Sa pagsusuot ko ng bago kong pink na shirt, siguro tama lang na sulsihin ko muna ang mga tastas. Lililipin ko muna ang mga putol na sinulid. Para pag sinuot ko ang bago kong pink shirt, walang himulmol. Walang loose threads.
Nung natastas si Papa Totong sa buhay ko, hinayaan ko lang na nakakabit pa rin ang sinulid ko sa damit nya. Di ko pinutol kahit matalas naman ang pink na gunting ko sa pink kong sewing kit. Di ko nagawang putulin ang ugnayan namin.
Nun ngang burol ng pamangkin ko, nagpunta sila ng aswang last lamay na.
BM: O Pa, bakit ngayon ka lang? One week na tong lamay ngayon ka lang nagpunta.
Totong: Eh Ma, nagkasakit kasi to eh. (sabay turo sa aswang) Aray! (kinurot kasi sha ng aswang. Di ko alam kung dahil sha ang sinisi ni Totong, o dahil "Ma" ang tawag nya sa kin.)
BM: Ito naman, paalaga. Hmpf! (sabay irap sa aswang)
Buong magdamag eh inasar ko ang aswang.
Di ko naputol ang sinulid, kasi solid yun eh. Sobrang tagal kasi ng friendship, mahirap putulin basta-basta. Kahit pa pink ang gunting ko. Sa tingin ko, ang ngipin ng aswang ang puputol sa sinulid na itoh.
Si Magic kusa kong tinastas sa manggas. Pero hindi ko rin tinupi ng maayos yung laylayan. Kasi kahit bumitaw man ako sa kanya, there's a part of me na gusto pa rin shang isuot paminsan-minsan. Kaya kahit ginawa na shang karugtong ng table napkin nung isang badet sa kanto -- na naka-condo -- eh minsan ginagamit ko pa rin ang manggas ko na toh. To remind myself na di ako matrona material. Halleeer, naliligawan na nga ako ngayon!!
Si Marvin, nagkatotoo ang pangako ko sa sarili ko. Isa shang blusang itim na hiniram sa ibang cabinet. Pag holiday, sinusuot ko pa rin ang blusang itim at nakakamukha ko pa rin si Snooky Serna. Pag suot ko ang blusa eh gumaganda pa rin ako. Pero shempre paghubad ko, babalik ako sa pagiging bakla. Wala na yung initial na kilig, kasi naging kembang lang ang pundasyon ng relasyon. Ay mali. Wala palang relasyon. Walang tatahiin. Walang tatastasin. Ibang damit pala sha.
Tsaka usapan kasi namin, pag ukol, bubukol. So far eh wala pa namang bata sa lalamunan ko, di pa buntis ang adam's apple ko. Negative pa rin sa pregnancy test ang laway ko. Safe na safe pa rin.
Kaya kay Arjel, I'm taking it slow. Ang sarap nya kasing humalik. Dun ako nawiwindang ng todo eh. Kasi wala naman akong binigay sa kanya. Sabi nya nababaitan daw sha sa kin kaya sha nasa tabi ko sha ng panahon na yon. Pero ayokong bigyan ng kulay lahat.
Susme, ni hindi ko alam ang cellphone number nya! Ang usapan lang eh sha ang magtetext pag pupunta sha sa haus na pink. Ni hindi ko alam ang friendster o facebook nya. Nag-comment sha sa facebook ko, pero parang one time big time ito. Di na naulit, mukhang di rin nya ino-open.. Ah, baka nasabit sha uli sa *ubo! ubo!* budwire... Ah, baka kasi naninigas uli ang itits nya.
Tsaka ano ba mapapala nya sa kin? Kundi pera, ano? Katawan ko? Kumusta naman. Realistic din ako noh. Di ko kasing sexy si Angelina Joey. Wala akong bulltroop vest. Kaya I'm taking it slow talaga, to the highest slow level. Kung totoo na nababaitan sha sa kin, e di babaitan ko pa lalo. Kung pera naman, eh di prangkahan. Pwede naman eh.
Pero walang pusong involved. Mahirap kasi yung me pera na, me puso pa.
Bago ko pumasok sa bagong pagsusulsi session, bago ko simulan ang cross stitch ng buhay ko, bago ako magburda ng bonggacious na bonggacious, at bago ako mag-gantsilyo ng table napkin, lililipin ko muna ung mga nauna. Tatahiin ko yung gilid. Papatasin ang himaymay. Tatanggalin ang mga himulmol. Puputulin ang mga sinulid.
Para pag sinuot ko ang bago kong t-shirt, handang handa na ko.
wow... parang project runway LOVE and HEARTACHE edition tong post na toh hahahahaha
ReplyDeleteteh,
ReplyDeletemay ganun talaga?
dahan-dahan lang sa
paglilip at baka matusok
ka ng karayom at maging
sleeping beauty in the
next 100 days at maghintay
ka sa iyong prince charming
na mukhang wala pa ring lakas
ng loob makipag-away sa mga
mangkukulam.
Petiburges
tama! hehehe.. pera na puso pa. my guley! hahaha.. galing mu talaga idol :) lols.
ReplyDeletegusto ko makita itsura nung aswang, ewan ko ba kung bakit. hahaha
ahahaha... in fairness natawa ko @kox.. bakit mo gus2 makita itsura nung aswang? eh ako nga ayaw na ayaw kong nakikita pagmumukha nun ditey sa iskwater. wit kami friendship, wala shang FB. mahirap sha wala shang DSL, charot!
ReplyDelete@YJ ning, T.H.E. kamo ang labanan! sulsi na, gantsilyo pa! eh na-inspire ako sa tastas kong baby bra kanina.
@Petiburges hanggang ngayon di ako maka-move on sa "petite na burger" ahihihi... Uhm, mejo lumakas na ang loob nya.. Hihihi... W8 lang kau mga mare...
what can i say? i just stumbled upon your blog and i've become an instant fan.
ReplyDeleteHi @anonymous,salamat... fan ka jan.. di naman akengkay celebrity.. ateng, pwede maglagay ng pangalan... hihihi!
ReplyDeletenext time, magtahi ka rin ng panyo. hehe. leather. i luv reading ur blog.
ReplyDeletetawa ako ng tawa... nice one!!! very very nice!!!
ReplyDeletegaleng..promise.
ReplyDeletenakaka-react na ketch kasi finished na ketch sa ojt.. thesis na lang.. yay!
ReplyDelete@nam/butch.. me alter ego pa si ate..i love writing it din po,salamat sa pagtyatyaga sa mga dakdak ko..
@commuter,teh magtaxi ka..charot!san ka natawa? hehehe...
@maria g.. ano kaya yung "g"? ahh garampingat..salamash mare.. basahin ko rin mga blog mo..
naks naman. parang ako nililigawan na kahit ganito. hahaha! pero ayos yan at least hindi ka masasaktan sa oras na iba pala ang hangarin niya diba??? prangkahan??? nyhahaha! yan ang malupit sayo eh.
ReplyDelete"So far eh wala pa namang bata sa lalamunan ko, di pa buntis ang adam's apple ko. Negative pa rin sa pregnancy test ang laway ko. Safe na safe pa rin"
ReplyDeletenagpiPilar Pilapills o withdrawals?
echoz, try mo kaya magpa-ultra sound
kahit na etoy nasa baul, wichels ako pa rin ay na aliw theathre!
ReplyDelete