6.03.2009

Me Tatay Pa...

Wag nyo sanang isipin na napakalandi ko ha.... ayoko lang maging madamot. Kung gusto nila kong tikman, eh di tikman nila ko di ba? Be generous! Spread love! Populate! (as if naman dadami ako). Eh kahit mabasa ako ng tubig di ako dadami ala-gremlin. Asexual ata ang pagre-reproduce naming mga badet.

Pasintabi sa kalndian ko, kasi... Me bagong cast... si Tatay...


Intro ulit tsaka preface tsaka foreword.

His name is Jeffrey. Jepoy nickname ng lolo mo. Pero tawag ko sa kanya "Tatay" at ako naman si "Mamay". Halos kaedad ni Magic. Mas matangkad nga lang sha. At mas malambing. At mas sweet. At mas showy. At mas expressive. At mas possessive. At mas romantic. At in fairness mas sexy.

Bayaw si Tatay ng pamangkin ko. So again not related to me hehehe. Pero lagi sha andun sa haus ng pamangkin ko kasi close silang magkuya. Dumadaan-daan din lang sha dito nung nakilala ko. Pero shy type ang lolo mo kaya di ako pinapansin ngumingiti lang sha pag nagha-hi ako.

Then nung bday ni Jonel, andun yung kuya nya and sinama sha sa inuman. Lasing-lasingan ang drama ng mga canton boys. In fairness marami akong pulutan non. Mga manginginom hehehe.

Pagdating pa lang nya pa-sweet na ang drama ng lolo mo. Shempre tabi kami eh kaso super sikip ng venue so share lang kami sa armchair. Nun magkatabi na kami nagulat ako kasi me number ako sa phone nya. Yun pala, nung minsang nalasing ako at sinugod ko si Totong (ibang kwento yun) eh nakasalubong ko pala sha at 30 mins ko daw pinindot ang phone nya para lang ilagay yung number ko. At nagtetext daw sha kaso di nagpakilala kaya deadma ako.

Bakit ako magrereply eh di ko naman kilala yung number. Ano ko? Kaladkarin?! Hindi ah!

Dun sa party, subo sha ng subo sa kin... ng pulutan! Share kami sa Lala, chicharon, balat ng baboy, tenga ng baboy, pati sa buntot ng baboy. At lahat ng yun eh isinusubo nya ha. Mega punas din yan sa lips ko pag uminom ako at nabasa ang labi ko. Gamit ang kanyang mga daliri. Parang eksena sa pelikula, tapos may background song na"Multong Bakla".

Me isang hilig sha na di ko mawari pero nasasakyan ko naman. Me candy sha lagi. Max na pula. Pag medjo kalahati nlng, sasabihin nyan "May, kendi" tapos isusubo yung kendi na kalahati sa kin, at ang daliri na nalawayan ko eh sisipsipin nya. Hay! Pag gumaganon sha feeling ko yung hair ko eh umaabot ng Antipolo. Tapos after mga five minutes pag maliit na yung kendi eh hihingin nya ule, kukunin nya sa bibig ko at isusubo sa bibig nya.

Nung minsan, bday nung apo ko na pamangkin ni Tatay, eh kaming dalawa ang bumili ng cake. Ang nakasulat, "Happy 2nd bday Kaila, love Tatay and Mamay" Shempre sa inuman tabi kami. Eh naparami sha ng inom kaya umuwi muna ang lolo mo para mahulasan.

Enter the original bowa. Si Pa dumating at nakiumpok sa min. Naturalmente (anudaw?!) eh sya ang katabi ko davah? Soa yun bulungan na kami ni Pa ng sweet nothings (mas lamang yung nothing kesa sa sweet)... biglang dumating ang Tatay. Kinuha ang kamay ko, at hinila ko sa tabi nya. At saka ako kinamkam. As in bawal tumayo, bawal umalis ng di ko sha kasama, at bawal makipag-inuman sa iba. Me sarili kaming bote, churi ka.

Kaumpok din namin ang ama ko. As in biological father mga ateng. Si Ambo. Aba, tinuro ko, sabi ko "Tay, yun ang tatay ko." aba windang na kung windang, maski si Totong natulala, nung sumagot si Tay ng "Ay musta po, sir. Ako po pala si Jepoy, dyowa po ng anak nyo."

After that, naupo kami uli sa pwesto namin, at biglang kumanta si Tina Paner. Because we kissed. Full. On the mouth. With tongue. Yung makapigil-hiningang kiss. Yung parang me camera na umiikot sa min. Yung kiss na parang walang hanggan. Pero isang saglit lang yun. Ang tamis ng una naming halik.....

Kami pa rin ngayon. Fortunately, sweet pa rin sha. Cuddly pa rin. We still kiss, though not as hot and as passionate unlike nung first.

Nothing beats the first kiss talaga. Kahit di namin first time pareho, it was the first kiss we shared, and it wouldn't be the last.

Mabuhay si Tina Paner! Mabuhay!

7 comments:

  1. puta kang bakla. bonggang kalandian na yan. hahaha! para kang yung friend ko... hindi nakukuntento sa isa. hahaha! eksenadora ka ngang talaga! nyahahaha!

    hindi ko kineri ang palitang kendi. bongga dat!

    ReplyDelete
  2. bakla sila pala ang canton boys hehe. sila ung nkita ko sa frenster mo. at least dito nabigyan mo sila ng justice wahahaha. me profile tlga sila at nilagay mo din kung pano mo sila nakilala. iba ka tlga bakla! pero sana unahin mo muna thesis mo bago kalandian hehe.

    ReplyDelete
  3. pa-cute na hagikhik lang akengkay... ahihihi...

    @dilan bakla di naman akechi malandi, generous nga ateng... pero di ba panalo ang palitang kendi... bumili na nga aketch ng isang supot na max...

    @anonymous, baklang praning i know you ateng... uu naman kekembangin ko ng bonggang bongga ang thesis ketch, kipay kung kipay ako dis semester, chararat!

    ReplyDelete
  4. ay. ask ko ang papey na mag-max kendi din kami. Kaluka itich. Jinggit ever akez.

    ReplyDelete
  5. panalo ka dito gurl! alam ba ito ng community mo???hahahaha

    ReplyDelete
  6. ang sarap ng feeling ng may bf na possessive. aw. :)

    ReplyDelete