1.25.2011

The Screaming Nation

Salamat sa mga nag-like ditey sa aking FB Fan Page... Keep em coming guys! Here's another post for you Bekilandia!


***************************************************************************************************


Beki, baklushi, badingerzi, jokla, joklis, tukla, badaf, badesa, badet, badidap, beks, rebekla, jokling, silantro, bisikleta, bading, bakla. What's with labels? Nakakaloka!

Rinig na rinig ko ang sigaw ng karamihan sa madlang pipol. Nakakarindi na minsan. Masakit sa pandinig, mas masakit sa pakiramdam. Pero pag bakla ka, dapat manhid ka.

Nung bata ako, di ko gaanong nararamdaman to. Walang dating sa kin yung mga sinasabi ng mga tao, kasi di ko naman naiintindihan ang kahulugan ng salitang bading. Alam ko kung ano yung mga bakla pero wala akong pakialam. Kahit kumendeng pa ko ng kumendeng maghapon wala silang magagawa. Inglisera na ko elementary pa lang kaya pag me nandaot sa kin ini-english ko kaya tumitiklop agad. Pag di ko nadala sa pag-english, susumbatan ko sa utang ng nanay nya sa nanay ko. At 99% ng mga kalaro ko eh me utang ke mudra.

Pag naghahabulan kami dati sa bukid (likod bahay namin na puro puno at basura na naging pagawaan ng hollow blocks) promotor ako ng lahat ng kabulastugan mula sa pag-iihaw sa itik na napanalunan namin sa bunutan, at panunungkit ng alatires ni Mang Johnny.

Meron kaming laging kaaway noon, si Puppy. Pango ang lolo nya at mukha talagang tuta na hindi cute. Pag napikon na sakin si Puppy, kokotongan ako nyan ng sunod-sunod. Magcha-chant naman ako ng "Hindi naman masakit!" sabay shembot. Ewan ko bat ako lang lagi kinukutusan ng pangit na yun. Imbyernadet Sembrano ata sa ganda ko. Basta pag uwian na, magmumura yan sabay bulong ng mura sa lahat ng bakla sa mundo. Bata pa lang, na-discriminate na pala ko ng wala akong kamalay-malay.

Bigla akong napasulat about discrimination kasi nung isang beses sa MRT, naloka talaga ko ng bonggang bongga! Si BM, namasyal lang sa Megamall. Naka-puki shorts ang bakla, shirt na mejo malaki, at flip flops. Simpleng simple davah?! Nung pauwi na ko, mega ride ako ng MRT papuntang Cubao Station. Pagbaba sa escalator, me bumunggo sa kin na lalake at nagmamadaling nag-overtake. Eh di nairita-avila ang bakla.

"Pwede namang mag-excuse di ba?!" sigaw ko.

Aba si Manong, biglang about face sa kin at pinagmumura ko! As in putang ina na mura, with matching dirty finger at panlilisik ng mata! Ay possessed itu! Sinigawan ko rin si gago!

"Gago ka pala eh! Ikaw na nga nakabangga ikaw pa galit! Me sapi ka ba?!" kuda ng bakla. Nandun na kami sa suksukan ng card sa exit ng MRT.

Si Kuya, mura pa rin ng mura. "Tang ina mong bakla ka! Umayos ka gago ka! Tarantado pakyu!" may gigil factor si kuya at parang ni-rape ng isang barangay na bading. Galit na galit sha!

Eh kung jombagin ako? Eh di nagmabagal ako ng lakad para mauna sha. Pero kunot noo pa rin si bakla at init na init na ang ulo ko. Hinayaan ko shang kumuda habang lumalayo sa akin. Aba! Biglang about face uli si Gago at papalapit na naman sa kin! Umaamba pa na parang ija-jab yung mukha ko! Anu, bale? Magpapajombag ba ko?!

"Gago ka pala eh! Inaano ba kitang tarantado ka?! Tang ina mo pala di ka naman inaano! Ano bang problema mo?! Guard! Guard! GUARD!! Hulihin nyo nga tong putang inang to nanggugulo sa kin!" Oh di ba eskandalosa si bakla. Di bale na, di naman nila ko kilala no. Kesa naman makipag-buntalan ako sa Farmers.

Lumapit si Manong Guardo Verzosa. "Bakit po ser?" tanong ng lolo mo.

"Eh eto kasing tarantadong to! Nanggugulo, mura ng mura sa kin di ko alam kung anong problema." At that point eh nagmumura pa rin si gago, nanlilisik pa rin ang mata nya at pina-pakyu pa rin nya ko. "Anu bang problema mo? Yang pagmumukha mo?! Walang papatol na bakla sayo gago!"

Tumalikod na ang hayup at lumakad ng mabilis palayo sa min ni Guardo. Pero kahit paalis na sha eh nakataas pa rin yung isang kamay habang naka-pakyu at nagmumura pa rin. "Tang ina nyong mga bakla! Mamamatay rin kayong lahat! Pakyu kayong mga bading! Mga putang ina nyong lahat!" Ganun sha ka-intense, ganun sha ka-walang modo, at ganun sha ka-galit sa mga bakla.

Umuwi akong mangiyak-ngiyak at kumakabog ang dibdib. Feeling ko, bawat kanto na me blind spot ako eh bigla shang susulpot at sasapakin na lang ako. Hanggang sa makarating ako sa bahay na walang pintura, feeling ko eh inaalipusta pa rin ako ni Manong Pakyu. Umaalingawngaw sa utak ko lahat ng sumpa at panlilibak nya sa akin -- dahil bakla ako.

Kahit san ka tumingin may iba't ibang uri ng discrimination. Ang nakakapagtaka, sa sobrang tanda ng pagiging bakla, bakit hanggang ngayon hindi pa rin tanggap ng mga tao? Si Zeus mismo, nang-kidnap ng boylet named Ganymede para maging jowa nya. Yung dalawang mummy sa Egypt, sina Niankhkhnum and Khnumhotep inilibing na magkasama sa iisang tomb habang magkayakap. Si Hatshepsut, isang babaeng pharaoh, nagdamit lalaki at naglagay ng bigote para makinig sa kanya ang mga Egyptians. Di ba?! Ilandaang siglo na pero me mga bading at borboli na dati pa. Hanggang kelan ka liligwakin ng lipunan beki?!

Me pinsan ako na umutang sa kin ng 5k. Tapos ayaw na magbayad kasi inaanak ko yung anak nya, at nagbiro yung kapatid nya na pakimkim ko daw yung 5k. Aba naman, anlaki namang pakimkim nyan! So nung siningil ko na ang lola mo, nagalit kasi daw wala akong isang salita. "Palibhasa bakla ka." Ang conclusion nya agad na dahilan ng paniningil ko, wala na kong maipambili ng lalaki. Di ko na sha kinausap after nyang magbayad.

Di na ko lalayo. Sa amin ng mga ate ko, pag magkakasama kami sa Casa de Rosario (dating Casa de Valenzuela) at me mga lalaki, mag-iinarte yung isa. Habang lumalandi kami, yung isang ate ko magbibitaw ng mga linyang "That's so gay!" at "Mga bakla kasi sila!" as if sha mismo hindi bakla. Sa circle of friends ko na yun, bakla din mismo yun, pero ang discrimination hindi nawawala.

Lahat tayo, bakla. Pantay-pantay lang tayo sa dilim. Well, at least hanggang mag-umaga.

"Bakit kaya may mga taong hindi marunong rumespeto sa decision ng iba? Kung bading man siya at ayaw nya mag out eh decision nya yun.. Hay ang mga bading talaga dito ang kikitid ng utak! Kung nagladlad kayo choice nyo yun... kung yung iba ayaw choice nila yun! Grow-up mga baklang puro kalibugan lang ang alam gawin! Kaya kayo tinatawag na salot eh!" Eto naman eh nabasa kong comment ng isang beki sa isang blog. O di ba, bakla na yan ha, pero salot pa rin ang term na ginamit sa kapwa nya bakla.

Siguro kaya nung natuklasan kong pwede palang kumembang ng madalian basta may pera ka, sunod sunod na yung pagbili ko ng panandaliang kaligayahan. Sa ganun kasi, walang mangre-reject sa bakla. Basta may pera kang pwedeng isampal sa titi ng lalaki, walang makakatanggi. And that is the greatest discrimination of our time.

Di ko napansin, ako mismo dini-discriminate ko na ang sarili ko by thinking na may papatol lang sa akin dahil sa pera ko. Kung wala akong pera, wala akong lalaki. Di ko binigyan ng credit ang sarili kong ganda at talino. Di ko binigyan ng pagkakataon ang sarili kong i-pursue muna bago matikman. Bakit? Kasi ayoko nang masaktan. Ine-expect ng sambayanan na magiging kahihiyan ako dahil bakla ako, kaya madalas hindi ko sila binibigo.

Hindi ako naniniwala na biktima ang bakla ng lipunang judgemental at may attitude problem. Kadalasan, biktima ang bakla ng sarili nya. Ako mismo, mababa ang tingin sa ibang bakla. Parlorista, closet queen, lilet, paminta, loud, queer, emotera, feeling babae pero walang puke, baklang pangit, baklang matanda, basta bakla. Ako mismo pinagtatawanan ko sila. Di ko na-realize na ako din malamang dinadaot ng lipunan.

"People put you down enough, you start to believe it." Ako mismo dini-discriminate ko na ang sarili ko. Di pa naririnig ng tenga ko, nasabi na ng utak ko sa puso ko, na-claim na ng pagkatao ko.

Ang hirap tapusin ng blog na toh. Ang sakit sa dibdib. Wala akong pwedeng mailagay na powerful ending sa post ko. Pero pwede kong bigyan ng powerful ending ang sarili ko, ang pagiging bakla ko.

Bring it on bitches. I'll never back down. This is me. Whether you like it or not.

I am GAY. And I am free.

23 comments:

  1. hahay sobrang totoo ang sinasabi mo..kahit saan ang mga bakla ay nakakaranas ng diskriminasyon sa lipunan kahit nga propesyonal ka na nilalait minsan dahil sa pagiging bakla..parang wala na talagang kawala ang mga bakla sa mga panglalait nga mga tao..kailan pa kaya makakamtan natin ang pagtanggap ng lipunan na ating inaasam asam..siguro nga pangarap na lang ito..bahala na..kanya kanyan na lang deskarte sa pagtanggap ng diskriminasyon..basta ako kagaya mo proud to be gay and indeed FREE!

    ReplyDelete
  2. bka walang pinag-aralan yung kupaloid na nagmumura. madami pa kasi ang close-minded sa 3rd sex.

    ReplyDelete
  3. Sa maniwala ka't hindi, ang numerong unong homophobic sa mundo ay ang kapwa kong mga hipokritang bakla.

    read more:
    http://vhiomagtoto.multiply.com/journal/item/3/Unang_Sibol

    ReplyDelete
  4. very nice post :) keep it up BM! Darating din ang panahon that we're gonna rule the whole world..choz!

    ReplyDelete
  5. panalo te.
    a pride entry.

    http://akosicinderella.wordpress.com

    ReplyDelete
  6. one of your greatest...aylabet...
    "Bring it on bitches..."

    ReplyDelete
  7. tamang tama ang post mo BM. Dapat na iparating ito sa Malacanang. Hindi discriminasyon ang katugunan sa anumang init ng dugo ng tao sa mga bakla kundi pagmamahal at pang unawa. Hindi ako bakla pero hindi ako galit sa bakla. Sa katunayan, masarap maging bakla. At masarap ang bakla. hahaha. Biro lang pero ang ganda ng mensahe nitong entry na to.

    ReplyDelete
  8. discrimation is a bitch...

    and those who discriminates are bitches who looks like withces! haha

    21st century na we have to move! sex preference should no be an issue at all!

    ReplyDelete
  9. nice post BM. sana mabasa ito ng lahat ng taong mababa ang tingin sa sangkabekihan..

    ReplyDelete
  10. I was also guilty of discriminating or mocking gays when I was a kid. Not because I'm a girl or that didn't like gays but because I found gays peculiar back then. Ni wla nga akong friend na beki kasi bihirang bihira lang tlga ang gays sa place namin before. So everytime I see one, natatawa ako sa kanila dahil nga sa kakaiba xa for me. Sometimes, I would even be one of those kids na sumisigaw na "uulan ngayon kasi may bakla, etc..." May beki tlga na nagalit and natawa lang ako coz ndi ko nagets that time bakit nagalit xa.

    Now..I'm even surrounded by gay friends..they would even tell me their struggles and the things they've been through. Ive learned to love them more like my sisters...And what I love more about them is that they're true, and much real compared to some of my girl friends.

    Kaya mga gay sisters, don't let yourself down. You know you're talented, creative and intelligent. Sa suking salon ko, I would personally request na gay ang aayos ng hair ko. Dito sa work ko, ang daming gays and they really excel! I have a gay friend who sings very well, he's gifted with a very nice falsetto to the point na kaboses na nya c regine velasquez..and as we may all know, maraming call center Team Leads and Managers are also gays...

    Kaya, go ra lang ng go ra BM and to all my gay sisters out there! You know you're powerful, inspiring and most of all, beautiful!!! And you're so loved by many of us- more than you ever know!

    ReplyDelete
  11. nakakabadtrip ang mga taong napaka kitid ng utak.. hindi sila marunong rumespeto.. naexperience ko din yan.. dahil nagkaron ako ng babaeng karelasyon at babae ako.. merong nandiri.. pero wa-me-kers.. kung ano isipin nila.. proud ako kung anong relasyon meron ako.. proud ako kung ano ako.. kc hindi ako nananapak ng tao.. hindi ako nakakasakit ng tao.. wag ka ng ma-sad BM.. kung may galit sa mga tulad nating.. meron ding nagmamahal satin.. at natutuwa satin..

    ReplyDelete
  12. parang mahal na kita BM....

    jay of bataan

    ReplyDelete
  13. BM isa sa pinakamabuluhang blog entry na nabasa ko... may sundot sa puso...keep it up ...

    ReplyDelete
  14. Dapat siguro sa makikitid ang utak paghahambalusin lahat para matauhan...violent reaction ba?? hehehe..

    ReplyDelete
  15. oooyyyy... parang may nagmamahal na daw sayo oh. cheer up na BM! for the longest time, sila mismong nagbibigay buhay ay diniscriminate ng mismong mga taong binibigyan nila ng buhay. but all through it, they kept their grace, they kept their warmth, they kept their aspirations, and most of all, they kept and unerringly displayed their dignity. and look at how far our mothers have come! and gone! but even so, and even now, they still suffer some discrimination. no longer in the forms and in the severities of before for most, but for some, even worse. meron kaya sa panahon natin na hindi arabong bakla na gugustuhing maging arabong babae dun sa mga lugar na napakasarado ng islam? there is a prevalent discrimination of gays - and in many (most?) cultures at that -but gays are thriving, multiplying, advancing. a better understanding of the anatomy and etemology of the discrimination would surely lead to its demise but until then, gays just need to be themselves: creative, concerned, involved, productive, giving and nurturing, fun-loving and fun-giving, spirited and as you say.... free!

    esf

    ReplyDelete
  16. Kalochia serosa! Nagsilabasan lahat ng may galit sa mga pangyayari. HAHA
    Keri lang mga teh. Remember, We're GAY. And gay means, MERRY, BRIGHT, JOLLY AND HAPPY. :)

    ReplyDelete
  17. Hi there BM=)

    I like this post because, aside from its absolute truth, it's also from the heart.It's an outpour of long kept and deeply buried feelings not only from you but also from those who gave their comments. I get sad however when, while fighting for one's rights, one unconsciously gets to step over another's rights and consequently, boomerang the pain. Needless to remind everyone that what we all actually want, NOT ONLY THE GAYS, but all people in the world with their intrinsic lapses, imperfections, disabilities, and failures in life, is "ACCEPTANCE". Yes, you are gays and you want to be accepted. This want of acceptance is not peculiar to gays alone. There are also those kids who are forced by their parents to pursue a learning which they do not really want but, for filial piety's sake, they do so. There are those who do some things in life which, in reality, they do not want. And for what reason? Only to CONFORM to what society expects from them. They only do so to BE ACCEPTED BY THEIR FRIENDS, FAMILY, SOCIETY. There are those who DO THINGS THEY DON'T REALLY WANT for fear of rejection.

    Yes, we want to be accepted. But let not this want of acceptance make us insensitive to others too. Says an adage, "Give to Caesar what he is due."

    Frankly, I was saddened by esf's comment in including religion in this issue. You don't want to be rejected yet you yourself reject others. Does not the golden rule tell us "To do unto others what we want others do unto us?" Come on. Respect others if you want to be respected.

    Another, for BM. In your comment, "Ang nakakapagtaka, sa sobrang tanda ng pagiging bakla, bakit hanggang ngayon hindi pa rin tanggap ng mga tao? Si Zeus mismo, nang-kidnap ng boylet named Ganymede para maging jowa nya. Yung dalawang mummy sa Egypt, sina Niankhkhnum and Khnumhotep inilibing na magkasama sa iisang tomb habang magkayakap. Si Hatshepsut, isang babaeng pharaoh, nagdamit lalaki at naglagay ng bigote para makinig sa kanya ang mga Egyptians. Di ba?!"We've been studying interpretation of literature and one thing I learned from it which I value most is not to compare our own thinking with those of the past. "Each one of us is a product of own time." If today we see two men holding hands, we'd interpret that as more than friends. But in the past, have they ever thought of that? No, not once. Holding hands could be just a gesture for them of closeness and intimacy without any touch of malice, malice that is absent in their time but is present almost everywhere in our own time. That's because they lived in a "once-upon-a-time-where-such-homophobia-and-labeling-doesnt-exist."

    Finally, let it be known that I am speaking in behalf of all souls who fear rejection. Above all, I speak in behalf of all who want to cure their lives and be happy through the simple act of ACCEPTANCE.

    --Sincerely,
    Owen Kim
    P.S. I did not reply to your message yet. I'd like first to know if after all these, you'd still see me as me and accept me as me, BM.

    ReplyDelete
  18. hi guys. pls check www.savethemales.ca you'll sure be interested!

    ReplyDelete
  19. Many will appreciate the gay society if one of them will take the lead of proposing respect to other people's privacy....They still have their personal life.Posting photos of someone to be seen by millions of people is a dsirespectful act if permission was never been asked from the subject...

    ReplyDelete
  20. Hope you BM will take the lead...be a perfect example of responsible writing.....you are a very intelligent gay...

    ReplyDelete
  21. Acceptance is relative.

    Tama naman . Respect others before asking to be respected. We are shrieking anti-gay discrimination ; pero minsan guilty din tayo sa pag-discriminate sa kaibahan ng marami sa atin: kapag maitim - Negro ; kapag maputi - anak araw o mestisong hilaw ; yung may mga Down's Syndrome - Mongoloid ; kapag pangit - chapter o chaka khan ; ang mga Protestante - praise the Lord ; ang mga Muslim - warfreak at magugulo ; ang mga Arabo - mababaho at di naliligo ; ang mga Bumbay - 5-6 ; ang mga Waray daw matatapang at palaaway ; ang mga Ilokano - kuripot naman daw ; mga Intsik - singkit ; mga Hapon - sakang at marami pang mga labels na ibinabato natin sa ating kapwa na senyales ng discrimination. We are asking for acceptance and yet we are not that accepting as we must be.
    We have differences in terms of religion , culture , skin color , physical characteristics , social status , educational attainment ,race and sexual orientation. And admit it , we have our own biases in favor of one class over another.

    Tama naman si BM : mismo sa sangkabaklaan may mga discrimination . What with such labels as hipon , chuckie doll , parlorista; pamhinta ; screaming faggot ; Anita Linda ; Purita Mirasol at iba pang mga gay jargons na talaga namang nakakaloka sa panlalait davah?

    Take this situation: kalaliman ng gabi sa aming lugar , nabulahaw ang lahat sa pagtulog dahil sa malakas na pagpapatugtog ng videoke , pagtili at pagsigaw na nanggagaling sa paligid ; at nang aming silipin , ang mga beki pala sa tapat ng isang videoke bar ay nag-paparty wildness ever kasama ang kani-kanilang mga boylet na lango na mula sa nainom na sipa ng pulang kabayo.

    So paano mo naman rerespetuhin ang mga ganung tao kung sila mismo ay hindi marunong rumespeto sa mga taong natutulog na nakapaligid sa kanila?

    Respect and Acceptance are the two most common misused words in the universe.

    Mga ateng ; respect must come from within ourselves. Matuto tayong respetuhin muna ang sarili natin. And then kapag nirerespeto na natin ang ating sarili mismo ; acceptance will follow surely and immediately.

    Yun lang po , maraming salamat!

    ReplyDelete
  22. patayin ang mga straight!

    ReplyDelete