8.10.2010

Lost in J.K.

Shugality ng post ketch sa Jong Kong triplaloo kong nag-uumigting sa pagka-kabogera! Bog na bog talaga at pak na pak! Plangak! Planganitang jutas na kinaskas ni Barabas! Pak!

Months ago pa lang eh excited na ko ditey sa boom-boom bang na first trip ko ever outside of Inang Bayan. Bale shotlo kame dapat na gogora, kaso last minute eh mega atras abante hanggang finally eh jumatras na nga ng bonggang bongga ang duwang hitad. Shushuloy pa ba akez? Naman!

Pairalin ang pagka-cory quirino. As in kuripot! Sa airport pa lang eh namakyaw na ko ng sangkatutak na jolibee cheese burger at ceetwo. Para pagdating ko sa Jong Kong eh me lalapangin naman atashibells. Pati mga chichirya ning, bitbit ko. Pwede ko nang kumpetensyahin si Ate Stewardess sa dami ng paninda ko. Sige! Hakutin ang ministop! Walang pagkain sa Hong Kong eh! Dalhin mo lahat! Dalhin mo! (delivery ala-Vice Ganda)

Manic Monday and flysung ng beki. Potah ang maharlika ng taxibelles papuntang jotel. Kasi midnight madness na raw nung um-arrive akeiwa, kaya wichiririt na ang mga shuttle busters, lahat eh RIP na for the night. Impernes sa boxibelles, me instant tip si Manong, automatic na sa metro. Attitude!

Yung hotel california kez eh wanpayb lang per night. Na-guilty kc ng trulaloo yung isang hitad, kaya sinagot nila nung jowa nyang fraudster ang booking ko. Winerva naman talaga ang suite room ateng! Me tibi-tibihan na puro chinese ang palabas, me duwang kama na pwede kang magpa gulong gulong ng mga 5 seconds. Me refelya na wit ko bet galawin ang mga laman dahil maharlika ang presyo. At ang pinaka-inaasam-asam ko... bath tub!

Unang gabi ko pa lang, naka-request na ko ng anim na botelya ng foam bath at talagang naglunoy na ko sa mundo ni Ariel. Habang humuhuni-huni ako ng Part of Your World at Under the Sea at hinihipan ang mga bula, mega patong lang ng portable dibidi at mega watch ng Will and Grace na relate na relate akez.

Kaloka pala sa Jong Kong, walang pedicab! Potah yung mga tyangge anlayo sa mot-mot ng mayaman! Kelangan ko pang mag-walkathon ng mga 30 minutes para matunton ang lady bazaar. Yun talaga ang pinuntahan ko, because the boy is now a lady. Kaya kahit ansakit sakit na ng balakang ko, at ngawit na ngawit na ko sa stilleto ko, wit! Don't quit! Fighting!

Buti me 7-11 kada kanto. Tinira ko ng tinira yung Biggie sized nilang Yakult. Para okay ang tyan, kesa naman sa kalsada ko abutan ng delubyo. Bakla na, nagtatae pa?! Di rin! Pati lahat ng makita kong kakaiba sa mga pagkain nila, tinikman ko rin. Turo, luto, upo sa sidewalk, lafang! Kahit menudensya pa yan ng intsik behong pari papatusin ko yan. Dun daw gawa ang maling di ba? Intsik na pari?! Kaya di ko na tinikman yung intsik... este yung maling.

Peborit prop ko lang talaga -- mapa. Kada gwapong singkit na makasalubong ko, mega "Excuse me, I'm kinda lost. Could you help me? I need to go this churvah." Susko ning, dun ko talaga nasilayan ang pinakagwapo at pinaka-flwaless na singkit na nakilala ko sa tanang buhay ko. Kulang na lang eh hilahin ko na talaga sha sa hotel para pagsilbihan at sambahin at himurin mula ulo hanggang ingrown -- isama mo na pati burnik, tutsang, alak-alakan, bukong-bukong at tengang daga. Kamukha nya yung Korean actor na nasa "Couple or Trouble" -- si Oh Ji Ho. Kaso ang alam nya lang sabihin eh "you, me, hotel, at ok."

Nawarlaloo pa ko sa subway. Pano yung mga kasabay ko sa turnstile tina-tap lang yung mga tiket-chiwara nilanchi sa ibabaw nung ilaw, pasok na sa banga ang lolo mo, bubukas na si turnstile. Ampotang galore, dikit na ko ng dikit, tinaktak ko na si tiket, diniin ko na, sinubukan ko na rin sa ibat ibang slot, ayaw talaga akong papasukin ng lintik. Tinapat ko na rin yung mata ko, baka hitech sila, waley pa rin! Yun pala, kelangan insert mo sha sa slot, katulad lang ditey sa MRT natin. Pakshet! Shunga shungang bakla!

Super gora din akeiwa sa Disney. The happiest place on earth indeed. Ang mga piktyurakka ko nga lang shempre mega ask lagi sa mga ibang turista at sa staff and crew ni cinderella para me kumuha naman sa kin ng pix na kita ang dalawang kamay ko, at hindi yung mega piktyur ako sa sarili ko na puro mukha at background lang ang kuha.. Lahat pa ng pictyurakka kesh kita yung braso na naka-extend para makunan ang sarili... Kawawang bakla...

Kahit mag-isa, gow lang ng gow sa pagpila. Lagi akong uma-appear sa single rider lane, kasi mas mabilis dun at paningit ka lang sa mga walang jowa na katabi. Kaso parang kinakarmi martin akeiwa kasi ba naman nun una itinabi ako sa Arabo -- isang walking sibuyas. At nun sumunod seatmate ko naman si Kuyang amoy kiamoy.

Basta nag-feeling turista akeiwa ng bonggang bonggang Nova Villa sa Disney. Iwas landi muna, stop muna sa pagka-gwapoholic. Di muna aketch aatend sa miting ng aking support group -- chupaholic anonymous. Kelangang panindigan ang pinangako ko sa sarili kong "Me time". Kaya di ko rin kinakausap mga taong nakakasalubong ko. Pero ngumingiti-ngiti pa rin ako, so in effect eh kinakausap ko ang sarili ko. Me joke time, me reflection time, me keeping-u-a-company time, at merong bangag time. Impernes di naman kami nag-away ng sarili ko.

Sinulit ko na lang yung breakfast buffet hihihi. Me modus operandi ako dun eh. Aakyat sa 17th floor at kukuha ng fudaloo, mag-iinarte na inaantok at ipapabitbit sa waiterific ang lafang, at saka ako bababa ng 1st floor para kumain uli ng breakfast galore. Iskwater na iskwater lang ang bakla. Saka ako matutulog uli, at paggising ko ng lunchtime eh me lalafangin pa ko uli. Tipid meals ng mga sosyal... este ng mga magugulang.

Kaloka yung isang episode ng Will and Grace na pinanood ko habang babad ako sa bula. Mega kanta si karen ng "But a house is not a house, and a home is not a home, when there's no one there. To hold you tight, to kiss goodnight..." kasi mag-isa lang sha sa bahay. Me drama time rin pala akeiwa habang ume-emote na mag-isa ko lang inaaliw ang sarili ko at gumugulong-gulong man ako sa bula at sabon, the fact still remains na ang kasama ko lang sa trip na yun, si Will at si Grace, si Karen at si Jack.

Nung pauwi, delayed ang flight dahil sa ambon. Taenang ambon yun, parang magugunaw na ang buong Hong Kong, ambon pa lang daw. Pano na pag bumagyo?! Kaloka me baha din pala ditey. Loss ang stilleto ketch! Bota na goma dapat ang dinala ko! Kulang na lang eh kulog at kidlat, pwede ka nang tumingala sa langit, dumipa ng mga kamay, magpa-ikot ikot at sumigaw ng "Isinusumpa ko!!!" Effect!

Me nakabonding naman ako sa ulan. Si Joni, isang kapwa Pinoy at kapwa turista. Sabay kami sa flight at tabi kami sa eroplano. Sabay din kami sa taxi at hati kami sa chocolate package sa duty free. Sabay din kaming umuwi. Sabay din naming kinalimutan ang isa't isa makalipas ang ilang araw.

Nakaraos din naman kahit mag-isa. Me konting emote, me konting bloopers, me konting eksenadora, me konting kyeme, me konting lande, me konting babad, me konting lafang, me konting dupang, me konting pasalubong, at me konting bonding. Three days worth of happy memories at quality time sa sarili. And of course, ang masasabi ko lang na quotang-quota talaga akeiwa... bubble bath na bonggang bongga!

“I’d rather have 30 minutes of wonderful than a lifetime of nothing special.” Julia Roberts

9 comments:

  1. hahahaha - kakaloka! Panalo itong post. Tawa ako ng tawa. I can just imagine kung papano mo nininenok yung fudaloo! hahaha kakalokaaaaaaaa!!!

    Welcome back, lubak!

    ReplyDelete
  2. You made my day BM! panalo..heheheehe
    Pampaganda ng araw.. :)

    ReplyDelete
  3. sosyal naman ng hongkong trip mo, bathtub with bubbles gallore. :D

    ReplyDelete
  4. my first read in the morning. pinasaya mo ang araw ko, mare! :)

    ReplyDelete
  5. aylaveeeet!! namiss ko ang mga post na ganito BM. nagiisa ka talaga :)

    ReplyDelete
  6. sosyal ka teh..
    di ka na talaga mareach..

    ReplyDelete
  7. wow naalala ko tuloy nung mag isa din ako nag HK tagal na nun hehehe...:P

    ReplyDelete
  8. Welcome back BM, ayan may mababasa na naman ako. Pampaganda ng buong araw ko.. n_n

    ReplyDelete