7.08.2010

SOCO Moment

Ang lahat ng mga pangyayari ay pawang kathang-isip lamang ng Bakla, at anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar o pangyayari ay hindi intensyonal at nagkataon lamang. (Char!)

Hunyo 16, 2010. Miyerkules, dakong alas-siyete ng umaga.

Isang araw, pauwi na si Rubi (di tunay na pangalan) sa kanyang tinutuluyang bahay sa Kagandahan Street, Quezon City (di tunay na lugar). Nagulat siya dahil pagpihit nya sa doorknob ay sira ito. Pingku-pingko ang keyhole, at halos bali na ang handle. Kinabahan sya agad sa hinalang may nangyari sa kanyang bahay. Pagpasok nya ay nakahinga sya ng maluwag sapagkat nandun pa rin sa lamesa si Toshiba (di tunay na laptop).

Dali-dali syang nagpunta sa bahay ni Yaya Pancha (di tunay na yaya). Humahangos ang mag-yaya na nagtungo sa bahay na fuschia (di tunay na kulay) at inusisa ang kabuuan ng bahay. Napag-alaman sa kanilang pagsisiyasat na nawawala ang isang cell phone, isang external hard drive at isang wallet na punong puno ng salapi - at mga picture ni Rosanna (di tunay na nanay ng biktima). Ang mga ito ay pawang nakapatong sa ibabaw ng ref.

Sa nalaman ay nagsisigaw si Yaya Pancha sa galit. "Mga p***ng *na talaga! Mga hayup! Pati ikaw ninakawan oh! Ano ba naman yan?!" Lumapit na ang mga miron. "Ayan oh mare, Sinira pa yung lock ng mga p***ng *na!" Maya-maya ay napansin nya ang isang mahabang kutsilyo sa gilid ng tubo ng Nawasa. "Ayun oh! Mga hayup talaga! Eto siguro ginamit sa pagtungkab sa dornab! Mga p***ng *na ng mga hayup na yan! Eh pano kung nasa loob si Rubi tapos nag-panic sila at bigla na lang shang saksakin? Tang *nang mga magnanakaw talaga yan!"

Lahat na ng kapitbahay at kamag-anak ay andun na ata. Nakikiusyoso. Nakiki-chismis. Nakikiepal. Habang naglilitanya pa si Yaya Pancha sa mga miron, nanghihinang napaupo si Rubi at hinimas-himas si Toshiba. Buti na lang nga wala ako dito. Kundi nasirang Rubi na ko ngayon. Kinikilabutan siya sa naisip. "Kung nagkataon... Goodbye Rubi!"

Kung anu-ano pang kuro-kuro ang kinembot ng mga kyemedora sa labas. Isinara na ni Rubi ang pinto at nagkulong sa cyberworld. Shoutout sa FB: Syet! Na-akyat bahay ako! Lecheng mga hampaslupa!

The feeling of helplessness and resignation started to sink in. Wala na shang magagawa. At least wala sha sa bahay nung mangyari yun. Shempre dali-dali shang nagsumbong kay Cherry Pie Picache aka Rosanna (di tunay na nanay ng biktima) pero di sha makakontak kasi walang signal. Gusto man nyang puntahan si Alejandro (di tunay na leading man) sa Bahay na Blue, ay di nya magawa. Baka magselos ang ik-ik (di tunay na aswang).

Lumabas ang bedang kontrabeda para makahanap ng signal village. Biglang me lumapit na Bayan Patroller at sinabing may 3 aali-aligid sa bahay nya around 2am. Isa pang star witness ang lumitaw pinpointing the same set of teenagers at around 4am naman. Samakatwid, it's either nakita ng tatlong kumag ang krimen, or sila ang kriminal.

Pinatawag ang tatlong kutong lupa sa barangay. Inuto-uto para isoli na ang mga nawawalang hiyas at nang palayain na sila. Nagpauto naman ang mga kumag at di nagtagal ay natunton na kung saan nakatago ang nawawalang rebulto ni Majinboo. Maya-maya pa ay nagtuturuan na ang mga tinamaan ng kulog na mga suspek kung sino ang may pakana at kung sino ang lookout.

Sa madaling sabi, nahuli ang tatlong kupal at naipakulong. In fairness to Rubi, naawa sha sa tatlo kasi nga puro minor pa, kaya siniguro muna nya sa DSWD na hindi naman mare-rape ng mga preso sina Hudas, Barabas at Hestas.

Makalipas ang ilang linggo, nagpapa-sweet ang Rubi at ang Alejandro sa bahay na fuschia. Nagkaroon kasi sila ng kasunduan na hindi muna sila mag-uusap alang-alang kina Hector at Maribel. Pero matindi talaga ang kanilang pag-ibig sa isat isa kaya nagkakumustahan silang muli.

"Na-miss mo ko?" Tanong ni Rubi.

"Hindi." sagot ni Alejandro.

"Nanlaki ang mga mata ni Angelita, este ni Rubi pala.

"Hindi kita na-miss. Baka lumaki na naman ulo mo eh." sabay ngiti na nakakaloko.

Magdamag pang nagpa-sweet ang mag-EX at nang sumapit ang bukang liwayway ay sabay nilang tinahak ang daan patungo sa... kanto dahil papasok na sa kol sener si Rubi (di tunay na kompanya). Habang naglalakad, napansin ni Alejandro na may taong nakatambay sa may kanto, mejo malapit sa basurahan, at may dalang asido. Ang taray! Ang talas ng eyesight ni Alejandro.

Sinipat nyang maigi ang lalaki, at nang masiguro nyang pinsan ni Barabas ang lalaki, binulungan nya si Rubi.

"Rubi, takbo!" bulong na pasigaw ni Alejandro.

Ang Rubing malandi, sige pa rin sa pagkakandirit sa kalsada.

"Rubi, run!" sigaw na pabulong uli ni Alejandro.

Di pa rin narinig ng bakla, este ni Rubi pala. Kandirit dito, pata-burey (pas de bourreé) don, hop and skip dyan. Napikon na si Payat (oops!) I mean Alejandro.

"Ma! Takbo! Ma! Run! Bakla! Run! Run!"

Aay! Naloka si Rubi. Tinabig ang mga paso, ang nagtitinda ng taho, ang mga newspaper vendors at ang mga nagtitinda ng goto. Binato ng peas ang mga zombie. Hinagis si Maribel sa ilog pasig. Tinanggal ang kanyang fuschia stilletos at saka nag-Milo Marathon Part 2. Run, Rubi, run! Run like the wind! naman ang beda.

Pero waley soundtrack na "growing up with Olympic energy, growing up with Milo". Wala ring mga chirp ng birds at sloosh ng winds. Ang tanging sounds eh ang hingal ni Rubi habang lumilitanya ng "You want war, paaak! I'll give you war! Paaak! (hingal! hingal!) Hah! Hah! I'll be there in my pink stilletos! Paaak! Aay! Tae! Takbo!!!" At lumamon na nga ng alikabok ang Alejandro.

Ang lalaking nakatambay sa may kanto, hinabol ng mga siga na kumakain ng goto sa gotohan ni Darang Lumen. Nakasakay ang hinayupak sa getaway vehicle nyang traysikel, at nakatakas. Sigh!

Nope, mali kayo. Hindi nila tinawag na Baclaran ang lugar na yun. Iskwater pa rin ang tawag sa lugar nila Rubi. Balik na uli sa normal ang lahat. Di kay Rubi umiikot ang mundo, at hindi to itigil kahit mawala pa sya. Paaak!

Ang tanong ni Rubi: Should I stay? Or should I go?

It still is considered home.

But what if home isn't safe anymore?

12 comments:

  1. nahihiwagaan tuloy ako kung san ka sa marikina nakatira. lol

    ReplyDelete
  2. ay nako rubi...escape ka na dyan sa iskwater...pramis!!

    be safe...love u BM..hehe..

    ReplyDelete
  3. mare, kahit medyo na-suspense thriller ako, napasaya mo na naman ako sa pagkakakuwento mo. pwede ko bang hulaan ang mga tauhan sa blind item na ito?

    kung sa palagay mo hindi ka na safe diyan sa kinaroroonan mo, mas mabuti pa yatang lumipat ka na lang sa forbes. choz!

    take a lot of ingat always. maging alerto 24. :)

    ReplyDelete
  4. mare baka naman puros adik ang mga tao sa lugar mo...

    naku mare out ka na dyan! mahirap kasama ang mga adik!

    ikembot mo nga sa akin kung saan yung lugar mo para naman makapaghanda aketch ng defense mechanism ko pagnaparampa ako dyan

    ReplyDelete
  5. naku Rubi bka di ka tantanan ng pamilya ni Barabbas... i suggest e mag hotel ka muna ng ilang buwan...or mabuti pa e forever na..di na safe jan sa tagaytay heights! :P

    ReplyDelete
  6. Angelica gogogo 2 faraway land..
    be safe muna sayang ang ganda..pakkk

    ReplyDelete
  7. Hahahaha! Kaaliw ang pagkakasulat mo, ito ang pinakapaborito kong blog post mo.

    Anyway, magingat ka BM. ;)

    N

    ReplyDelete
  8. nakakatuwa....hay once mawala yung tiwala mo sa lugar na tinutuluyan mo, you feel the urge to find other place...

    ReplyDelete
  9. I just spent my entire shift in the office reading your blog.

    I cancelled all of my client meetings para makilala ko sila Totong, Jonel, at ang mga canton boys.

    Hindi ko tuloy natapos ang mga slides and graphs ko. LOL.

    No regrets though. Nawala naman stress at depression ko. hahaha

    Keep writing!

    ReplyDelete
  10. parang isang chapter sa international management sa haba! ahahah

    'te ganda ng shorts mo sa taas! lurv it!

    ReplyDelete
  11. lumayas ka na jan!!
    dito ka na lang sa akin
    tumira.
    dito sa puso ko. hahahahah

    ReplyDelete