10.08.2009

Tears in Heaven

Di to katulad ng usual blogs na ginagawa ko. Pero siguro, ito yung pinakapuno ng emosyon habang sinusulat ko. Sana maintindihan mo.
More than a week ago, may nagtanong sa kin. "When was the last time that you cried?" Sino ba namang mag-aakala na after a few days eh luluha talaga ako ng bonggang bongga?
Ang bagyong Ondoy. I'm sure knowing mo kung sino sha. Si bakla me galit ata, parang me poot bawat patak ng ulan. Yung buhos ng ulan, sha ring buhos ng unos sa buhay ko.
Habang nagsi-singing in the rain ako sa ilalim ng lrt, me nareciv akong txt. Baha na daw sa bahay. Babad na sa tubig ang mga gamit ko. Di raw nila naiakyat lahat kasi mataas na ang tubig. **Some text missing.**
Di ko inintindi kasi pauwi na rin naman ako. Sayang mga gamit ko. Nanghinayang man ako, alam ko wala na kong magagawa kaya gumora na lang ako sa bahay. Sinagasa ko na ang baha, at bumigay na rin yung sinelas kong binili. Nung nasa lrt na ko finally, nabuo na yung message sa kin.
"... Patay na si Edel, namatay sa hika."
Akala ko sa pelikula lang yun, yung manginginig ang tuhod mo at kakawala na lang ang luha mo. Mapapasandal ka sa dingding at mapapaupo ka na parang nauupos na kandila. Akala ko emote lang nila yon. Hindi pala.
Salamat sa unlicall, tumawag ako agad. Apparently, matigas pala ang ulo ng lolo mo. Gabi pa lang eh sinusumpong na, imbis na magpadala sa hospital, ang inatupag eh magdrama at mag-sorry sa magulang. Binilhan sha ng gamot, isang banig pa yun, nakuha namin sa shorts na suot nya. Kahit isang gamot di nya ininom. Nung umaga na, hinaklit lang sha ng asawa nya para bumangon at magpadala na nga. Tinurukan ng steroids, mejo umokey, kaya naglakad pa sa baha.
Then he collapsed. His body went rigid, and he lost consciousness. Pinasan sha ni neighbor at isinakay sa trike. By the time they arrived, halos wala na sha. Pinump ang baga, the people around him were crying, kung pwede lang na sila ang huminga para sa kanya ginawa na nila. At 10:45 he's gone. Simula pa lang pala yun ng mas mahabang dagok para sa mga naiwan.
Dahil sa taas ng tubig sa mga kalsada, walang madaanan ang funeral service. Alas onse na ng gabi nasa freezer pa rin sha. Kumontak na kami ng ibang punerarya para masundo sha. Finally, nakahanap and nakuha sha sa ospital. Umaga na nung nakarating sa bahay si Edel. Isang napakahabang magdamag.
Habang pinapasok ang kabaong, nagsilbing honor guards ang mga alaga nyang kalapati. Nauuna ang mga toh sa paglakad, para bang gustong ihatid ang amo. Kung sila eh eager na pumasok, kami naman ay nanghihina. Totoo na toh, anjan na sha sa harap namin.
Bumuhos ang luha. Lahat kami walang nagawa kundi lumuha. Pano nga ba magpaalam? Pano ba sisimulan ang pagtanggap? Pano mo rin ipapaliwanag sa mga anak nya na wala na ang papa nila, at di na babalik kailanman? Yung anak nya na 3 yrs old, nagtataka bakit kami umiiyak eh tulog lang naman daw papa nya.
Di ako nakapasok ng isang linggo sa office. Kasi di ko alam kung pano magsisimula uli. Kailangan maglinis ng bahay, kailangan maglaba ng putikang damit, kailangan magpatuyo ng mga basang sapatos, kailangan magtapon ng mga basura.At higit sa lahat, kailangan maglamay.
Nung Friday, kumukuha ng gamit c Eunice, the widow, and Edel was looking over her. This is according to a relative na me "one eye" kc bulag yun isang mata nya pero nakakakita sha ng mga multo. We asked her kung anong suot ni Edel and she said blue shirt at maong shorts. Exactly kung anong suot nya nung namatay. Dahil don, we believe na nasa paligid lang ang pamangkin ko, watching over us, lingering habang lamay, at nagbabantay.
Kaya I'm sure, nakita nya rin ang mga eksenang ito:
Yung paglalamay ng mga kagrupo nya sa sayaw, at inangat pa yung takip para mahalikan nila ang pisngi nya habang umiiyak.
Yung pagkakasakit ng bunsong si Desiree ng pneumonia at kinailangan pa shang lagyan ng tubo sa baga para makahinga. Di ko naririnig magsalita yung batang yun, pero that night iyak sha ng iyak sa hospital saying "Papa! Papa!"
Yung pagkakasagip ng bestfriend nya sa pagkalunod at the exact time na namamatay sha sa hospital. Taga-Marikina si Miko kaya inanod sha ng baha. Kung tama ang alala nya sa oras, 11am nung finally eh nakaligtas sha sa anod. Siguro my nephew pulled him to safety.
Yung pag-iyak ng canton boys na mga barkada nya. Sila yung namimilit kay Hika na magpunta ng hospital nung gabi pa lang. Sayang di sha nakinig.
Buong linggo nandun kaming lahat, buong pwersa na nagbantay.
Nung last lamay na, lahat kami hindi talaga natulog. Si Totong dumating kasama ang aswang pero umuwi rin agad. Naiwan si Pa at naginuman kami magdamag. Pero hati ang kalooban ko, kasi nasa bahay naman si Jonel at kainuman ko rin. Sa maliit na paraan nila, naipakita nila na hindi ako nag-iisa at maari akong sumandal sa kanila. Kaya sumandal naman ako hanggang umaga.
Sunday, araw ng libing. Habang nasa ICU si Desiree at 50-50 sa hospital, kailangan naman naming ihatid si Edel for the last time. Habang umiiyak ako, eto yung mga di ko talaga makalimutan:
Yung paghahagilap ng pera para mailibing si edel ng maayos.
Yung pagbuhos ng mahinang ambon habang naglalakad kami papunta sa simbahan.
Yung paglalakad habang katabi ko si Jonel at tahimik din shang umiiyak. my silent sanctuary.
Yung misa na hindi maintindihan ng mga taga iskwater dahil english,kaya tinagalog na ng commentator.
Yung pagwiwisik ng holy water na nahaluan ng luha.
Yung pagiyak ng lahat nang patugtugin ang Tears in Heaven sa simbahan.
Yung sabay sabay na paglapit ng canton boys upang sumilip at umiyak. Maging sila ay nagwisik din ng holy water.
Yung pagparada ng sangkaterbang motor na single at tricycle bilang pakikiramay.
Yung pagangkas ko kay Totong habang takbong magsyota lang kami, at nakayakap ako sa likod nya habang umiiyak.
Yung paguusap namin ni Totong na gusto ko cremate at gawin nyang kape para di na kami maghiwalay.
Yung pagkakarera ng karo dahil me hinahabol na ibang libing. At yung biglang pagbagal na nakakainis kc parang nananadya.
Yung obvious na paglayo ng canton boys habang nililibing habang patuloy na nagpupunas ng mga luha.
Yung biglang pagkawala ng patungan kaya binuhat sha ng barkada nya kahit sabihin na namin na ibaba na sha. Para bang naglalambing na buhatin for the last time.
Yung di pagpasok ng maigi ng coffin sa butas,parang ayaw pa nya umalis.
Yung takot na naramdaman ko knowing na magisa na lang sha dun forever. pano kung claustrophobic sha?
Yung pagputol ng rosaryo at pagbasag ng palayok.
Yung pagtatapon ng mga ribbon.
Yung paglalagay sa coffin ng paboritong damit.
Yung pagiwan sa pamilya namin ng mga jeep na maluwag kaya kelangan pa magcommute ng ilan.
Yung pagbabanlaw ng pinaglagaan ng dahon ng bayabas at yung pamimigay sa lahat ng naiwang pagkain.
Yung recovery ni desiree after ng libing. Nailabas na sha sa ICU.
Mahirap isulat, mas mahirap maranasan.
Tapos na ang unos. Dumaan na ang bagyo. Andami nitong iniwang bakas. Mga lumipad na bubong at nillipad na pangarap. Mga basang damit at basang mata. Mga sirang bahay, at wasak na buhay. Mga sakit ng katawan at sakit ng kalooban.
Sumikat na ang araw. Alam ko balang araw, lilitaw uli ang bahaghari sa iskwater.

12 comments:

  1. sa mga pagkakataon na ito, nakakaluwag parin na kalooban na may mga taong handang makiramay... somehow it makes things easier....

    nakikiramay ako friend....

    ReplyDelete
  2. hindi kita kilala personally.
    hindi ko rin kilala kung sinu-sino yung mga taong nabanggit mo sa entry mo pero naramdaman ko ang nararamdaman mo.

    Condolence.

    ReplyDelete
  3. Mars, i'll say a prayer for you and your loved ones to have the needed strength at this point.

    ReplyDelete
  4. Ang sabi nila, ang lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan, at kung ano man ang nangyayari sa atin ay naaayon dahil tayo ay may naitatadang gampanin sa ating buhay: Kung bakit ka naging baklang maton, bakit paulit ulit ka'ng binigo sa pag-ibig, bakit sa isang kumpas ng tadhana ay sinalanta ng bagyo at binawian ng mahal sa buhay... Sa ating paghubog sa kung anuman ang gampanin na iyon, lagi mo lamang tatandaan, "Kapag may kunuha ang Diyos sa iyo, dahil lamang binibigyang daan siya na mas malaking bagay sa buhay mo."

    He only makes room for something bigger.

    ReplyDelete
  5. So sad. I'm reading you blogs almost a month now. And I find it interesting and sobrang kaaliw. Anyways. Condolence po..

    ReplyDelete
  6. di ako nakikifeeling close. pero sensitibo ako sa mga paksa ng sumakabilang buhay..lalo na yung bigla at di inaasahan. malupit ang mga naranasan nyo. pero bilib ako sa tibay nyong lahat. nakikiramay ako.

    ReplyDelete
  7. nakikiramay ako mare..kaya mo yan..

    ReplyDelete
  8. nakikiramay ako sa mga naiwan ni edel, pero masaya ako dahil nailabas na si desiree sa ICU. mahirap ang mawalan, pero mas mahirap magmove on.. kelangan lang e tanggapin ang mga bagay na hindi mo na mababago..

    naalala ko si mama.. wala ako nung huling hininga nya. hindi ko sya nakausap for the last time. hanggang ngayon masakit. hanggang ngayon hindi ko makalimutan.. pero kaya ko toh..

    kaya kaya mo rin yan.. :)

    ReplyDelete
  9. i like to post some comments on your previous thread,but im hesitant becuz im just contented and enjoy reading your adventure's in life..but now this thread of yours proded me to write something cu'z i know the feeling of losing someone so dear to us..despite the anguish you still managed to move on..what i like is how you become poetic after the loss and pain..gudluck and godbless!

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete