Pano ka Kumembot sa Haggard na Break Up?
Mega survey sa ofis ang mga pasaway na ofismate ko. "How did you survive your last break up?" Kumusta naman ang topic, mashadong related sa workaloo. Pero kahit na, sangkatutak talaga "mapag" sa mundo... as in MAPAGPATOL. So shempre nakisali ako, pumatol din ako sa sarvey ni Kuya Goma.
Nakakawindang ang mga sagot! May uminom, umiyak at naligo sa ulan. May kumanta ng "halik" "ulan" at "luha" shempre by Aegis. San ka pa, may sumandal sa dingding at humagulhol habang dahan dahang napapaupo. May nangolekta ng krayola at itinapon ang lahat ng kulay maliban sa black kasi daw "wala ng kulay ang mundo pag wala sha".
Napaisip tuloy ako. How did I survive my own breakup?
Tatlo pa lang masasabi kong breakup na naranasan ko. Yung pangatlo ikukwento ko sa next blog. Parehong ikinasal naman yung dalawang nauna. Mga walangya!
Yung una, mega iyakan kami sa car habang nagda-drive sha. Hinahabol kami gn hagad pero wa ako care. Crylaloo lang along the kahabaan ng kalye ni Epifanio delos Santos (EDSA ateng, wit ka naman slow davah) Kelangan na namin mag-babye moment kasi jontis na ang fiance ng lolo mesh. Tumuloy kami sa Baklaran before kami maghiwalay. Baklaran talaga?! Pwamis trulili itech.
Tinupad nya yung wish ko na makapagsimba kasama yung taong mahal ko at maiharap sha sa dambana. Dahil knowings ko naman na wichiririt nya ko mapapakasalan, eh di the next best thing na lang. Yung maipakilala ko lang sha dun sa nasa Itaas na gumawa sa kin.
Walang sinabi ang baha sa espana nung gayahin nya yung pinaka-iniyakan kong linya sa Love of Siam: "Hindi man pwedeng maging tayo, hindi ibig sabihin non na hindi kita mahal." Ganda ko davah?!
Hindi man kami ikinasal, at least nasabi ko sa Dyos na "Lord, eto sha oh. Kung sa kin talaga, ibigay mo na pls, now na! Kung hindi naman akin, bawiin mo na habang kaya ko pa."
Binawi nga... si Lord talaga di na mabiro.
Yung pangalawa, ineexpect ko na rin kasi nga nagpakasal na rin, ako pa daw gagawing witness sa kasal. Utot nya! Pagkatapos magpakasal, nanganak naman. Dun pa sa araw na pupunta kami dapat sa Puerto.
Basta na lang sha nawala. Tangay nya yung susi sa bahay ko. saka susi sa puso ko. Pati ata susi ng puday ko, ahihihi...
Dun sa dalawang instances na yun, umiyak lang ako ng umiyak. Binigyan ko ng taning ang sarili ko. 10 days. Nag-wallow ako sa pag-eemote.
Bumili ako ng asukal. Nagmatamis ako.
Bumili ako ng sampalok na hilaw, kamyas, balimbing, santol, manggang hilaw at datu puti. Nagmaasim ako.
Bumili rin ako ng ampalaya at poster ni Bitter Ocampo. Anu pa ba eh di nagbitter-bitteran ako.
For ten days, as in pamper to the max.
Nung tenth day, evaluation. Keri ko na ba mag-cartwheel ule? Ang 10-20 at one by one, two by two magagawa ko na ba with grace? Makakapag-cheerdance na ba ko with matching pep bloom? carry ko na ba mag-production number kasayaw ni Kuya Dick at Ate Vi?
HINDI PA.
So, five days ule.
Buysung ule ng pampatamis, pampaasim at pampapakla. Bumili rin ako ng maraming krayola para magkaron ng kulay ang mundo ko. Chararat!
After five days, tapos na... no extensions, tama na ang pag-iinarte.
Kaya nakipagkembangan ako ule ng bonggang bongga. Nakipagkembutan ako ng galore na galore. At nakipag-chukchaktienes ako ng panalung-panalo.
Yan ang style ko.
Hindi ako swan. Kalmadong kalmado sa ibabaw pero haggard na haggard na pala kakakawag sa tubig para mega floating ang baklang swaninella. Hindi rin ako si Krystala este Juday na me timing ang bawat patak ng luha. Hindi ako lalo si Charlie Chaplin na pag umiiyak eh nagtatago lang sa ilalim ng julan para hindi mahalata.
Pag gus2 kong mag-cryola, ka-cryola talaga ko. pag gus2 kong kumembang (o magpakembang) shushuwad akechi. at pag betty la fea kong mag-concert -- eh di kakanta ko! sa tonong mga becky mae lang ang makakasabay.
Ikaw? Pano ka bumabangon sa lusak? Wahehehehe.....
ipinapangako ko lang sa sarili ko na babangon ako at dudurugin ko siya hahahahahaha
ReplyDeletebongga naman si YJ... dudurugin talaga? hahahaha!
ReplyDeleteako naman. hhmmmmn. parang hindi ko pa ata naranasan yung ganyan. kasi ako ang kumalas.
bakla andrama pala ng break ups mo. dinamay mo pa ang crayola! hehe. behind those kagaguhan mo e me pain ka pala deep inside. feeling ko ksi kembot ka lng ng kembot hehe.. dun nmn sa question mo e, di pa nmn ako nlungkot o ngng mdrama ksi never pa nmn ko ngka bf! ilusyon ko lang na me mga ngng ex ako. wahahaha
ReplyDeleteako kapatid sa pagkakatanda ko alam mo un...nagmekaniko ng nearest na nakapark na kotse...pro ang totoo..crylalooo ang ateh mo...witness kita dun davah.....
ReplyDeleteandrama! :0 ako ata, super laklak ng gilbey's sa rooftop sa taas ng water tank pa mismo. ayun, kinaumagahan, andun pa rin ako. may natutuyong suka sa tabi ng mukha.
ReplyDelete