1.17.2011

BM Along the Riles



Ilang araw na kong depressed. Umaga na natutulog, hapon na gumigising, absent lagi sa school, walang work since November, walang pera, binenta ang fonelilet, me topak ang laptop, hindi makalipat sa bahay na may bath tub, at naghihintay sa message ng isang sweet na nilalang na nawala ng parang bula. Kailangan ko ng konting sigla. Kailangan ko ng konting taktak ng ajinomoto. Kailangan kong magbudbod ng magic sarap.

Buti na lang fiesta ng Sto. Niño sa Pandacan. Dahil true-blue Pandakeño ako, dumalaw ako kila Tita Valentina para mamiyesta. Hmmm, tsaka para na rin makainuman si Papa El ahihihi... Itatanggi ko ba na yun talaga ang dahilan bakit ako bumalik ng Beata? Witchiririt ng Maya! Di ko rin kasi sure anu ba talaga yung pinakamatimbang na reason: si Sto Niño, si Tita Valentina at si Butsh ("s" talaga, ayaw nya ng "c"), o si Papa El. All of the above na nga lang!

Bet ko din pala kaya ako sumugod ng walang pasalubong eh para makapanood ng atiatihan. Pinagbabalakan ko ngang magkunwari diba para mapahiran ko ng uling si Papa El. Eh tinanghali ng gising ang bakla kaya waley na ang mga ati-atihan lasing na lahat. Kaya nagkudaan na lang kaming mag-tiya hanggang alas-cinco.

Binuksan ko yung isang portion ng tindahan para makita ko yung mga dumadaan. Shempre nagpapapansin na rin ako ke Papa El para yayain nya kong makipag-nomoan. Ampotah 5 hours na kaming nagdadakdakan ni Tyang, witchikels pa rin ako napapansin ng gwapo.

Kundi ba naman ungas, pag dumadaan eh naka-sideview si gago, palayo sa min! Di man lang sumusulyap sa gawi ko. Di ko naman sha ma-text kasi... mahina ako! Di ko mahingi ung number nya. Ayaw ibigay waaaahhh...

Nung mejo alas-sais na, di ko na kineri maghintay. Kailangan nang gumawa ng paraan. Kailangan ng magpapansin! Hihihi... Sa tulong ng aking magic kamison at pokpok shorts, gora na ako sa labasan at kunwari eh magtitingin ng mga eksena at kaganapan. Itinaon ko na lumabas si Papa El papunta ng inuman sa kanto para naman sulit ang pagpapapansin if ever.

Sakto! Andun nga sila sa labasan, sa dating pwesto ng burger machine franchise na waley na ngayun. Me parang bakod yun na harang. Dun nakasandal sa bakod si Papa El at nakatanghod sa mga nag-iinuman. Nakangiti agad ako habang papalapit. Ganung katindi ang pagka-crush ko sa hinayupak na toh, mas matindi pa sa kilig na dulot ng ihi ang feeling ko nung papalapit pa lang ako sa kanya.

Sakto ulit! Lumingon ang gwapo. Nakangisi na ko nung lumingon sha sa direksyon ko. Wagi! Nagbunga ang runway walk ko! Di ko pa hinahagis ang laylayan ng gown ko, pasok na ko agad sa semi-finals! Bigla rin shang ngumisi na parang nakakita ng naglalakad na wonder of the world. Ahem!

"Ay mga tol, eto totoong gelpren ko." Sabi ng gwapo nung makalapit na ko. "Eto na pare, kanina ko pa to hinihintay eh." Char! Char-lie Davao! Pak! Pasok na ko sa Top Five!

"Hello Papa El..." parang ngumungiyaw na kuting yung boses ko... Si BM nagiging pa-tweetums. Linsyak na ala-ala ng boxers yan! Pero sa sobrang galak ng nerbyosa kong puso, na-major major blackout na ko.

"Hello Mama Jay. Kanina ka pa?" chikadora rin pala sa personal ang lolo mo. Konting chararat lang ang namagitan sa min kasi di naman talaga kami nagkakausap dati. Isang shot lang ako habang nakatanghod din sa bakod katabi nya, at di kami umupo. In short, di nila ko ininvite na makiumpok sa inuman. Tagay para sa mga napadaan lang yung level ko. Kaya nag-excuse muna ako na lalandi sa gilid ng riles. Pang fourth runner up lang si bakla, I lost the crown.

Kahit kilala ko na sha since ipanganak pa lang sha, di talaga kami close. First year high school na ko nakahubo pa yun maligo sa ulan. College na ko elementary pa lang sha sa Zamora. Nung maka-graduate ako sa PNU, 2nd year high school pa lang sha. Basta ang naaalala ko nga, kanasa-nasa na sha nung nagsisimula na ko mag-work. Yun pala 4th year pa lang sha nun. Ngayon naman eh legal na legal na shang sex object hehehe.

Pero yun nga, wala kaming conversation nyan ever. Sa FB lang. Kaya mejo naiilang din siguro kami na magchikahan nung nasa bakod, kasi wala kaming mapagku-kwentuhan. Wala kaming common friend, wala kaming alam sa buhay ng isa't isa. Di ko lang talaga matiis na hindi sha landiin. Isa shang kaakit-akit na apoy at isa akong gamu-gamong malandi na walang kakayahang tumanggi.

So gora ako palayo. Kunwari eh me dinalaw na kemerot sa kabilang kanto. Me dinaanan na kembular sa kabilang street. Me binisitang chariz pengpengco sa kabilang barangay. Tapos eh bumalik ako sa balur ni Tita Valentina. Nagpapansin ulit nabigo. Wala kasi sha dun sa umpukan ehehehe. Pagbalik ko ng isa pa ulit, andun na sha at nagngitian na naman kami. Nagtanguan. Na-imagine ko yung hintuturo nya na tinatawag ako habang humuhuni sha ng "Ohh... lumapit ka! Kung gusto mo akong halikan, di kita sasawayin! Alam na alam mo namang ito'y gusto ko rin..."

Salamat na lang talaga at Pinoy tayo. May ugali tayong magyaya ng kung sinu-sino sa mga handaan, kainan at inuman. At yun ang umiral kay Papa El. Niyaya nya kong makiumpok sa kanila. Victoria! Winner! Sa wakas nakaramdam din ang mokong. Sa kabisera sha, sa mahabang bangko ako sa gitna ng dalawang barkada nya. Keri na yun pasok na sa banga yung pwesto ko. Kahit mag-global warming pa at umapaw ng tubig estero walang makakatibag sa kin sa kinauupuan ko.

Inuman, kantahan, tawanan, kulitan. Kakatuwang kainuman si Papa El kasi magaling sha mag-asikaso. Kakilala ko naman lahat ng mga tagaroon, mostly eh mga uhugin pa nung matuto akong lumandi. Pero ngayun lahat sila eh mga binata na. Di ko type lahat, si Papa El lang talaga ang biniyayaan ng karakas na pangharabas. Pwedeng pwede nyang kumpetensyahin yung mga "patok" na jeepney na byaheng antipolo.

Sabi nga ni Rose Tan, di nya kailangan ng killer smile. Sha mismo "killer" na. Pero kahit nakakahiya ang tyanenat ko sa ka-machohan ng lolo mo, keber na sa age at weight differences. Kung gusto kong mag-burn ng calories, susunugin ko na lang yung kapitbahay kong mataba.

Habang nag-iinuman, feel na feel ko yung mga soundtrip nila. I felt really proud sa generation na kinalakhan ko. Lahat ng kanta na nasa playlist nila, nauso nung uso pa ko. Sumikat yung mga kanta nung interesado pa ko sa mga sumisikat na kanta. Kaya naman kering-keri kong makisabay sa yugyugan at rock-rockan ng mga bagets kahit ako lang ang may tyan-da romero dun sa grupo.


Parokya, Francis M., Eheads, Rivermaya, Bamboo, Siakol. Basta lahat ng music nila naka-relate ako. "Panahon ko to!" tiririt ng ibong marikit. Naki-jam talaga ako ng bonggacious sa mga batang riles dati na mga binata na ngayun. At siguro nasa himaymay na ng DNA ng mga beki ang pagiging benggadera sa mga inuman. Never ever ako nakaramdam ng inip at boredom.

Isang factor din yung lagi akong kinukumusta ni Papa El kahit katabi ko lang naman sha. Tinatagayan ako, hinahanapan ako ng yelo, share pa daw kami sa baso, binibigyan ako ng chaser, hinainan din ako ng pulutan. In fairview, wala namang malisya. Sa kaso nya ine-estima lang nya ako. Sa kaso ko, may malisya man alam kong wala ring patutunguhan. Kaya na-enjoy ko yung moment na kasama sha.

Enjoy kasi talaga kainuman ang mga otoko no. Sa tuwing maharot yung kanta, gumigiling ang lolo mo. Eh dahil ako lang ang beki sa umpukan, pag sumasayaw si Papa El eh ako ang pinapahawak sa dibdib. Syet! Nakakauhaw! Nakakatagay na lang ako ng wala sa ikot. Kasi ba naman, gumiling ba naman sa harap ko! Eh ang mga katulad nya ang dahilan kung bakit naimbento ang perdible! Para pang-sagip sa mga lumuwag na garter at nalaglag na panty!

"Alak pa! Taena alak pa! Nauuhaw ako! Nauuhaw ako! Pengeng tagay! Eto na pulutan! Gumigiling giling pa! Painumin nyo ko! Empi pa! Empi! Empi!" Deliryo talaga ning. Kung pwedeng laklakin ko yung isang bote ng emperador light. Uhaw na uhaw lang ang baklang kamelyo!

Habang nag-iinuman eh may rigodon din ng upuan. Nalipat-lipat ako ng pwesto hanggang sa makatabi ko na sha sa wakas. Bungguang siko na to, deym! Siko pa lang yun neng, para na kong kinukuryente ni Mang Pepeng. Pano pa pag yung hito na nya ang ini-eskabeche ko?! Eh di baka lalo na kong nagmukhang zombie na tinamaan ng freeze watermelon!

Papa El rescued me from the pit of depression. I was on the brink of losing myself. Muntik na kong mahulog sa tuktok ng building, wala naman palang sasalo sa kin sa ibaba. Pero dahil sa inuman namin nina Papa El, naalala ko kung gano ba kasarap mabuhay, lalo na pag may katabi kang buhay na lechon de leche. Di na kailangan ng Mang Tomas! Ngiti pa lang sarsa na!

Dito sa Iskwater, me naglalako ng ulo ng sugpo sa umaga. As in ulo lang walang katawan, ginawa na raw shrimp tempura. Bibilhin yun ng pinsan ko at gagawing sinigang. Pak! Ulam na! Murayray lang yun, masarap pa. Sabi nya kanina sa ep-vi, hipon sha. Tapon ulo, kain katawan. Ay Papa El, kung hipon ka, I'm sure hito ang nasa loob ng pants mo.


"Alam mo Papa El, five years ago, na-imagine ko na toh." kuda ko sa gwapo.

"Oh ito? Naisip mo na? Five years ago yan ha!" magaling talaga sumakay si gago.

"Uu. Five years ago, alam ko na. Balang araw mag-iinuman tayo dito sa kanto."

"Naka-boxers ako non, nung na-imagine mo to." indulge pa nya sa kalandian ko.

"Oo naman, naka-boxers ka nun. Habang pinipilit kong silipin ang loob ng boxer shorts mo, nasabi ko na sa sarili ko to."

"At nagkatotoo naman ano?"

"Higit pa sa inaasahan ko. Kaya mamaya iba-blog na kita agad. Para magkaroon ka na ng fanbase dun. Talunin mo yung ex ko hihihi..."

Natapos ang inuman ng di ko namamalayan. Tumakas kasi ako na iihi at di na ko bumalik. At kahit nakita ko sha uli sa labas ng bahay namin, at nanumbat sha na di na ko bumalik, keri lang. Tapos na rin naman ang inuman. Nakuha ko na rin ang number nya. Kaso binenta ko na fone ko nyahaha... Me picture na rin kami together at ang pangit ko kaya di ko ipo-post dito. Most especially, natupad ang hiniling ko five years ago. Kuntento na ko ron. Lumugar ka BM... Umarte ng naaayon sa ganda.

Basta ngayon, me bago kong theme song... home along the riles is the best!

12 comments:

  1. hahaha. talagang home along the riles ang song.... chooochooo... :p

    ReplyDelete
  2. Dreams coming true...hahaha..nakakatuwa lahat ng posts mo..

    ReplyDelete
  3. congratulations baklaaa!!!!

    nagtagumpayyyyy!!!! i know the feeling kapag naisakatuparan mo ang pangarap mo!!!

    nakakarelate me ng sobra! lalo na sa sinabi mo...

    "Kahit mag-global warming pa at umapaw ng tubig estero walang makakatibag sa kin sa kinauupuan ko."

    pakkkk!!! nomo na!!!! hehhe

    ReplyDelete
  4. In fairview quezon city, panalo ang papa el mo! Nakaka-el! Hahaha... Panalo ka talaga BM! Kaw na talaga as in sobra to the highest level!

    ReplyDelete
  5. winner ka girl. idol much!

    ReplyDelete
  6. BM, bago ako magcomment ay gusto ko magpasalamt sa iyong comment sa blog ko. naging aligaga tuloy ako bigla dahil di ko ineexpect yun, idol kaya kita. Sobrang na startstruck ako sa iyong presensiya. AT lalo pa kitang naging idol dahil sa post mo na to. Biglang umabot dito sa mansion ang buhok mo. mwah

    ReplyDelete
  7. hehhe natawa ako sa sinabi mo tungkol kay rose tan... hindi kailanagn ng killer smile kasi sya mismo killer na...

    ReplyDelete
  8. hahaha! ikaw na tlga mare! pang beauty queen ang lebel mo! super enjoyed reading this blog...hahaha! and as usual, my favorite winner lines in this blog:

    " ang mga katulad nya ang dahilan kung bakit naimbento ang perdible! Para pang-sagip sa mga lumuwag na garter at nalaglag na panty!"

    " dahil sa inuman namin nina Papa El, naalala ko kung gano ba kasarap mabuhay, lalo na pag may katabi kang buhay na lechon de leche. Di na kailangan ng Mang Tomas! Ngiti pa lang sarsa na!"

    at dahl pak na pak ka na naman, pwde mo ring kantahin to habang katabi si papa el..." moments like this, some people wait a lifetime...for a moment like this, some people wait forever..." ♥♥♥

    ReplyDelete
  9. naguluhan ako ng konti...

    "Oo naman, naka-boxers ka nun. Habang pinipilit kong silipin ang loob ng boxer shorts mo, nasabi ko na sa sarili ko to."

    "At nagkatotoo naman ano?"

    totoo bang nakita mo ang hito??? winner! pak!

    ReplyDelete
  10. the best! bet ko yung line na "Umarte ng naaayon sa ganda..."

    ReplyDelete
  11. Parang masarap si Papa El.


    Bet ko.


    :P

    ReplyDelete