May langit ba para sa mga bakla? Kung mamamatay ako ngayon mismo, at di ko tinalikuran ang pagka-beki, does that mean I'm condemed for all eternity? Sabi nung isang debotong iglesia na kakilala ko, straight daw ako sa impyerno. Sabi ko naman, sige kita tayo dun.
I refuse to believe that being gay defaults my soul to eternal damnation. But somehow, I also wonder: para nga lang ba talaga sa rainbow ang sangkabaklaan? Dun lang ba talaga mapupunta ang mababait na badet, at ang mga walangya naman eh highway to hell ang drama?
Lagot ako. Sabi pa naman ng friends ko, mabuti naman daw akong kaibigan. Masama nga lang talaga ang ugali ko.
Bro. Aelred Maria. My alter ego. My best version. My other self.
I was once a campus minister. Ten years ago, sa St. Andrew sa Makati na ko halos tumira. Yung way of life namin, talagang pang mga seminarista at madre (dun ata ako nahilig sa pagka-madre). Laging naka-slacks, kahit swimming bawal ang shorts. Balance dapat ang buhay-estudyante, buhay-pamilya at buhay-brother. Di pwedeng isama ang "Secret Life of a Gay Teenager" kasi bawal. Bawal maging bakla.
Nung andun pa ko sa kumbento naranasan ko na ata lahat ng nakakalurking kabanalan. Me dipa session kami lagi pag nagro-rosary. Araw-araw na nagseserve as sakristan sa misa. Naglalakad mula bel-air hanggang Guadalupe. Dumidipa sa adoration chapel. Nagtitipid sa lahat ng bagay. Pag me regalo sa yo, kelangan munang gamitin ng lahat ng brothers yung gamit mo bago isoli sayo.
Nung minsan pa eh kumain kami ng pechay ng buong isang linggo. Pritong pechay, nilagang pechay, pechay salad, steamed pechay at kung anu-ano pang imbento na luto sa pechay. Unfair nga eh kasi sa dami ng pechay na nakain ko nung linggong yun, wala namang tumubong pechay sa kin!
Pag me nagawa kang violations, kakalbuhin ka at maninilbihan ng isa hanggang dalawang linggo. Bawal magsalita, me hawak ka lang na ballpen at papel, isusulat mo lahat ng sasabihin mo. Me plackard na nakasabit sa leeg: "I am in silence, don't talk to me." Ikaw ang magluluto, maghuhugas, maglalampaso ng sahig, maglalaba ng bedsheets, at kakanta kapag tanghalian. Kung makulit ka at nagsasalita ka pa rin, extend ito ng isang linggo uli. Kumusta naman, umabot ako ng isang taon bago na-parole!
Kami ang mga serbidora ng simbahan. Tagasabit ng christmas lights sa bubong ng St. Andrew, at sa mga nakapaligid na punong niyog. Buwis buhay pa yun minsan kasi scaffolds lang na bakal ang aakyatin mo, minsan eh inaalog-alog pa ng walangya mong brother. Tagapintura rin pala kami, taga-mop ng sahig pag me function, tagatabas ng damo, tagawalis ng bakuran, tagapintura ng mga linya sa parking lot, at tagabilang ng collections sa misa.
Nung andun ako, laging ako ang sinasama ni Padre sa mga misa sa labas. Kung kelan eat out ang mga kasama ko, ako naman eh mass out at assistant. Kasi nung unang beses na nag-sakristan ako sa kanya eh huling-huli akong bumoborlogs sa homily. Mashado daw akong attached sa kama ko kaya marami akong dapat i-give up. Bawal daw ma-attach sa community. Wala daw particular friendship. Walang community within the community. Walang borlogs ng borlogs.
Lagi pa kaming me horror awards. Ang laging napupunta sa kin eh yung Piety Horror Trophy. Kasi daw everytime na nagdarasal kami, imbis na magdasal eh nakakatulog ako. Minsan, kahit sa tabi pa ng pari sa taas ng altar sa mismong misa! Pero di na ko nag-react. Kaya kahit nagdarasal din naman ako mag-isa, di ko na sinabi. Malay ba nila eh tulog nga ako ng tulog. Kaya nung may work na ko, never na kong natulog sa trabaho. Char!!!
Don't get me wrong. I was happy na gawin yung mga bagay na yun. Pag na-dedepress ako eh nagkukulong ako sa isang function room at nagpapatugtog ng mga praise songs. Mega release ako ng emotions sa pamamagitan ng... tanananan! Interpretative dance! As in mega sayaw sayaw at emote emote talaga ang bakla habang gumigiling giling mag-isa. May lifting pa yun teh! Kung kaya ko nga mag-pyramid mag-isa malamang ginawa ko na.
During this stage, confused na ko kung beki ba ko o hindi. Lagi kong tanong nun eh "Bakla, Bakla hinog ka na ba?" Eh pag-ikot ko sa roleta, tumapat sa "Oo, oo beki ako." Kung hinog ka na ay umalis ka na. Lito na nga ang bakla sa kanyang pagkatao, samahan mo pa ng "brother" at "kuya" na pumapatong pag madaling araw at nagpapa "ipit" ng kembang, ay wala na! Na-loss na talaga ang pagkalalaki ko. Lumabas ako para harapin ang mundo ng may ningning sa mga mata at landi sa mga ngiti. At yun na nga, naghasik na ng ganda at rikit ang bakla.
Isa sa mga nabighani ko ng bonggang bongga eh si Private Benjamin. Nagkakilala kami sa Mt. Makiling some summers ago. Dati shang seminarista. Cute na parang si Charles ng Star Circle Quest. Yung tipong nilalabasan na eh tahimik pa rin. Yung tipong lasing na eh demure pa rin. Maamong tupa. Hmmm...
Magkatabi yung dobol deck namin at sa taas kami nakahiga pareho. Sa camp na yun, inakit nya ko. Pag naliligo sha, di sha nagtatakip ng cubicle. Amputi ng pwet! Tapos pag humihiram ng sabon, lumalakad palapit sa kin bigla, pubes and all! Hay gusto kong lamutakin ang buns ng lolo mo at palamanan ng cheez wiz. Masarap kung maguusap kayo at masarap din kung maguusap kayo.
Nung huling gabi namin, sa pusod ni Mother Makiling, ginapang ko ang lolo mo. Hala ang bakla, daig pa ang army kung gumapang. Me props pa kong damodamo at camouflage -- kumot na talukbong at unan na nakaharang, tsaka dantay-dantayan. Presto! Instant kembang tent ang eksena. Kapa-kapa... Pisil-pisil... Himas-himas... Poof! It became koko krunch! Este poof! Dumilat ang mata! Naloka ko. Ayun, tumalikod ang lolo mo at na-face the wall ako. Loss ang beki... Pero at the back of my mind, naisip ko... Winner pa rin ako. Nagalit si Private Benjamin! Balang araw, babagsak ka rin sa mga palad ko...
After a few years, nakuha ko uli ang number nya. Text text kami uli, tawag tawag. Sorry sorry ang bakla. Nagulat ako kasi sabi ba naman, kung nagpaalam daw ako eh baka pumayag pa sha. Kaloka! Dun na pala sha nakatira sa isang compound na malapit sa iskwater. And he agreed to meet up with me sa unit nya.
Habang nangungumpisal si Kris Aquino sa buong Pilipinas na nagkaron sha ng STD sa tulong ni Kuya Joey, andun kami at nagha-haggle kung magkekembutan ba kami o hindi. Ang lolo mo nuknukan ng pakipot! Galit na galit na, ayaw pang pumayag! Kakaloka! Ayun, wala na namang nangyari. Touch and go lang ang naging drama ko.
For eight years, ganun ang naging script namin ni Private Benjamin. Papakipot sha, hahabol ako, papa-touch sha, hihipo ako, papa-kuda sha, papa-bembang ako. Me mga times naman na pareho kaming panalo. Me mga times na anjan na sha tapos biglang uuwi. Feeling ko minsan eh ang ganda ganda ko kasi luluwas pa yan from the province mabembang lang ang alindog ko. Pero di ko ganong maenjoy ang kung ano mang meron kami.
A few months ago, inamin nya sa kin na bumalik na sha sa seminaryo. For almost two years, ang kinakalantari ko eh on his way to priesthood. Kaya pala pag Sunday lang sha pwedeng mag-text. Kaya pala lagi na shang nasa isang lugar na puro ulap. Langit?! Kaya pala puro yaya lang ang lolo mo, pero di natutuloy kasi di raw sha pwedeng umalis. Kaya pala... Mas malaki na pala ang kalaban ko. Someone I would never even dare compete. Eh ako nga gusto ko Siyang kakampi eh.
Last month, Private Benjamin and I had our farewell kembot. We both agreed na last na yun, and he should focus on his life of service. Sa gitna ng good ol' redhorse, at sa mga malalaswa naming kwentuhan, I felt proud and happy. He's on a better path. Kung sana lang eh kasing lakas at kasing tibay nya ko sa pag-resist sa tukso. Kung sana lang eh kasing tapang nya ko sa pagwaksi sa mansanas ng kasalanan. Kung sana lang eh kasing willing nya akong magsilbi. He's an inspiration to me. I'm so proud of him.
Sa araw na to mag-start ang one-year retreat nya sa isang isla. Walang interchuvanet, walang nyelpown, walang telebabad at primetime bida, walang bombo radyo at negra bandida. Laging silence at reflection. Sayang di nya mababasa tong blog ko. He promised to read it next year naman. Something to look forward to, jejejeje!
Fave motto ng frendship kong si Medusa -- "Destiny is not a chance. It's a choice." It's not random. It's not chance. In the greater scheme of things, my every decision in the past have been leading up to a certain destiny. What if kahit anong gawin ko, dun pa rin ako bumagsak sa kung anong gusto Niya para sa kin? Pano kung sa bawat pagliko ng mga bakla eh makikialam Siya? Magiging choosy ka pa ba?
If there's one thing I learned sa logic, eto yun: Kung walang langit at naniwala ako na meron, keri lang. Walang nawala sa kin. Nagkaroon lang ako ng purpose at direction sa buhay. Kung meron namang langit at naniwala ako, eh di winner ang bakla! Kung wala palang langit at di ako naniwala, eh di quits lang. Pero kung meron palang langit at keber lang ako... gudlak! Barbekyung beki ang aabutin ko.
Listen to your heart. What does it tell you? For me, it's about finding meaning to your life despite of the bad choices that you make. Mashadong maraming pagkakamali sa mundo, di ko kakayaning i-commit lahat ng yun. Anu ba naman yung matuto na ko sa pagkakamali ng iba davah? Wag redundant! Bakla ka na naka-pink ka pa?! Jejeje... Hindi porke ine-expect ng mga tao na isa kang kahihiyan eh gogora ka nga. Ayaw mo silang ma-disappoint ganun?!
May pwesto ba ang mga bakla sa langit? O kelangang magpraktis na ko ng pag-slide sa rainbow? Ay wit ko pa alam. One thing's for sure: God loves Fags. Even fags like me.
ang kulit ng kwento mo :] siguro naman may pwesto din kayong mga third sex sa langit diba? fair naman si GOD
ReplyDeleteGod is Love. Anu pa ba ang dapat i-explain jan? Kung may puwang sa Diyos ang pag-iimbot, parpaparusa at pagganti, hindi na sya Love. This doesn't though na aabusuhin natin ang pag-ibig nya.
ReplyDeletemean**
ReplyDeletebasta ang alam ko lang hindi tayo tatanungin ni God kung naging mabuti ba tayong lalaki..babae..bakla o tomboy..
ReplyDeletenaniniwala akong tanong Niya ay:
naging mabuti ka bang tao?
I believe na hindi talaga kasalanan ang pagiging bakla. Basta ba gumawa tayo ng kabutihan, walang inapakang tao, keri lang! ^^
ReplyDeleteBM, WINNER KA. teehee
ReplyDeleteYou do not hesitate to question the conventional. Destiny is always a choice and tumbling upon your blog is never an accident. I always learn when I read you. In the greater scheme of things, you all make sense. :D
I am sure a heaven is waiting for you because you do not have a condemning God. Continue writing as how you continue loving. Thank you too.
Yas,
Waahhh... I love your post..:)
ReplyDeleteTama.. God is a God of Love. May plano Sya kugn bakit Nya tayo ginawang ganito, kugn bakit ganito ang buhay natin. kasi alam Nya, dito tayo magiging masaya.. :)
Napaiyak mo na naman ako. Tama ka, napakaraming kasalanan sa mundo, andaming pagkakamali--hindi naman pwedeng lahat yun i-commit.
ReplyDeleteGrabe, agreeng agree ako sa mga sinabi mo.
At ang luha ko, umiislide na naman...
aww, na-touch ako dito. at medyo nacurious kay mr. trinity. haha
ReplyDeleteanyway, isa rin yang malaking katanungan sa isip ko. ewan ko. i guess Siya lang talaga may alam. tignan nalang natin.
I like you. I really, really like you ( a la Sally Field sa Oscars), not only because you write so well but also because the things that you write hit home and strike a chord in my life and in my heart and in the heart of your gay readers. I believe that because we suffer so much (especially with regard to love) we do deserve heaven. Maybe in the afterlife, makakamtan din natin ang ating pinakamimithi - to be loved in return. Continue on writing...for this alone, you deserved a doctorate.
ReplyDeleteof all your entries, this is what i love the most! this entry could inspire people, not just gays, but all of us who aims for happiness and heaven, this entry can help strengthen a person's faith. God Bless You.
ReplyDeleteGod is LOVE.
ReplyDeletehttp://insidemybackpack.blogspot.com/
naiinlove na ata ako sayo BM hahaha... di nga... totoo!
ReplyDeletewinner ka teh..
ReplyDelete