10.14.2010

Eksena sa Medical

Habang tinuturukan ako sa braso, biglang nag-tenenenen ang utak ko two years ago... sa isang windang experience ko sa ospital ng Pasig.

Nung bumukod ako ng hauslaloo at naging bachelorette, ang una kong balaysung ay doonchi sa Bagong River, Pasigelya.

Una kong hausmate sina Karen at Kristala. Magbowa na orbitz. Kindness yang c Tala, lagi akong pinaglalaba ng mga panty hihihi... Tapos naging hausmate kez naman sina Bebang at Manay. C Bang, nabanggit ko na before, eh tropapitz ko ng college.

Wala naman kaming hiya-hiya sa jisa't jisa. Pero wit ko alam why nung isang fateful night of December eh nahiya akong mang-istorbo. Ang bakla, hinihika na ng bonggang bongga pero waley na akong gamot. Kasagsagan ng bagyo, labas akeiwa sa hauslaloo at humiram ng umbrella-ella-ella kay Armida na suking tindahan ko at eksenadorang nakiki-syuta sa kin.

Kahit bagyo galore, mega sugod akeiwa mag-isa sa ospital sa may Pineda. Take note: MAG-ISA. Walking distance lang kc yung jospital ng bayan, so kahit hika galore eh mega walkathon naman ang bakla.

Pagdating ko sa jusko-pital mega tanong si Nurse Jane. Me kasama daw ba akeiwa. Ay wichiririt! Alone ang drama ko.

"Ay sinong bibili ng gamot mo? Kasi sa pharmacy lang me gamot dito sa labas. Bili ka muna, para makapag-nebulizer ka."

Pak! Overpass pa ang bakla. Kelangan bumili ng gamot mag-isa para makapagpa-usok sa nebulizer-kadnezar. Eh di hingal kabayo ang bakla pagbalik. Maya-maya bili daw uli akeiwa ng tube na pampausok nakalimutan ng potang nurse.

Overpass uli. Hingal kabayo uli. Hika galore uli. Kaloka! Wala pa naman ako maka-join force kasi lowbat ang ponelya kez, at wit ko memorize ang number ng mga hausmates. Agony in the overpass ang kinalugaran ko.

Pagbalik, ay bakla nangdilim na talaga paningin ko. Hindi sa galit, kundi sa hika. Hithit kalabaw na talaga ko sa nebulizer, hyperventilate to the max na daw ako. Ang tiles (o lupa?!) ng sahig, parang humalo-halo na sa paningin ko.

Pak! Oxygen tank.
Pak! Steroids.
Pak! Dextrose.
Pak! Anti-histamine.

Ang Nurse Jane, kala mo nagtuturok lang sa baboy. Mega tusok lang ng karayom sa braso ko. Nakaanim na turok ata lola mo ng walang sabi-sabi. Walang pitik pitik, walang hingang malalim. Basta sinaksak lang akeiwa ng syringe.

Habang naghihingalo ang bakla, ning walang available na kama. So naka-oxygen ako, naka-dextrose at naka-nebulizer. Pero nakaupo sa monobloc. Hindi nakahiga. Nakaupo. Nasa gitna ng isang naghihingalong may tubo sa baga, at isang matanda na may tb. Basta nakaupo lang ako dun sa gitna nila.

Nung umaga na, dumating naman ang amo kong Koreano kasi kabisado ko ang landline nya sa balay. Pero waley pa rin akong kama. Kahit chill kung chill na ko, basta sa upuan pa rin.

Maya-maya naman eh dumating na si Bibiana. At in fairness nailipat naman ako sa kama. Pero walang kwarto. Dun ako nakapwesto sa hallway. Kasi yung katabi ko na may tubo sa baga, deadlak na pala. So yung kama nya, ipinamana na sa kin ng butihing ospital. At para ata makapag-TY ako ke manong tubo, habang naka-park ang kama ko sa hallway, dun din nila naisipan i-park yung bangkay ni manong. Bonding!

Yun siguro ang pinaka-haggard na experience ko sa hospital. Eh kaya ko lang naman naalala, kakauwi ko lang from yet another hospitalization. Ang bakla, na-dengue!

Last Miyerkules sumugod na ko sa medical matapos bumaba sa 94 ang blood platelets ko. Malapit sa Iskwater ako nagpa-confine kasi maraming magbabantay. Nung nasa ER, kaloka super gwapo ng nurse. Kaya nung ililipat na ko sa kwarto ayaw ko ng stretcher. Ayaw ko rin ng wheelchair.

Gusto ko karga.

Aba, mamamatay na nga di pa ko lalandi?! Eh nanghihina pa raw si Nurse Gwapo, kaya pumayag na rin ako sa wheelchair. Kandong. Hihihi!

Ay wit ako nagtagumpay. Side by side lang ang keme namin. At kahit maya't maya pa sha kumuha ng dugo para ma-monito ang dengue ko, keribambam lang. Walang pag-iimbot at buong kagalakan kong inialay ang dugo ko.

Shempre lahat na ng eksena ginawa ko para maging enjoyable naman ang pagka-confine ketch davah?! Nag-praktis ako kung pano huhugot ng huling hininga. Kung pano biglang pipikit at lalaylay ang isang kamay sa gilid ng kama.

Nung inoperahan ako kasi ayaw tumigil ng nosebleed ng bakla, mega request ako na dapat me mga tao sa salamin para pag nag-tuuuuuut yung heartbeat ko eh mega iiyak sila. Ayaw na naman akong payagan kainis. Papasakan lang daw yung ilong ko, wala namang kamatay-matay dun. Hmpf! KJ.

Salamat sa mga friendships kong dumalaw. Parang huling lamay lang. Inilaktaw na ang mga bata. Walang nakapula. Nagbasag na rin ng palayok para wala nang sumunod hihihi. Sinamantala ko ng magpaka-primadonna. Kaya ang mga beki kong friendship na dumalaw, di na makapaghintay na gumaling ako at ng makaganti na.

Kaloka, sa dami ng dumalaw na beki, akala mo eh me go-see ng Ms. Gay Iskwater 2010! Thank you girls!

Dahil sa kalunos-lunos na sinapit ko sa BBB at sa mga alipores ni Aling Lucresia na mga lamok armed with the dengue virus, nag-amok ang Bibiana at di pumayag na bumalik pa ko sa House of Sonya. Kaya ngayon, balik Iskwater na ang hitad. And guess where I'm staying?



Sa Tore ni Totong.

10 comments:

  1. ahahahhaa.panalo ka tlaga maton!!keep on writing kahit me dengue...wala an akong masabi kundi salamat sa mga tawa....hindi yan pamamaalam ha..

    get well soon bro!

    ReplyDelete
  2. pareho tayo teh, nabiktima ng dengue..
    .
    .
    ingat ingat tau next time =)

    ReplyDelete
  3. wag papatalo sa lamok aba aba. ingat ingat.

    ReplyDelete
  4. naiimagine kta sa ospital...
    sna ako na lng naging RN mo..
    pgaling ka..

    ReplyDelete
  5. hahaha.. putek na nurse yan adik!! haha.. namiss kita chorva. :) imiss ur blog. hoho

    ReplyDelete
  6. "naglulumiyad ako sa kagalakan" sa kakatawa hindi dahil sa nadengue ka...

    salamat pinasaya mo na naman ang gabi ko...

    at dahil jan...

    meron ka pang...

    "isang liyad!"

    ReplyDelete
  7. Ang agang lumiwanag ang araw ko dahil sa post mo. Pero sana ok na ok ka na. Mwahs!

    ReplyDelete
  8. buti magaling ka na! na-dengue din ako quite recently. gusto ko rin sana magpractice nung mga huling hininga ekek kaso ayaw naman ako iconfine. di naman daw mabigat yung dengue ko. house arrest lang ako. iniamgine ko nalang ako si erap. ayy! death!

    ReplyDelete