6.30.2010

You had me at "Ineng"

Sa Bukid Walang Papel Uy!

Habang pabalik ako ng Maynila eh di mawala-wala ang ngiting may landi sa mga mata ko. Pano ba naman, galing ako sa pistahan sa bukid. Technically eh di naman sha talaga bukirin, with matching pilapil and palay and kiskisan... Kiskisan lang ata ang meron dun jejeje... Hmmm, tsaka pala mga indianan... Maraming-marami at memorable na bonggang bonggang indianan. Hay, Sirang Lupa. Kahit gano ka pa kalayo, ang sarap mo talagang balikan.

Kadalasan sa amin sa bukid, pag fiesta eh sinasabay na ang binyag sa mga newborn babies. Shempre andun sa mga binyagan na yun ang fantabulous na handaan at inuman. At shempre pa, mga kalalakihan. Punta naman ang bakla para libre lamon at libre redhorse. Wala kasing handa sa mismong ancestral house (layman's term: lumang bahay) namin, kaya kelangan ko pang dumayo.

Pumunta ko dun sa binyag ng isa kong pinsan na mejo peborit ko. Marami kasi kong natutunan sa kanya jejeje. Para maka-mingle na rin sa mga talubata na magbubukid. Talubata -- twinks. *kindat* My market. Bwahahahaha!

Ayun, inum-inom kasama ang mga pinsan at mga, well, pinsan. Kainis lahat ata ditey sa bukid eh kamag-anak ko. Mejo enjoy naman sa reminisce at updates ng buhay buhay. Pero shempre gusto kong mangarir. Di pa natutupad ang pangarap kong ma-rape sa kabukiran.

And then, he came. Sa gitna ng kahulan ng aso at kantyawan ng mga pinsan ko... dumating si Utoy.

A year ago nung nakilala ko si Utoy.

"Pinsan, si Raymart." pakilala ng pinsan ko.

In-extend ko ang kamay ko at pa-demure na nagpakilala. "Hi Raymart. Ako si Clau-clau." Sabay ngiti ng matamis na pwedeng magdulot ng diabetes kaninuman. Natawa naman sha, sabay sukli sa kin ng mas matamis na ngiti. Effective. Syet! Kelangan kong mamakyaw ng maskuvado! Since mas bata sha sa mga kainuman ko eh Utoy ang tawag nila sa kanya. Term of endearment ng mga Batangueno sa mga talubata.

Nung una eh nakiki-Utoy ako. Pero nung ma-realize ko na hindi ko sha kamag-anak at pwede ko shang karirin, "baby" na ang naging tawag ko sa kanya. Typical na lalaki, nakikisakay pero alam mong walang seryosohan. Tipong pampabuhay lang para enjoy at hindi boring.

Napag-alaman ko na ang term pala nila sa mga nagpapakembot sa bakla eh "mangunguha ng indian" sa indianan. Minsan eh magpapasama sa siniguelasan, o kaya eh sa sampalukan. Pinaka-fabulous na level na yung "manghuli ng tulingan".

Di kami nag-level up sa inuman na yun. Di kami nanguha ng indian. Di rin kami nanghuli ng tulingan.

Fast forward to 2010. Pagdating nya sa inuman namin, ni hindi ako nilingon. Ni hindi ako sinulyapan. Dinedma ang beauty ko! Kaloka. Nagtataka siguro kung bakit me baklang kalbo na nakikiumpok sa inuman nila. Akala pa ata eh kasamahan ko yung mga contestant sa Miss Gay Bangungot the night before. Maya-maya eh naalala nya ata ako bigla, kasi biglang shang napapitik, sabay tawag sa kin.

"Claudine! Raymart nga pala." sabay lipat ng upo sa tabi ko.

"Kala ko di mo na ko naaalala eh. Pinsan," tinanong ko uli yung pinsan ko, "Di ko talaga kamag-anak to ha." Nang tumawa at umoo ang pinsan ko, humilig na ko sa balikat ni Utoy at umungot na parang bilot (tuta). "Baby, kelan natin susundan ng kapatid si Sabina at Santino?"

"Baby pag-graduate na ni Santino... ng masteral." Hmmm, aba puma-punchline ang poging magbubukid. I like.

After a few bottles eh umalis ang lolo mo kasi ninong pala sha dun sa isa pang binyagan. Dahil boring na, nagpabili na lang ako ng isa pang kahon at umuwi muna. Pa-fresh puke muna para sa sayawan mamaya.

After mag-ph care eh nakasalubong ko yung isa kong pinsan na naghahanap ng asawa so sinamahan ko naman sha maghanap. In fairness ang mga magbubukid gusto redhorse, ayaw ng gin. Kung gin daw, mabuti pang lubid na lang ang bilhin at magbigti na lang. Pareho lang ng effect, mas mabagal nga lang ang gin. Bumalik kami dun sa inuman, only to find Raymart na nakaupo na uli. Pagkakita ko sa kanya eh lumandi na uli ang bakla.

"Baby! Na-miss kita agad!" sabay nakaw na kiss sa lips. Swak! Pasok sa banga! Namula lang ang lolo mo ng slight, pero nakangiti. Tapos biglang naghubad ng tshirt. "Ah, ah... Pagkakabanas!" Ang init daw. Hay! Ako naman ang nag-blush.

Ang pinsan kong kj, nakahalata ata na ayaw ko ng hanapin ang asawa nya, ayun nagyayang lumarga na uli. "Baby alis muna kami ha. Hanapin namin asawa neto." Sha naman pina-kiss ko. Sabay Vic-Sotto. Hehehe. Swak uli! Baklang Maton, three points!

Nahanap naman namin ang alibughang asawa, at nasa inuman din ang lola mo. Nakiumpok na rin kami. Pag minamalas ka nga naman, ibang alak uli. The Bar Apple naman. Pwede na rin. E di tagay na uli ang bakla.

Sa gitna ng inuman at panunukso ng mga hudyo, biglang me kumatok at hinahanap daw ako. Si Raymart nasa labas daw. Umugong na naman ang asaran. Shempre mas maugong ang dibdib ko. Labas agad ang bakla, baka iniistir lang ako ng kutong lupa eh kokonyatan ko talaga sha ng umaatikabo. Paglabas ko, aba andun nga si Raymart, naghahanap ng kalinga. Sinalubong nya ko and we met halfway.

Sinama ko sha sa inuman namin at dun kami nagpa-sweet ng bonggang bongga. Pumupunta pa kami sa mejo madilim na part ng puno ng sampalok para magyakapan at maglandian. Tinodo ko na ang pagka-teeny bopper. Tinodo ko na ang pagka-Tina Paner. Tinodo ko na ang pagka-Sheryl Cruz. At tinodo ko na ang pagka-Clau-Clau. And he promised me one thing. He'll be my first dance sa sayawan.

Dapat eh me pasok ako sa ofis nun, kaya tumawag muna ako sa bossing kong gwapo at ubod ng bait. "Baby! Di ako papasok today ha. Di ako nakauwi eh, dito pa ko sa Batangas. Naka-leave naman ako, itutuloy ko na lang." nakinig sandali sa bossing na gwapo at ubod ng bait. "Oo baby promise sa Monday papasok na ko. Bye baby!" nasanay kasi ako na Baby ang tawag sa manager ko sa office. Asaran lang ba. Pero minsan parang sineseryoso nya hihihi.

Pagbaba ko ng phone, biglang bumulong ang Raymart. "Pagkakadaming 'baby'. Ala, ayaw ko na ng lintek na beybing yan. Iba na laang."

"Anu ka ba, boss ko yun. Nag-aasaran lang kami nun." explain ko naman.

"Basta, iba na ha. Mag-iisip ako ng itatawag ko sa iyo. Ako ga'y baby pa eh kalaki ko na nga."

"Sige na nga. Utoy na lang."

"Sige. Ineng..."

Matapos ang inuman, gora na kami sa sayawan. Direcho kami agad na magpipinsan sa magabok na lupa na binasa (aka dance floor). Maya-maya eh napansin kong wala si Raymart, naloka ko. Borlogs! Sa sobrang kalasingan eh inantok na ang hombre. Hay, from now on, ikaw na si Almost First Dance. Eh ano pa nga ba magagawa ko?! Nag-pole dance, belly dance, nag-strip na lang ako sa gitna. World class pokpok lang talaga ang pangarap ko sa buhay.

Maya-maya eh biglang nag-iba ang tempo ng tugtog at kinembutan ng sweet music ni DJ Bumbay. Akalain mo yun, fave song pa ni Budwire napili nya: High ng The Speaks.

Biglang may tumapik sa kin at umeksena ng "Oh, first dance na natin." Paglingon ko, as usual slow-mo... biglang kumasya ang hanger sa ngiti ng bakla. Nagsayaw kami sa gitna at inangkin namin ang dance floor (aka maputik na lupa). Ang mga pinsan kong kunsintidor, nagsiupo. Kulang na lang eh patugtugin ang King and Queen of Hearts, js na js na! Sobrang cheesy!

"Ah ah, bakit ga tayo laang ang nasayaw dine?"tanong ng lolo mo.

"Ewan." sabay ngiti at yakap pa lalo. "Utoy!" lambing ko. "Ineng," sagot ng lolo mo.

Sa gabing ito, babae ako.

Hinila nya ko sa gubat. Hinila ko ata sha. Uhhm... let's just say naghilahan kami papunta sa gubat and we danced into the rythm only two people [in love] horny can hear. That night, sa gitna ng mga tuyong damo, sanga at dahon, sa saliw ng mga kuliglig na me tono ang huni, habang nagsya-syato kami sa kakahuyan... ninotaryuhan nya ang prostate gland ko.

Ang sarap talaga umuwi sa bukid. Back to basics ang drama ko. Ikaw ang magtatasa ng kawayan ng pangtusok sa barbeque. Ikaw ang magpapatas ng panggatong pag nagluto. Ikaw ang mangunguha ng prutas na dessert sa tanghalian. Ikaw ang mangunguha ng indian sa mismong puno. At shempre ikaw ang manghuhuli ng tulingan.

Habang pauwi, ngingiti-ngiti ang bakla. Masusundan na si Santino..

Hay Raymart, you had me at 'Ineng'.

18 comments:

  1. anu ba yan.. parang bitin naman ang kwento... masyado kang matalinghaga mare!!! di ko mapicture ang kaganapan sa kagubatan mo....

    hayyy na miss ko tuloy ang ex ko na taga bukid...

    ReplyDelete
  2. kulang pa sa graphics dun sa kuhanan ng tulingan...chos!!!haha


    buti pa ang BM..laging may dilig...

    ReplyDelete
  3. ninotaryuhan nya ang prostate gland ko.

    Winner!!!

    ReplyDelete
  4. LMAO! astig....tigas etits ako! bitin lang ng onti ;-)

    ReplyDelete
  5. sarap umuwi sa kabukiran..
    isa ka talagang dyosa..ng kagubatan..

    ReplyDelete
  6. sheeet ang haba ng post na to pero hindi ako nainip sa pagbabasa. nakakakilig naman ang love story nio BM hahahaha :P

    ReplyDelete
  7. wahahahahaha!

    sa bukid pala, gaya ng show ni mandaya, maraming pumapapel and nagpapapel! ahahaha

    e bakit samin wala? dyahe! hehe

    ReplyDelete
  8. kinilig naman ako! dapat may picture para mas masaya. wala akong love life eh so i live vicariously through other blog posts. haha fml!

    ReplyDelete
  9. Sobrang kilig! Sobrang saya. I'm happy for you. Nagka-diabetes ako sa sobrang sweet! eheheh!

    ReplyDelete
  10. Ineng, este, Mars...isa lang ang masasabi ko. ay dalawa pala.

    Ikaw na! Ikaw na! (tatlo na pala) iKaw na ang reyna ng kabukiran! haha! Winner ka neng! Gandara Parks.

    Napahagalpak akes sa hanger sa bibig mo! :) Miss yah! Mwah!

    ReplyDelete
  11. kakakilig naman..hahaha..:)

    you're one of my inspirations kaya napablog din ako..haha..

    tofferthanyesterday.blogspot.com

    ReplyDelete
  12. Badet, i just discovered your blog yesterday. And trulili, binasa ko lahat ng entries in 2 days. Ngayon lang ako natapos. Ang sakit sa panga. Hahaha! Keber ko kung nasa opis ako. Nungkang itagilid ko ang laptop para hindi makita ng opismeyts. Hindi ko sya mabitawan, parang pocket book. Ang gali mo. You're a star! Bravo!

    ReplyDelete
  13. so many memorable lines, so many quotable quotes. but the one that really got me was, besides the title, "ninotaryuhan nya ang prostate gland ko"! it's hilarious!

    ReplyDelete
  14. nagawi lang ako rine eh, nalurkey naman ako ditetch!
    parang na-imagine ko ang eksena, kinilig na ewan daw ako, haha!
    "...Ako ga'y baby pa eh kalaki ko na nga."

    "Sige na nga. Utoy na lang."

    "Sige. Ineng..."

    panalo!!!

    ReplyDelete
  15. I AM SO IN LOVE WITH YOU RIGHT NOW! I just discovered your blog 2 hours ago, and I can't stop reading.. I am obsessed with your blog! I'm trying to read everything you wrote til dawn. You just activated my happy cells :)

    ReplyDelete
  16. walang pikturela ni utoy. pero i bet, mamasel masel at ma ngitum ngitum sya.

    keep it up girl!

    ReplyDelete