1.19.2011

My Fifteenth

Fifteen... such a scary number.

Habang tina-type kez itong post na iteiwa eh nasa isang computer shop ako. Kaloka! Di ako makapagreklamo sa ingay ng mga batang iskwater na mga kapitbahay ko. Siguro gento din ako kaingay nung lilet pa ko... Pag sa public na computer shop talaga walang privacy. Pero mas mabilis ako gumawa ng post hehehe. Malapit na mag-time ahaha!

Sabi ko isi-secret ko muna si friend eh...

One time na naglulumandi ako sa FB, nakita ko yung fanpage chararat na ginawa ko. Assuming ako na me fans ako hehehe! Kaya kahit half dun eh friendships ko, go pa rin si bakla, di na nahiya! Mega gawa talaga ng fanpage. (BTW, i-like nyo naman ditey) Sinulyapan ko lang yung list. Hmpf, wala pa palang one millions hihihi. Me napansin akong gwapo, pagsulyap ko sa profile naloka ko!

Ang lolo mo, nanggaling pa sa ibang planeta! Marunong bang mag-tagalog to?! Mega message ang bakla. "Hi thanks for liking. Do you read my blogs? Can you understand them?" Chararat! Napa-english si BM ng wala sa oras. Pinakatitigan ko ang piksyur nya. Kilig na kilig na ko sa kagwapuhan ng lolo mo. Tapos bigla akong naboldyak ng pinsan kong adiktus pekinensis sa KPop.

Pak!

"Shunga! Kilig na kilig ka sa gwapong yan eh jortista yan! Si kemberlu mae galore yan ng Super Junior!"

"Gaga! Kala ko ba Shuper Junior? Bat 21 yung sinasayaw mo?!"

"Eh catchy yung song ng 21 hihihi."

"Sabagay!"

Sabay kaming nag-production number ng eh-eh-eh-eh-eh-eh.... 21!

Eh di naglaho na ng slight yung kilig ng kipay ko. Click, kuda, pindot, kuda, browse, kuda, sing-along, kuda uli. Pati yung mga videoke versions sa youtubebang wit namin pinalagpas. Me video pa kamo yung barkada ko ng hayskul na mega emote sa kali-lipsing si baklita at mega voice-over naman akeiwa. Ipo-post ko nga yun bukas hihihi...

Me duwa lang shang piktyuraka sa FB. The rest eh si Crisostomo Ronaldo Valdez ba yun? Yung soccer player ng Tijuana? Ahahaha! Basta kilala ko fez nya, di ko knows namesung nya. Anyhoo, yun nga sabi ni cuzin bear, wit daw sha yun kasi Shuper Junior yung guy. Pero yung isa pa di naman mukhang KPop. Pero malay ko rin ba if sha yun, hahaha!

Apter a pyu deyz, mega reply na ang lolo mo. Nag-reply din ako. Nag-reply din sha uli. Nag-reply na naman ako. At sha din. At sumagot ako ule. At nag-react sha sa sinabi ko. At rumeak na rin ako ule. Hanggang sa yung mga replayan namin, mula sa paisa-isang sentences, naging pahaba na ng pahaba, hanggang sa inaabangan ko na talaga sha araw-araw sa FB.

Isa pala shang Cebuano na nag-migrate sa ibang country. Impernes double course sha ngayun. As usual estudyante na naman ang kinahumalingan ko... Di na naka-move on sa mga menor de edad si bakla hahaha! Ayun, nagpalitan na kami ng nagpalitan ng sangkatutak na messages.

Ask sha about Prince Caspian. Anu daw nangyari sa min, nagkita ba kami, kineri ba ni PC ang ganda ko (dagdag-bawas na bakla) at kung nagkakausap pa ba kami ngayonchi. Ang sagot ko ay tumataginting na WALEY! Waley na si Prince Caspian, namaluktot na sa Narnia. Pero I understand. He is a friend at kahit di nya ko naipaglaban sa mundo (naks!) eh natuwa na rin ako na naging correspondent ko sha.

Ang sweet-sweet ng lolo mo! Di ko kamo mai-describe yung ka-sweetan nya. Isa shang buhay na panutsa! Isa shang naglalakad na cavity! Pinaglihi ata sa maskuvado ang lolo mo. Panira ng diet sa katamisan. Napansin ko na lang parang di na kumpleto ang araw ko pag wala shang message.

Nabanggit ko sa kanya yung sabi ni Sisteret kong si Phoebe tungkol sa fifteen chances kemerlou.

"Fifteen lang ang chances na makakahanap ka ng mamahalin at magmamahal sayo. Pag naka-fifteen ka na at wit pa nagtagal, waley ka na bakla. Sa bakla lang applicable yan. Pwede kang magmahal ng paulit-ulit pero max mo na yung 15. Hanggang dun lang ang credit limit, made-decline ka na pag nag-swipe ka pa ulit ng lalaki."

"Ganung level?! Counted ba yung mga landi lang at mga kupa lang?"

"Basta binilang mong true love, pasok na yun sa banga!" Sabay halakhak na parang wala ng hanggan.

Natawa rin ako. Sa dinami-dami ng sinabihan kong "This is it! Mahal ko na sha!" waley na talaga ito. Eh kahit nga si Shane West sa A Walk to Rememberlaloo, minahal ko na ata. Ambilis pa naman labasan, este ma-fall ni BM. As in, konting chararat-bumba lang ng lulurki, nalulurki na rin akeiwa. Konting himas, himod at halinghing lang ng hombre, heads over heels na rin ako. Gudlak talaga. Laglag na ko sa mga candidates.

Sineryoso ko yun. As in. Pag nagkikita kami ni Phoebe, aka Sailor Pluto nababanggit pa rin nya yan, sa tono ni Maja Salvador sa Sukob at ni Empress Shuck-chak-tienes sa Dalaw. "Fifteen lang... Fifteen..." Nanginginig-nginig pa yung boses nya.

Tumimo talaga yun sa isip ng BM. Kaya pag nagme-message kami sa isa't isa ni friend, umaalingawngaw pa rin sa utak ko yung panakot ni bakla. Napabilang tuloy ako kung ilan na ba yung mga serious kembots. Si kemerot, si char! Lie davao, si chariz-bumba, si kemberlain, si kemberlamengo, si kuda, si chararat, etsetera...etsetera... Pak, fourteen na! Kaloka! Jisa na lang!

Mega react naman ang lolo mo. Dapat daw di ako maniwala dun, kasi me iba-ibang kapalaran ang bawat bakla. Panonga naman kung pang-16 o pang-17 na si friend? Eh di Luzviminda Balibalita na sha?! Ayaw talaga pumayag ng lolo mo na 15 lang, baka malaglag daw sha sa quota ko.

Plano naming magkita, either pupunta ako sa bansa nila para maghanap ng work, or pupunta sha dito para... ewan! Basta sabi nya pupunta sha dito. Kung dahil sa kin, ay ang haba ng braided hair ko! Kung isa ako sa dahilan, aba ganda points pa rin yun di ba?! Basta soon, magkikita kami nyan. Pwedeng magkasalubong na kami di pa namin alam na yun na pala ang isa't isa. Pero sabi ko nga sa kanya, kung makakasalubong ko sha, malamang eh lumingon ako pabalik, hoping na lumingon din sha sa akin.

Aaminin ko, kilig na kilig ako kahit ni hindi ko pa alam ang hitsura nya. Pwede pala talaga yun? Yung cyber thingy na pwede kayong maging close, magkilanlan kahit mga wire lang ang nagko-connect sa mga mundo nyo. Pwede palang makaramdam ka ng kuribdib sa rib cage kahit makita mo lang na nakailaw yung envelope sa FB account mo, indicating na me new message ka. Eh yung account ko pa naman, sha lang -- as in sha lang -- ang nagme-message.

One of his messages went like this: We could possibly meet up in the future and be together forever or even if not forever, we could at least be good friends. Or, we might never meet but become the best online buds or better yet, never meet up but still learn that hey, "I have somebody out there who completes me. We might not have seen each other but damn, I so love him man!"

Sabi ko naman, when someone leaves, it is because someone is about to arrive. A lot have arrived, but none of them stayed. Will you? That's the tricky part. Oh diba umi-english rin ako!

Tumambling ako,m kasi kuda nya: If i will, will you let me? At pakinggan ko daw yung Marry Your Daughter dahil someday eh kakantahin nya yun sa ama ko. Me date sa dalampasigan, me music session sa tuktok ng building. Hay! Di na to kilig neng! Naliligawan na ko! Syeeeet! Katakot maging masaya, baka sobrang lungkot ng kapalit.

I am happy. Sobra. But I'm also afraid. Fourteen chances have passed. This is my last chance. Friend, you are my last chance to happiness. Kalokohan mang maniwala sa "Fifteen Chances Theory" ni Sailor Pluto, what if she's right? Or what if I just take the plunge... I bet it's greater than we could ever imagine. Tataya ka ba sa baraha ko?

One day, I will give YOU my heart. You'll have it when we're both ready. ♥ Sumpa ng cub scout!

12 comments:

  1. naks! ayan na ang pang kinse mo BM. :D

    Hope he's the one for you.

    tc

    ReplyDelete
  2. Fingers crossed ate.. Ipagdadasal kita!!Nakakakilig!

    Ni-like na din kita sa Fezbuk.

    ReplyDelete
  3. hahahaha walang hiya tawa ako ng tawa... at kinikilig na parang bata...

    ay teh alamin mo muna itsura niyan.... baka Prince Caspian na toasted yan ha!

    namiss ko ang tahanan mo!

    ReplyDelete
  4. akala ko BM sa twing naiihi na lng ako kikiligin.

    bigla ako kinilig sa kwento mo hahaha :P

    ReplyDelete
  5. c owen kim b tinutukoy mo?

    ReplyDelete
  6. ako BM hndi naniniwala sa hanggang 15 lang. kasi all of us deserve all the "second chances" we need..kahit pa pang 50ng 2nd chance na yan...that's why there are mornings after every nights...signifies hope - for us to fullfill what we need to achieve...charot! (naubusan lang po ng English hehe!) ♥

    ReplyDelete
  7. 15? i believe u must have heard it wrong
    it's actually 15,000,kaya malayo pa,lol

    btw i've read u said u'll link my stupid blog but unfortunately i did not post any on that blog...
    baka this month...sisimulan ko na,lol

    ReplyDelete
  8. Parang naging high school ako bigla BM. hehehe. nice one :)

    ReplyDelete
  9. I'll be serious about this comment. I respect the 15 chances theory but I don't believe in that. We shouldn't be bounded for any specific number of chances. Love it limitless, just make sure you push it all to the limit before giving up.

    - Nakakapangilig kipay tong post na to.

    ReplyDelete
  10. ang kilig naman! napahalakhak ako ng bongga dun sa maha salvador reference. lol

    kung 15 lang yan, naku patay. dami nang qumuota. di naman siguro. pero it would be nice kung last love na yan no? yikeee

    ReplyDelete
  11. Ayieeeeee.. kinilig naman ako sa kwento mo.. fingers crossed.. sana sya na..

    ReplyDelete