1.13.2011

Tween Romance



Di ko natupad ang ultimate dream ko. I went to Siam last week. Di ko na-meet sa personal si Mario Maurer. *singhot sabay ngawa*



Pinagkukuhaan ko ng pics ang lahat ng nakakasalubong kong epek ang fez. Stolen ung iba, ung iba napapansin ako kaya napapangiti. Me eksena pa na concert sa Siam Paragon, umakyat ako sa stage at nagpapiktyur-piktyur ke cutie emcee kahit sinabihan nya kong baliwag. Keri lang mashowag na baliwag bulacan. Lagi naman akong tinatawag na baliw eh, kadalasan ng mga panget kong frienship. At least ngayun nashowag man akong baliw, bet naman yung tumawag, as in effect ang kagwapuhan at blondie blondie galore pa. Not bad!


Pero dahil frustrated akeiwa na makita si Super Mario ko, pagdating na pagdating sa hauslaloo eh watch ako agad ng Love of Siam sa yutubebang (pronounced as yu-tyu-be-bang). Ni-reminisce ko din ang lingunan moment nina Tong at Mew. Actually, a friend reminded me of that particular scene (kilig!) Saka ko na ikukwento si 'friend' pag di na ko selfish hihihi...


Kandatuwad ako sa harap ng pc at kandataktak sa laptop kemerot at baka lumabas kamo sa monitor ko si Super Mario. Eh wit talaga sha nag-special appearance kaya give up na ko. Nagbasa-basa na lang ako ng mga chararat about him. Napag-alaman ko sa intergalactic chuva net na nagka-scandal ala Hayden pala ang lolo mo habang nagkekembangan sila ng haliparot na si Gudgib.


At ang walangyang Gudgib ba naman eh nagtaksil sa gwapong gwapong thai heartthrob ng buhay ko. Na-julie-yap-daza ng mga paparazzi ang hitad na nakikipag-kembangan din sa ibang lulurki. Ay kaloka! Di na nakuntento ampotah! Nakiluha na lang ako kay Mario.


Kakakalikot ko sa mga website eh me nakita akong new movie ng gwapo. 'Crazy Little Thing Called Love'. At sa sobrang kasabikan ko sa lolo mo eh pinatos ko na kahit babae ang ka-loveteam nya. Mario-Pchy pa rin ako pero go na sa kwento nila.


Worth it naman pala ang movie kembular nina Nam at Shone. Teenage love na kilig kilig at katuwa naman ang CLTCL (Crazy Little Thing Called Love) o First Love. Pwamis ang kyut kyut nung babaylan na beda. Kasi 1st year pa lang crush na ni Nam si Shone at umabot ng 4th year eh crush pa rin ng lola mo ang gwapo.


From ugly duckling eh naging beautiful swan talaga si baklita. Mukha kamo talaga shang babaita -- babaing ita. Kasi naman exag to the maximum level naman ang muk-ap ng ineng na ito. Ang itim ng balat ahaha! Pero bet ko yung friendship nilang apat. Kasi parang sila yung mga losers sa iskulilet nila kaya api-apihan sila sa mga "magaganda". Pero later on gumanda si Nam, ewan anung nangyari dun sa tatlo nyang chuwariwap duckling pa rin ahihihi...



Mula sa pagiging wallflower, naging popular ang ineng. Tapos dumating ung bespren ni Shone na gwapings din naman, at nagkagusto ng bonggang bongga ke Nam. Selos ang gwapo. Kilig moments nila yung nasa stage play si Nam bilang Snow White (na negra hihihi!) at nagalburuto ang tyanenant ng jonget nyang ka-partner kaya pinag-proxy si Shone bilang Prince Charming.


Yung binigyan sha ni Shone ng mangga after nya i-rescue yung pusa sa puno. Yung mga muntik na nyang makembot ng ilang beses si Gwapo, pero biglang madidisyama kasi maraming epal na feelingera. Yung binigyan nya ng chocolate si Shone tapos natunaw na pala sa init kaya tumagas na yung laman. Tsaka yung butones na may bahid ng dugo na napulot nya after makipag-away ni Shone sa gym. Moments na kilig-bata ang hatid sa eskabeche ko!


Bet na bet ko yung friendship nilang apat. Parang kami ng mga beki friends ko. Suportahan, asaran, pagandahan, away-away, wrestling, kuda-kuda galore, divas together, charmed ones forever. Silang apat touching yung friendship. Lalo na nung nagtampo si taba ke Nam, tapos kinanta nila yung peborit theme song nila habang umiiyak -- kaso nakaka-distact yung song kasi parang pang labandera ahahaha!



She loved him for four years. That's like a century in beki time. Di ba, ang haba! Tapos nung finally eh keri na ni babaylan na magtapat, sugod mga kapatid uli ang apat. Sa kanila eh bigayan ng mga flowers at pirmahan ng uniform pag Valentimes Dey. Habang naglalakad si Nam papalapit kay Shone sa may swimming pool, tinatago-tago pa nya yung white rose sa likod nya, maluha-luha pa shang nagtapat kung gano nya kininkim yung pagsintang pururot nya ng apat na taon. Only to find out na nagka-bowa na pala si Shone ng iba.


Cry-cry talaga ako with Nam. She changed herself for him, kaloka! Naging maputi sha, binonggal nya ang salamin at braces nya, naging number 1 sha sa klase. Ganung level ng devotion at pagmamahal. Pero waley talaga eh. Nalaglag pa sha sa pool sa pagkatulala kasi ba naman ikaw na ang magtapat ng kinikimkim mong feelings ng ganun kahaba, tapos mabibigo ka rin pala.


Shempre me twist. Love din sha ni Tong, kaso di sha malapitan. Lagi shang nauunahan, torpe sha, o di lang talaga sha pinalapit, kasi kung naging sila agad wala ng movie davah?! Ay mali, si Shone pala, indi na sha si Tong. Yung chocolate na binigay ni Nam, itinago pala ng gwapo. Kinilig-kilig pa ko dun sa apple na kinagatan ni Shone at iniwan nya for Nam with a note saying "I took a bite, it's not poisoned." Me scrapbook sha na puno ng stolen pictures ni Nam mula 1st year to 4th year, either mahal talaga nya si Nam, o isa shang stalker na pagkagwapo-gwapo.


Nine years later, successful fashion designer na si Nam. Interview sa isang talk show ang eksena. Katawa lang kasi sila pa rin yung mga gumanap, yung apat na friendships, mukhang mga cast ng going bulilit na pinagsuot ng damit na pangmatanda ahahaha! Biglang nilabas ng host yung scrapbook na di ko ma-gets san nya nakuha. Surprise guest nya si Shone at professional photographer na ang lolo mo. Simpleng kilig na lang to wrap up the "happy ending" na gusto ng mga nanonood.


Natawa lang ako kasi nung tinanong si Shone kung me gusto shang sabihin ke Nam, bigla nyang nilabas yung butones na pinaka-ingat-ingatan ng lola mo sabay sabing "Nam, hindi akin to. Baka dun sa nakaaway ko." ahahaha! Naloka si ate kasi hinahalik-halikan pa nya yung butones na may dugo-dugo pa. And of course, they lived happily ever after.


Naging movie review na tong post ko. Andami kong kuda! Kung gusto nyong panoorin ang movie, itey na, click here.


Naalala ko rin kasi yung eksena ko nung grade 5 sa Zambales. Nagbakasyon kami dun nina Mudra at may nakilala akong cute na nilalang -- si Cedrick. Sha ang kasa-kasama ko sa paglilibot sa probinsya.


Naka-bike kami lagi, angkasan habang nagbabaybay kami sa hiway. Mangga, bike, perya, beto beto, color game, luksong tinik, piko na ibat iba ang shape, swimming sa lawa. Tabi kami lagi sa papag pag gabi. Bonding talaga kami ng lolo mo araw-araw. Nung minsan sa hi-way, muntik pa kaming masagasaan, distracted kasi nakadikit yung kembang nya sa likod ko. Buwis buhay di ba?!


Dat time di pa ko sirena... I mean di pa ko marunong lumangoy. Kaya pag nasa lawa kami, nakakapit lang ako lagi dun sa kahoy. Parang pier kasi yung pinagliliguan namin, me kahoy na lalakaran tapos pagtalon mo sa tubig malalim na agad. Si Cedrick magaling lumangoy impernes. Merman na merman ang dating. Ako eh langoy-aso lang ang kaya, mabilisan lang din yun. Limang kampay lang tapos kapit na uli hehehe.


Nung naglakas-loob ang bakla na tumalon sa lawa, napalayo ang bwelo ko. Nakarating ako sa mas malayong part, di na ko makalangoy pabalik sa hawakan. Nagkakawag na ko pero di ako makalapit. Nakailang litro rin ata ako ng tubig na na-nomo. At shempre ang aking knight in shining nylon cycling shorts, si Cedrick. Kaso naman hindi heroic ang style ng lolo mo. Hinila ko sa buhok, kaloka! Ansakit ha! Tapos nung ume-emote ako na walang malay para mahalikan naman ako, hindi nila ko maiakyat dun sa kahoy kaya gumising na lang ako sabay yakap ng mahigpit sa aking savior. Dahil dun tinuruan na nya akong lumangoy.


Nung gabing sinagip nya ko, yun na ata ang pinakamahigpit na yakap na ginawa ko sa buong buhay-bata ko. Yung pinakamahigpit na kinaya ng mga bisig ko. Nagbubulungan pa kami matulog na hindi kakalimutan ang isa't isa. Di kami nagpalitan ng address o telephone number. Basta ang usapan namin, pag nasa tubig kami at lumalangoy, maaalala namin ang isa't isa. Langoy-aso man o langoy-bakla.


Isang linggo lang kami dun. Isang linggo ng puppy love. Isang linggo ng tween romance. Isang linggo ng musmos at dalisay na pagsintang pururot. Isang linggong pag-ibig, chararat!


Di ko na ulit nakita si Cedrick. Nung umuwi kami sa Manila, idinaan namin sha sa Dinalupihan, Bataan. After that, di na ko bumalik ng Zambales. Di ko na rin nalaman kung ano ng ngyari sa aking Puppy Love. Kahit di na kami nagkita I'm sure paminsan-minsan naaalala pa rin nya ako. Hanggang may tubig sa mundo.


To quote a friend, "I have somebody out there who completes me. We might not have seen each other but damn, I so love him, man!" Somebody who completes me, and loves me completely.

8 comments:

  1. uwi mn asa zambales...

    tagaroon ako hanapin natin sya...

    ReplyDelete
  2. ang taray ng video...lav it teh...

    ReplyDelete
  3. Nice. Parang nanonood na rin ako ng movie sa pagkadescribe mo. Napagoogle tuloy ako sa movie.

    Ang cute ng video or GIF image nila Mario. :)

    ReplyDelete
  4. HAVEY UNG MOVIE!!! halos limang beses kong pinanuod dahil napakapoge ni papa mario :D

    ReplyDelete
  5. cute ngang bata. baka gusto mo ring ampunin yung isa pang cute na tween - yung bida sa movie na "Flipped" (Callan McAuliffe ata ang pangalan niya).

    ReplyDelete
  6. i feel your longing for Cedrik...

    hay kung ako nasalugar mo... ginalugod ko na ang buong pinas para lang magkita kami ulit...

    ReplyDelete
  7. bm i just watched the -crazy little thing called love and loved it <3

    ReplyDelete