Una, si Fatima.
First job ko sa AIG, telemarketer. Nung unang araw namen, me isa akong ka-batch, pagpasok sa ofis naka-tiger look na palda at blouse. At ang arrive para ring tiger. Malaki ang bibig, maliit, butangera, teenage mom, palatawa, mukhang tanga.
Parang ako. Kaya nag-click kami.
Sa ilang buwan na magkasama kami, super naging close talaga kami. Pag magkasama kami, walang dull moment. Pwede kaming magtayo ng comedy bar, kaso baka kaming dalawa lang ang matawa kaya wag na lang.
Minsan pag me nagtanong sa min, ginagago namin. Pero di kami nag-uusap ha. Automatic nagegets namin ang isa't isa. Pag me nagsasalita, ginagaya pero ibat ibang emosyon. Nagulat? Nagulat! Nagulat. Nagulat!!!!
Kahit magkalayo kami ng istasyon, nagkakaintindihan pa rin kami. At kahit nasa iisang lugar lang kami, nagtatawagan pa kami sa phone, at isang oras na mag-uusap during office hours.
Nung dumalaw ako sa haus nila, hinanap ko yung anak nya. Nasa binguhan daw, after magtongits. Kumusta naman eh 8months pa lang yung bata. Nung finally eh umuwi mula sa binguhan, sabi ba naman "anak oh, mga kaibigan ko. murahin mo nga. sabihin mo, pakyu po kayo!" nawindang na lang ako. Buti naman hindi ako pinakyu nung bata.
Pag nagde-date sila ng asawa nya kasama yung nanay at baby nila, shempre akbay akbay ang drama nila. Tapos bigla nyang itutulak yung asawa nya sabay sabing "shit nanay mo!" o kaya naman, "ang cute nung baby oh" sabay turo sa anak nila.
Pag sa ofis, natutulog yan sa ilalim ng desk. As in sa ilalim. Hihiga sha sa dalawang upuan,at ipapasok ang sarili sa ilalim. Kala mo upuan lang,pag hinila mo andun sha humihilik.
Soulmates talaga kami,kasi kahit di ko kabisado birthday nya,pareho kami sa lahat,even sa binabasang tagalog pocketbook. Iisa lang ang favorite author namin. At iisa din lang ang paraan kung pano namin isulat ang buhay namin.
Then there's Kong.
Actually his name is Ronald. Trainee ko sha dun sa dati kong work. Nagkasama kami ng ilang buwan din, at nagkataon na magkalapit ang mga bahay namin kaya madalas kami magkita -- ng di sinasadya.
Nagkakasabay kami sa lrt pagpasok. Nagkakasabay rin kami sa uwian, pero di kami nag-uusap. Nagkikita lang kami lagi. Kahit magkaiba ang sked, nagkakasalubong naman kami sa cubao, or sa Anonas, or sa MRT,o kung saan man. Minsan naman nadadaanan nya ko sa kanto namin na mukhang tambay na bakla.
Sya din yung nakasama ko sa unang rambol na naatendan ko. Yup, you read it right. Naparambol na ko. Gento kasi yun.
Broken hearted ako. Broken hearted si Kong. We decided na uminom sa likod ng Sto. Domingo. We met up with his college buddies na puro straight just like him. Bale apat kami.
Sa kabilang table eh me cute guy na laging umiihi na parang nagpapapansin. Bakla lang, pinansin ko naman sha ng tingin. Tingin, titig, tingin pa uli. Nung sarado na ang bar at kami na lang ang naiwan, lumapit ang grupo nya at naghamon. Masama raw kasi akong makatingin. Parang gus2 ko man-trip. Parang nakakalalaki. Parang gus2 bumoda. But no, hindi nya na-realize na badesa ako. Akala nya eh gus2 ko lang talaga ng away. Akalain mo yon?!
Nagkabatukan, hanggang sa umabot na yun sa suntukan. Di ko na alam kung tatakbo ba ko, kung aawat, kung titili ng bonggang bongga, kung yayakap ke cute guy, kung yayakap ke Kong, kung magtatago sa ilalim ng lamesa o sa cr, o kung magchi-cheer with matching lifting and flying na naka-tights and pompoms. Ang ginawa ko? Wala sa nabanggit. Nakisuntok ako. Syeeeeeet...
Ang ending namin, na-julie vega kami ng pulis, at dinala sa presinto. Nung andun na, ang mga talipandas na naghamon, mega maamong tukmol na ngayon at mega sorry kasi lasheng lhang daw shela *hik*... Tapos sila pa yung mga mukhang nabugbog, puro pasa at dugo sa mukha. Di man lang ako nakakurot sa singit o nakahampas gamit ang bag kong mamahalin. Umuwi kami ni Kong na masakit ang mga kamao. Brokenhearted pa rin.
Pati yung bday party ko na naka-gown at tiara ako eh aksidente pa rin ang pagdalo nya. Dumaan yung jeep nya from Antipolo habang hinahatid ko ang mga bisita. Nakita nya. bumaba, at nakikain na sa bahay.
Hanggang ngayon eh nagkakasalubong pa rin kami ni Kong. Pero never pa ata kami nagkita ng me usapan. Makapunta nga ng Mot-mot baka magkita din kami dun, at mauwi na ang pagiging mag-soulmate namin sa pagiging mag bedmate. Hihihi!
Dalawa ang soulmates ko. Sana mahanap ko na yung pangatlo.
ay. me ganto? :)
ReplyDeleteuna sa lahat gusto ko lang i-correct na di ako mukhang tiger..ang ganda ko kaya!!! saka leopard yung blouse ko no at buong akala ko tunay na lalaki si jabo when we first met at kahit may asawa na ko medyo nagpa-girl ako nung una kasi mukha syang kontrabida sa movie w/c is my type..tapos inaaddress nya ko ng "neng" pero in denial pa rin ako tapos bigla nagcocomment sya sa mga kalalakihan. sabi ko baka ganun lang talaga. pero crush nya na si evan at talagang dead na dead sya dun na kahit nakakadiri na sya tingnan eh nagpapacute pa rin. gumawa pa nga ng scrapbook nung bday ni evan tapos pinagawa pa ko ng message kahit labag sa loob ko. para lang masunod kalandian nya!!
ReplyDeleteanyway, soulmate loves na loves kita.
naiiyak na sana ko kaya lang bumalik tears ko eh.marami pa sana ko sasabihin kaya lang hindi na to comment baka blog na rin..
Ayyy. Ang sweat naman! :)
ReplyDeleteSino kaya ang panagatlo? Abangan ko yan. :)
hahaha.. astig si fatima ah! ang cool :D
ReplyDeletemay kurot sa puso ang kwento niyo ni Kong.... he could be the one Maton..... he could be the one...
ReplyDeleteantaray ni soulmate talagang nag-react... di ka talaga pwede sa beerhouse kasi sa laki ng mata mo, liliwanag ang buhay ng mga GRO. i miss u soulmate.... mwahugs!
ReplyDelete