Naniniwala ako na winner talaga ang resiliency ng mga beki. Eto yung kakayanan ng isang tao na malagpasan with flying colors ang emotional at behavioral challenges na kinakaharap nya sa araw araw. Sa mga beki, ordinary na ang masaktan. But what's extraordinary is the ability of gays to endure pain.
Kung meron mang dalubhasa sa larangan ng pagmo-move on, doctorate degree holder na siguro ko. At ang dissertation ko: A case study on the "Holding On Phenomenon": Why gays can't let go easily.
Di na ko naka-move-on move-on ke Totong. Ayan na naman sya at aali-aligid sa iskwater. Eversince na-tegi si Daddy Byenan, sha na ang humawak sa junkshop. At simula rin nung sha na ang humawak sa JS, umasa na naman ang puso kong sabik kay Payat.
The day his father died, para kong hilong tilapia na di alam kung pano papaltok sa lupa. Hindi ko alam kung pano sha dadaluhan at iko-comfort. Hindi ko lalo alam kung dapat bang AKO ang kumomfort sa kanya, knowing na may aswang sa paligid. Pumunta ako sa kuta ng aswang in broad daylight, armado ng pinatulis na kawayan, sulo at isang supot ng boy bawang. Tsaka pala isang garapon ng iodized salt. Ready!
Pagkakita ko kay Pa, di ko alam kung anong gagawin ko. His eyes spoke volumes. Parang dinurog ang puso ko at pinakain sa aso. Nakatayo lang kami sa sala habang karga-karga nya ang junakis nya. Nakahawak ako sa balikat nya, di kami nag-uusap. Basta alam ko na alam nya na alam ko na alam nya. I'll be by his side. Aswang or no aswang, I'll be there.
Nung libing, sa sobrang pabibo ko lang talaga, ako ang humawak ng camera. Ang bakla, umangkas ng patalikod sa motor ng isang tambay, kesehodang wala akong sunblock o shades man lang, kahit masunog na ang flawless kong balat. Ayun nagkandapuwing-puwing ako sa pag-angkas -- uulitin ko -- ng patalikod sa motor.
Maya-maya nga eh napuwing ako, hiniram ko yung bote ng mineral water nung isang nakamotor na tomboy. Eh di naman ako makahilamos kasi nga naka-angkas ako ng patalikod (ulitin uli!) kaya sinilip ko na lang yung bote na parang telescope at saka ko inalog alog sa mata ko. Tapos maya-maya eh nakiinom yung isang naka-motor! Hehehe me essence ko na yan, di mo na ko makakalimutan. At pagdating sa huling hantungan eh binawi pa sha nung tomboy at ininom ang pinaghilamusan ko ng mata. Ewww...
Kung may wind beneath the wings man na award nung libing, malamang ako na mag-uuwi ng trophy. Sa likod lang ako ng lahat ng kaganapan, hawak ang camera at ang puso kong nakikiramay sa pamilya ni Pa. Hindi ko na in-attempt na lumapit at humawak sa kanya. Kahit mejo pinagbalakan kong dun ako pumuwesto sa kaliwa habang sa kanan naman ang aswang. Nope. Di ko moment to.
After that, regular ko nang nakikita uli si Pa sa iskwater. Usually eh tatambay sa haus, iinom ng konti. Kaya nga laging me SanMigLight sa ref ko na walang nakakainom kundi sha. Me naiwan pang isang bote, di ko binubuksan para me reserba sha pagpunta nya. Minsan papaluto ng merienda, papabili ng tropicana o yosi habang nagsi-sintemyento de asukal sa aswang. Naging ritwal na ata nya yun pag nasa haus ko sha. Tapos maya-maya lang eh sweet-sweetan yung dalawa sa labasan na kala mo eh newly wed. Kadiri. Inggiterang talakitok lang talaga ko.
Minsan di ko alam kung anong gagawin pag nag-text ang lolo mo. "Ma, puntahan mo naman dito si Mommy sa taas, umiiyak na naman nakita ko sa kwarto." Aakyat naman ang bakla, magdadala ng chocolates or anything na meron sa ref. Minsan redhorse, keri na rin! Basta ma-cheer up ko lang si Byenang Hilaw.
Isang beses, lumabas ako para magtapon ng basura ng alas-kwatro ng madaling araw. Nag-rearrange kasi ako ng furniture at naglinis ng bahay na pink. Shirtless pa ko nun ha, di man lang nag-bra. Tambay na tambay lang. Pagdating ko sa labasan, andun si Totong, nakahubad din pero me towel na nakabalabal sa likod. Akalain mo yun, mas mukha pa kong lalake kay Pa. Para lang kaming lihim na magsyota na nagkikita sa dilim. Kung me makakakita sa min malamang magduda na me ginawa kaming milagro. Wala naman, wholesome kami.
Kapapanood ko lang nung Peter Pan na version ni Jeremy Kembot. I totally feel for Peter Pan. All Wendy's gotta do is close the latch, shut the window and he's out of her life. No more kisses, no more thimbles, no more loose shadows. Just happy thoughts which would never be enough to make you fly.
Totong is my open window. He's more than just a thimble. He's a kiss enough to send happy thoughts to my neurons and make me soar for the rest of my life. I can never lock up and move on, simply because he doesn't let me.
I am a better version of the Aswang. I'll always be his spare tire. His other option. His second chance. Ako yung mas mabait, mas maalalahanin, mas generous, mas maasikaso, mas understanding, mas nakikinig, mas mapagmahal, mas maganda, and definitely mas magaling. Hangga't may option sha of having a better life with me, of having an ideal someone in me, hindi maaayos ang buhay nya sa piling ng aswang. And I'm doing that on purpose.
Di ba ganun naman talaga? Pag ikaw ang "other woman" ikaw rin yung right love at the wrong time. Ikaw yung "kung ako na lang sana"... Ikaw yung "kailan kaya" at "bakit ngayon ka lang?" Ikaw ang dahilan kung bakit nauso ang "sana dalawa ang puso ko". Ikaw yung "watch and you'll see, someday I'll be part of your world."
I'm getting tired of this eksena. Yung feeling pa-victim. Me isang reader na nagsabi sa kin, ako daw yung Maton na mashadong ma-emote. Drama Queen indeed! It's getting old. Oo nga naman, I'm not living up to my self-proclaimed name. Time to be maton again.
It's about choosing who to fall for, when to fall, and how to stick by your choice and decision. Sabi nga ni Ate Rachel "What do you say to taking chances, what do you say to jumping off the edge? Never knowing if there's solid ground below, or hand to hold, or hell to pay... What do you say?"
This would be my last post about Totong. Sabi ni Ka-te, Totong has been my addiction since I came back to the iskwaters. I beg to disagree. He's my thimble. He's my open window. Time to lock up and throw the keys. Time to drink the SanMigLight. Time to jump off the edge. Time to take chances...
What do you say, gorgeous self, is it time to leave the iskwaters?
Hi BM... If you dont mind, baka naman pwede mo kong isingit sa oras mo..here's my newly opened blog :)
ReplyDeletehttp://saisaandsaki.blogspot.com
when we fall inlove, we don't plan, we don't decide, we don't choose.... we just do....
ReplyDeleteeverything is a risk and it will be an even bigger risk NOT taking that risk...
go sister!!!
Huwag. Huwag mong kalimutan ang nagpapasaya sa iyo. Bakit nga ba ang nagbibigay sa iyo ng saya ay siya ring nagbibigay sa yo ng matinding kalungkutan. Is it really better to have loved and lost than to have not loved at all? I have my second thoughts now...
ReplyDeleteHMM... i have a feeling this isn't gna be ur swan song for totong ahhaaa ... ganun agad e haha "P
ReplyDeletethe irony of love and pain; joy and sorrow!
ReplyDeleteboth extreme ends... all in the same person.
kaya mo yan BM...
wag ka lang magpapaalam sa blogosphere huh..kala ko kasi titigil na blog mo dahil sa title..hehe
love ka namen..
Hoy mareng bm huwag kang magsalita ng tapos! huwag kang magdesisyon ng isang bagay na pagsisisihan mo rin balang araw. aren't you happy that you have someone like payat in your fabulous life? well if he doesn't reciprocate the kind of love that you give to him or kung binabaliwala lang nya lahat ng ginagawa mo para sa kanya, then dapat lang na iwasan mo na siya. pero if heroine ka naman para sa kanya, then keri lang! life is too short... make the most out of it.
ReplyDeletep.s. taga saang squatter k ba nakatira? leche ha ayaw ko na rumampa sa squatter... ikukwento ko later sa blog ko kung bakit... at bakit wala pa akong link sa blog mo???
wehhh?? di nga??
ReplyDeleteu've been one of the positive vibes for him after Tataboy's death...
and in some instances..even for his mom..
having u around is a good thing not juz for him but for his family (minus d aswang)
so stick around =)
--- wed galeria 5pm ---