10.22.2010

Finally

Me nag-text sa kin kanina. "Gabi! Pantal! Higad! Hadhad!"

Nagreply naman ako. "Oo na! Makati na ko! Ikaw na! Ikaw na hindi malande!"

Nareply sha uli. "Me pinadala kong trosyd at canesten cream. Ipahid mo sa pechay mo."

Mega banat naman ako. "Anong magagawa ko kung gusto nila ko?! Tao lang ako, I have needs."

Humirit sha uli. "Para kang maruming damit na iniwan sa sofa! Gamit na gamit ka lang."

Gaganti pa sana ko, pero natameme ako sa huli nyang text. "Bakla... may asawa na yan."

Pak! Boom! Ping!


I feel like I owe you an explanation.

Oo... Marupok ako.

Matapos akong magka-dengue at maglipat pabalik ng Iskwater, I've been living under Totong's roof. Of course, tenant naman akeiwa at hindi nya ako ibinahay.

Gento kasi yun. Nung lumabas akeiwa sa medical, nag-decide ang lahat para sa kin na wag nang bumalik ng Malibay at bumalik na sa Iskwater. Kasi daw baka ikamatay ko ang sobrang katahimikan sa House of Sonya.

Lumabas ako ng hospital ng Monday. Mega hanap pa sila ng hauslaloo na pwede kong upahan for two months. Two months lang, kasi before mag-Pasko kasi ang goal nila na maipatayo yung isang mansyon ditey sa iskwater, at may I reserve na daw aketch agad ng isang square meter.

Waley. Wichiririt kami nakahanap ng haus na pwede kong tirahan at pwede akong tirahin ahihi... Kundi majontot, majipis o madilim na parang kuta ng adik, maharlika naman na may limang kwarto ang nakita nila. Eh home alone naman ang eksena ko so di bagay ang malapalasyong espasyo.

Ang ending, dun ako sa kwarto ng ate ni Totong bumorlogs sa 4th floor ng tore. At kinabukasan, hinakot nila lahat ng gamit sa kwartong yun, inakyat sa 5th floor. Blagag! Instant tenant ang bakla. Kasi gamit ang trak ni Pa, hinakot din nila lahat ng gamit ko sa Malibay. Gabi ng Martes, nakaayos na lahat ng gamit ko at hausmate ko na si Payat.

It's been more than a week now. Madalas eh nasa kwarto lang ako, or nakikikain kila Pa. Madalas din eh kakulitan ko yung mga pamangkin nya or may mga bisita akong canton boys na na-miss ata ang aking presensya.

Araw-araw eh iba ibang halamang gubat ang hina-harvest ko. May oregano, may sambong, may bayabas, may chichirika. Iba't ibang gulay ang hinahalabos ko gabi gabi. May patola, may upo, may talong, may okra, may pipino, may saba.

Kagabi nakahalata na ata si Totong na andami kong dalaw, ni-lock ang gate. Pag bababa ako, sasamahan nya ko. Pag aakyat ako, itetext ko sha at bababa sha para sunduin ako. Kaloka! Ang sweet, pero kaloka!

Since tumatakbong kagawad ang lolo mo, gabi gabi eh nasa inuman, kung sino sinong nilalang ang tinatagayan at chini chika nia para makilala sha ng Barangay Bagumbuhay at maiboto ng madla. Gabi gabi rin eh me bonding kami sa hagdan ng tore, nagrerepaso ng mga pinuntahan nya, ng mga kinamayan nya, ng mga kalaban nya sa politika at ng mga kaalyansa nya sa tiket. Naks! Politicians!

Dito rin muna sha nakatira sa tore kasi nga nangangampanya. Kaya kami ang magkasiping sa gabi, walang magawa ang aswang kundi ang katukin ako gabi-gabi para malaman kung dito ba natutulog ang asawa nya. Di pa naman kami nahuhuli.

Akalain mo yun, 12 yrs ago eh si Bibiana at ang nanay ni Pa ang tumakbong kagawad. Parehong loss! Hihihi. Ngayun eh supporting na lang akeiwa sa kandidatura ni Payat.

Nang malaman ng mga anaconda sa paligid ko ang eksena namin ngayun, may litanya ang mga bakla.

Galema: Home wrecker!
Medusa: Bitch!
Valentina: Whore!
Galema: Slut!
Medusa: Desperate gay guy from hell!
Valentina: Fucking cunt!
BM: OA nyo ha! Ano lang ako... Mistress to a politician!

Ayun si Payat, kakaakyat lang. Tuwing uuwi sha eh dito muna sha tatambay, kwentuhan kami sa hagdan, kain ng kung anu-ano lang, bonding, landian. Making our bond grow stronger than ever. Pero tonight, umakyat sha na pikon at asar talo.

Gusto nya kasi i-single vote ko sha. Eh nangako ako ke Magic na iboboto ko rin ang nanay nya. Tumatakbo rin kasing kagawad si Ate Minda hahaha! Ayun walk out ang drama ng Payat. Magsama daw kami ni Magic na according to him eh "pokpok".

Sige na nga! Mamaya mangangako ako kay Payat na sa eleksyon, sya lang ang iboboto ko. At tutulungan ko shang ipagpatuloy ang magandang nasimulan... tungo sa pagbabago! Hay! Politics!

Marupok nga talaga ako. Umalis na ko sa Iskwater, heto't bumalik na agad ako. At isang linggo pa lang ako, si Totong na agad ang kinalantare ko. Oo sabi ko dati di na ko magba-blog tungkol kay Totong. Bakit ba?! Bakla ako, pwede kong magbago ng isip! Wala akong paninindigan!

Moving on and letting go? I tried. I honestly did. Ewan ko ba, para kong barko na larga ng larga kung saan saan. At the end of the day, babalik at babalik din ako sa pier.

Kung hanggang kelan, ewan ko pa. Pag handa na shang mag-move on, makakamove on na rin ako. Basta sa ngayon, si Totong ang daungan ko.

18 comments:

  1. "para kong barko na larga ng larga kung saan saan. At the end of the day, babalik at babalik din ako sa pier"

    -Panalo!!! =D

    ReplyDelete
  2. "Basta sa ngayon, si Totong ang daungan ko."

    madamdamin. makahulugan. matalinghaga.

    love it! :)

    ReplyDelete
  3. gaya nga ng sinabi ko sa spit roast ni Kane, isa ka sa mga tinitingala kong bloggers (kc nsa 5th flr ka bwahaha)... kahit nsa malibay ka or sa iskwater, nakaka aliw talaga mga kwento mo..

    bonnga ang mga natitikman mong gulay, sarit sari... parang Sa Bahay Kubo lng bwahaha

    ching!

    ReplyDelete
  4. LMAO! kaaliw blog mo, baklang bakla hahaha

    ReplyDelete
  5. OO, tama ka! Wala talagang paninindigan ang bakla! Bow! hahaha! keri lang yan!

    ReplyDelete
  6. I couldn't help but wonder if all your stories are fiction on non-fiction? habang binabasa ko blog mo parang na vivisualize ko sya promise galing galing....Awesome!!

    ReplyDelete
  7. bongga ka talaga sumulat teh. kaya tuloy ayan gumawa na rin ako ng blog kung saan ilalagay ko mga eksena ko naman.

    iskwala rin akez ateng hehehe!

    totong. first politician love never dies. hehehehehehehehe!

    ReplyDelete
  8. i believe that at least in this part of the world, there should be no judgements. kaantahan nalang kita ng happy ni leona lewis and hope na matagpuan mo yung happiness mo. :)

    ReplyDelete
  9. may mga terms na hindi ko maarok, pero carry lang. natuwa ako sa istorya mo. hehe.

    ReplyDelete
  10. Mabuti nga at despite your troubles kaya mo pang mag-post sa blog. But ang galing ng istorya. Hanggang sa susunod?

    ReplyDelete
  11. naka.tatlong halakhak naman ako sa linyang ito.. "Wichiririt kami nakahanap ng haus na pwede kong tirahan at pwede akong tirahin ahihi..." kaka.lurke naman... ha! ha! ha! (tas balik normal ang ayos ng fez akish)

    lupet mo ate... ayos!

    ReplyDelete
  12. Basta ang alam ko maikli lang ang life...be happy na lang =)

    ReplyDelete
  13. panalo ka ate!
    nakaka-relate ako kasi pareho tayo ng sitwasyon!
    go!

    ReplyDelete
  14. ate tama na ang kati... wag pumasok sa isang relasyon pagdi mo kayang pahilumin ang kati hehehehehhe

    ReplyDelete
  15. bakla pano mo nakakayang dedmahin yung mga tawag nila sayo...

    parang pinangatawanan mo na tuloy ang pagiging isa mong pokpok sa iskwater ha

    i dont know if i could do the things you do but i love it

    ReplyDelete
  16. teh, si magic ba to?

    http://pinoygenerationexhibitionist.blogspot.com/2010/01/fleshy-pinoy-hunk-gives-hot-nude-show.html

    ReplyDelete
  17. ahaha natawa naman ako dun... sa kalagitnaan ng paglalayag ko ditey sa puerto princesa eh napa-comment talaga akeiwa para mapabulaanan ang isyung itechi...

    di sha un, mas gwapo c magic dun... at mas winner.

    ReplyDelete
  18. panalo yun hinahabos!natawa ako ng bongga!haha

    at legendary ang linya mo na babalik ka pa din sa pier at siya ang daungan mo!

    perfect!

    LOL!

    ReplyDelete