplyDeletenakita mo na rin ako.
nagkita na pala tau..
aliw..
is this an invitation sister? hihihihi
ReplyDeleteoo nga ang witty! haha araw araw pala kita nakikita!
ReplyDeletenakakatuwa ka naman, BM.
ReplyDeleteyour family and friends must be proud of you.
it's good to be true talaga.
mahal na yata kita.
Nice blog.. Keep it up!
ReplyDelete@lexie ... hope to see you... ingat sa byahe (kala mo naman kaw ang magda-drive hehehe)
ReplyDelete@GARAY salamat at na-inspire kita... mwah! wag ka na magpaka-xerex bakla, me KK na para jan.
@maria g - linked ur site po... kita kits!
@Yj - yup mare, its an invitation... soon!
@ʎonqʎʇıɔ - wag magsasawa mare...
@loves0909 salamash ng plentiful!
@pyro - mahal talaga agad?! salamat sa pagdidilig sa gumamela ko... dahil sa comment mo parang namukadkad pa ng bongga ang petals ko...
whiner! choz!
ReplyDeleteThis is quite poetic in a way.
ReplyDeleteGow ate!
im a fan and khit paulit ulit ko basahin ang mga blogs mo, cant resist to leave a smile on your blogs. keep it because u deserve it.
ReplyDelete