Yung date namin ni "Nameless Guy" eh naudlot. Wichiririt na sha nagparamdam. Baka na-overwhelm sa ganda ko.. Isa shang tagalupa, ako ay taga-pinkantasya kaya siguro naiilang sha. Alam nya sigurong gaganti ako sa pag-ubos nya sa bango ko. Balak ko ring simsimin ang halimuyak ng kembot nya hanggang malanta. At balak kong ilagay sa bote para makagawa ng bagong perfume line. Sayang!
Eto namang si "anonymous commenter" eh puro porma. Susko, nasa underground pa ata ng Narnia si kuya kaya ang showag ketch sa kanya nowadays eh Prince Caspian. Prince Caspian, wichiririt na kita mahihintay kasi naiinip na ko. Aandar na ang tren, with or without you. Kung nakabili ka ng tiket, pwes hanapin mo na lang ako, nakaupo lang ako somewhere, nakatanaw sa bintana, naglalakbay ang diwa.
Aba naman, malay ko kung pinagtitripan lang pala akiz ng nyorkada davah? Baliwag pa naman, to the highest mental hospital level, ang mga nyorkadas kez, baka isa sa kanila itung si Prince Caspian. Tapos wit naman talaga sha dumidiga, kumbaga eh pure paramdam at parinig pa lang itu, wala pa sha sa level ng harana at chocolates and flowers. Agree mga nini? Kaya kesa waiting for tonight akez, naglaro na lang ako ng sepak takraw, chararat bumba!
Kaya ang BM -- next level na! may nickname na! -- eh todo freedom sa paghahanap ng kukuyangyang noong Saburdey. At dahil likas akong malandi, nakilala ko si RJ, nickamed Ding. Willing akong magpaka-Darna ning, mapasaakin lang sha. Eto ang kwento:
Wichiririt akong nahilig sa gulaman. Wichikels ko naman kasi alam haw-haw-de-karabaw nila itech tinimpla davah? Whereness nagmula ang water supply? Kumanta ba ng hapi burtdey habang naghuhugas ng kamay using safeguard yung naghiwa ng gulaman? Ang balde nini, hinugasan ba ng joy antibac? Ching!
Eh kasi, ditey sa iskwater eh nakikita kez panu nila itimpla ang kanilang mga sago't gulaman. Nasa labas ng bahay ang labahan, dun na rin nila tinatapat ang balde sa gripo, hahaluan ng pampalasa, and hahaluin ng konti. Presto! Gulaman na! Refreshing with two scoops of amoeba...
Pati yung stir-fried noodles wit ko rin bet. Kasi nagtataka akez sa lasa, nahihilo ang mga taste buds kez. Noodelicious na me toge, piniprito, shopos mega halo ka ng sauce na kung anik anik ang namesung. Kaya si taste bud, di malaman kung matamis ba, maanghang, maasim, lasang sunog pa minsan.
Pero wag ka, nung Saburdey, nakalimang baso ng gulaman ako.At nakadalawang order akez ng stir-fried noodles with matching teriyaki toppings. Baket? Kasi ang gwafu ng tindero! Ang sarap pala ng gulaman! Heavenly pala ang taste ng stir-fried noodles!
Sakto, pre-registration namin sa school nung Tuesday. Para wag maubusan ng subject eh nauna akez. Me eksena pa ko sa dept. head na talagang ikina-tumbling ko. At sa sama ng loob ko eh tumambay talaga ako sa pwesto nya. At nagkayayaan na nga, after ng shift nya ng 4pm eh magkikita kami at magku-kuyangyangan.
At first eh hesitant sha, kasi malayo. Abad Santos pa nakatira ang lolo mo, sa Cubao pa ko nakatira. Tapos eh iskwater pa pupuntahan namin. Kaya hinaklit ko na rin si friendship para me kasama sha. So there, inuman na sa bahay na pink. Ay feel ko, magiging more than inuman itu.. Malamang eh maghabulang gahasa kami. Hahabulin nya ko, tapos matatapilok ako, unti unting aatras hanggang sa makorner nya ko... Dahan dahan shang lalapit, at.... Well if that happens, I promise not to shout! Di talaga ko sisigaw! Uungol lang siguro ng impit, hihihi!
Tipikal na inuman ang naganap. Me pulutan sha, manok. Me pulutan ako, SIYA. Shempre kwentuhan, mga buhay buhay, ilang kapatid, past relationships, sexual experiences, work hangups, the usual. Natatawa ako sa lolo mo, kasi ang dami nyang bloopers.
Nanonood kami nun ng Troy ni Papa Brad Pitt. Pag nagkukwentuhan kami, ang showag nya ke Brad Pitt eh "Troy" as in:
"Di ba pinsan ni Troy yung magkukunwari na sha, kaya mamamatay?"
"Ang galing din ni Troy dun sa Mr. & Mrs. Jones, yung kasama si Angelina Joey."
"Bakit ba namatay jan si Troy? Pinana sha ni Hercules?"
Yesterday, today and beyond! Naloloka ako kasi kahit i-correct ko sha eh ganun pa rin. Deadma-laysia ang lolo mo. Kaya sinakyan ko na. Maya-maya eh Troy na rin tawag ko ke Achilles.
Marami pa shang baon.
Me peklat shang 15 stitches sa palad, kasi nasabit sha sa budwire. Yung uncle nya sa NBI eh muntik nang mabaril, buti na lang nakasuot ng bulltroop kaya hindi tinamaan. Winner diba?
Pero pag npatitig ka sa mukha nya, eh to hell with his bloopers na! Mapapakanta ka na lang ng "I dont wanna be a brokenhearted girl" ni ateng Beyonce.
Sa gitna ng kwentuhan tungkol kay Troy, sa tito nyang me bulltroop, at sa nasabitan nyang budwire, natulala ako at napatitig sa lips nya. Unti-unting naglapit ang mga ulo namin, nag-uusap ang mga mata, nakakiling ang ulo, umangat ang mga kamay at humawak ako sa batok nya, sya naman sa leeg ko... 5 inches away... 3 inches... 2 inches... 1 tiny inch...
Biglang sumuka ang peste nyang friendship. Habang nakaupo. Sa sariling t-shirt. At sa sofa. At sa sahig. Eeeewww. Hinila namin si friendship sa banyo at dun hinayaang nakayakap kay Mang Doro. Tumuloy kami sa kwarto at naupo sa kama.
No preamble. Basta naramdaman ko na lang, magkadikit na ang mga labi namin, nalasahan ko ang labi nya, lasang redhorse, toblerone at beermate. Nagkapalit-palit na yung mga pulutan, and deliberately eh pinasa nya sa kin yung nginuya nyang mani. Tsaka yung toblerone. Sa mga oras na yun, dumadagundong talaga ang dibdib ko. Tumatayo ang mga balahibo ko, napapikit ako ng tuluyan, and gave in. Wala na kong alam sa nangyayari sa paligid. Basta ang alam ko lang, ang labi ko eh para lang sa labi nya.
Nope, walang kembutan na nangyari. Pero I found our intimacy sweeter than actually making love. Ewan ko ba, parang kahit maghalikan lang kami ng isang buong taon, di ako magugutom.
Tinuloy namin yung inuman, naka-sampung bote kami ng redhorse! At hindi ako nalasing in fairness. While drinking, naghubad sha ng shirt. Mainit daw kasi, so sinuot nya yung sando ko. Then sinuot nya sa kin yung pink t-shirt nya. We continued drinking, talking, kissing, at sa inis nya ke friendship eh mega inisprayan nya ng Glade Air Freshener sa buong katawan at mukha. Nung time na para umuwi, yung green shirt ko na ang sinuot nya, and iniwan nya ang pink t-shirt nya sa kin.
I can't tell yet kung SHA na nga ba. Ang lalaking para sa baklang maton. Sobrang gwapo nya kasi nakaka-insecure. Di ko naman masabi na pera ko lang ang habol nya, kasi wala naman akong pera. Kung ganda at katawan ko naman, hay naku di ko to aaminin kahit kanino, pero sa pagkakataong toh, parang ayoko naman maging ambisyosa. Kung good company ang habol nya, baka yun pwede pa. Kaya nalilito ang baklang maton.
Pero I guess, it's too soon na mag-inarte sa isa na namang "could-be guy"... Siguro sisiguraduhin ko na kung sakali mang maging kami, hindi pera, or sex, or yung pagpapalitan ng laway ang maging pundasyon ng relasyon namin. Siguro this time, I'll play it by ear. Sisiguraduhin kong makikilala nya ang tunay na "essence" ng Baklang Maton, bago ko sha sagutin.
At habang suot ko ngayon ang pink t-shirt nya, napaisip ako.
Kung mahal ko na ba sha? To quote Papa Piolo: "I'm getting there."
At sana, wag nyang sagutin to someday ng "I never got there."
Paumanhin:
Sa mga nakabasa na nitech dati, erase erase muna ang pix ng kuya budwire ha... me eksena.. I'll keep you posted..
Yo, BM.
ReplyDeleteTruth is, I am having thoughts. I'd like to get out of Narnia, but I don't want anyone to break my heart. I am a one-man guy, ahem, and you might, one day, only poke wicked fun at me, especially with your achingly funny way of telling stories.
You are still a student? I thought all along that you had finished college and were working full-time.
And those new guys in your posts... Ummm...
Will you be careful with my heart?
--Prince Caspian
OMG nagbabasa si Pirnce caspian ng blogs ni BM. meaning nasa paligid na puno ng linga si PC.
ReplyDeleteOuch nasaktan siya, nagselos, nagdamdam, kasi ikaw na makating enday, di mo hinintay na lumabas sa nakatagong pintuan si PC.
sana makahanap rin ako ng pra sa akin, iyong ako lang, iyong hindi ako KABIT. HUHUHU....
I'm working and studying.. Pag Saburdey akez nasa iskulilet.. Master showman na ang level ko nini... kaya nga haggardness lagi eh..
ReplyDeleteMy Prince Caspian naman kasi, wichiririt ng maya! Anu ber talaga habol mesh sa kenchiwa? Shutawan ba itu? Charot!
Panu kita ipo-poke eh kaw nga dapat mag-poke sa ken! Puke ka! Siguro wichikels mo pa akengkay kilala, basahin mo muna LAHAT ng post kesh, para malaman mo na kahit nakapila silang lahat, lahat naman sila eh binigyan kez ng Halaga.
Be brave little one... I'm waiting for you, my Prince Caspian.
may papables ka hahahaha.
ReplyDeleteano ba ang witchikels. hahahahaha.
nice to hear that you're ok and in love. :)
san ba makakahanap ng mga ganyang papables? kainggit!!!
ReplyDeletegusto nyo ba ng papables? aay, may kakilala ako at willing daw! kaya lang, ipapakilala ko siya sa kagalit ko!! alam nyo na kung bakit!
ReplyDeleteFirst time ko magpost dito, natutuwa ako sa posts at mga comments ng readers... hihihi...
ReplyDeletemare hindi ko kinaya yang habulang gahasa game na yan....
ReplyDeleteat ang mga bloopers niya, utang na loob... buti nalang naging guapo siya hahahahaha
ganun ba ako katagal nawala sa mundo ng blog at meron ka ng papa mr. BM? hehe cheers!
ReplyDeleteaba aba aba. nangangabog ka ring maldita ka. at oo so papalicious ang bago mong pinupulutan. wahahaha! punyeta me kamukha siyang kakilala ko... wahahaha! kabogera ang lola...
ReplyDeletehindi ko na makeri ang powers mo. nyhahahaha!
dalaw ka naman sa bahay ko.