10.28.2009

Walking Away (SANT Reposted)

Five years ago, in a faraway LA land, me inatendan akechi na youth camp sa Cavite, ang bayan ng agimat. Directly after graduation iteklavoo sa college. Mahal na Araw pa kaya to the highest level ang penitensya. Isang linggong pagluhod. Honestly winner rin pala ang isang linggong pagdarasal. Kasama na ditey yung normal na activities pag holy week. Misa, kumpisal, rosary, way of the cross, fasting. Shempre me mga activity rin kami na magkakagrupo.

Among the campers eh luwag na luwag talaga ang panty ko ke Kirk na taga-Baguio. Ning, long-haired, chinito, mapanga, red lips, parang Igorot God ang lolo mo. Si Kirk eh parang rock concert in motion. Malandi pa kung tumingin. Sha lang ang kakilala ko na dread locks ang hair style, at binagayan sha nito. He still looks clean, yummy and delectable. Lalo na pag ngumiti. Ay mare, ang sarap maging sinaing pag sha ang ulam. Ang sarap nyang papakin.

Kaso, ang kagrupo ko eh si Kevin. Yung brother nya. Akala ko Luz Valdez, Winnie Cordero pala... Si Kevin eh mas kulot, mas chinito, mas matangkad, epitome ng pagka-ungas. Kung si Kirk eh rock concert in motion, c Kevin eh poetry in motion pa lang. Pero may potensyal ng magpaiyak ng mga badesa. At 16, he can be your typical boy next door. Wait till he gets older.

Sa camp eh tatlo kaming super close. Si Kevin, si Ka-te at ako.

SANT. That's Kevin. Sex appeal na nagkatawang tao. Si Ka-te naman eh BCNT. Brain cell na nagkatawang tao. At ako? HVNB. Halimaw sa Vase na nagkatawang bakla. Haggard.

Triumvirate. Si Ka-te eh radical, si Kevin eh illogical, ako eh comical. Si Ka-te eh intellectual, si Kevin eh physical, ako eh social. Si Ka-te ang logic, si Kevin ang attraction, ako ang comic relief. Si Ka-te ang femme fatale, si Kevin ang alpha male, ako ang identity crisis. Saya di ba?!

Matapos ang camp, intact pa rin kaming tatlo. For five years, I can say na tumatag talaga ever ang samahan namin. Kindred spirits. Itey siguro kaming tatlo. Kasi far from each other na ang drama namin. Si Ka-te eh kumukuyakoy sa Laguna, si Kevin eh nagkakandirit sa Australia, and I'm here sa QC, nagluluksong-tinik sa iba't ibang branches ng iskwater. Outsourcing na nga ako madalas sa ibang iskwater eh. Pero kineri-bambam namen ma-finder's keepers ang elusive na happiness sa aming friendship. Three less lonely people.

I'm sure alam ng dalawa toh. Ang naka-stapler kong puso, tumibok ng bonggang-bongga para kay Kevin. Ang totoy na si Kevin. Ang ungas na si Kevin. Ang cute na si Kevin. Ang bunso na si Kevin. And yes, ang getting yummy na si Kevin. After the camp, plentitious times pa akong nagpabalik-balik sa Baguio at nakitira sa bahay nila. Yesterday!

Mega apply pa ang vaklushi sa Baguio State Univ. Di ako mapakali sa Manila. Feeling ko andun ang ligaya't saya ko sa bundok ng Benguet. Kaya kahit lima silang magkakapatid na lalaki, gora pa rin ang bakla. Nung mga eksenang yun eh maton pa trulili ako. Never nila ako na-Q&A kung badesa ba akeiwa at kung me palikpik ba kong nakakubli. Basta andun lang ako lagi sa haus nila.

Grabe silang uminom! Nung college days ko eh feel na feel ko talaga maging tumador at tanggera. Ilang beses na halos akong gumulong sa sarili kong suka. Pero never akong nag-blackout. Sa bahay nila Kevin eh naranasan kong mawalan ng ulirat sa sobrang kalasingan. Uminom ka ba naman sa harap ng bonfire mula alas otso ng gabi hanggang umaga eh. Kaswal lang yun ha. Me pulutan naman, kaso paiba-iba ang alak, puro pa hard. Kinabukasan ko na malalaman na si Kevin pala ang nag-aruga sa akin sa magdamag. Amin ang gabi. Wit ko na alam kung na-rape ba akeiwa.. Parang hindi naman!

Secret lover ang drama ko. Di applicable sa lolo mo ang kasabihang "Walang matimtimang lalaki sa baklang magaling lumuhod." Lalong hindi pasok sa banga ke Kevin ang motto ko na "Habang may poverty, may baklang masaya". Eh wala naman shang mapapala sa kin, me pera naman sha. Kaya nilihim ko na lang ang pagsintang pururot ko. Baka ma-jombag pa ko. Kasabay ng lihim na toh, shempre ang paglilihim ko ng pagka-badesa ko.

Eventually nalaman nya rin. Sa isang makabagbag damdaming text message eh umamin ang jokla. And after that, it was never the same. Nagka-wall. Wala namang budwire in fairness. Nagkaroon lang ng harang at pareho kaming hindi maka-oberdabakod.

Kaya ang nabunyag na pagsinta, no choice kundi ibaon sa limot. Hanggang sa mga oras na toh, feeling ko eh anytime na makita ko uli si Ungas, babalik ang kuribdib ng puso ko.

Nung despedida nila to Australia, lasing ang ungas. Na-offend ako, in fairness. Kantahan ba naman ako ng "O pare meron kang bisita. Itsura mo'y parang naluging bakla.." Multong bakla! Yun daw ang theme song nya sa kin! Nun ko lang nalaman na feeling nya eh binak-istab ko sha kasi tinago ko ang pink kong pakpak. Lumipad sha sa lupain ng mga kangaroo na may lamat sa pagkakaibigan namin.

Kasi bakla "pala" ako.

Yung closeness namin ni Ungas, nalipat ke Ka-te. Pareho kaming naging mas close ke Ka-te kasi kumbaga sha yung neutral ground. Sa kanya na ko nagkukwento ng mga kilig ko, ke Ka-te na rin nagkukwento ng mga hangups at lovelife eklabush nya c Kevin. C Ka-te ang naging shock
absorber naming dalawa.

Habang tumatanda eh pasarap ng pasarap si Kevin. Habang sumasarap sha eh palayo naman sha ng palayo sa akin. Although natanggap rin naman nya ang hasang ketch, yung dati naming closeness eh di na naibalik. Pero kami ni Ka-te, mas naging mighty bond ang dikit namin, pati barkada nya ng hayskul inangkin ko na, at close rin naman sha sa iba kong tropa. At habang nagiging ganap ang sex appeal ni Kevin eh nagiging ganap naman ang pagkababae ko.

Kami ni Ka-te, iba naman ang level ng similarities namin. Sa psych, we call this the "peak level" ng pagkakaintindihan. Yung tipong tinginan lang nagkakaintindihan na. Yung tipong kahit magkalayo eh pareho kayo ng reaksyon sa isang sitwasyon. Ganitekla kaming duwa ni Ka-te. Tsaka naman, nickname pa lang panalo na.. Ka-te. Makate. Baklang bakla davah?

Iilang tao lang ang kino-consider kong kasing talino ko, if not mas matalino, sa kin hehehe. Isa siya dun. Ilang beses na kaming magka-chat na wala pang topic eh pareho na kami ng sinusulat. We watch the same shows, read the same books, mas nerd nga lang sha sa kin.

What I didn't know, Ka-te was also into him. Patay na! Nadulas lang yun ofismeyt nya nung tawagin shang Mrs. Kevin Pao. Natulala ako ng mga five seconds. Huli na ang lahat, kahit ibitin nya ng patiwarik at busalan nya yung bibig nung dakdakina nyang friendship eh alam ko na ang totoo. And yes, we fell in love with the same man.

"The boy that we shared" at "the boy that we never had" ang alyas namin ke Kevin. Simply because pareho kaming bigo. Pag nasa Australia si Kevin, ang mantra namin, "I remember the boy but I don't remember the feeling anymore." Pero pag anjan na sha sa Pinas, ay ning, "It's all coming back, it's all coming back to me now" na ang mantra.

Madalas eh magka-conference kami sa YM. Chikahan, bukuhan, laglagan, update, bonding. Mas lamang ang pagiging online friends namin kasi di na kami halos nagkikita.

Later on, I found out na mas madalas pala silang mag-usap ng di ko alam. Naging sila na rin ata ng di ko alam. Nagtatawagan, nagwe-webcam, everything na me long distance relationship. Nagselos ako, pero hallleeeeer? Me karapatan ba akeiwa eh di naman akin yung boylet.. Dahil sa lamat na meron sa pagitan namin, yung initial role ni Ka-te na vulca seal, naging permanent.

Totoo na mahirap pag me pechay ang kalaban mo. Pero mas mahirap pala pag kaibigan mo ang pechay na yun. Sa pagkakataong ito, ako na ang nagkusang lumayo.

Sa kwento naming tatlo, ako pala ang kontrabida.

11 comments:

  1. I feel the pain...

    ReplyDelete
  2. maganda ang chuve chuve mo (ORIGIN NG PHRASE NA IYAN SI MARIAM MAKEBA ano). keep on writing.

    ReplyDelete
  3. bakit kaya ganun ang buhay? masyadong unfair.

    ang ganda ng post. totoo at heartfelt. keep it up!

    ReplyDelete
  4. palagi ka na lang sawi. . .hehehe
    hug hug

    ReplyDelete
  5. Sanama-encourage ang mga viewers natin na mag-sulat pa rin. Kahit chorva,buhay pa rin iyon.

    ReplyDelete
  6. @xingalung...what do u mean ba teh? magpadala rin sila ng entry ala MMK? charot...

    ReplyDelete
  7. nalungkot ako sa kuwento mong ito. ang hirap magmahal nang hindi masuklian. masakit, di ba? kahit idinadaan natin sa tawa.

    ReplyDelete
  8. ang sakit naman! I feel the pain...

    ReplyDelete
  9. ang saya saya ng umpisa. kalungkutan ang huli kakalungkot teh. naramdaman ko na yan makailang ulit na. pero me kakabog ba sayo.

    hayyysssss...

    ReplyDelete
  10. i love the story...

    ReplyDelete