6.11.2009

Sumpa ni Calypso


Si Calypso eh junakis ni Baklang Atlas. Remember him? Sa Greek mythology mga vaklushi... Si Atlas yung inspirasyon ni Madam Shawie sa "pasan ko ang earth"... Si Atlas yung pumipigil na maghalikan ang langit at lupa para hindi magsalpukan at madurog ang pokiams na sangkabaklaan...

Itong si Atlas eh isang Titan na natalo sa digmaan, kaya me punishment si bakla na magbuhat ng langit. At itung si pokpok na Calypso eh kumampi sa tatay nya, kaya pati sha eh nadamay sa kaeklatan na parusa.

Anong nangyari ke Calypso?

Mabuhay na manag-uli sa isang isla. ALONE. Forever. Like totally!

Sa bawat isang libong taon, ang mga thunder cats na tagagawa ng kapalaran, eh magpapadala sila ng isang machong papa na magpapa-inlavavoo ke Calypso.

A man she is destined to fall. But a man who will never choose to stay.

At magiging mag-isa uli si baklita. As in mago-moment sha mag-isa kasi nabitin na naman si potah. Magtya-tyaga sha uli sa serbisyo nina Kelly Kamay at Dolly Daliri. Iiyak at magwawala at sasabunutan ang sarili at iuumpog sa pader at magpapakamatay. Pero si ateng ay jisang imortal, kaya mananakit lang lahat ng kasu-kasuan ni bakla pero never shang mamamatay.

Magtitiis na lamang si katimora at mag-eemote na mag-isa. Yun lang ang constant sa buhay ni nini.

MAG-ISA.


But I believe it works in both ways.

Destined na ma-fall si Ditse sa lalaking napadpad sa isla nya. Pero ang lulurki, destined din sang ma-inlove kay Ateng Calypso. It's inevitable.

At habang papalayo ang balsa ni kuya, habang sumasagwan sha pauwi sa kanyang pamilya, walang araw na hindi nya iisipin si Calypso.

She would always be his biggest what if.

4 comments:

  1. oh mga ateng.... share na kayonchi ng mga what ifs nyo sa sirkol op layp... yung aken niks taym na lang...

    wai na magpatumpik-tumpik...kabog na mga sisbumba!

    ReplyDelete
  2. Haha. Kung ako kay Calypso. Magbblog na lang ako. Maraming methol sa internet. Wafu pa! :)

    ReplyDelete
  3. naman naman. hehehe. ateng. dalaw ka naman sa blog ko. at magiwan ka man lang ng komento. hehehe.

    ReplyDelete
  4. tama c acrylique, magbablog na lang ako ng bonggang bongga..

    ReplyDelete