7.18.2010

The Day BM Quits

Nitong nakaraang araw, me nakita akong note na nakadikit sa likod ng pinto ko. Parang note lang ng mga zombies. At pagbasa ko, para kong aatakihin sa gall bladder. Iiwan na nya ko! Kaya pala nanlalamig sha sa kin nitong mga nakaraang araw... Karipas ako ng takbo at hinabol ang aking... Kabaklaan. Sabi sa note:


"This is your inner Kabaklaan. I quit!"


Panic mode ako bigla. Spell kumahog at kandarapa talaga ko sa paghabol kay Kabaklaan. Naabutan ko naman sha, nagla-lunch ng pritong tulingan at kaning sinabawan ng kape. Nag-usap kami at nagpaliwanagan. Pumayag naman shang bumalik na sa bahay. Pero binalaan ako ni Kabaklaan: something's happening and I need to brace myself. Tinanong ko si Kabaklaan kung anong nangyayari, at nang sabihin nya sa kin, nayanig ang bumbunan ko at nalagas ang bangs ko... Taray ni Kabaklaan, parang si Madam Racha. Sabi nya:

"Magegeng tumboy ka sa mga sosonod na araw. Mag-engat sa lalakeng may nonal sa nipol. Lake kolor, pyusha. Lake namber, tweyni-nayn."

Eto na yung relapse... It all started a few months back when I received a text message from my EX. As in ex-girlfriend. Paak!

"Uy musta na! Tagal na natin di nagkita. Miss na kita. Dami nangyari sa kin, you wouldn't believe! Magkita nga tayo! Text mo sked mo! Miss u! Mwah!"

Before ako maging BM, shempre dumaan ako sa stage na naging BN muna ako. Baklang Narnian! Nag-board and lodging ako sa Narnia - sa kloseta ng pagkukunwari. Uy, di naman ako naging full-pledged citizen ha! To the point na eksenang bumembang na ko ng kipay mapanindigan lang ang pagka- "lalake". Kahit paminta ko for a short a few years, I still find ways to express ang pagiging "lulurki".

Babala: isa itong napakahabang post. And probably, me part two pa itu. Kasi, it's part of who I am. As much as I like to pack this stuff in a box and keep it in the garage or under my bed, it doesn't work that way. Tsaka, wala akong garahe, at puno na ang ilalim ng kama ko. So bloggers, I hope you'll still have fun. Saka na ang meet and greet at autograph signing hihihi.

Bekbek Wars Episode 1 -- The Phantom Menage-a-Trois

My fisrt girlfriend, and probably the first person I ever loved was Wendy. Best friend turned guframae ang serye namin. Super sweet ng lola mo. Nakilala ko sa org sa church, naging mag "bes" kami for more than a year. Pero simula pa lang na-develop na ang lola mo sa kin. Nung lumabas na ko sa kumbento, sha ang sanity ko.

Sumbungan, kwentuhan, iyakan and everything. Me sulatan kami lagi. Every important occassion, every success and every failure, every little and big things, we shared together. The first person na nakaalam na badet ako. The first person na tumanggap sa pagkatao ko.

In fairness creative si Ex No. 1. Mejo purita mirasol kasi sila nun, as in fish ball magnate si Mudra, at m.i.a. si Pudra. Sila ni sisteret nya eh parehong skolar. Kaya un mga sulat nya sa kin, laging me cutouts ni Garfield, me mga pop-up na figures at mga anik anik design from mga lumang magasin. Basta sha si Garfield, ako si Jughead.

I admit, ako talaga ang me kasalanan kung bakit kami nag-break. Sabi ko kasi cool off. Pero nagkikita pa rin kami regularly, parang kami pa rin. Until me nanligaw na iba sa kanya na eventually eh naging dahilan ng pagsisinungaling at pagpapalusot, pagtatago sa escalator, pagpapanggap na nasa probinsya, at ang pinakatodo -- nagserve daw sha as volunteer sa St. Joseph, yun pala eh nasa Fairview at jontis na ang lola mo.

Minsan naiisip ko, she gave up on me way too easily. Ang bilis nyang napagod. Halleer sabi ko cool off! Tapos napakanta lang ako ng "malaya na ako" ayun ngumalngal na ang guframae ng faucet na faucet. At naghanap na ng kalinga ng iba. She's my first heartache.

Nag-enjoy naman ako sa aking newfound kalayaan. Happy pekpek courtesy of my newfound din na best friend. This time eh straight na itu kaya lalong tumibay ang cover-up ng bakla. Yun ang original maton sa buhay ko. Masel-masel, push up addict at workout buff ang lolo mo. May sariling barbel na gawa sa semento. Ultimo ugat nyan, me maskels. Si Aveño -- ang David Garcia Jr. ng buhay ko.

Aveño is a different blogpost. Basta in the near future na sha hihihi. Nabanggit ko lang sha kasi sha ang magandang intro kay Ex No. 2 -- si Eden. Kasi, kaklase namin si Ex No. 2 nung first year.

It was a short and beautiful six-day relationship. =) It was very meaningful. As in! Kasi that was when I realized na mahal ko talaga sha -- si Noel. Hihihi! Kaya nag-break din kami after 6 days.

Eh naloka ako kasi after ngumalngal ni Eden, at after akong iwasan ng mga 2 subjects, aba maya-maya eh keribambam na uli ang everything between us. Wala na shang masamang pande-koko sa kin uli. At napansin ko din, parang close-close-an sila ni Aveño. At nung nag-swimming kami sa Morong, aba HHWW-PSSP na ang duwa. Gusto kong malunod bigla sa kiddie pool!

Me pa-ek-ek kami sa klase na kandila chararat at magpapalitan ang dalawang magkaklase para makapag-usap at makapag-babye kasi pag 2nd year namin, iba iba na kami ng major so farewell to u my fwendz and drama namin dun.

Although pareho naman kaming psych major ni Aveño at magkaklase pa rin kami, napadrama na rin ang lolo mo kasi nga technically sinulot nya ang gufra mae ko. Sha ang kauna-unahang lalaking umiyak dahil sakin. Me sigok sigok, hikbi hikbi, singhot singhot at nguyngoy pang kasama yun ha. Naluha din tuloy ako.

Buong summer after that, nangupit ako araw-araw sa tita ko ng 50-70 pesos para makaakyat from Pandacan to Cogeo para makipaglandian ke Ex No. 2 at ke Aveño. Tipong tagisan ng galing, lalaki sa lulurki, may the best man win. Bandang huli eh todong nalito si Babaylan at walang pinili sa min dalawa. Win-win situation itu for me!

Pagpasok namin sa aming majorship, tatlo kaming dating magkakaklase na nagsama sa isang section. Ako, si Noel, at si Lorena. Later on eh nadagdagan kami ng isang tropa, si Ilette. Ewan kung anong nangyari, basta tinawag kaming sina Itoy, Bitong, Bebang at Bebeng. Pero yung mga tawag sa min, hindi pumatok, yung ke Lorena lang. After ten years, sha pa rin si Bebang. But no, hindi sha si Ex No. 3.

Si Ilette. Probably the longest of them all kasi sobrang open kami sa isa't isa, andaming on-off, andaming drama, pero mas lamang yung masaya at friendship. It was different this time, kasi si Noel naman ang nauna. Naging sila for a few months, pero mas close kami since pareho kaming gurlaloo. Too close to a point na sa kin na sha me gusto, at nalilito na si Bebang kung kanino sha sasama kasi nag-away kami ni Aveño, nag-away sila ni Ilette, at nag-away kami ni Ilette. Kawawang Bebang!

Me eksena pa kong naliligo sa banyo nung kaklase namin, habang lasing, nakahubad, nasa ilalim ng shower, at umiiyak habang ume-emote ng "ginago nya ko, ginago nya ko!" Until now, wala pa ring malinaw na dahilan kung sino ba ang gumago sa kin, kung bakit ako ginago, at kung ginago ba talaga ako. Basta ang alam ko, masarap mag-emote habang naliligo.

Before mag-3rd year eh umalis si Aveño sa skul namin at nagpaka-marino. His absence made Ilette and I closer for comfort. Ito din yung time na naglayas ako at naging boy ni Mylla -- again another story. Walang official date, walang official na kami na, basta yung mga kilos, yung mga haplos, yung mga halik, yung mga tingin, in fairness alam kong yun na yun, di nga lang mapag-usapan at di rin maharap. Kasi, alam nyang beki ako from the start at alam na alam nya lalo na inlavavo ako ke Aveño. Anong pwesto nya dun sa equation na yun?

Eventually naging friends na lang talaga kami. All's well that ends well. Until now, friends pa rin kami ng lola mo, we still see to it na we see each other once in a while. Kumustahan, update sa mga eksena sa buhay, basta we got each other's back anumang mangyari.

Naayos namin and everything went back to normal. I even had Ex No. 4. Actually ang nililigawan ko nun eh si Phoebe, ang aking S. O. (secret on daw) kasi me bowa shang iba. Nung minsan na me dance sa skulilet, mega buysung akeiwa ng flowers sa Designer's Bloom. Pagdating ko sa auditorium, kumusta naman, kasayaw nya si bowa. Bigla akong na-depress at binigay ko ang bulaklak sa unang babaeng nakita ko -- si Florence.

Si Flo impernes niligawan ko talaga un ng matagal na panahon. Ayaw nya kasi baka daw mahal ko pa si Illette. Hay girl! Kung alam mo lang! Naging kami ni Flo for a day tapos umayaw na sha, kasi daw hindi nya masabing mahal ko talaga sha. Nararamdaman nya raw na me ibang laman ang puso ko. Hmm, women's instinct! Korected by naman sha, maling tao nga lang ang pinagbintangan ng lola mo. Nung magka-baby si Flo dun sa sumunod nyang bowa, ang nasabi na lang nya eh -- "Sayo sana to." Ayun naging nina ako ni Athena, at once ko pa lang sha nakita. Nung binyag six years ago!

Yung last, mejo weird... I call her Lumen kasi kamukha nya si Lumen sa commercial ng surf. Akalain mo yun, college pa lang ako Lumen na sha, hanggang ngayon naglalaba pa rin si Ate. Di na naubusan ng maruming damit ang pamilya nya. Siguro me laundry shop si Lumen.

Anyway, nung college eh me crush akong nilalang. Itago natin sha sa pangalang Cocoy. Si Cocoy eh ginawan ko talaga ng paraan para maging kakilala ko. To the point na di ako papasok ng ROTC para ipahiram sa kanya ang cap, o belt, o combat boots o jacket ko. Pareho kami ng major, pero ibang section sha. Nung 3rd year kami, required ang lahat ng lalaki na sumali sa Mr. Psych kasi kokonti lang ang lalaki. Literally. So excited din naman ang bakla na sumali.

Shempre ang BM... Rarampa na! I was there with my pink stilletos! At akalain mo yun, sa sobrang shortage ng kalalakihan sa batch namin, 1st runner up pa ko. Ikaw na ang mag-rave attire ng trench coat at briefs with black na pakpak at CD sa puson! As expected si Cocoy ang naging Mr. Psych at ang wind beneath his wings: si Lumen.

Studious ang Cocoy, acshuali running for Magna ang lolo mo, di nga lang umabot. Sa library ang fave spot ng lolo mo. Lagi din palang andun si Ms. Psych sa thesis section. Ayun nagka-kodaK moment ang dalawa. Si Lumen, naiwang luhaan at panay bakbak ang kamay kakalaba. That time naman kami nagsimulang mag-textmates. One time eh nakipagkita sa kin ang bilat sa library din, at buong tapang akong tinanong.

"Nanliligaw ka ba sa kin?" sabi ng Mahaderang Labandera.

Ang BN, napa-why not?! "Uhhm, oo."

"Tayo na." with conviction na sagot ng ate mo.

Instant gf itu. Nag-usap pa kami ni Cocoy para wag ko daw saktan si Lumen, mga ganung eklaboo, malay ba naman nya na sha ang itinatangi ng malunggay ko?! Ayun, naging panakip butas ako ni Lumen, ang di nya alam sha naman ang shield ko sa mga dudera sa pagkalulurki ng BN. Dahil mahina ang pundasyon, shempre yung relasyon madaling mag-crumble. Basta nag-break na lang kami after 11 days ata.

Lahat halos ng mga katomboyan ko, ganun lang ang eksena. Nothing lasts kasi obviously di ko sila kayang mapanindigan. Sabi ko nga sa isang barkada ko, kung may makikilala akong babae na masisigurong hindi na ko titingin sa ibang lalaki, at makakaya kong maging faithful sa kanya, bakit hindi?

Sino ba ang ayaw ng normal na buhay? Sino ba ayaw ng masayang pamilya? Sino ba ang ayaw ng mga munting tyanak na tatakbo takbo sa sala at lulundag lundag sa kama? Sino ba ang ayaw ng simpleng buhay?

I've been watching Will and Grace lately, at naloka ko sa plot nung 4th season. Napagkasunduan nila na magkaroon ng baby together! Ganun talaga no? Pag dun lagi nakatutok ang isip mo, lahat ina-associate mo sa sarili mo. This much I can say for now:

I want a baby.

Lahat ng lalaking nilalandi ko, ang tawag ko baby, bhe, bhie, babe. Mga apo ko sa pamangkin, spoiled sa kin. Mga inaanak ko lahat sweet sweetan ako. Pag nakakakita ako ng baklang may anak, naiinggit ako. Pag napapanood ko si Ogie Diaz at Arnel Ignacio naiisip ko na kaya ko rin yung ganun. At nung napanood ko yung episode nina Aiza at Kuya Dick, wala na napangawa na talaga ko sa kwarto ko. Who will be my spare womb? Who will be my backup egg? Kung pwede lang na ako na rin magbuntis at manganak.

Ang tanong: is having a baby the answer?

Sabi nga nung barkada kong guidance counselor, kaya ko bang maging role model sa magiging anak ko? Anong ituturo ko sa kanya?! Ang tamang paraan ng pagkuda? Ang magandang posisyon sa pagbembang? Pano tumawad (at tumuwad) sa isang prospect? Anong magandang buhay ang maibibigay ng isang single na bakla sa isang tyanak?! Anong motto ang maipapamana ko sa junakis ko? Teach a man how to fish and he will bring home a fisherman?!

Pano ba mag-resign sa kabaklaan? Pwede ba yun?! Anu ko col sener agent?! May 30-day period ba yun? Isu-surrender ko lang ba ang Bakla ID ko at magpapa-clearance sa mga Board of Beki? Magpapasa ng cedula at Deed of Sale? In the first place, natatalikuran ba ang kabaklaan?! Sana ang kabaklaan may tatlong lifelines din. 50-50, Ask the Audience at Phone a Friend.

I'm not saying na gusto kong magpaka-tomboy. Just thinking out loud... Hay! Basta ang alam ko, I want to have a baby. I may need a kidney someday... Hihihi.

11 comments:

  1. hay naku BM (BM p nga b?), pareho tau. at dhil mejo madrama 'tong entry mo, mejo madram rin comment ko.

    i think we have reached the zenith of maturity. ung point na perfect itanong ang "to be or not to be?",ung moment na gusto na natin seryosohin ang buhay, ung time na parang pagod na tau umawra at pumartey! we're not getting any younger. it's about time na ipakita ntin what we're made of -- made to succeed both personally and professionally. d sa sinasabi ntin we're not happy of what we are right now (wlang kasing saya ang pgiging beki), pero d rin natin maiiwasan na isipin kung anong mangyayari pagtanda ntin. d b mas masaya kung meron kang sariling pamilya. pamilyang nagbibigay sau ng direksyon sa buhay, mga anak na magmamahal sau, at higit sa lahat ang babaeng kaya kang tanggapin at mahalin maging sino o ano ka man.(o ayan d lng madrama, cheesy pa! lol)

    Kaya GO!GO!GO! ateh, kuya, o ano k man ngaun. siguraduhin mo lng na eto na yon kc minsan nasasabi lng ntin ang mga bagay na'to kasi kulang tau sa ____? haha. advise ko sau: humadjjj k ng bonggang bonga tonight at pag d nagbago isip mo kinabukasan, eh eto na yon!

    btw, full-pledged o full-fledged? lito rin ako.

    ReplyDelete
  2. hay BN este BM, napaisip mo nanaman ako. hindi naman talaga madali ang buhay nato. pero will a baby help? idk

    sa tingin ko, based on how i see you as a person mabibigyan mo naman siya ng mabuting bahay. kaso aminin na natin, iba parin ang laki sa gatas. este sa nanay at tatay.

    kung maaari lang magresign sa kabaklaan, siguro maraming papatol. mas madali ang buhay pero siyempre, less kulay. less kulay ang buhay pag wala nang sinabawang gulay. :o

    ReplyDelete
  3. Impernez, tumambling ako dites:

    "Teach a man how to fish and he will bring home a fisherman?!"

    LOL.

    One of the most recent posts that you've had speaks about growing old alone. Maybe having a baby is your "guarantee" to not living in the home for the baklang aged, yeah?

    :-)

    ReplyDelete
  4. Cguro sarap ito basahin. Kaso nawiwindang ako sa chienes-chienes chuva ek-ek na lingo. so yun. Sorry for me.

    ReplyDelete
  5. BM nakarelate ako sayo.. as in tagos na tagos.. hahaha.. tinamaan ako.. minsan nag iisip din ako.. kelangan ko na ba ng lalaki sa buhay ko?.. kase dumarating tlga sa buhay na mafifeel mong gusto mo ng magka-anak. yan din advise ng mga friendship ko, kase ako nalang ang walang junakis, aaminin ko naiinggit ako sa kanila. wahihihi.. napapaisip na naman ako..

    ReplyDelete
  6. Baka pag nagresign ka eh magclose na ang blog mo ehhehe wag po

    ReplyDelete
  7. lol! it's a chocolate bar with ampalaya core. natatawa ko sa blogging language mo pero nakaka-touch yung sentiments. hindi lifesavers ang mga anak at hindi rin sila investments. channel mo na lang yung energy mo sa blogging.

    ReplyDelete
  8. this time, sumuko lahat ng nuerons ko intindihn ang mga kemberlush ng iyong pananalita. hahah ano daw? kya di ako makapagcomments.

    ReplyDelete
  9. Teh, I'm still in college right now pero I already share the same thoughts regarding sa pagkakaroon ng junakis with you. I wanted to have a kid in the future but not a wife. 2010 na teh, posible na ang lahat wag ka lang papaapekto sa lipunang ginagalawan mo. Hindi ang agos ng lipunan ang magdidikta ng kaligayahan mo.

    And if you're worried about raising your kid since you're gay and all that, I say that shouldn't be an issue. As long as papalakihin mo ang anak mo ng puno ng pagmamahal, i don't see any wrong kung bakit ka hindi magiging maganda role model para sa kanya. Afterall, hindi sa gender nakabase kung sino ang magiging mabuti o masama sa mundo na ito (na gaya ng idinidikta ng mapanghusgang lipunang ating ginagalawan). Just a thought. Kaya mo yan beki! <3

    ReplyDelete
  10. ive got an ampon but i think i'm not being a good example. sigh sigh sigh

    ReplyDelete
  11. hi Bm..ang ganda nitong ginawa mo..:)
    im a mother of a 2 yr old baby girl and having her is the most amzing thing that happend to me..i feel so blessed!!pero di ako nakakasiguro kung aalagaan nia ba ako pagtanda ko kc it's a selfishness on my side kung iaasa ko un sa kania..di ako dapat magexpect ng ganun for my child..it will depedn kung mapapalaki ko siang isang mabuting tao na marunong tumanaw ng pagmamahal tulad ng pagmamahal ko sa kania..pero ung sasabihin natin na sia ang magalalga it's our decision it's our child choice..that's my point of view..:)
    anymways GODBless you Bm..:)

    ReplyDelete