Sobrang laki na kasi ng pagbabago sa buhay ni Magic, kaya di na kami ganong nagkakasama. Still, he was one of my closest friends sa iskwater. Everytime nakakasalubong ko sya, ngiti pa rin, konting asaran, update update, konting yayaan ng inuman, lalandiin ko, magpapalandi naman sya, pero hanggang ganun lang kami lagi.
Ewan ko, pero sa lolo mo, tatlong ex-girlfriend ata nya ang umaway sa kin. Yung isa sa FB, yung dalawa sa text. As in away na pang-balahura mam! Tipong umaasa ko sa wala, bakla ako kaya di kami tatagal, babae pa rin daw ang hahanapin ng lolo mo, ang tingin lang daw sa kin ni pogi eh seiko wallet na maswerte, tinawag pa ko ng kung anu-anong kind words: baklang matanda, matrona, tomador na chup*ero, anik anik, chenez chenez. Akalain mo yun?! Ma-threathen ba?! Eventually eh nabuntis nya yung isa, nagsama sila, and nagkaanak. Ayun, ninang ako ngayun, at kumare ko na si bilat. Hehehe.
Impernes ke Chupul, he made his life turn around. From twink to entrepreneur! He now manages his own computer shop, at dumog talaga lagi, kasi me price range pa yung stations depende sa bilis at capacity: 10 pag LAN games lang, 12 pag me internet games, at 15 pag me internet na rin at games. Bonggels d ba? Kumikitang Kabuhayan 101!
Nung una, di na ko napapagawi dun sa pwesto nya. Mejo nasa gitna kasi yung balur nila sa Iskwala Lumpoor, at gumogora na lang sha sa balur kapag me hihiraming pirated dvd, o yun mismong portable dvd player. Pero nung malapit na akong umalis, napansin ko na lang na madalas na kaming nagbo-bonding ulit, umiinom, nagsa-soundtrip, me pasalubong pa sha sa king chichacorn. At shempre ang venue namin, dun sa shop nya, so si wifey andun din. We became friends kahit papano, and I started to appreciate her good influence on Magic.
Before ko makilala ang lolo Magic mo, may isa na kong crush sa Iskwater na kabilang sa family tree nya: si Tito, ang Super Mario Whiz ng aming henerasyon. Sya ang unang nakatuklas ng hundred lives, ang unang nakasagip kay Princess Peach, ang unang nakatalo sa mga pagong na me armor, at nagawa nya yun sa ilalim ng mahigpit na time constraint na 3-minutes/piso na hulog-barya slot. Sya rin ang original na yummy sa Iskwater. Tipong baby bra pa lang akez, heartthrob na sya. Tipong di na dumaan sa pagka-twink, hunk na agad.
One time na nomoan namin sa shop, kasali si Super Mario. Ayun, tinodo ko na lahat ng paglandi. Kesehodang nasa taas lang ng balur si jusawa nya mam, at keber na kung andun din si kuya at si pamangkin. Dedma si Magic mam, me bantay. Kaya ke Tito ako hihihi. Hala inom, parang wala ng bukas, itaob ang bandera ng redhorse, na akala mo eh me marathon ng pagpapahirap sa mga atay. Wala namang nanalo sa min, lahat eh natalo ng kabayong mapaghimala.
At dahil nga mapaghimala ang kabayo, si Super Mario, nilabas ang mushroom sa tabi ko! Di na kailangan ng umpugan ng bricks, lumaki na agad ang mushroom! Naloka ko ng slight, at napatingin sa paligid. Ngenge na pala lahat, at kanya-kanya na ang mga tao sa kwentuhan at tawanan. At kelan naman ako naging matimtiman di ba?! Sunggab agad si bakla, kinandili ang kabuteng pinagpala. Maya-maya eh sumenyas si kuya na exit daw sha at sunod ako sa trail of bread crumbs nya, kaya sumegway na rin ako palayo. Shempre ever-efficient ang balur, kaya ayun, naka-hundred lives din ako ke Super Mario! Naka-1UP ako ng wala sa panahon. Biglang nagbuga ng apoy ang flower ko ning! At ang tubo ni Super Mario, dinala ako sa warp world, kung saan ang mga beki ang likas na magaling sa paggamit ng joystick, at ang game over ay nagaganap pag nagsuka na si Luigi. Anong laban ni King Kuppa sa pagkupa ko ke kuya?! Kaya nung bumalik kami, kasya ata limang pagong sa ngala-ngala ko. Bumili muna kami ng dalawang balot, and back to regular programming na sa umpukan.
Ang saya ko lang di ba?! Only to go back to World War III! Napansin pala ni Princess Peach (losyang version) na nawala ang jowa nya, at naghuhuramentado na si ate sa galit. Pagdating namin, mam sound effects na lang narinig ko -- hinampas si Super Mario ng bote ng redhorse sa mukha, at saka pinagmumura na rinig mula Cubao hanggang MOA. Syempre awat kami di ba? Me sugat sa kilay si Super Mario, at naghubad na ng shirt para ipang-ampat sa dugo. Nagwawala pa rin si ate, and then, para bang sina-psych nya ang sarili nyang kumalma, bigla shang quarter turn paharap sa kin, sabay bitaw ng linyang di ko pa rin malimutan: "Magkano mo binayaran ang bayag ng asawa ko?!"
"Uhmm... Dalawang balot?" Napangiwi lang ako sa sagot ko, si ate natigilan din, sabay lingon sa asawa nya at saka biglang tumawa ng malakas.
"Ahahahaha! Putang ina mo kang hayup ka! Ako ayaw mong karatin, tapos ngayon, para sa balot, nagpahada ka! Leche ka talaga!" Biglang hinila ni ate ang braso ko, sabay "Tara, neng, bilhan mo rin ako ng balot! Sumakit bangs ko sa puki ng inang to!" At pumunta nga kami sa kanto para bumili ng balot habang naglalahad ng sama ng loob si ate. "Alam mo, ok lang na pinatulan ka ng asawa ko. Kesa naman sa kung sinong pokpok jan sya pumatol, ni hindi ako mabilhan ng kwekwek man lang." Marami pa shang eksena, di ko na naintindihan. Naputol lang ang litany of miseries ni ateng nung biglang me kumalabit sa kin, and I felt relieved. Sinusundo na ko ni Magic.
Saka ko lang naalala na si Magic nga pala ang sine-separation ko hihihi. Kasi naman ang kabute ni Super Mario, nakakalurkey! Balik kami sa jinuman, me salpak nang penoy sa esophagus si wifey, binilhan ko na rin ang jowa ni Magic, baka sakaling maka-1Up din ako sa lolo mo habang busy si ate sa pagsipsip sa penoy na basa. Kaso nahalata na ang MO ko, kaya wititit na uubra sa kinauukulan, isip na lang ng ibang paraan. Inubos na lang namin ang redhorse at tinuloy ang kwentuhan. At dinedma ang duguang kilay ni Tito.
Me iba pa palang ulterior motive ang lolo mo. Binyag ng baby nya sa Linggo, at ewan ko ba, naging kalakaran na ata sa mga batang ama na to, na matik eh ninang ako. Naman!!! Pang-ilan na yan ah! Pero shempre di ako tatanggi. Para sa kung anuman ang tawag sa amin. relasyon, nakaraan, pinagsaluhan, pagkakaibigan, it's still an honor. Fairy godmother uli ang drama ko, reregaluhan ko si baby ng traits at values worthy of a princess!
Matapos ang maaksyong inuman, gora home na ang beauty kez, para sa beauty rest for the binyagan kinabukasan. Off to dreamland si bakla nang lawlaw ang kalabi, na-stretch ba naman to the nth power, na-test ang elasticity ng bibig ko mam! Nawa'y bumalik pa sha sa dati nyang porma! Worried akengkay mam! Etching! Nag-text pala muna ako ke Magic kung saan ang binyagan at baka wiz ako magising ka pagkaka-orlok. Reply ng lolo mo: Subic...
Tenenenen nenenenen....
Bandang alas-nueve, ginising ako ni mudra. "Nak, andito na tayo, gising na." Linga-linga rin, hikab-hikab pa, pupungas-pungas sa pagsilip sa gilid ng jeep. Uy, uu nga! Subic na! Sa wakas! Kapagod byahe ha, ang layo din! Binaba namin ang mga gamit sa cottage at nadismaya pa ko, kasi walang buhangin! Sementado yung part ng cottage, at parang pader sha, paglagpas sa semento eh dagat na agad, hanggang dibdib. Walang beach teh?! Gusto ko pa namang maglakad-lakad sa dalampasigan habang nangungolekta ng kabibe at lumot. Ay, wit na choosy! Di naman ako nagbayad! Tsaka andito rin yung kapatid ni Ate Minda, yung crush ko dati pa. Makalantari ko sana! Trip kong manghuli ng salabay ngayon, samahan sana ako ni kuya!
Sinama lang naman ako ni mother hen ditey sa bday ng inaanak nya sa Iskwater. Yung cute na batang kasama lagi ni Ate Minda. Kagwapong bata! Ang lalim ng mata, makinis ang kutis, yung ilong nya di ko ma-explain -- tipong matangos pero pango. At ang labi, pamatay! Me buntot pa yung buhok, nakikita ko na, potential kilabot ng mga beki at bilat to paglaki. At kabata-bata pa eh me attitude na! Ayaw makihalubilo sa mga batang Iskwater na kasama, eh dun din naman sha nakatira! Basta hindi nya lang feel, parang born for the finer things in life ang arrive ng bubwit, sarap kutusan! At the same time, ang sarap ding hintaying lumaki!
Matapos ang customary blowing of candles at kanta ng happy birthday, pati shempre ang pabitin, pukpok-palayok, stop dance at trip to jerusalem, languyan na. Sa wakas, maipraktis nga yung langoy-aso at floating kong style. At dahil cute na cute nga ako dun sa bubwit, nilapitan ko ang snobbish na birthday celebrant habang nakasakay sa salbabidang kaduda-duda. Aaliwin ko lang, baka umamo sa kin, potential bowa rin to in the distant future!
"Hi little boy! Marunong ka bang lumangoy?" Ang friendly ng approach ko ha, willing pa kong turuan syang lumangoy. Aba ang malditong bata, sinabuyan ako ng tubig-alat sa mukha!
"Ayoko sayo! Bakla ka! Alis jan! Alis!" With full conviction, na-out ang pagka-nene ko mam! Wala akong nasabi! Taenang bubwit to, lunurin ko kaya?! Pasimple ko ngang hinila yung paa sa tubig, at nung nasa baba na nya yung tubig at papalubog na sya, saka lang kamo umiyak ng malakas ang batang bratinella, at nagsisugod na nga ang batalyon ng buong pwersa ng mga Palermo hehehe.
Pati si crush lumapit din, inaasar pa ko. "Hala ka, pinaiyak mo! Lulunurin ka ng lola nyan hahahaha! Yaan mo, sasagipin kita!" I-mouth-to-mouth sana ko... Hihihi. Ang siste eh paborito pala ng buong angkan ang batang maldito, kaya spoiled ang tinamaan ng poknat na bratinello! Napagalitan pa tuloy ako ni mudra. Di bale, naging close naman kami ni crush. Pero pag-uwi ngitngit na ngitngit pa rin ako sa batang bubwit. Sa byahe, kahit nakakatulog na ko, bumulong muna ko sa hangin...
"May araw ka rin..."
Paggising ko, napangiti na lang ako... Kasi 10 years after, nung 17 na ang batang bubwit, nagkita kami ulit, naglandian, nag-asaran, nag-inuman, nagkalapit, naging magkaibigan.
My separation with Magic started a long time ago. He's proven himself that he can do greater things, and I've never been prouder. Dati pag nakakasalubong ko sya sa Iskwater, umaakyat ang bahay bata ko at nagpapasirko sirko ng todong todo. Dati ang tingin ko sa kanya, pinaglihi sa pagnanasa, naglalakad na ulam, sugo ng demonyo para magkasala ka ng walang humpay. Ganun sya kagwapo sa paningin ko.
He's still as yummy as ever, mas may laman na nga lang sya ngayon, hindi na twink ang dating, tatay na. And mas may substance. Sa kanya, halos nagpaka-Mama Trony man ako dati, no regrets. He's worth it. He was destined to outmaton me, and he did. Fortunately for both of us, tulad ng napakaraming lalaking dumaan sa bahay ko, at tumambay sa buhay ko, our "thing" went from physical and superficial, to friendship and familiarity. From I need to I have; from give me to this is for you; from something temporary, to something substantial and significant... to something that would last.
Cause I was born to tell you I love you
and I am torn to do what I have to, to make you mine
Stay with me tonight
and I am torn to do what I have to, to make you mine
Stay with me tonight
And I'm tired of being all alone,
and this solitary moment makes me want to come back home...
But hold your breathe
Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a boy like you is impossible to find
Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a boy like you is impossible to find
You're impossible to find
To Magic, kampay! From "Iskul Bukol" to "chichacorn", I had fun. It's been fun and great. I'll treasure everything for the rest of my life.
To bekis out there, kampay! Don't be afraid of taking risks. May mga boylet na atm ang tingin sa tin, pero meron din namang mga... Magic.
Go find your own bliss, Bekilandia... I'm rooting for you to find happiness.
ikaw na BM!
ReplyDeletekahit kelan hindi ako na-bore sa mga post mo lalo na itong mga separations mo.
nakakaloka ang tito ha! kabog! ehehehe :) san bang skwater yan, parang bet ko mangupahan :)))
hay naku dilan, anjan lang sa tabi-tabi ang iskwater.. kahit san ka pumunta makakakita ka ng ganyan...
Deletelahat ng separation malungkot. this post probably the lightest you've written. may puso basahin.
ReplyDeletesi magic ba yung batang nag wisik ng tubig sa'yo? hehe
tado! hihihi... salamat sa pagbabasa...
Delete"Magkano mo binayaran ang bayag ng asawa ko?!"
ReplyDeletethis is the most epic line I ever read. Di ko mapigailan ang pagtawa!!!
haylavyou BM...
Dyosa! amishu! pecha na ngayun ka lang dumaan uli... =)
DeleteAt ngaun ko lang nabasa tong reply mo...ahahaha..
DeleteMejo busy akis sa resort ko dito sa upper lands in Antipolo...hahaha...
Lagi akong napapadaan...nakakaasar kasi ung per capchta